Kabanata 4

1297 Words
"MR. Emilio Clinton, ano po ang ipinunta niyo rito?" sabi ni Khrist sa ama ni Tala. "Take a seat." sabi pa ni Khrist   Naupo sila sa couch. Suot ni Mr. Clinton ang suit nito, malamang ay galing ito sa opisina na kaniyang pinagta-trabahuhan.    "I heard about the news, Khrist," may ngisi sa labi na saad ni Mr. Clinton. Napakunot naman ang noo ni Khrist, anong news?    "W-What is it?" nag-aalangan pang sabi nito. Pinagsiklop naman ni Mr. Emilio Clinton ang mga daliri niya at tumingin sa kaniya ng diretso. Masasabi niya na si Mr. Emilio ang may malaki ang hawig sa panganay nitong anak, si Jacinto.    "You came to my house yesterday. I wasn't there but my maid was and she told me everything. You just confessed your feelings to my daughter, in my own house," sabi nito. Natigilan si Khrist sa sinabi nito. "Is it true?" tanong pa ni Mr. Clinton.    "Uhm…" Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot sa ama ni Tala. Kung sasabihin niya naman ang totoo, masisira ang kaniyang plano. Kung kaya't mas pinili niyang magsinungaling muli… sa tatay ni Tala. "Yes… it's true."    "You love my daughter?" "Yes, Mister…"  "Since when?"  What the f**k he should say? Great. Magsisinungaling ulit siya.   "When we're in grade school, she's always been beautiful to my eyes. Ngayon lang ako n-nagkaroon ng lakas ng loob na umamin sa kaniya," pagsisinungaling ni Khrist sa ama ni Tala.    Sumilay ulit ang ngisi sa labi ni Mr. Clinton. "That's great."    Bata pa lang si Khrist ay nakikita niya na ang ama nila Tala at kilala nila ang isa't isa. Naging magkaibigan ang kaniyang ina at ang ina ni Tala.   "Are you going to scold me? For wanting your daughter?" Khrist asked. Natawa naman si Mr. Emilio Clinton.    "I'm actually glad, Khrist. If you want her, get her. I won't scold you. Maaaring ikaw ang maging dahilan ng pagbabago ng anak ko," he said, standing. Napansin niya na biglang naging malungkot ang boses nito.     "Y-Yes Mister…" sabi nito sa kaniya.    "Okay, I have to go." Tinapik pa nito ang balikat ni Khrist bago nagsimulang lumabas sa kanilang tahanan. Wala sa sariling napatango-tango siya.    Siguro… hindi ito ang oras para sumuko siya.    TALA opened her eyes when her phone rang. Nakaramdam siya ng sobrang inis. Sinong talipandas ang sumira ng kaniyang mahimbing na pagtulog? Wala naman siyang inaasahan na tumawag sa kaniya. Napamura na lang siya at tiningnan ang cellphone.    The call was from an unknown number. Agad niyang pinindot ang pulang button na ang ibig sabihin ay decline. Kilala niya o hindi, hindi niya talaga sasagutin ang tawag. Ayaw niya sa lahat ay 'yong ini-istorbo ang tulog niya. Buwis*t.    Lalo lang siyang na-buwis*t nang maalala niya ang nangyari kahapon. 'Yong umaga na pumunta si Khrist sa bahay nila at inamin lang naman nito na mahal niya si Tala. Inamin nga ba talaga? Inamin ang kasinungalingan?    Kung si Mariella Juliana Quirino ay na-uto niya, siya hindi. She knows that she's way smarter than Yella.    Kilala niya si Yella sa kadahilanang blockmates lang silang dalawa. Madalas silang magkita… especially, Yella was sitting next to her. Pero hindi niya naman ito pinapansin. First of all, wala siyang pakialam dito. Secondly, they aren't close.    Nang p*****n niya ng tawag ang tumatawag ay nag-ring na naman ito. Ayaw niya ng pa-ulit-ulit, wala rin talaga siyang balak na sagutin ito kung kaya't agad in-off niya na ang cellphone niya at ipinasok sa loob ng cabinet na nasa bedside table niya.    Sige, subukan mo pang tumawag.    Nakabusangot na naman si Tala. Ipinikit niya na ulit ang kaniyang mga mata. Pinilit niyang muli ang sarili niya na bumalik sa mahimbing na tulog.    "SIR, baka po mapagalitan po ako ni Sir Jacinto." He just smiled to this woman in front of him. Isa ito sa kasambahay ng mga Clinton.    "Naka-usap ko na ang Dad nila. Papasukin niyo ko. I need to talk to Tala," sagot ng binata sa kasambahay.    "K-Kahit na po, Sir! Isa pa po 'yan, baka po ma-bulyawan ako ni Madam Tala…" nag-aalangan namang takot ng kasambahay. Bakas sa kaniya ang takot na mapagalitan.    Kung sana'y sinagot ni Tala ang mga tawag niya sa kaniya, hindi niya na sana maiisip na puntahan si Tala rito. Kanina pa siya panay tawag sa telepono ni Tala ngunit hindi niya man lang sinasagot. Pinapatayan siya ng tawag, at ng huli ay nakapatay na ang telepono niya. Mr. Clinton gave the number of Tala to him.    He's glad that he has Tala's father's support. But somehow, he felt the guilt. Pustahan lang 'to!   Ngayon pa lang talaga ay hindi na niya ma-imagine kung gaano kalaki ang gulo na kaniyang pinasok.  "Sagot kita. Ako ang bahala sa'yo," sagot ni Khrist dito. Napalunok naman ang kasambahay at binuksan na ng tuluyan ang gate ng mansion nila Tala.    Hinayaan na siya nitong makapasok. "Sigurado ka, Sir, na nakausap niyo ang Tatay nila Madam Tala, ha," paniniguro pa ng kasambahay sa kaniya. Kumindat naman si Khrist sa kaniya at saka ngumisi.    "I am sure," sagot pa nito. That's true. He's sure that he had a talk to Mr. Clinton about this. Tumawag pa ito sa telepono niya nang makaalis ang tatay nila Tala sa bahay nila Khrist upang bigyan siya ng permiso na pumasok na sa bahay nila kung kailan niya gustong makita si Tala. Binigyan na rin siya nito ng numero ni Tala pagkatapos.    He will tame her.    Damn.    "Saan nga pala ang kuwarto ni Tala?" tanong niya sa kasambahay.    "Sa ikalawang pinto po, Sir, sa may second floor." Tumango-tango lamang ang binata sa kaniya. Tuluyan nang nakapasok si Khrist sa bahay ng mga Clinton at nagtuloy-tuloy siya papunta sa ikalawang palapag kung nasaan naka-puwesto ang silid ni Tala Maria.    Kaba at tuwa ang nararamdaman niya.    Kinakabahan siya sapagkat hindi niya alam kung saan niya dadaanin ang lahat upang mapapayag si Tala na kumain sa labas. Alam niya kung gaano katigas ang ulo ni Tala, or he should say na hindi niya pa alam kung gaano ito katigas kasi may ititigas pa ang ulo nito sa kaniya.    Natutuwa naman siya dahil nga sa suportado siya ni Mr. Emilio, ang tatay ni Tala sa panliligaw na gagawin niya. Magagawa niya nang maayos ang usapan niya ng mga kaibigan niya papaamuin si Tala.    Pagdating niya sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Tala ay kumatok siya rito. Sinubukan niya rin pihitin ang doorknob ngunit katulad ng inaasahan niya'y naka-lock ito.    "Sino 'yan?! Putang*na, ha!" Narinig niya ang malutong na mura ni Tala. Wala sa sarili naman na napalunok siya.    Narinig niya rin ang mga pabagsak na yabag nito at marahas na binuksan ang pintuan ng kuwarto niya. Bumungad sa kaniya ang isang bruhang mangkukulam.    No, ang ibig niyang sabihin ay si Tala… Gulo-gulo kasi ang buhok nito. Kunot na kunot ang kaniyang noo at nakakuyom pa ang mga kamao na animo'y mananapak na siya sa ano mang oras na ito.    Hindi man lang ma-ipinta ang kaniyang mukha. Seriously? Heto ang babaeng liligawan niya? Hindi man lamang marunong mag-ayos ng kaniyang sarili.    "Ikaw na damuho ka?! Anong ginagawa mo rito?!" pikon na pikon na tanong ni Tala sa kaniya habang dinuduro siya. Napa-atras pa siya ng kaunti. Halatang nanggigil siya kay Khrist.    "You aren't answering my calls. What do you expect? I wanted to talk to you," sabi ni Khrist sa dalaga.    "Eh sa ayaw ko naman? Umalis ka na nga rito? Anong karapatan mong pumasok sa pamamahay ko?!" inis na sabi ni Tala pagkatapos ay malakas niya pang tinulak ang binata dahilan para mapa-atras pa itong muli.    "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo 'ko hahayaan na kausapin ka tungkol sa ㅡ" Pinutol ni Tala ang sasabihin ni Khrist.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD