Kabanata 5

1321 Words
TALA cuts his sentence off. Hindi alam ni Tala kung saan kumuha ng lakas ng loob ang binata na nasa harapan niya. "Tungkol saan? Sa panliligaw? Kahit pa anong gawin mo, NO pa rin ang isasagot ko sa iyo," inis na sabi ni Tala sa kaniya. Ngumiti naman sa kaniya si Khrist kaya lalo siyang nakaramdam ng matinding inis. Nakakangiti pa talaga ang damuhong 'to? Hindi niya lamang matanggap na si Khrist ay nagagawa pang ngumiti habang siya ay asar na asar niya. Hindi niya kailangan si Khrist. "Tala," tawag ni Khrist sa kaniya. "Mahal kita at kahit ilang NO pa ang matanggap ko. Rejections" ㅡ he laughs ㅡ "galing sa iyo. Hindi ako titigil. Hindi ako susuko." Agad na pinanliitan ng mga mata ni Tala ang binata. "Alam mo man lang ba kung ano 'yang mga pinagsasabi mo?" May pagtataray sa boses ni Tala. Khrist just smiled at her, again. "I'm in love with you." Napailing-iling naman si Tala. Walang patutunguhan ang usapan nila nito. Magmatigas siya, edi magmamatigas din si Tala. Imposible ang gusto niyang mangyari, hindi siya magpapaligaw kay Khrist Garcillano, hindi siya magpapaligaw sa kahit na sino, end of the conversation "Just stop fooling around, okay?" Akmang tatalikuran na ni Tala ang binata ngunit agad siya nitong pinigilan. "I'm not fooling around, Tala Maria… I love you, I'm telling you the truth," sabi pa ni Khrist. Tala crossed her arms and slowly looked at Khrist from head to toe. "Don't call me with my full name, Khrist. Mas lalo lang akong nababanas sa'yo. Gagaan ang pakiramdam ko kapag umalis ka sa paningin ko. Go." Tumalikod muli si Tala kay Khrist. Humakbang ito ulit papasok sa kaniyang kuwarto ngunit natigil siya nang magsalita ulit si Khrist. "Bakit ang tigas mo?" tanong nito sa kaniya. She turned to him again. "Mas matigas ang mukha mo, last time I checked you're still in love with Miss Quirino. Now, you're telling me that you love me? Bumilis ata ang ihip ng hangin? Matagal mo na bang tinatago na mahal mo 'ko? So all this time, niloloko mo lang talaga si Mariella noon?" sarkastikong saad ni Tala. Agad namang na-freeze ang ngiti ni Khrist, napalitan ito ng kunot ng noo. "I thought, wala kang pakialam sa mga tao sa paligid mo? Lalo na sa akin? Bakit mo naman alam 'yan?" Napataas ang sulok ng labi ni Tala. "Kung puwede lang takpan ang tenga para hindi marinig ang mga 'yan ginawa ko na," sagot naman ni Tala. Ang balitang 'yon ay hindi man lang nakatakas sa tenga niya. Nakakunot pa rin ang noo ni Khrist. "Mahal kita, Tala." "Mahal mo ako o hindi, wala akong paki. Hindi kita kailangan. Puwede ba?! Umalis ka rito sa bahay. Hindi ka talaga nakakatuwa," sabi ni Tala kay Khrist. Tuluyan niya nang tinalikuran ang binata. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng kuwarto niya at saka pabagsak na sinara ang pinto. Ni-lock niya pa ito. Iniwan niya na si Khrist sa likod ng pintuan na 'yon. Wala na siyang balak makipag-usap sa kaniya. Hindi niya mabibilog ang ulo ko! She knew herself, she's way smarter than him. Bumalik siyang muli sa pagkakahiga sa kama niya. Eto na ang pangalawang beses na nagambala ang kaniyang pagtulog. Isa na lang talagang pag-istorbo, makikita nila! Sobra-sobra talaga ang inis niya ngayon, lalo na kay Khrist Garcillano. Kung akala niya malilinlang siya nito, mag-isip na muna siya nang maigi. Katulad ng kaniyang sinabi, hindi niya ito kailangan. Pagkatapos niyang matulog mamaya ay aalamin niya kung sino ang nagpapasok sa lalaking 'yon. She should fire that b***h! NAPAKUNOT ang noo niya nang biglang may tumabi sa kaniya. Nandito siya ngayon sa rooftop. Kitang-kita niya ang malawak na field sa kolehiyo na kaniyang pinapasukan. He's already 21 years old. He's supposed to graduate from college last year. Pero sinadya niya talaga na hindi magtapos. He loves his sister so much. He promised his mother that he'll take care of Tala before she died… hahabaan niya ang pasensiya rito kahit hindi naman siya nito gustong maging kapatid. Kahit pa paulit-ulit nitong sabihin na hindi siya mahal bilang kapatid. Kahit ilang beses pang lumabas sa bibig ni Tala na hindi siya nito kailangan ay hindi siya susuko, hindi siya magagalit sa kapatid niya. "It's been a while…" saad ng lalaking tumabi sa kaniya. "You're right. You're busy with your new one, cheater," sagot naman ni Jacinto. "I didn't cheat on her. Before she left, we broke up." Umiling-iling lang si Jacinto sa lalaking katabi niya. The guy who's standing next to him was Kimto, he's the ex-boyfriend of Lirah, Jacinto's cousin. "Hindi, eh," sabi pa ni Jacinto. "Kung nag-break kayo, dapat alam ni Lirah, pero hindi, eh. You didn't know how much pain you caused her." It's true. Kimto and his cousin, Lira had a relationship. Ang alam ni Jacinto ay nagpatuloy ang relasyon ng dalawa kahit na umalis si Lirah upang magpatuloy ng pag-aaral sa Switzerland. He thought that LDR or Long Distance Relationships could work out. But he was wrong. Months later, he saw this guy, Kimto, making out with another girl out there. Of course, he got mad. Hindi niya napigilan ang sarili niya na bugbugin ito. Tatlo… o apat na taon na rin siguro ang nakakalipas nang mangyari 'yon, naka-move on na ang lahat, pati siya kaya nagagawa na niya itong kausapin… ngunit hindi na katulad ng pakikitungo niya noon. "I actually told her that we should break up but she didn't listen to me," Kimto said. Napailing-iling lang si Jacinto. Hindi niya ito kaharap, pareho silang nakatingin sa kawalan. "I don't believe you," sagot ni Jacinto. "I know my cousin well. Hindi siya magpapaka-tanga sa'yo, hindi siya 'yong tipo ng tao na luluhod para lang sa pagmamahal mo, Kimto. Kung sinabi mo talaga 'yan kay Lirah, makikinig siya at papakawalan ka niya." Katahimikan naman ang bumalot sa kanila ng ilang minuto pagkatapos ay nagsalita muli si Jacinto. "She's one of a kind. Bakit mo naman siya niloko?" tanong ni Jacinto rito. "I told you, hindi siya nakinig sa akin. Ayaw niya makipag-break sa akin kaya wala na akong nagawa." "Kimto, tang*na, hindi sinungaling si Lirah," napamura na lang siya. "1 month… oo, 1 month, Kimto, isang buwan pagkatapos niyang umalis ng Pilipinas ay nagtatawagan pa kayo. Remember? You're still calling her with your endearment. Masaya pa kayo kaya don't tell me na nakipag-break ka sa kaniya bago umalis. Sinadya mo talagang lokohin siya," sabi pa ni Jacinto. Umayos siya ng tayo. "I loved her," sagot ni Kimto sa kaniya. Napailing-iling na lang si Jacinto. "Hindi ko alam kung anong dahilan nang paglapit mo sa akin ngayon. Is it because natunugan mo na malapit na Umuwi si Tala?" Jacinto made a 'tsk' sound. Hindi naman nakasagot sa kaniya si Kimto. "Kung inaakala mo na makakausap mo pa siyang muli, nagkakamali ka. I can assure you that," sabi pa ni Jacinto bago ito humakbang papalapit sa kaniya upang lagpasan. Sinadya niya pa itong banggain sa balikat bago siya humakbang papalayo kay Kimto. Lirah loved that man so much noong mayroon pang sila. Lirah used to be loyal to Kimto but this guy just ruined everything. Nagdire-diretso siya papunta ng parking lot at saka agad na nagtungo kung saan naka-park ang kaniyang sariling sasakyan. Sumakay siya rito, inilagay niya ang susi sa ignition, he immediately start the engine. Habang nasa daan siya't nagmamaneho ay bigla na lamang may humarurot na sasakyan at nilagpasan siya. Panay ang busina nito. His forehead creased… lalo na noong nakilala niya kung kanino ang sasakyan na 'yon. Alam niya na siya ang binubusinahan nito. He pressed down the accelerator then he sped up, to surpass that car. That 'beeping' sound is a signal. He started grinning. Kahit na inis siya rito… kung nanghahamon si Garcillano ay hindi niya ito susukuan. He'll show him who's the real King Of The Road.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD