Nagkislapan ang mga kamera pagkababa namin ni Bardoss sa sasakyan. Gaya ng palagi kong ginagawa humawak ako ng maige sa braso nito at nagplaster ng isang ngiti sa aking mukha. Smile as long as you can in front of other people especially in front of a camera. Para hindi panget ang kalabasan ng mga stolen shots na kinukuha nila. Isang payong kaibigan mula kay Bardoss Yueco. Hindi ko alam kong anong klaseng party ang pinuntahan namin ngayon ni Bardoss. Ang sieste kasi bigla nalang akong pinagbihis ng gown at pinaayos ng bongga. "Hi Miss, I am Sandra from Gossip Magazine. Would you mind if I ask you questions?" Anang babaeng lumapit sa akin. Naiwan akong mag-isa dito sa table dahil may nilapitang kakilala si Bardoss. Tumango lamang ako at tipid ngumiti. There's no way I could send away a

