LUCRESIA Nakalabas na si Ikay sa hospital. Kailangan niya mag-undergo ng treatment para sa kanyang trauma. Good thing at mayaman pala ang kapatid ko kaya afford na nilang mag-hire ng personal Psychiatrist. "My, ayaw ko na po.." Sinusubuan ito ng mommy niya kahit kaya naman nito. Nangingiti ako habang nakikinig kay Ikay. Hindi nga pala siya si Ikay. Siya pala si Victoria Tan -- si baby Tori. Pinunasan ng Mommy Rebecca ang gilid ng bibig ni Tori. Nakikita kong mahal na mahal siya ng pamilya nito. Naalala na ni Tori ang lahat. Alam na niyang sila ang totoong pamilya niya. "Baby, do you want Daddy to buy something for you?" Tanong naman ng daddy nito na nakaupo sa gilid ng kama. "Wala po, dy.. Gusto ko lang na kasama ko kayong matulog tonight. Hindi ko na kasi pwedeng ayain si Ate dito s

