KAHIT huli na si Tala Maria sa paaralan na kaniyang pinapasukan ay hindi naman siya napagalitan ng kanilang professor kahit nga ata lahat ng mga guro niya ay literal na takot sa kaniya.
Napahalukipkip lamang si Tala habang naka-upo siya sa kaniyang upuan. Hinihintay niya na matapos ang kaniyang huling klase sa araw na ito. She felt bored lalo na if History na naman ang asignaturang tinatalakay nila.
Napairap siya. "That's all for today, class..." saad ng guro nila at saka naging signal ito upang magsimula na silang maglabasan ng room.
Mabuti naman...
Gusto niya nang mahiga. Gusto niya nang matulog. Buti na lang din talaga ay hindi niya nakasalubong si Khrist. Well, maybe her thoughts was right
Khrist was just fooling around. Mahal siya nito? Is he even serious about it?
Damn.
Palabas na sana siya ng classroom ngunit tinawag siya ng kaniyang professor, "Tala Maria Clinton, Stay here."
Hindi niya talaga maiwasang mapa-irap sa kaniyang guro lalo na nang bigkasin nito ang makaluma niyang pangalan. Ayaw niya sana itong sundin ngunit binigyan siya ng professor ng stay-here-or-I-will-fail-your grades look.
Oo, masama ang ugali ni Tala. Alam niya 'yon pero hindi naman siya b*bo para hindi pumasok sa school at makapagtapos. Gusto niyang makapag-tapos dahil sawang-sawa na siya sa buhay niya sa paaralan. Ngayong taon lang... dahil ito na ang huling taon nila sa kolehiyo.
Kaya hangga't maaari ay mapanatili niya na hindi siya babagsak ngayong taon at baka hindi pa siya maka-graduate.
Tsk!
"What do you need?" Tala asked him.
The professor just cleared his throat, "I need to discuss something to you," paligoy-ligoy pa na saad nito.
"What is it?" Pinipigilan niya ang sarili niya na huwag maging bastos.
Ayaw niya ng paligoy-ligoy, bakit hindi na lang siya diretsuhin nito?
"Your father came to my house last night. Well, uhm." Agad na napakunot ang noo ni Tala. Her father? Ano naman ang ginaw aniya sa bahay ng kaniyang professor?
"Yes?" tanong pa ni Tala sa kaniya. Medyo naguguluhan ang dalaga kasi wala siyang kaide-ideya kung bakit pumunta ang kaniyang ama sa bahay ng kaniyang professor.
"It's all about your brother. He told me that I should tell you to be nice to your brother. What's wrong with your brother? Why didn't you like him?"
Okay, that's it.
"I guess, it's not of your business anymore, Mr. Sanchez," Tala said sarcastically. Balak na ni Tala na talikuran ito dahil parang wala namang sense ang pag-uusapan nila. Then, she did. Tinalikuran niya nga ang professor niya.
Narinig niya lang itong bumuntong-hininga at hindi siya nito pinigilan. Buti naman.
Naglakad na siya papuntang locker room upang ilagay ang dala-dala niyang libro. Pagkatapos niyon ay uuwi na siya.
"Tala."
Isasara niya na sana ang pinto ng kaniyang locker cabinet nang bigla na lang may magsalita sa may likuran niya. She didn't move and turn back to see who is it. Una sa lahat ay alam niya kung sino ito at siguradong-sigurado siya mung sino.
It was Khrist, she's one-hundred percent sure about it.
"Tala, can I talk to you again?" tanong ulit ng binata sa kaniya. Umiling-iling siya at saka hindi pinansin ang mga lumabas na salita sa bibig ni Khrist. Nagbingi-bingihan siya. Wala siyang panahon makipag-usap sa kaniya lalo na kung gano'n lang din ulit ang pag-uusapan nila. Sinagot niya na ang tanong ni Khrist kahapon.
It's a no. Kaya ano pa ang gusto niyang marinig mula sa kaniya?
Ini-lock niya na ang pinto ng locker cabinet at saka nagpatuloy sa paglalakad palabas ng silid na iyon. "Tala, wait," sabi pa ni Khrist.
Hindi niya naman ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nararamdaman niya na nakasunod pa rin sa kaniya si Khrist.
'Subukan niya pigilan ako sa pamamagitan nang paghawak ng braso, makakatikim siya sa akin.'
"I said, wait." At ginawa niya nga ito. Khrist grabs her left arm that made her really pissed.
Nilingon niya ito at saka agad na sinampal sa pisngi. May mga estudyante pa sa paligid nila kaya nakuha nito ang atensyon nila. "I said, NO!" Tala hissed. She tugged her arm from his grip and just turned her back on him.
"SEE that?" Khrist said, Allen just laughed. Allen was there on the corner and watched them how Tala slapped him.
"Yes," Allen said. "Dapat pala ay kinuhanan ko ng video iyon. That was hard, Khrist. Masakit ba?"
Khrist glared at his friend and said, "What do you think?" Natawa lang ang kaibigan niya sa sinabi niya. Lumapit pa ito sa kaniya.
Kakaalis lang ni Tala, nakuha nila ang atensyon ng mga estudyante rito kanina nang sumigaw si Tala sa kaniya. Malamang ay nagtawanan sila.
Tinapik lang ni Allen ang balikat ni Khrist. "Don't forget about the deal, bro." Pagkatapos niyon ay nilagpasan na siya.
Napailing-iling naman siya at napamura na lang. Paano niya naman makukuha ang loob ni Tala? Damn. Gusto niya nang sumuko at huwag na lang ituloy 'to. Ngayon pa lang ay sumusuko na siya, mukhang hindi niya kakayanin ang kapatid ni Jacinto.
Napailing-iling na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Natigil lang siya nang masalubong niya si Yella. Marami itong dalang gamit kaya sinubukan niyang tumulong. "Hi," bati ni Khrist at akmang kukunin ang dala nitong bag ngunit agad na umiwas si Khrist sa kaniya.
"Hello," pabalik na bati nito at pinilit lang na ngumiti bago ito nagdire-diretso sa paglalakad. Damn.
Hanggang ngayon pa rin ba ay hindi pa siya nito napapatawad? He's still in love with this woman. Paano niya rin ulit makukuha ang loob ni Mariella?
Humingi na siya ng tawad sa kaniya noon ngunit pala sapat iyon upang bumalik sila sa dati. Naalala niya pa when Yella told him that they will never get back their relationship again. Never again.
He sighed and he continue walking to his car and drove himself home. "It's really hard," he said to himself while he took his bath. After his cleaning himself up and get dressed, kumatok ang isa sa kasambahay nila sa kaniyang silid.
"Sir Khrist, may gusto pong kumausap sa inyo," abiso sa kaniya ng kasambahay nila
"Sino raw?" tanong naman ni Khrist.
"Clinton daw ho," sabi ng kasambahay at saka umalis. Wala sa sariling napangisi siya.
Tala…?
He's really expecting that it's Tala Maria Clinton.
But… there's a chance na hindi ito si Tala… but Tala's brother… Jacinto Clinton.
Pero ano naman ang ipinunta ni Jacinto sa kaniya? Maybe, he'd go with the latter. That it was Jacinto not Tala. Alam niya ang ugali ni Tala, bakit naman siya pumunta sa bahay niya upang makipag-usap. Ano ang posibleng rason?
Is he expecting that Tala would say sorry to him? Narinig niya man lang ba na lumabas sa bibig ni Tala ang salitang 'yon? Sorry?
He made a 'tsk' sound. Pero nag-e-expect pa rin ang binata na si Tala ito. Madi-dismaya siya kung hindi ito si Tala.
Lumabas na siya ng kuwarto niya at nagpunta sa kanilang sala upang tingnan kung sinong Clinton ang tinutukoy ng kanilang kasambahay.
Hinahangad niya na ito si Tala ngunit nadismaya siya nang hindi si Tala ang maabutan niya roon.
"Mr. Clinton…" he murmured. Lumapit si Khrist sa kaniya ng may kunot sa noo.
"Hi, Khrist Garcillano," bati ni Mr. Clinton sa kaniya. Hindi niya inaasahan ito. Hindi si Tala o si Jacinto ang nakatayo sa may sala ng kanilang bahay.
Kundi… ang ama ng magkapatid.