KABANATA 2

1356 Words
HINDI pinahalata ni Tala na nagulat siya sa sinabi ng binata. Mahal? Mahal siya nito? Anong mahal siya nito? May parte na nagsasabi sa kaniya na maniwala, may parte naman na nagsasabing huwag maniwala. Eh ano naman kung mahal ni Khrist si Tala? Wala naman siyang pakialam in the first place. Hindi siya sumagot kay Khrist. Blangko pa rin ang expression niya. Khrist cleared his throat. Magkaharap sila at diretso lang ang tingin ni Tala sa binata, "Puwede ba kitang l-ligawan?" medyo nauutal pang saad ni Khrist. Ipinilig ni Talan ang ulo niya sa binata. "No," sagot ni Tala. "Ayan lang ba ang pinunta mo rito? Wala ka na bang ibang sasabihin? Puwede ka nang umalis," sabi ni Tala at akmang tatalikuran ang binata ngunit mabilis siyang pinigilan nito sa pamamagitan nang paghablot sa braso niya. Nakaramdam siya ng sobrang inis, "Please, Tal ㅡ" hindi na natapos ni Khrist ang sasabihin nito nang bigla siyang sapakin ni Tala. Naging dahilan iyon para mabitawan niya ang hawak niyang braso ni Tala. "Wala kang karapatang hawakan ako!" Tala hissed. Ngayon, may emosyon nang mababakas sa mukha niya. Pagka-inis. Ayaw niya rin sa lahat iyong hinahawakan siya sa braso, lalong-lalo na, ayaw niyang pinipigilan siya sa kung anong gusto niyang gawin. "I'm s-sorry," sabi ni Khrist. Nakahawak siya sa labi niya, putok na ito dahil sa lakas ng suntok ni Tala. Hindi na sumagot si Tala. Tinalikuran niya na ito at saka pumasok sa loob ng bahay niya. Naabutan niya roon ang kapatid niya na si Jacinto na nakasandal sa pader, nakatingin ng diretso sa kan'ya na animo'y hinihintay siya. She mentally rolled her eyes. Hindi niya na sana papansinin si Jacinto pero nagsalita ito nang lumagpas siya ng kaunti sa kapatid, "Anong pinag-usapan niyo?" he asked. "It's none of your business," mabilis na sagot ni Tala. "You are my sister. You are my business," seryosong saad ni Jacinto. "I will protect you no matter what." "But," Tala paused. "I don't want you to be my brother, and I can handle myself. I am not a kid anymore," sabi ni Tala at saka tuluyan nang nagpunta sa kaniyang silid. "I DON'T want you to be my brother and I can handle myself. I am not a kid anymore," Pa-ulit-ulit na parang sirang plaka ang mga salitang binitawan ng kaniyang kapatid sa kaniyang utak. Hindi niya alam kung ano ba ang maling nagawa niya upang hindi siya magustuhan ni Tala bilang kapatid niya. Wala siyang ka-ide-ideya. Araw-araw, palagi na lang siyang sinasaktan ni Tala. Tinitiis niya lang at iniintindi ang dalaga. Hindi naman ganito si Tala noong mga bata pa sila. She used to be kind, pretty and obedient one. Pero nang mamatay ang kaniyang ina, doon lamang unti-unting nagbago ang ugali ni Tala. Nangako si Jacinto sa kaniyang ina na po-protektahan niya si Tala. Mahal niya ang kapatid niya kahit ganoon ang ugali niya. Hindi niya ito nagagawang saktan kahit na alam niyang kinakaya-kaya lang siya nito kasi nga mahal niya si Tala at hindi niya magagawang saktan ang nag-iisa niyang kapatid. Umaasa siya na darating ang araw na magiging maganda na ang pakikitungo nito sa kaniya. Lahat ng mga binibigay ni Jacinto kay Tala ay hindi nito tinatanggap minsan ay minamaliit pa. He sighed. Wala na siyang ibang gustong mangyari kundi ang maging maayos silang dalawa ni Tala. Kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya sapat bilang kapatid niya. Napatingin siya sa kaniyang telepono nang bigla itong lumiwanag. Nakatanggap lang naman siya ng mensahe mula sa kaniyang pinsan na babae, si Lirah. Napangiti si Jacinto lalo na nang mabasa niya ang nilalaman ng mensahe. 'How are you? I've already asked my mom if I could go there this year. She said, yes! Woah!' 'Yan ang eksaktong pagkakasabi ng kaniyang pinsan. Marunong naman talaga itong magtagalog. Tuwing dumadalaw ito sa Pilipinas ay nagtatagalog naman ito. Fluent siya sa tagalog sapagkat dito naman talaga siya lumaki. Lumipat lang sila ng Switzerland noong magka-college na siya. Sa bansa na iyon niya ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. At pitong buwan na lamang mula sa araw na ito ay magaganap na ang pagtatapos nila. Ang magkapatid na Jacinto at Tala ay magka-batch. Sinadya talaga ni Jacinto na umulit ng isang taon upang makasabay niya ang kapatid at mabantayan ng maayos. Sinisigurado niya na walang mang-aapi sa kapatid pero ang ending si Tala pa ang nang-aapi. Literal na takot kay Tala halos lahat ng estudyante sa kolehiyo kung saan sila nag-aaral. At iyong pinsan niya naman ay never pinansin si Tala, dahil nga sa ugali nito, pero may paki pa rin siya sa kaniya. Hindi niya naman ito mapigilan dahil lalo lamang magagalit sa kaniya ito. At kahit naman subukan niya itong pigilan ay hindi rin naman papapigil sa kaniya si Tala. Sumagot naman si Jacinto sa message mula sa pinsan niya na si Lirah; 'Great. See you soon,' he replied. Nagpasya naman siyang umalis sakay ng kaniyang sasakyan na ito pa mismo ang gamit niya nang matalo niya sa karera si Khrist. Napakayabang ni Khrist, iniisip niya na malamang sa malamang ay napahiya si Khrist nang matalo niya ito. Napakayabang nga kasi nito. Oo, matagal na silang may alitan. Hindi pa nga ata sila tumutuntong sa highschool ay nag-aaway na sila. Lahat na lang ng bagay ay pinag-a-awayan nilang dalawa. Pero, madalas palaging si Khrist ang nagsisimula ng away. Ayaw niya kasi nang nalalamangan ng kahit na sino. Napa-iling-iling naman siya. Balak niya sanang pumunta sa Lola niya. Nais niya itong kamustahin. Dalawang oras ang biyahe patungo sa bahay mismo ng kaniyang Lola. Kung magko-commute siya ay aabutin ng apat na oras. Pero dahil alam niya naman ang mga daan, shortcuts, ay maaga siyang nakarating sa bahay ng kaniyang Lola. Naabutan niya itong naka-upo sa may rocking chair. Lumapit siya rito at humalik sa noo, "Kamusta po kayo, 'La?" tanong ni Jacinto. Sobrang tanda na ng kaniyang Lola, thankful siya na hindi pa rin sila iniiwan nito. Napakabait na tao ng Lola niya, napakamaalagain. Naalala niya pa noong bata sila ni Tala, tuwing wala ang Daddy't Mommy nila ay ang kanilang Lola talaga ang nag-aalaga sa mga ito. Siya na nga halos nagpalaki sa kanila, eh. Busy ang Tatay nila, ang kanilang ina naman ay namatay na. Napabuntong-hininga ulit siya. He misses his Mom. "G-Gab... riel, ikaw ba 'yan, a-anak?" tanong ng kaniyang Lola. Mabagal ang pagsalita niya dahil sa katandaan. Umiling-iling naman si Jacinto. Lagi siyang napagkakamalan na Gabriel ng Lola niya. Ang Gabriel ay pangalan ng anak niya na Daddy ni Lirah, "Hindi po, Lola, si Jacinto po ako," sabi niya pa rito. Kahit kulubot na ang mukha ng Lola niya ay napangiti pa rin siya nang dahan-dahan itong ngumiti sa kaniya. "S-Si J-Jacinto? Ang irog ni Stefania," mabagal pa rin na sambit ng kaniyang Lola. Niyakap niya na lang ito. Palagi itong sinasabi ng kaniyang Lola. Hindi niya naman kilala kung sino ang Stefania na tinutukoy niya. "A-Alam m-mo b-ba na hanga ako s-sa katapangan mo, pinaglaban mo ang pag-iibigan niyo ni Stefania," sabi nito. Bigla naman siyang na-curious sa sinabi ng kaniyang Lola. "B-Bakit po? Ano po bang nangyari kay Jacinto at Stefania?" tanong niya rito. Gusto niya sanang itanong ay kung sino ang dalawang ito. Alam niya naman na hindi siya na Jacinto ang tinutukoy niya sa oras na ito Marahan napahagikhik ang kaniyang Lola. "Kuwento ng pag-iibigan niyo, hindi mo alam?" tanong nito. Hindi naman nakasagot si Jacinto. Nakayakap pa rin siya sa kaniyang Lola. Nagpatuloy naman ito sa pagsalita, "Si Stefania ang babaeng minahal ni Jacinto ng patago. Mayaman ang pamilya ni Stefania, hindi gusto ng buong angkan niya si Jacinto. Hindi naman kasing-yaman nila si Jacinto kung kaya't tutol ang pamilya ni Stefania sa pag-iibigan ng dalawa. "Imbes na sumuko, ang ginawa ni Jacinto ay ipinaglaban niya ang nararamdaman niya. Ipinagsigawan niya sa buong mundo na mahal na mahal niya si Stefania," mahabang pagsasalaysay ng kaniyang Lola. Napangiti na lang siya. Kumalas siya sa pagkakayakap rito at saka hinalikan ulit ito sa noo. "Magpahinga na po kayo, 'La," sabi ni Jacinto. Tumingin lang ng diretso sa kaniya ang Lola niya at saka ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD