“Brant, hindi mo naman ako kailangang samahang mag-shopping. Kaya ko naman ang sarili ko,” sabi ni Bianca habang papunta sa ladies’ section ng department store. Lumuwas siya ng Manila para mamili ng damit sa gaganaping engagement party ng kaibigan niyang si Bernadette. “Nandito na tayo. Ano ba ang inirereklamo mo?” “Marami ka pang trabaho,” sagot niya at tumigil sa may accessories section upang tingnan ang mga jade bracelets. “Ayokong makaabala.” Gusto sana niyang mag-isang luluwas sa Maynila. But he insisted on driving her. Hindi siya komportable na may kasamang lalaki na mag-shopping. Parang wala siyang kalayaang kumilos. Alangan namang hayaan niya itong panoorin ang mga kaartehan niya sa pagpili ng damit. “Sino ang nagsabi mong abala ka sa akin?” Nakasimangot niya itong hinarap

