Kabanata 12

3024 Words
"WHAT happened?" he asked. Kunot na kunot ang noo ni Jacinto. Wala siyang ideya kung ano ang nangyayari. Nandito siya ngayon sa bahay ng Lola niya. Bigla kasing tinawagan si Jacinto ng nurse nito. "Wala naman po. She's fine, kaso nga po hinahanap niya po kayo, may importante raw po sa inyong sasabihin," magalang na sabi ng nurse sa kan’ya. Tumango lang si Jacinto. "Nasaan si Lola?" "Nasa kuwarto niya po, nagpapahinga. Gising naman po siya.” Tumango lamang ulit si Jacinto pagkatapos ay agad siyang nagtungo sa kuwarto ng kaniyang Lola. "Hi, 'La," bati nito. Naabutan niya lang ito na nakahiga at tulala lamang sa kisame ng bahay ng Lola niya. If he'll describe their family house, masasabi niya na sobrang luma na nito but it’s still beautiful in his eyes. This house is one of the traditional houses that still stand in the Philippines. Ayaw naman itong patibagin ng Lola niya or ipa-renovate nang sobra. Sinabi ng kaniyang Lola noon na habang nabubuhay siya ay walang gagalaw sa bahay na 'to. She treasures this house so much. Kung tama pa ang pagkakaalala ni Jacinto ay ang pamilya niya ay nabibilang sa mga mayaman noon. Ang kaniyang Lolo sa tuhod ay may lahing kastila. Mapapansin din 'yon sa mukha ng pinsan niya. Hawig na hawig ang pinsan sa isa sa mga ninuno nila. Noon niya pa napansin 'yon nang makita niya sa basement ang larawan ng kaniyang Lola sa tuhod. Ngunit hindi pa siya sigurado roon kung Lola niya nga ang babae sa tuhod. Sa tingin niya lamang. Wala rin naman kasing kumpirmasyon mula sa Lola nila. Ang iba nga sa pamilya nila ay hindi kilala ng binata. Hindi rin naman sila pinakilala kay Jacinto, sadyang nakita niya lang ang larawan nito sa basement ng bahay na ito. Wala naman silang nababanggit tungkol sa babaeng 'yon ngunit ang alam niya lang ay sobrang lapit talaga nito sa kanila. Paanong magkakaroon ng gamit sa basement ang babaeng iyon? At isa pa, kamukhang-kamukha ‘yon ni Lirah. No'ng una nga akala niya si Lirah ang nakapinta roon ngunit nakita niya kaagad na may kaibahan pa rin. "G-Gabriel?" Napabuntonghininga na naman si Jacinto. Napagkamalan na naman siya nito na si Gabriel, ang kaniyang Uncle, tatay ni Lirah. Kung hindi ang Uncle niya’y si Jacinto naman na kapangalan niya lang at palaging binabanggit ng Lola. "Si Jacinto po ako, 'La," nakangiting sagot ni Jacinto. Hinila niya pa ang isang upuan at inilapit sa kama ng kaniyang Lola. Doon siya na-upo. "Jacinto?" mahina lang ang boses ng kaniyang Lola. Nakita niya pa itong ngumiti. Sinabi niyang muli ang pangalan ng binata at sinabi rin nito na siya’y irog ni Stefania. Here we go again… Napangiti na lang din siya. Tuwing sasabihin niya na siya si Jacinto ay 'yan ang palagi niyang sinasabi. No'ng bata pa sila at hindi pa ito ganoon ka-tanda ay hindi naman niya sa kaniya ‘yon sinasabi. He just sighed. "Ano po 'yong importanteng sasabihin niyo sa akin?" He held her grandmother's hand. "T-Tumawag sa akin s-si Gabriel… sinabi niya sa akin na uuwi raw d-dito si L-Lirah… totoo ba 'yon?" Napangiti lang ulit si Jacinto. Buti pa si Lirah ay naalala ng kaniyang Lola. "Opo," sagot ni Jacinto. "Pigilan mo." Natigilan si Jacinto sa mariin na sinabi ng kaniyang Lola. "Lola? Ngayon na lang ulit siya magbabakasyon dito. What do you mean po?" Jacinto asked. "Basta, Gabriel, huwag mong papuntahin ang anak mo rito. May mangyayaring hindi maganda,” pahayag nito. Naramdaman niya pa na humawak din ng Lola niya nang mahigpit sa palad niya. "Lola, ako po 'to si Jacinto, anak ni Janice Clinton. Hindi ho ako si Uncle Gabriel," sabi pa ni Jacinto. Umiling-iling ang kaniyang Lola Benilda. "Hindi maaaring umuwi ang anak mo rito, Gabriel.” Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Ano po ang mangyayari?" "Huwag mo lang hayaang makabalik siya rito," mahinahon pa rin na sabi ng Lola niya. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang pumikit. Napabuntong-hininga na lamang muli si Jacinto. Nakatulog ang Lola niya. Hinalikan niya lang ito sa noo pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto ng Lola niya. He took out his phone and dialed the number of Lirah's father, Gabriel. Agad naman itong sinagot. "Hi, Uncle," bungad ni Jacinto. "Oh, hi, Jacinto. What's up?" he asked. "Nandito po ako ngayon kasama si Lola. Bakit niya po sinasabi na dapat hindi umuwi si Lirah?" tanong ni Jacinto sa kaniya. "Sinabi niya na rin sa akin 'yan pero sabi ng nurse niya'y posibleng epekto lang ito ng gamot na iniinom niya. Huwag mo na lang pansinin. Magpatuloy ka sa pag-aaral mo.” Wala namang nagawa si Jacinto kundi ang tumango-tango. At least ay hindi niya papakaisiping mabuti ang sinabi ng Lola. "Okay po, bye." Pinatay niya na ang tawag. Tumingin siya sa kaniyang wrist watch. He thinks that he needs to go. Nagpaalam na lang siya sa nurse ng Lola niya pagkatapos ay umalis na ito. Isang oras na lang ay maaring magsimula na ang karera nila ni Khrist. Sinadya niya talagang hamunin ang binata. Maybe, his father has a big point. Kahit na may naamoy siyang malansa tungkol dito. Maybe, he should just support Khrist, maaaring ito pa talaga ang magpalambot ng puso ng kaniyang kapatid. Huwag lang niya itong sasaktan katulad ni Mariella! Subukan niya lang. Tsk! Speaking of Mariella, hindi niya naiwasan na kausapin ito last two days… He shook his head, hindi niya na dapat isipin 'yon. Sumakay na siya sa kotse niya't nagmadaling umuwi. Pagdating niya roon ay agad niyang tinanong ang isang maid. "Kumusta si Tala? Bumaba na ba siya? Para kumain?" Tumango naman ang kausap niya. "Wala na pong trabaho si Kikay, tinanggal na po siya sa trabaho ni Madam Tala," the maid informed him. Napa-facepalm na lang siya. "Ayusin niyo kasi ang pakikipag-usap sa kaniya next time at huwag niyo siyang sasagutin. Huwag kayong kukontra sa anumang sasabihin niya," paalala ni Jacinto. Mukhang kailangan niyang kausapin ang Tatay niya tungkol dito, kung dapat bang ibalik ang tinanggal sa trabaho ng nakababata niyang kapatid. "Sige po, Sir." "Nasaan nga pala siya? Nasa kuwarto niya pa rin?" tanong nito. Umiling naman ang kasambahay kaya naging dahilan ng pagkunot ng noo niya. "Umalis po siya, mga limang minuto lang ang pagitan tapos dumating na po kayo," saad nito. Lalo lamang napakunot ang noo niya. Saan naman pupunta si Tala? HE can't stop laughing at this moment. Na-uto niya ba si Tala kanina? Ayaw kasi nitong lumabas upang kausapin siya kaya naman nagpanggap lamang siya. Pero, ine-expect niya noong una'y hindi bababa ang dalaga kasi kailan pa nagkaroon ng puso si Tala? Ngayon pa lang…. A mischievous smile plastered on his face. Mukhang malapit nang gumana ang plano niya. It's time. He's here on the road where they're going to race. Ito ang lugar na sinabi ni Jacinto at susunod lang siya rito, tutal siya ang nanghamon. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid. Marami-rami na rin ang tao rito. This race is illegal. Street racing, but they can handle it though. No need to worry, hindi ito ang unang beses na nag-street race siya. Nandito na lahat ng supporters niya, pati ang kay Jacinto. Ang iba naman ay nandito lang para manood. Khrist was really hoping that Tala would come. Pero, hindi dapat siya umasa sa walang kasiguraduhan! He looked at Alvin when he called his name. "You look nervous," natatawang sabi nito. "I am not," depensa ni Khrist. Hindi naman siya nini-niyerbos. He's confident na matatalo niya si Jacinto. No'ng nakaraang laban nila ay alam niya talaga na naka-chamba lang siya sa kaniya. "Anyway, Jacinto is here." Napatango-tango na lang si Khrist. "Great. Let's start soon," sabi niya pagkatapos ay natanawan niya na ang isang sasakyan na malamang ay ang gagamitin ni Jacinto. "Akala ko ba may plus one ka?" "Ang hirap niyang kunin," saad ni Khrist. "Sino mas mahirap, si Yella o si Tala?" Napaisip naman siya. Mahirap na rin ngayon kunin ang loob ni Yella. Gusto niyang bumalik sa kung ano mang meron sila noon ngunit nahihirapan din talaga siya. Si Tala naman, tsk. "Mas mahirap si Yella, malaki sama ng loob sa akin. Hindi ko alam kung magtitiwala pa siya sa akin ulit," sabi ni Khrist sa kaniya. Natawa naman si Alvin at tinapik lang ang balikat ni Khrist. "Alam mo, may sama rin naman ng loob sa'yo ngayon si Tala, 'di ba?" "Iba 'yon!" Itinigil ni Jacinto ang sports car niya sa may starting point ng race. Katapat lamang ng kaniyang sports car na gagamitin. Pagkatapos nang lumabas ni Jacinto sa sasakyan ay nagsi-hiyawan ang mga tao roon. Kaniya-kaniya rin silang pusta kung sino ang mananalo sa aming dalawa. Lumapit sa kaniya si Jacinto. He extended his hand and they shook hands. "Ano ang pustahan?" tanong agad ni Khrist sa kaniya. Ngumisi naman sa kaniya si Jacinto. Sa totoo lang, nakakaramdam na naman siya ng inis, animo'y ini-insulto na naman siya nito. Kung hindi lang talaga siya nagtitimpi… Kung hindi lang siya kapatid ni Tala, malamang ay hinamon niya na talaga siya ng suntukan. Kailangan niya kasi ng mga pogi points upang mapagtagumpayan niya ang kaniyang plano. "Ano ba 'yong gusto mong pagpustahan?" Jacinto asked him back. Hindi niya na rin maiwasang mapangisi. "Kapag nanalo ako, hahayaan mo 'kong ligawan ko si Tala. Hindi ka tututol sa lahat," panimula ni Khrist. "Kapag nanalo ka naman, titigil na ako." "Deal." Hindi niya alam kung ano ba ang biglang nagpabago sa isip ni Jacinto pero napangisi pa rin si Khrist. "So, let's start?" They grinned at each other. SHE has no idea why she’s here. She just follow her instinct na dapat daw ay puntahan niya ito roon… hindi naman siya magpapakita kay Khrist. And the kiss… she couldn’t get rid of that in her mind. Bakit ba kasi niya ito hinayaan na mahalikan siya nito? siya? Bakit din ba kailangan siyang halikan ni Khrist?! She couldn’t stop herself, napahawak siya sa kaniyang labi. Mariin pa siyang napapikit nang maalala niya ang eksenang iyon kung saan sobrang bilis ng pangyayari, when Khrist pulled her closer and gave her a kiss. She didn't kiss him back, actually, but she doesn't know! May naramdaman siya na kakaiba na hindi niya maintindihan. She suddenly remembers the scene while Jacinto and Lirah are talking. The time when Lirah experienced her first kiss with Kimto. Does she feel a spark like what Lirah has said before? She shook her head. She doesn't love him, so she's safe. Maybe, this is just her reaction! She was shocked as f**k! Napalunok siya sa kinatatayuan niya ngayon. Wala namang makakakilala sa kaniya rito, she’s wearing a hood. Nagsuot na rin siya ng sunglasses kahit na gabi. Para lang talaga hindi siya mapansin ng iba pang nanonood. Hindi naman sa nahihiya siya, ayaw niya lamang na makarating ito kay Khrist na talagang pumunta siya. Baka bigyan ito ng binata ng ibang kahulugan. She rolled her eyes. Baka isipin nito na tutal pumunta siya rito para manood, eh, papayag na talaga siyang magpaligaw sa kaniya. Iligaw ko siya, eh! The race between her brother and Khrist just started. Ito siguro ang unang beses na papanoorin niya ang kapatid niya na kumarera. Naalala niya na tuwing may laban ito ay palagi siya nitong gustong isama… but when she said no, it’s a NO. Then what the heck was she doing here? Malinaw pa sa isipan niya na she said NO to Khrist a while ago. She heaved a deep sigh. This race is actually illegal pero wala naman siyang balak mangialam o magsumbong. It’s not like his brother is involved here, wala lang siyang pakialam sa karerang ito. So the question is, what is she still doing here? Kung wala naman pala talaga siyang pakialam, eh, ano pa ang ginagawa niya rito? Bakit pa siya nakatayo rito at naghihintay kung sino ang mananalo. This isn’t funny. KASALANAN NI KHRIST ‘TO! “Malaki na naman ba ang pustahan nila?” Agad na napakunot ang noo ni Tala nang marinig niyang magsalita ang mga babae na nagsalita malapit lang sa kaniya. “Last time, 100,000 ang pustahan ng dalawa. Nanalo si Jacinto no’n, ‘di ba?” WHAT THEㅡONE HUNDRED THOUSAND?! “Ang laki no’n, ah, pero talaga? Kailan naman iyong naging laban nila?” Hindi maiwasan ni Tala na manlaki ang mga mata. Seryoso? Ganoon kalaking halaga ang pinagpupustahan nila rito? “Last last week, ewan hindi ko na maalala basta ngayong buwan lang pero parang last week lang, eh, present ako no’n, nagkainitan pa si Khrist at Jacinto. Sobrang lapit lang kasi nila sa isa’t isa pero kita naman na mas lamang si Jacinto no’ng nagsukatan sila.” Last week? Bigla niyang naalala ang bagong biling sasakyan ni Jacinto na gustong ibigay sa kaniya. Isa sa mga sasakyan na hindi niya naman tinatanggap. "Parang okay na sila ngayon," sabi ng isa. "I don't think so," sagot naman ng isa pa. “ Pero, ngayon ba? May ideya ka kung ilan ang pinagpupustahan nila?" Mataman lang siya na nakikinig sa kanila. “I am not sure pero narinig ko ang pangalan ni Tala yata.” Lalo lang kumunot ang mga noo niya. Bakit naman siya nakasali riyan? “Tala? Iyong kapatid ni Jacinto na pinaglihi sa sama ng loob?” “Oo, iyong babaeng akala mo kung sino. Akala mo anak ng president.” Napakuyom siya ng kamao. Ang kapal ng mukha ng mga babaeng ito! Anak talaga siya ng presidente, b***h! Her father is the president of their own company. Well, hindi naman siya dapat magtaka kung marami siyang haters. Pakialam niya ba? She just rolled her eyes again. Hindi niya na lang sila pinansin. Napatingin siya sa kalsada at natanawan niya ang dalawang sasakyan. Pabalik na ito at walang duda, nangunguna si Khrist Maraming tao ang hinihiyaw ang pangalan nito. Napairap na lamang siyang muli. Kaya mas lalong yumayabang, eh! Natapos ang laro. Halata naman na si Khrist ang nanalo kahit na kaunti lang ang lamang ni Khrist sa kapatid niya. Nakita niyang lumabas si Khrist sa kotse niya’t hindi niya maiwasang mapanganga. Sa true lang talaga ay napaka-guwapo nito. Hindi naman medyo maliwanag ang paligid pero may street lights na nagbibigay liwanag upang makita niya ang mukha ni Khrist. His dark brown eyes… his grins. Inilibot ni Khrist ang paningin niya, naging dahilan ‘yon upang mapatalikod siya. Hindi niya alam kung bakit napatalikod pa siya, eh, sigurado naman siyang hindi siya makikilala nito dahil sa suot niya! Tiningnan niya lamang siyang muli pagkatapos ay nakita niya na kasama niya na ngayon ang kapatid niya. Magkaharap pa na animo’y nag-uusap. Nakikita niya ng buo ang mukha ni Khrist pero hindi naman siya nito napapansin. Malamang sa malamang ay sa suot nitong hood at sunglasses. Ang kapatid niya naman na si Jacinto ay nakatalikod ngayon sa kaniya. Nag-uusap lang ngayon ang dalawa. Napailing-iling siya. Kailan pa naging okay ang dalawang ‘yan? The last time she have checked, magka-away pa rin talaga ang dalawa. Lagi naman pero hindi niya naman kadalasang pinapansin iyon noon. Siguro, it's time for her to get out of here. Tatalikod na sana siya ngunit naunang tumalikod sa si Jacinto sa kinatatayuan niya. Nakita siya nito. Hindi dapat siya kakabahan dahil may suot naman siyang hood at sunglasses pero nakatingin na si Jacinto nang diretso sa kaniya. Geez. Nakilala siya nito! Tumalikod na siya at saka tumakbo na lang papalayo. THE race went well. Khrist won. Kagaya ng sabi niya'y naka-chamba lang si Jacinto no'ng nakaraan. Siya pa rin ang mas magaling sa larangang 'to. But he's sad that he didn't see Tala come. Damn. Again, ano pa ba ang aasahan niya? Kailangan niyang maging maintindihin. "Huwag mo siyang sasaktan," sabi nito na agad siyang natigilan. He can't promise that. "Of course," wala pang kasiguraduhan na sabi nito. "Siguraduhin mo lang kundi ako ang babasag sa bungo mo." He saw Jacinto gritted his teeth. Napakibit-balikat naman lang si Khrist. "I won't," pagsisinungaling nito. He will just stick with the plan. Kapag nakuha niya na si Tala, iiwan na niya ito. Wala siyang pakialam kung magalit sa kaniya si Jacinto. Lagi naman silang magka-away, kaya ano pa ang bago? Mahihirapan lang talaga siya ngayon kaya kailangan niya ang pagsang-ayon nito sa panliligaw niya kay Tala. "All right. Tsk, as if naman makukuha mo loob ni Tala. Ako nga hindi ko makuha-kuha, palagi pa kaming nagkakasalubong sa bahay. Ikaw pa kaya.” Agad namang tumaas ang kaliwang kilay ni Khrist sa sinabi nito. May punto naman, napapansin niya rin talaga na hindi malapit sa isa't isa ang magkapatid. "Ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit hindi kayo okay?" Kinunotan lang siya ng noo ni Jacinto. "It's none of your business, Khrist. I have to go. Ayusin mo na lang ang buhay mo," sabi pa ni Jacinto. Hindi niya rin talaga inaasahan na magkakaroon sila ng conversation na ganito. Iyong tipong hindi sila nagkakainitan na dalawa. Akmang tatalikuran na siya nito pero bigla siyang natigilan. Nakita niya kung paano nanigas ang likod nito. Narinig niya pa siyang bumulong, "Tala…" Napakunot na rin talaga ang noo niya. Tala? Is she here? "Tala, what?" Agad na lumingon sa kaniya si Jacinto at bahagya pa siyang nagulat nang kuwelyuhan siya nito. "Hey, calm down. What did I do?" “Did you invited her here?” may diin sa bawat salita ni Jacinto. “Yes,” sagot ni Khrist. “Pero tumanggi na siya kanina and I didn't see her around.” Jacinto clenched his jaw. “Nakita ko siya ngayon,” sabi nito at dahan-dahan nang binitawan ang kaniyang kuwelyo. “She’s here.” “Where?” Inilibot pa ni Khrist ang paningin niya. “Tumakbo na paalis. Ayaw niya ng hinahabol siya kaya hayaan mo na lang,” sabi pa ni Jacinto. Napangisi na lang siya. "She came here to see me." Napailing-iling na lang din si Jacinto. “Huwag mo lang sasabihin sa kaniya kung ano ang pinagpustahan natin. She’ll get really pissed once she find out,” sabi nito pagkatapos ay tuluyan na siyang tinalikuran. "Okay." Hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD