KABANATA 1

1302 Words
"TALA, look." Napalingon si Tala nang bigla niyang marinig ang boses ng kapatid niya. Awtomatikong napataas ang kaliwang kilay niya nang makita niya kung ano ang dala nito. "Go away, I don't want that thing." She rolled her eyes. Ayaw niya namang kunin ang binili ng kapatid niya. Kailan pa siya nagka-interes sa mga sasakyan? Kailan niya pa ginusto na matutong magmaneho? Ang kapatid niya lamang na si Jacinto ang mahilig sa mga sasakyan. Alam niya rin na kumakarera ito. Wala namang tutol sa kapatid niya ang ama nila. Full support nga ito sa kapatid ni Tala. "This is for you. I wanna teach you how to drive." Ngumisi pa si Jacinto at itinaas ang susi ng kaniyang bagong biniling sasakyan para kay Tala. Palagi niya itong binibilhan dahil gusto niya na matutong magmaneho ang nag-iisa niyang kapatid na kasing-lamig ng yelo kung makipag-usap. Kapatid niya na walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Pero ayaw naman ni Tala, at kapag sinabi niyang ayaw niya ay talagang ayaw niya. "For the nth time, Jacinto, I am not interested. Wala akong pakialam sa iyo," malamig na tugon ni Tala at saka tinalikuran ang kaniyang nakatatandang kapatid. Dumiretso siya sa kaniyang silid. Pabagsak siyang nahiga sa kama niya at agad na nagtalukbong ng kumot. Naiinis siya sa totoo lang. Ano pa bang bago? Palagi naman siyang naiinis. Sa dinami-rami kasi ng kapatid na puwedeng ibigay sa kaniya bakit si Jacinto pa? Oo, ayaw niya sa kapatid niya. 'Ni minsan ay hindi niya nagustuhan ang pagiging madaldal at mapilit nito pagdating sa kaniya. Ayaw niya sa ugali ni Jacinto. Kung puwede lang na hilingin niya na sana only child na lang siya ay matagal niya nang ginawa. Siguro tama ang sinasabi ng lahat na literal na masama talaga ang ugali niya, pero ano namang pakialam niya? Tatagal ba ng sampung libong taon ang buhay niya kapag nagkaroon siya ng pakialam? Siguro rin, selfish ang tingin sa kaniya ng mga tao pero hindi siya naaapektuhan doon. Wala siyang pakialam. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Sarili niya lang ang pinakikinggan niya. Ayaw niya nang dinidiktahan siya ng kahit na sino. Napabuntong-hininga siya at pinipilit niya na makatulog pero hindi pa rin mawala ang inis niya. Walang araw na hindi siya naiinis. Isa pa sa mga rason ay kung bakit sa dinami-rami ng pangalan sa mundo, bakit Tala Maria pa ang ipinangalan sa kaniya? Sobrang makaluma. Ayaw niya sa pangalan niya. Iyan si Tala, maraming ayaw. Mahilig din siyang mamintas ng mga taong madadaanan niya. Wala siyang awa kaya 'ni minsan ay walang lumapit sa kaniya upang makipagkaibigan. Okay lang sa kaniya 'yon, tanggap niya at mas pabor pa nga iyon sa kaniya. Maya-maya pa ay nakatulog na rin siya. KINABUKASAN ay bigla siyang nagising dahil sa mga sigawan na naririnig niya. Nakaramdam siya ng inis. Sinong walang hiya ang mambubulabog sa umaga? Ayaw niya rin nang ginigising siya. Ayaw niya nang maingay pero bakit panay sigawan? Nakalimutan niya pa lang isara ang bintana ng kuwarto niya kaya rinig niya sa puwesto niya ngayon ang mga sigawan. Hindi na maipinta ang mukha niya, na-istorbo ang pagtulog niya. Kung sino man ang maingay na 'yon sisiguraduhin niya na masasapak niya ito. Naglakad siya papalapit sa bintana, napakusot pa siya ng kaniyang mga mata, nasa second floor ng bahay nila ang kuwarto niya. Ang nagsisigawan naman ay ang dalawang lalaki sa labas. Kilala niya ang mga ito, ang isa ay ang nag-iisa niyang kapatid na si Jacinto, habang ang isa naman ay si Khrist Andrew Garcillano. Kilala niya ang lalaking ito sapagkat halos sabay silang lumaki. Palagi niya itong nakikita pero wala man lamang silang naging conversation. Hindi sila nag-uusap. Never silang nag-usap. Kilala niya lang ang lalaking kasigawan ng nakatatanda niyang kapatid sa pangalan nito. "Ano bang problema mo, ha?! Umalis ka rito!" sigaw ni Jacinto kay Khrist. "Bakit ba ayaw mong makausap ko si Tala?!" sigaw naman pabalik ni Khrist. "Hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang kailangan mo sa kapatid ko! Hindi kita papapasukin!" Alam niya rin na may ayaw sa pagitan ng kapatid niya't si Khrist pero wala siyang pakialam. Lalo lang napakunot nag noo niya. Gusto siyang makausap ni Khrist? Bakit? Hindi niya natatandaan na naging close sila. Wala rin siyang ginawa para maging dahilan upang gustuhin siyang kausapin ni Khrist. "May usapan kaming dalawa na mag-uusap kami!" sabi pa ni Khrist. Napahilamos siya ng mukha. Ano siya hilo? Bakit naman sila magkakaroon ng usapan na mag-uusap sila eh never nga silang nag-usap? Parang may mali eh. Parang hindi niya gusto ang nangyayari. Parang hindi niya gusto ang mangyayari. Hindi pa rin maipinta ang mukha niya. Naguguluhan siya at naiinis. Wala sa sariling nagdesisyon siya na daluhan ang dalawang binata na nasa baba. Hindi sana niya ito dadaluhan ngunit lumabas na siya sa kuwarto niya kaya magpapatuloy na sa paglakad niya. NATIGILAN si Khrist nang makita niya si Tala na naglalakad papalapit na sa kanila ni Jacinto. Gusto niya lamang makausap ng mahinahon si Jacinto ngunit niyabangan siya nito kaya hindi niya na napigilan ang sarili niya na sigawan na ito sa sobrang inis. Walang emosyon lang si Tala na naglakad papalapit sa kanila. Napanganga pa siya nang makita niyang gulo-gulo ang buhok nito, hindi pa ito nagsusuklay at halatang bagong gising pa lang talaga. Ngunit kahit na ganoon ang itsura ni Tala sa harap niya ay wala itong pakialam. "She's here," saad niya. Napalingon naman si Jacinto sa direksyon kung saan naglalakad ang kapatid niya papalapit sa kanila. Nakatingin lang ng diretso si Tala kay Khrist. "Anong kailangan mo sa'kin?" diretsong tanong nito sa kaniya. Malamig ang mga boses nito. Parang gusto niya na lang umuwi. Kung hindi lang talaga dahil sa dare hindi siya maglalakas ng loob na humarap kay Tala. Bukod sa ayaw niya sa ugali nito. Naiinis siya tuwing nakikita niya ang pagmumukha nito, "May usapan daw kayo na mag-uusap kayo," singit ni Jacinto. Hindi naman siya tinapunan ng tingin ni Tala. Kay Khrist pa rin ang mga tingin nito. "Hindi ikaw ang tinatanong ko, Jacinto," sagot ni Tala sa nakatatanda niyang kapatid. 'Di ba? Napakasama ng ugali niya. Sinasagot-sagot niya lang ang kapatid niya. Napapailing-iling na lang siya sa kaniyang isipan. Ngayon pa lang ay pinagsisisihan niya nang pumayag siya sa hamon ng mga kaibigan. Pero wala naman na siyang magagawa. Natalo siya sa karera sa pagitan nila ni Jacinto. Ayaw niya na munang ungkatin ang usaping iyon. Ang gusto niya ay matapos na ang dare. Makuha niya na ang loob ni Tala at bumalik na ulit sa normal. Halata naman na mahihirapan siya rito. But, he will do everything just to get her. Hindi nakasagot sa kaniya si Jacinto, "Iwan mo na muna kami," dugtong ni Tala sa kapatid. Sinamaan muna siya ng tingin ni Jacinto bago niya sila iniwan ni Tala roon. "H-Hi," hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Pero napag-isipan niya na 'to kagabi! Napagplanuhan niya na kung ano ang dapat niyang gawin pero bakit parang nawala ang dila niya ngayong kaharap niya na si Tala. Walang emosyon ang mga mata ni Tala habang nakatingin ito ng diretso sa kaniya. "Anong kailangan mo? Ayaw ko nang paulit-ulit, answer my question." Hindi niya naiwasang mapalunok, bakit siya napapalunok? Hindi kaya totoo ang sinasabi nila Allen na takot siya kay Tala? No way! Hindi totoo ang bagay na 'yon. Napabuga siya ng hangin, hindi niya alam kung saan siya magsisimula, pero hinayaan lang ni Khrist ang sarili niya na magsalita, "I want to confess my feelings. Hindi ko na kayang itago, parang sasabog na 'to," panimula ni Khrist. Sana lang talaga maganda ang kalabasan nito. "Tala," he said, sighing. "Mahal kita." He tried to be sincere and he thinks that it works. Hindi nagbago ang ekspresyon ni Tala. Ano pang ine-expect niya? Si Tala 'yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD