Kabanata 7

1660 Words
SUMANDAL si Jacinto sa may kotse niya. He was now glaring at Khrist. Kanina ay may idea na siya kung ano ang pustahan at hindi nga 'yong nagkamali. What's wrong with him? "Deal with it, Jacinto. I'm in love with your sister," sabi pa ni Khrist sa kaniya. "Let's say that you love her, but the question is… does she feel the same way?" Napalunok naman si Khrist at matagal bago sumagot. Pinaliliitan lang siya ngayon ng mga mata ni Jacinto. "Not yet. Tala will love me," Khrist said as if he's sure that his sister will fall in love with him. Confidence. Tsk! "No, she wouldn't. Just back off. I'll go home now," sabi pa ni Jacinto at sinamaan pa ng tingin si Khrist. Nakakapanibago rin na hindi sila nagkasagutan, hindi sila nagkasumbatan. They're topic was about Tala. How come? Of course, may mga tanong pa rin sa utak niya na hindi niya maintindihan. Paanong mamahalin niya si Tala kung may Mariella pa? Well, he heard somewhere that Khrist was still in love with Mariella Quirino. Maybe, a few months ago? Hindi niya na maalala. Basta narinig niya ito sa kung saan. Sino ba ang niloko or niloloko ng gag*ng 'to? Si Tala o si Yella? "Let's continue the race, then." Akmang tatalikuran niya na si Khrist nang magsalita ulit ito. "Ayaw ko na." "Papalitan ko ang pustahan." Natigilan siya. Tataya na ba siya ng milyones? He mentally laughed. "If you win, hindi ko na itutuloy ang panliligaw ko kay Tala, I will back-off katulad nang sinabi mo." Napahawak si Jacinto sa kaniyang baba. "And… if you win?" "You will support me with that. Hahayaan mo 'kong patunayan." Nanliit ang mga mata niya. "May kaibahan ba iyan sa una mong sinabi? Kasi parang wala naman. I will go home now, I said… I won't deal with it. Huwag mo na idamay ang kapatid ko rito, hindi ka niya inaano." "Anong hindi inaano? Bina-baliw ako ng kapatid mo! I'm in love with her. I will do anything." Jacinto didn't expect that Khrist would say this. Maybe, he's the cringiest person he has ever seen. "Hindi pa rin talaga ako naniniwala na mahal mo si Tala. She's not good for you and you're not good for her." "Wala ka namang karapatan na sabihin kung ano ang mas makabubuti sa amin. Bakit hindi na nga lang tayo magpatuloy sa karera? Takot ka ba na patunayan ko mismo na naka-chamba ka lang sa huling karera natin?" Natigilan si Jacinto. Hindi siya naka-chamba, talagang mas magaling siya. Not bad. Pero ang pustahan! "Palitan mo ang pusta, papayag ako. Again, huwag mo idamay si Tala rito," sabi pa ni Jacinto. Nakita niya na napangisi lang si Khrist sa kaniya. "Bakit? You're afraid that you will lose? Sinasabi ko na nga ba," sabi pa ni Khrist, boses nang-iinis. "You aren't confident enough." "Ayaw kong pag-pustahan ang kapatid ko rito." "Ayaw mo ba? Na kapag nanalo ka, hindi ko na ipapatuloy itong panliligaw ko sa kapatid mo. Takot ka ba matalo?' nang-aasar pa na sabi ni Khrist. Agad na umigting ang panga ni Jacinto. "Hindi ako takot na matalo, Khrist. Ayaw ko lang na nadadamay dito ang kapatid ko." Kapag nagkataon pa't nalaman 'to ni Tala ay lalo siyang mapapasama rito. Lalo siya nitong hindi kakausapin, lalo lang itong magagalit sa kaniya. Lalo lang nitong pagsisisihan na naging magkapatid pa sila. "Okay. Mukhang buo na ang desisyon mo, loser," sabi ni Khrist at tinalikuran na siya. Umiling-iling naman lang si Jacinto at pumasok na rin siya sa sasakyan niya. This doesn't make any sense. Kung papalitan niya ang bet ay maaaring pumayag pa siya. Bago umalis si Khrist ay nagsalita itong muli. "Let me just tell you this, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang loob ni Tala." Umiling lamang muli si Jacinto, "Do it." Confidence din siya na hindi ito mapagtatagumpayan ni Khrist. Araw-araw niyang nakikita si Tala, sabay silang lumaki at nasubaybayan niya ito. Wala pang lalaki ang nakapag-paamo sa kaniya. Isa siyang mailap at mabangis na leon na mahirap hulihin. “SINO?!” nanggigil na tanong ni Tala. Nakatayo at magkakapantay ang mga kasambahay sa kaniyang harapan. Naiinis pa rin siya dahil sa nangyari kanina. “Hindi kayo sasagot?! Paanong nakapasok iyong lalaking iyon dito? Hindi kayo tinanggap dito sa pamamahay ko para lang tumunganga at magpapasok ng kahit na sino. Umamin na kayo. ‘Wag niyong antayin na mawalan kayo ng trabaho, and I will do everything para maghirap ang pamilya niyo, mga hampaslupa!” Hindi nakasagot ang mga kasambahay, nakayuko lang sila at mas pinilig itikom ang kanilang mga bibig. “Ayusin mo ang pananalita mo, Tala. Wala ka talagang respeto.” Agad na napalingon si Tala nang marinig niya ang boses ng kaniyang ama. Himala! Maaga itong umuwi. Tinaasan lang siya ng kaliwang kilay ni Tala. “Did you even know, Dad, kung anong katangahan nitong mga ‘to? You’re doubling their salary yet they’re not doing their job properly.” May diin sa boses niya nang banggitin niya ang salitang ‘Dad’. “Hindi ka pinalaki ng Mommy mo nang ganiyan. Hanggang ngayon wala akong ideya kung bakit ka naging ganiyan. Matagal na kitang hinahayaan. Hindi kita pinapagalitan dahil mahal kita. Ngayon, sumu-sobra ka na. Ano ba talagang problema mo?” Nakakunot ang noo ni Mister Emilio nang sabihin niya iyon sa anak. Tala just scoffed. Bumaling ang ama nito sa mga kasambahay na animo’y nabunutan na ng tinik. “Sige na, tapos na ang usapan na ito, magpahinga na kayo.” Mabilis namang kumilos ang mga ito ngunit agad silang natigilan nang magsalita si Tala. “Walang aalis hangga’t walang umaamin kung sino ang nagpapasok ay Khrist dito!” “Tala, ako ang nagbigay ng permiso na pumasok siya rito. Why don’t you give him a chance?” Bahagyang nagulat si Tala sa tinuran ng kaniyang ama. Umiling-iling siya rito, hindi siya lubos na makapaniwala. Ibig bang sabihin nito ay may suporta si Khrist mula sa kaniyang ama? Hindi ito maganda. Napasinghap siya at saka tinalikuran ang ama niya. Agad siyang bumalik sa kuwarto niya. This is crazy! Indeed! “WHAT is that?” tanong ni Jacinto sa kaniyang ama. Napabuntong hininga naman ito bago sumagot, “Sinusuportahan ko si Khrist.” Napakunot naman ang noo ni Jacinto. Sinusuportahan? Saan? Naabutan niya kasi si Tala na padabog na umakyat papuntang kuwarto niya. Halatang nagkasagutan ito kaya hindi niya naman napigilan ang sarili niya na magtanong. “Saan?” tanong pa rin ni Jacinto kahit na may namuong ideya sa utak niya. If he’s talking about that dumb-ass… “Nanliligaw si Khrist kay Tala and I’m giving him my blessings,” sagot nito. Jacinto immediately clenched his jaw. "No." "Maybe he'll be the reason for her change." “Na kay Tala ang desisyon, Dad, suportahan mo rin siya kung ano ang gusto niya,” seryosong saad ni Jacinto. “Based on my observation, she doesn’t want Khrist around her, binasted niya na ito since day one.” “Hindi… hindi ngayon, Cinto. I’ll pursue this. I knew that Khrist would never give up on her,” saad pa nito. “I miss my baby girl.” Mapait na ngiti ni Mister Emilio bago niya talikuran ang panganay niyang anak. Napabuntong-hininga na lang din siya. Kahit siya’y nami-miss niya na rin si Tala… ang malambing, masayahin niyang kapatid... BUMABA si Tala sa van na naghatid sa kaniya rito sa campus. She’s aware that she’s 5 minutes late ngunit parang wala lang din uli sa kaniya. Prente pa rin siya maglakad sa corridor at walang halong taranta o abala sa dahilang huli na siya sa klase niya, iba tala siya sa ibang mga tao sa paligid niya. Ilan room na lang sana nag dadaanan niya upang makarating sa room niya nang bigla na lamang may humarang sa dinaraanan niya. Wala siyang emosyon na nag-akyat ng tingin sa taong gumawa niyon. “Umalis ka sa harapan ko.” utos ni Tala sa kaniya. Hindi pamilyar sa kaniya ang lalaking humarang sa kaniya ngunit wala naman siyang pakialam, basta umalis ito sa daraanan niya. “I am Allen, and this is for you,” sabi ng lalaki pagkatapos ay naglabas pa ito ng isang maliit na kulay pula na box. He extended it to her. “Hm? Umalis ka sabi sa harapan ko,” utos na naman ni Tala, hindi niya pinansin ang sinabi ng lalaking iyon. Nahihiya namang tumabi ang lalaki at nakita niya na napakamot pa ito sa kaniyang ulo. Nagdire-diretso siya ng lakad papunta sa room niya. As usual ay nagdi-discuss na ito pagdating niya. Hindi niya ito pinansin at hindi rin naman siya pinansin ng mga ka-blockmates niya. Naupo siya sa upuan kung saan si Mariella Quirino ang pinakamalapit sa kaniya. Hindi naman sila nagpansinan. Well, hindi naman talaga sila nagpapansinan, tahimik lang siya buong klase. Pero hinidi nakatakas sa kaniya ang panaka-nakang pagsulyap ni Mariella sa kaniya. Hindi tuloy nawala sa isip niya si Khrist! She knew that they’re ex-lovers. Darn. Pagkatapos ng kaniyang unang klase ay nagpasya siyang pumunta sa cafeteria upang kumain. She ordered a coffee in just a healthy sandwich for her snacks. Tahimik lang siya hanggang sa may babaeng lumapit sa kaniya, sa table niya. May dala itong tray ng pagkain. “T-Tala…” Nag-angat siya ng tingin ng tawagin siya nito. “Puwede ba akong tumabi sa i –” Agad na pinutol ni Tala ang nais iparating ni Mariella sa kaniya. Hindi niya nga alam kung bakit ito lumapit sa kaniya. “Hindi,” diretsong sagot ni Tala at nag-iwas siya rito ng tingin. Hindi niya naman talaga gugustuhin na makasama niya si Yella na kumain o ang kahit na sino. She preferred to be alone, especially… while eating. “Alright, I’m sorry for bothering you,” paghingi ng tawad ni Yella at saka ito umalis. She rolled her eyes. Yes, you should. Nagpatuloy na lamang siya sa pag-inom ng kape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD