SIMULA
"Shut the f*ck up!"
Khrist Andrew shrieked in annoyance. Hindi niya maintindihan kung bakit natalo siya sa karera. This was the first time na natalo siya sa karera. At ngayon, panay asar sa kaniya ang mga kaibigan niya.
"Paano ba 'yan 'tol? You lose, ang usapan ay usapan, you will accept the dare!" sabi ng mga kaibigan niya saka nagkatawanan. Nasa loob siya ng sports car niya. Ang sasakyan na ito ang mismong ginamit niya sa karera kanina.
Madilim na ang gabi. Tatlo sila sa sasakyan, siya ang nagmamaneho. Pauwi na siya pero bago iyon ihahatid niya na muna ang dalawang kasama niya sa kaniya-kaniya nitong bahay.
Halos hindi naman maipinta ang kan'yang mukha sa sobrang inis niya kay Jacinto.
Si Jacinto ang nakalaban niya sa karera. He couldn't imagine na natalo siya nito. Hindi niya matanggap ang nangyari ngayong gabi. He just what?! Natalo siya, alam niya sa utak niya na naka-chamba lang si Jacinto. Hinding-hindi siya nito magagawang talunin nang gano'n-gano'n lang.
Pero naiinis pa rin siya, except sa fact na si Jacinto ang nakatalo sa kaniya, isa pa ang kinaiinisan niya ay iyong perang nawala sa kaniya. Malamang sa malamang ay magagalit na naman sa kaniya ang kan'yang mga magulang kapag nalaman ng mga ito na ginamit niya ang halagang isang daang libong piso para lamang sa nangyaring karera. Okay lang sana kung iba ang nakatalo sa kaniya, at sa iba niya naibigay ang pera but?! Jacinto? The hell! Ibang usapan na iyon.
Sa totoo lang ay sa kaniya naman na ang pera niyang 'yon, allowance niya 'yon pero magagalit pa rin ang kan'yang mga magulang. Matagal nang tutol sa pagkakarera niya ang buong pamilya niya. Pero dito siya masaya kaya pinagpatuloy niya pa rin ito.
Dito rin siya kumita ng milyon nang hindi niya ipinapaalam sa mga magulang niya. Ngayon lamang talaga siya natalo sa karera! At ang mas nakakapag-init pa ng ulo niya ay ang katotohanan si Jacinto Clinton ang nakatalo sa kan'ya.
Hindi lamang sa karera niya kalaban si Jacinto, bata pa lamang sila ay may hindi na pagkakaunawaan ang dalawa.
"Ikaw ang may gusto, ikaw gumawa," tukoy ni Khrist sa dare na sinasabi ng isa sa mga kaibigan niya na si Allen.
Bago nila tinanggap ang hamon ni Jacinto ng karera ay may usapan na ang tatlo na kapag natalo siya sa karera ay liligawan niya ang babaeng walang ibang ginawa kung hindi ang magsungit na animo’y menopause na. Ang babaeng kasing tigas ng bato ang ulo. Ang babaeng kinatatakutan sa buong campus. Tala Maria ang kaniyang pangalan, ang babaeng kahit na minsa’y hindi nabalitaan na nagkaroon ng nobyo.
Hindi pinangarap ni Khrist Andrew ang babaeng nabanggit. Kahit kailan ay hindi niya ito magugustuhan, bukod sa masamang ugali ng dalaga ay si Tala ang nag-iisang kapatid ng kaniyang karibal, si Jacinto Clinton, ang lalaking tumalo sa kaniya sa karera kanina. Napamura na naman si Khrist nang maalala niya na natalo siya nito.
Natawa naman ang dalawang kaibigan niya, "Come on, alam ko naman na matagal mo nang pinagnanasahan si Tala," sabi ni Allen sa kan'ya.
"Oo nga, pabebe ka na naman!" sabi naman ng isa pa niyang kaibigan na si Alvin. Nagkatawanan ang dalawa habang bakas pa rin ang inis sa mukha ni Khrist.
“Pabebe, your face!” he hissed. “Kahit kalian ay hindi ako magkakagusto kay Tala!”
“Weh? Parang kahapon lang ay panay titig ka kay Tala,” sabi pa ni Alvin. Lalo siyang nainis. Lahat na lang ng bagay ay nami-misinterpret ng mga kaibigan niya. Kaibigan niya pa ba ang dalawang ito?
Ang totoo niyan ay hindi kay Tala nakatuon ang atensiyon niya, kung hindi ay sa taong nasa likod nito na si Mariella, ang babaeng minahal niya at minamahal niya ngunit hindi siya nagkaroon nang pagkakataon na iparamdam ang pagmamahal niya nang matagal sa dalaga dahil nahuli na siya. Sinayang ni Khrist ang lahat ng meron sila noon, and that’s his fault. Siya mismo ang gumawa ng bagay na ikasasakit niya.
Kahit na alam niya na sa sarili niya na kailangan niyang tanggapin, hindi niya magawa. Kahit sabihin niyang tatanggapin niya’y palaging may maliit na parte sa kan’ya na ayaw tanggapin, na may pag-asa pa silang magkabalikan ng kaniyang ex-girlfriend.
“Hindi si Tala ang tinitingnan ko noon,” biglang humina ang mga boses niya’t napabuntong-hininga pa siya. Natahimik naman ang dalawa niyang kasama nang maalala na si Mariella ay nasa likod ni Tala nang mga oras na ‘yon.
Tahimik lang sila sa biyahe hanggang sa i-park ni Khrist ang kaniyang minamanehong sports car sa tapat ng bahay ng isa sa dalawa niyang kaibigan na si Alvin. Bago pa man bumaba si Alvin sa sasakyan niya ay tinapik ng kaibigan ni Alvin ang balikat niya.
“Know what? Ang usapan ay usapan, bago tayo pumunta sa race ay pumayag ka na sa amin. You agreed, ‘wag mong sabihin na kaya ayaw mo ay hindi mo kaya o sad’yang natatakot ka lang kay Jacinto,” seryosong sabi ni Alvin, natawa naman ang isa pa nilang kasama na si Allen.
“Is he afraid of Jacinto or Tala?” Allen said, laughing. He turned to Khrist, “Takot ka siguro kay Tala kaya ‘ni minsan ay hindi mo siya niligawan.”
Napatingin si Alvin kay Allen, “Bakit niya naman liligawan si Tala? ‘Di ba nga mahal niya pa si Yella,” tukoy ni Alvin sa ex-girlfriend ni Khrist na si Mariella, Yella ang palayaw nito.
Mabilis siyang sumagot sa dalawa niyang kaibigan, “Hindi ko na mahal si Mariella, matagal na akong naka-move on,” mahinahon na sabi niya kay Alvin at saka tumikhim pa. Ang sinabi niya ay isang malaking kasinungalingan, alam niya sa sarili niya na mahal niya pa ang dalaga.
“Hindi naman na pala mahal eh bakit ayaw niya nang gawin? ‘Di ba kanina pumayag ka?” saad ni Alvin.
“In-uto niya lang tayo kanina na payag siya pero hindi naman pala,” Allen said. “I know na there are three person... possibly the reason why he don’t want to accept the dare; it’s either he’s still in love with Yella or he’s afraid of Tala and Jacinto.”
Nakaramdam na naman siya nang sobrang ini kaya hindi niya na naman maiwasang mapasigaw, “I AM NOT AFRAID OF JACINTO!”
“Then accept the dare, if you got her, iwan mo na agad sa ere ‘di ba?” sabi pa ni Alvin. Napatango-tango naman si Allen. It means he’s agreed with Alvin.
Natahimik si Khrist at napaisip, labag sa loob niya pero paano siya magsisimula?
“Ayaw niya ata, bumaba ka na, takot ‘yan malamang kay Jacin –“
“Hindi ako takot sa kaniya, okay?” inis na sabi ni Khrist sa kaniyang mga kaibigan. “Fine! I will court her.”
Pahinang-pahina ang boses ni Khrist nang sabihin niya ang bagay na iyon. Sumilay naman ang mga ngisi sa dalawa niyang kasama na animo’y panalong-panalo.
Bumaba na si Alvin sa kotse niya, nagmaneho siya ulit kasama si Allen at hinatid niya na rin ito sa bahay nila. Nang matapos niyang ihatid ang dalawang kaibigan ay umuwi na siya sa bahay ng lola niya.
Ayaw niyang umuwi sa bahay mismo nila dahil mapapaulanan siya nang mga sermon. Sermon kung bakit ginabi na siya ng uwi. At least meron siyang isasagot bukas.
Sasabihin niya na lang na dito siya sa bahay ng Lola niya tumuloy, nakatulog siya kaya hindi na naka-uwi. Ayon ang naisip niyang gawing palusot.
Habang nasa kama siya ay hindi niya maiwasang isipin ang tungkol sa dare. Paano niya mapapaamo ang mas matapang pa sa leon?
Ayaw niyang gawin pero mas ayaw niya naman na sabihan siyang takot kay Jacinto gayong dapat si Jacinto ang matakot sa kaniya. Naka-chamba lang ito kanina sa karera! Siya dapat ang panalo! Ilang inches lang naman ang lamang sa kaniya ni Jacinto.
Pero sana lang talaga magawa niya kaagad ang dare na ito, upang matapos na ang lahat. Alam niya naman na kahit hindi talaga siya pumayag ay pipilitin siya nang mga kaibigan na gawin talaga ito.
Ayaw niya rin talagang isipin nila na takot siya kay Jacinto! Hindi maaari ang bagay na ‘yon. Kailanman ay hindi siya natakot kay Jacinto. Alam niya rin sa sarili niya na mayabang talaga siya. Lalo na sa kung saan siya magaling.
Sa pagkakakarera. Dito siya magaling. Lagi niyang na-be-break ang records, fastest racer in the whole world. Oo, buong mundo, hindi naman na mapapansin ng mga magulang niya na lumalaban siya sa iba’t ibang bansa. Dahil tuwing mangyayari iyon ay nasasaktohan naman na busy ang mga ito.
Sa problema ngayon ay ang perang ipinantaya niya sa pustahan sa karera kanina. May posibilidad na malaman ng kaniyang mga magulang ang tungkol doon sapagka’t nakatutok sa kaniya ang mga ito ngayong buwan. Pero gagawin niya ang lahat upang hindi malaman ng kaniyang mga magulang na natalo siya sa karera at nawala sa kamay niya ang isang daang libong piso.
Napabuntong-hininga siya, hindi niya pa rin matanggap na natalo nga talaga siya ni Jacinto. Pero tinigilan niya na muna ang pag-iisip doon. Mas magaling siya rito at sa nangyari kanina ay nakachamba lang ito.
Pero paano? Paano niya makukuha ang loob ni Tala?