Kabanata 6

1672 Words
PINAGSAR’HAN na siya ni Tala ng pinto. Ano pa ba ang dapat niyang asahan? Siguro ay sobra-sobra na ang pagkapikon ni Tala sa kaniya. Hindi niya ito madaan sa mabilisan. Literal na ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ni Khrist. Hindi siya katulad ng babaeng handang ibigay ang lahat sa kaniya. Actually, she’s different… pero ang point kasi kaya hindi man lang magustuhan ni Khrist si Tala sa mga nakalipas na taon ay dahil sa ugali nito. Matagal naman siya aware sa ka-sama-an ng ugali nito. Naalala niya no’ng nasa garde school pa lang sila ay maraming nape-perwisyo si Tala. Lumaki siya na isang makasariling tao. Tsk. One and only reason why Tala told him that she doesn’t need him. Kasi, sarili niya nga lamang ang iniisip niya. She’s a selfish b*tch. Alam niya naman no’ng una pa lang ay mahihirapan talaga siyang makuha ang loob ni Tala. Lalo kung ganito siya palagi.  Umalis na s’ya sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Tala. Nagpasya na lamang siya na umalis sa bahay na iyon.  “Sir, sigurado po talaga kayo…”  Halata ang kaba ng kasambahay na siya ring nagbukas sa kaniya ng gate. Napansin niya rin na namamasa ang mga palad nito. “Hey, kalma lang po,” saad ni Khrist. “Pasensiya na kayo, Sir… hindi ko t-talaga m-magawang k-kumalma. Narinig ko po k-kasing sumigaw si M-Madam,” nauutal na sabi nito. “Panigurado po niyan pagbaba niya… tatanungin niya kami kung sino po nagpapasok sa inyo rito…”  Napabuntong-hininga na lang si Khrist. Pat inga kasambahay nila talaga ay takot sa kaniya. “Sige, ganito na lang. Tatawagan ko si Mr. Emilio tungkol dito at sasabihin ko sa kaniya na huwag kang idamay dito, okay?” sabi ng binate upang kumalma man lang ang kasambahay.  “S-sigurado po kayo, Sir, ha. Ayaw k-ko pa hong mawalan ng trabaho. Sa a-akin po nakaasa ang pamilya ko,” nanginginig ang boses na sabi nito.  Khrist nods at her. “Sigurado ako na hindi ka mawawalan ng trabaho.” “Pero masisigawan po kami ni Madam Tala mamaya, hindi lang po ako ang kinakabahan, lahat po kami na nagta-trabaho rito madadamay.” Napangiwi siya sa tinuran ng kasambahay.  “Sige, ano bang gusto bang gusto mong gawin ko para kumalma ka?” tanong ni Khrist sa kasambahay.  “Tawagan niyo po si Sir Emilio, sabihin niyo po sa kaniya na agahan ang pag-uwi rito sa bahay para po may dumepensa man lang sa’min.” Napatango-tango naman si Khrist bilang pagsang-ayon.  Takot ang mga kasambahay na nagta-trabaho rito kay Tala. Isa lang naman ang ibig sabihin no’n, nagpapatunay kung gaano kasama ang ugali ni Tala. Kung hindi lang siguro nagti-tiis ang mga kasambahy nila rito dahil mataas ang pasahod ng mga Clinton ay matagal nanmg nagsi-alisan ang mga naninilbihan dito. Malamang sa malamang ay mina-malditahan talaga ni Tala ang mga ito.  “Gagawin ko iyan, pinapangako ko sa iyo. What’s your name?” “M-Mheryl p-po.” Tumango-tango si Khrist. Inilabas ni Khrist ang telepono iiya at agad na tinawagan si Mr. Clinton sa harap ni Mheryl upang mapanatag man lang ang kalooban nito bago siya umalis.  Pumayag naman si Mr. Clinton na umuwi ng maaga, napanatag ang loob ni Mheryl pagkatapos ay nagpaalam siyang muli na aalis na siya. Sumakay siya sa kotse niya at agad itong minaneho papuntang paaralan. Naalala niya na may debate pala ngayon at kasama roon si Yella at susubukan niyang humabol. Gusto niya muling marinig si Yella na magsalita sa stage… sa harap ng maraming tao. Mariella is one of the excellent students in their school.  Isa siya sa ipinagmamalaki ng paaaralan. Matalino si Yella… he sighed.  “Matalino akong tao pero na-bobo ako sa iyo, Khrist… ayaw kong mag-mura pero tang*na, minahal naman kita pero bakit ganito? Let me tell you this, nagsisisi ako na ikaw pa ang minahal ko. Nagsisisi ako na nakilala kita.” That was from his former girlfriend. Iyon din ang isa mga katagang lumabas sa bibig ni Yella bago sila tuluyang naghiwalay. Bago tuluyang natapos ang relasyon nila.  Pagdating niya sa campus ay umaasa siya na hindi pa tapos ang debate ngunit tapos na nga ito. Huling-huli siya… hindi niya alam kung naka-uwi na ba si Yella. Wala naman siyang nakitang bakas ni Yella kaya tanging pagbuntong-hininga na lang ang ginawa niya. Nagpasiya na lang siyang umuwi ng kanilang bahay. Bukas niya na lang ulit pupuntahan si Tala upang makausap ito. Kailangang mahulog kaagad ang loob ni Tala sa kaniya.  Hindi naman siya nakakalabas ng campus ay natanawan niya si Yella na naglalakad habang inaayos ang mga dala-dala niyang libro. Nakita niya rin kung paano may bumangga sa kaniya dahilan para malaglag ang mga libro na dala-dala nito. Napaupo si Yella upang pulutin ang mga nalaglag niyang kagamitan. Naalarma siya kaya’t dali-dali niya itong dinaluhan upang tulungan. Nagpatulong naman sa kaniya si Yella kasi alam niyang hindi pa ito nag-aangat ng tingin sa kaniya. Nang pareho silang makatayo ay nakita niyang dahan-dahang nanlaki ang mga mata ni Yella when she recognizes him.  Agad nitong kinuha ang libro mula sa kaniya at nataranta na animo’y hindi alam kung ano ang nararapat na gawin. Kung aalis na bai to kaagad o kakausapin pa siya upang magpasalamat man lang. “Uhm, t-thank you,” Yella said to him. He guessed… he’ll go with the latter.   “Can I talk to you for a sec?” Khrist asked her.  “A-ano pa ba ang dapat natin pag-usapan?”  Ano pa nga ba ang dapat nilang pag-usapan? “Tayo…” seryosong sabi ni Khrist. Agad namang umiliing-iling si Yella sa kaniya. “This will not make any sense. I gotta go,” sabi pa ni Yella pagkatapos ay naglakad na ito papalayo sa kaniya. Napabuntong-hininga na lamang siya ulit.  Nagpatuloy na lang siya sa paglakad papunta sa parking lot, balak niya nang umuwi ngayon ngunit natigilan siya nang makita niya ang kapatid ni Tala. Ang nag-iisang kapatid ni Tala. Hindi niya ito inaasahan but suddenly, some idea came up on his mind after he saw Jacinto, entering his own car.  Napangisi siya at sinundan lang ito. Maghahamon siya ng karera sa kapatid ni Tala. Average lang ang pagpapatakbo ni Jacinto kung kaya’t naabutan niya ito… nalagpasan niya pa ito habang binubusinahan niya rin ito upang makuha ang gusto niyang iparating kay Jacinto na agad naman nitong nakuha.  Sumunod si Jacinto sa kaniya at saka sumabay sa kaniya. Ibinaba ni Jacinto ang salamin ng bintana ng kotse niya na siyang ginawa rin ni Khrist. Nauna nang nagsalita si Khrist.  “Jacinto, paunahan tayo papunta sa paanan ng Mt. Melendez!” pasigaw na sabi ni Khrist sa kaniya. Nakita niya namang ngumisi sa kaniya si Jacinto. Nainis siya kahit na hindi pa ito nagsasalita. Hindi niya nga alam kung bakit niya ba naisip ito. Maybe… it has something to do with Tala. “And the bet?!”  Khrist scoffed. “F**k it. You only care about the bet.”  They are still driving while they're having chitchat.  “Not really. Mas may paki ako sa kapatid ko so back off!” “I told you, I love her!” “Sige! Ipilit mo pa ‘yan!” May panggigil pa sa boses ni Jacinto. Dahan-dahan nang isinara ni Khrist ang binate nang kotse niya. Binilisan niya na ang pagmamaneho, ganoon din ang ginawa ni Jacinto. Ito ang naging senyales na nagsimula na ang karera nila papuntang Mt. Melendez.  Mount Melendez is the nearest mountain in their city. It was actually 30 minutes away from their school but he thinks that it will just last in 20 minutes based on their speed. Para silang hinahabol ng napakaraming demonyo.  Ilang minuto ang nakalipas ay nakalayo na sila sa siyudad kung kaya’t wala nang masyadong dumadaan na sasakyan. Parang sa kanila na lang umiikot ang buong mundo. Nagpapa-unahan na makrarating sa paanan ng nasabing bundok.  Mas binilisan pa nila ang takbo ng mga sasakyan nila. Panaka-naka ang pagtingin niya sa direksyon kung nasaan si Jacinto. He could really say na mabilis din talaga itong magpatakbo… but he’s way better than Jacinto. He said that to himself, he held the transmission firmly and it goes on. Nang makarating sila sa interseksyon ay doon naghiwalay ang daan na tinatahak nila. May alam si Khrist na shortcut papunta roon. Wala rin namang nasabing rules bukod sa paunahan silang makarating sa paanan ng Mount Melendez.   Five minutes later, Khrist could see the mountain… malapit na siya’t wala siyang nakikitang bakas mula sa sasakyan ni Jacinto kaya naman napangisi siya, malamang sa malamang ay malayo na ito sa kaniya… nauna siya rito –  He flinched when he suddenly saw Jacinto’s car. Mga lima o sampung metro ang layo sa kaniya. Nauuna ito sa kaniya! Sumabay ito sa linya niya. Nawala ang ngisi sa kaniyang mga labi at napalitan lamang ito nang pag-igting ng kaniyang panga. What the actual f*ck.  Ginawa niya ang lahat upang makasabay ito sa kaniya. Nakita niya namang inilabas ni Jacinto ang ulo niya. Isang metro na lang ang layo ng mga sasakyan nila. “Again, ano ang pustahan?” Ano nga ba ang dapat niyang gawing pustahan? The name came upon his head, Tala…  “If I win, you will let me court your sister!” Maaring ito ang main purpose niya kaya niya in-aya si Jacinto na makipag-karera sa kaniya. What if I win, I ask for my money to come back, instead? The 100,000 na nawala sa kaniya ilang araw na ang nakakalipas dahil lang sa naka-chamba si Jacinto sa kaniya? He shook his head, that wouldn’t be a great idea.   Natigilan siya nang biglang napa-preno si Jacinto. Nabigla talaga siya so he suddenly pressed down the brake pedal. If he weren’t wearing a seatbelt, he might bang his head on the dashboard. Napamura siya.  Sabay silang lumabas ng sasakyan.  “Let’s stop this race,” agad na saad ni Jacinto sa kaniya. “Sinasabi ko na nga ba ayan ang hihilingin mo. I won’t deal with that.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD