Chapter 1
"Ate Sam! hinihintay ka na nila Inay!"-dinig sa buong kabahayan ang sigaw ng nakababatang kapatid ni Samantha na si Alana. Si Samantha ang panganay sa dalawang anak nila Aling Lourdes at Mang Theodor Valdez. Ang kanilang mga magulang ang caretaker sa haciendang kanilang tinitirhan, ang Hacienda Carmelita. Ang nagmamay-ari sa Hacienda ay sina Don Ignacio Montecarlos at Donya Carmelita Montecarlos, ngunit sa kasamaang palad ay namayapa ang ginang noong nakaraang taon na labis na ikinalungkot ng Don. Matagal nang katiwala ang mga magulang nila Sam sa Hacienda kaya naman ay napamahal na rin sa kanila ang lugar maging ang Don na siyang nagmamay-ari ay itinuring na rin silang pamilya. Sa tulong nila Don Ignacio ay nakapagtapos si Samantha ng BS agriculture sa University of Northern Philippines sa Vigan City. Dahil ang hacienda ay matatagpuan sa Vigan, ilocos Sur ay napagpasyahang doon na rin siya mag-aral.
"Sam, maganda ang ani ngayon ng mga Mangga, matutuwa ang Don nito, ipagbibili natin ito agad sa mga karatig bayan!"-Tuwang tuwang bigkas ng kanyang ama.
"Opo itay, pati rin po ang mga sitaw at ang mga mais ay malapit na rin pong maani! siguradong matutuwa rin sina Mang Fernan!"-ani ni Samantha na ang tinutukoy ay ang magsasaka sa hacienda. Ka -close nila lahat ang mga nagtatrabaho doon kaya naman ay parang pamilya na ang turingan nila sa isa't isa. Isa sa dahilan kung bakit BS agriculture ang kinuha ni Sam ay dahil nais niyang makatulong sa Hacienda, masusi niyang pinag aaralan ang panahon at ang lupa, kaya naman ay gamay niya kung ano mga itatanim bawat buwan o taon para papatok at hindi masayang ang kanilang itatanim. Maging katiwala ng mansyon ng Montecarlos family ang trabaho ng kanyang mga magulang, ngunit sa kagustuhan na magtrabaho sa bukid ni Mang Theodor ay hinahayaan na rin siyang magsaka sa mga pananim doon.
"O siya ako'y pupunta na sa bukid para mag umpisa na mag ani ng mangga, Ihatid niyo na lamang maya maya ang pananghalian doon Sam"- wika ni Mang Theodor saka ito lumabas ng bahay.
Kung si Mang Theodor ay tumutulong sa bukid, ang kanila namang ina na si Aling Lourdes ang siyang nagluluto ng pagkain para sa mga magsasaka, isa sa naging kasunduan nila ng Don Ignacio na sa pamamagitan ng mga mapagbibili sa pananim ay doon na rin nila kukunin ang pangkain at pampasahod sa mga nagtatrabaho roon. Minabuti na rin ni Sam na doon na magtrabaho sa Hacienda dahil na rin sa pakisuyo ng matandang Don at sa kagustuhan rin ng kanyang mga magulang sapagkat sapat din ang ibinibigay na sweldo sa kanya ng Don.
"Sam, tulungan mo na ako rito para madali tayo magluto at siguradong magugutom kaagad sila doon dahil sa init ng panahon"- ani ni Aling Lourdes kay Sam.
"Opo Inay, siyanga pala inay, mukhang naaadik sa cellphone si Alana, sapagkat kagabi ay napansin kong alas diyes na ng gabi ay bukas pa ang ilaw sa kanyang kwarto at narinig kong nanonood sa t****k!"-ani ni Sam na ang tinutukoy ay ang nakababatang kapatid.
"Aba aba, mabuti at sinabi mo at nang mapagsabihan, 1st year college naman na ito ngunit isip bata pa rin!"-nakasimangot na wika ni Aling Lourdes.
Napailing na lamang si Samantha sa turan ng kanyang ina.
Pagsapit ng alas onse ay nagsimula nang ikarga nila Aling Lourdes at Samantha ang mga pagkain sa pick up na binili din ng Don para magamit sa hacienda. Si Sam na rin ang nagda drive nito.
Pagdating nila sa taniman ay nakita nilang nagpapahinga na ang kanyang ama at mga kasamahan nito sa ginawa nilang kubo sa ilalim ng mga puno ng mangga, presko rito sapagkat sa harapan nito ay ang taniman rin ng mga palay. Unti unti nilang ibinaba ang mga pagkain upang makapananghalian na sila.
"Mukhang masarap ang ulam ah"-Nakangiting wika ni Mang Fernan.
"Ano nga bang ulam?"- wika naman ni Mang Kaloy.
"Aba eh di ang paborito nating pinakbet!"-nakatawa namang turan ng kanyang ina na siyang nagpalawak sa ngiti ng mga ito.
"Ilang sako na po ang na harvest itay?"-tanong ni Sam sa kanyang ama habang sila ang naghahanda na para kumain.
"Aba naka sampu na kami anak, may natitira pang anim na puno na hindi pa naharvest."-tugon naman ng kanyang ama habang sarap na sarap sa pagkaing niluto ng kanyang inay.
Habang kumakain sila ay nagbibiruan ang mga ito, pampalipas ng kanilang pagod.
Tapos na silang kumain ng maya maya ay nakita nilang parating si Amboy, ang anak ni Mang Kaloy, nakabisekleta ito at mukhang nagmamadali. "Ate Sam!" tawag nito sa dalaga.
"Oh ano ba yun Amboy at mukhang nagmamadali ka yata?"-tanong ni Sam.
"Pinapasabi ni kuya Estong na nandito raw si Don Ignacio! tumawag siya kay inay kanina dahil hindi ka raw niya macontact!" - hingal na hingal na wika ni Amboy. Si Kuya Estong ay ang gwardiya sa gate ng hacienda.
"Nakalimutan ko kasing dalhin ang aking cellphone, naiwan ko sa bahay"-tugon ni Sam.
"Bakit kaya biglaan ang pagdating ng Don?"-tanong ng kanyang ama.
"Aba'y huwag ka na magtanong! halika na at salubungin natin ang Don at baka mauna pa siyang makarating sa mansion at siguradong hahanapin ka nun!"-wika naman ni Aling Lourdes na siyang ikinangisi ng mga kasamahan nila roon.
"Eto na nga at sasakay na, Sam anak baka naman pwede mo kaming ipagdrive? dahil kung ako ang mag drive ay baka sa putikan tayo patungo"- Kakamot kamot sa ulong wika naman ng kanyang ama.
Sabay sabay silang nagtawanan sa tinuran nito.
Pagdating nila sa Mansion ay nandoon na nga ang Don, kasama nito ang kanyang driver at ang kanyang Nurse. Dahil sa may katandaan na ito ay kumuha na ito ng Nurse na mag aalaga rito, palibhasa sa kanyang kaalaman, ang kaisa isang anak nito ay nasa Amerika kasama ang kanyang asawa.
"Don Ignacio, maligayang pagdating po"- narinig niyang wika ng kanyang ama sa Don.
"Theodor! nagagalak akong makita kayong muli!"-nakangiting wika ng Don at unti unting lumapit sa kanila.
"Sam apo, lalo ka yatang gumaganda"-Nakangiting turan ng Don sa dalaga.
Simula noong maliit siya ay Lolo ang gusto nitong itawag rito, bagaman Don ang nais niyang itawag sapagkat siya ay nahihiya ngunit mapilit ang Don.
"Lolo Ignacio, kumusta ho kayo?"-nakangiting wika ni Sam habang siya ay nagmamano rito.
"Maayos naman apo, pasensiya na kayo kung hindi ako nag abiso sa pagpunta rito, may nais lamang akong iparating sa inyo" -Makahulugang sabi ng Don saka ito tumitig kay Sam.
Sumiklab ang kaba ni Sam sa tinuran ng Don. 'Ano kayang gustong iparating ng don at nagtravel pa ito galing maynila patungo rito?'-wika ni Sam sa kanyang isipan.
"Mamayang gabi ay sabay sabay na tayong kumain, Gusto kong matikman muli ang pinakbet mo Lourdes at siyempre yung sahog ay ang Bagnet!"- masiglang wika ng Don.
"Ay opo Don Ignacio! tamang tama dahil kumuha ako kanina sa bukid ng talong at sitaw! ipagluluto ko ho kayo!"- nakangiti naman wika ng kanyang ina.
"O siya sige, maya maya na lamang tayo magkwentuhan dahil gusto ko munang magpahinga, iba na ang tumatanda, pati pag upo sa biyahe ay nakakapagod na rin"- wika ng mabait na Don.
"Ay Opo Don Ignacio, sige po at maghahanda po muna kami ng ating hapunan, magpahinga po muna kayo" - wika naman ng kanyang ama.
Ang kanilang bahay ay katabi lamang ng mansyon, noong una ay gusto ng Don na doon na lamang sila tumira sa mansyon, ngunit ayaw ng kanyang ama dahil para sa kanila ay malaking bagay na na pinagkatiwalaan silang maging caretaker rito, ngunit ayaw nilang samantalahin na pati ang mansyon ay titirhan din nila. Kaya minabuti ng kanilang ama na magpatayo ng kahoy na bahay sa katabi ng mansyon at sinang ayunan na rin ito kalaunan ng Don, ito ay may disenyo na parang antique ngunit pininturahan nila ito ng puti sa loob para maaliwalas sa paningin. Presko at malinis ang kanilang bahay dahil maayos sa lahat ng bagay si Aling Lourdes.
"Ano kaya ang sasabihin ng Don at bumiyahe pa siya rito?"-naguguluhang wika ng kanyang ina.
"Malalaman mo rin yan mamaya kaya ngayon pa lang ay magumpisa na tayo para masiyahan ang Don sa pagkain mamaya"-Pambabara naman ng kanyang ama.
"Masama bang magtanong?"-irap naman ng kanyang ina sa kanyang asawa.
Napatawa na lamang ang dalaga sa usapan ng kanyang mga magulang. Natural na lamang sa kanila ang parang nagbabangayan ang mga ito ngunit alam din nila na ganito talaga sila mag usap.
Pagsapit ng 6:30 ng gabi ay nakapagluto na sila aling Lourdes at Sam ng pinakbet at empanada. Habang si Mang Theodor ay nagluto naman ng kakanin at nag ihaw na rin ng tilapia.
"Alana! tulungan mo na kami rito, dalhin na natin ito sa mansyon" -wika ng kanilang ina.
"Opo inay, andiyan na po"-tugon naman ng kanyang kapatid.
Pagpunta nila sa mansyon ay naroon din ang iba pang mga trabahador ng hacienda, may kanya kanya din silang mga dalang pagkain.
"Aba napakarami nito! masayang magsabay sabay na tayong kumain para naman makapag bonding tayo"- masiglang wika ni don Ignacio.
Napagdesisyunan nilang kumain sa veranda ng Mansyon dahil maliwanag din sa gabing iyon at sakto lang ang lamig ng simoy ng hangin.
Masayang nagkukuwentuhan ang mga trabahador at ang Don habang nagkakainan, pagsapit ng 9:30 ng gabi ay unti unti na ring nagpaalam ang iba dahil maaga pa ang mga ito sa bukid. Naiwan naman ang pamilya nila Sam sa mansyon.
"Ngayong tayo na lamang ang nandito, mabuti pa ay tumungo na lang tayo sa sala sapagkat malamig na rin ang hangin"- wika ng Don sabay tayo.
Pagdating nila sa sala ay pinaupo sila ng Don sa mahabang sofa.
"Marahil ay nagtataka kayo kung bakit gusto ko kayong makausap, Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Sa mga susunod na buwan o taon ay marahil wala na ako sa mundong ibabaw, palala na ng palala ang sakit ko sa puso, sa katunayan ay tinaningan na ako ng doktor. Ito ang isa sa dahilan kung bakit gusto ko ring pumunta dito, gusto kong makita ang probinsya at makalanghap ng sariwang hangin kahit sa huling pagkakataon man lang"- malungkot na sabi ng Don.
Mistulang naging bomba ang narinig nila sa Don.
"Don Ignacio, huwag po kayo mag-isip ng ganyan! malakas pa po kayo at mabubuhay pa po kayo ng maraming taon"-wika ng kanyang ama.
"Hindi Theodor, andito ang nurse ko para magpatunay na totoo ang sinasabi ko, pinapakita ko lang na malakas ako ngunit sa loob ko ay talagang nanghihina na ako" yumuko ang Don at ibinulong "Ilang sandali na lang ay makakasama ko nang muli ang aking Carmelita"- banggit ng Don sa kanyang namayapang asawa.
Unti-unting pumatak ang luha ni Sam sa kanyang narinig, bagaman nalulungkot siya dahil nanghihina na ang Don, ngunit nakikita niya na mukhang handa na rin ito dahil sa paniniwala nitong makakasama niyang muli ang kanyang minamahal na si donya Carmelita.
"Anuman ang mangyari sa akin ay sa inyo ko ipagkakatiwala ang hacienda"- Tumingin ang Don sa kanila at natigil ito sa kanya. "Sam alam kong napamahal na sa iyo ang hacienda, malaki ang tiwala ko sa iyo Apo, ingatan niyo ang hacienda"
Tila natigil ang t***k ng puso ni Sam sa narinig, 'anong ibig sabihin ng don?' 'Bakit niya sa amin ipinagkakatiwala ang hacienda?'
"Ngunit Don Ignacio, hindi ba't nararapat lamang na ipagkatiwala niyo ito sa inyong anak?-malumanay na tanong ni mang Theodor.
Malungkot na tumingin ang Don sa kanila "Ang aking anak ay pinili na manirahan sa siyudad at noon pa lamang ay wala na siyang interes dito sa hacienda, ito ang kauna unahang pundar namin noon ni Carmelita kaya hindi ko makakalimutan ang lugar na ito, Ang aking kaisa-isang apo naman ay busy na sa kompanya"- Bumuntong hininga ang Don.
Kumunot ang noo ng dalaga sa narinig 'Kaisa isang apo?', naririnig na niya noon na may apo ito ngunit ni minsan ay hindi niya pa ito nakita at kahit pangalan nito ay hindi niya alam.
"Nakikiusap ako sa inyo na ingatan niyo ang hacienda, palaguin niyo ito hangga't makakaya niyo, dahil maraming pamilya rin ang mawawalan ng hanapbuhay kapag nawala ito"- sambit ng Don na ang tinutukoy ay ang mga pamilya ng mga magsasaka na naninirahan na rin dito sa hacienda.
Nagtinginan silang mag-anak.
"Makakaasa po kayo Don Ignacio, iingatan po namin ang Hacienda, ngunit sa panahon po na kayo ay...errmmm at kung sino po ang magiging kahalili ninyo sa pangalan Ng may ari ng hacienda ninyo ay lubos po naming igagalang iyon, pangako po namin na igagalang namin ang errr papalit sa inyo." -nahihiya ngunit determinadong tugon ng kanilang ama.
"Salamat sa inyo, nakikita ko ang sakripisyo ninyo, hayaan niyo dahil balang araw masusuklian ko ang mga paghihirap ninyo." -Makahulugang wika ng Don sabay tingin kay Sam.
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng gabing iyon ay hindi pa rin maintindihan ni Sam kung bakit ganun na lamang ang turan ng Don. 'Masusuklian? ano kaya ang ibig sabihin ng Don?' -naguguluhang tanong ni Samantha sa kanyang isipan.
Isang linggo ring namalagi ang Don sa Hacienda nang mapadesisyunan nitong uuwi na sa Maynila. Pinabaunan nila ang Don ng mga sariwang gulay galing sa hacienda na siyang ikinatuwa nito.
Lumipas ang mga araw pagkatapos makauwi ang Don sa Maynila ay nakatanggap sila ng hindi inaasahang tawag mula sa isang nagngangalang Atty. Gideon.
Noong una ay akala nila ay ito'y nang iiscam lamang ngunit nang binanggit kung naroon ang nagngangalang Samantha Valdez ay agad niyang kinuha ang telepono sa kanyang ina.
"Hello, Ako po si Samantha Valdez, ano pong sa atin?"- tanong ni Sam rito.
"Hello Miss Samantha, I am Atty. Gideon. nais ko pong iparating sa inyo na si Don Ignacio ay namayapa na kaninang alas tres ng madaling araw, and as we've talked before, He wants you to hear his last will, and kung may time po kayo by tomorrow ay babasahin ko po sa inyo ang huling habilin ng Don. Ibibigay ko na lamang ang address ng aking opisina dito sa Manila. Thank you."
Natutop ng Dalaga ang kanyang bibiga sa kanyang narinig 'Wala na ang Don!' unti unting pumatak ang luha sa kanyang pisngi at humagulgol.
"Anak! anak! anong nangyayari sayo!?"-gulat na tanong ni aling Lourdes nang marinig niya ang iyak ng kanyang anak.
"Inay! wala na po si Don Ignacio!"
Natutop ni Aling Lourdes ang kanyang bibig, at sabay silang umiyak.
Sa gabing iyon din ay napagdesisyunan nilang mag anak na lumuwas ng maynila upang makiramay. Naiwan si Alana sa hacienda dahil ito'y nag aaral.
Pagdating nila sa maynila ay agad silang nagtungo kung saan nakaburol ang labi ng Don. Maraming tao ang naroon katunayan na mabait at maraming kaibigan talaga ito. Mahahalata sa mga ito na mayayaman ang mga ito. Pagpasok nila doon ay agad na nabaling ang tingin ng mga tao sa kanila, ang ilan ay nagbulungan marahil ay nagtatanong kung sino sila. Lumapit sila sa mga nasa harapan at nagbigay ng respeto. Napagtanto niya na ang nasa harapan ay ang anak na lalaki ng Don at ang asawa nito, mukhang mabait ang lalaki ngunit pagtingin niya sa asawa nito ay nakaismid ito sa kanila at hindi ito tumitingin.
Kinabukasan ay tinungo nila Samantha ang opisina ni Atty. Gideon, doon ay napagtanto niyang bata pa pala ang abogado at napakakisig nito! Sa pagpasok niya sa opisina nito ay agad na nakita ni Samantha ang paghagod ng tingin ni Atty. Gideon sa kanya, Napa-blush ang dalaga sa ginawang pagtitig sa kanya ng abogado. Tumikhim siya at muli ay sumeryoso ang tingin ni Atty. Gideon sa kanya.
"Thank you Miss Samantha sa pagpapaunlak sa pagbasa ng huling habilin ni Don Ignacio."-ngumiti ito sa kanya.
"Hindi ko po maintindihan Atty. kung bakit ay kailangan kong marinig ang last will ni Don Ignacio, sapagkat ako ay hindi naman nila kamag-anak"-Malumanay na sagot ng dalaga.
Ngumiti lamang ang abogado sa kanya at iginiya siya nitong maupo sa sofa.
Hindi na maintindihan ni Samantha ang iba pang nilalaman ng last will ni Don Ignacio, natulos siya sa kanyang kinauupuan at hindi makapagsalita, isa lamang ang paulit-ulit na nag sink-in sa kanyang isipan! hindi ito pwedeng mangyari!
"Ako si Ignacio Montecarlos ay ibinibigay ang aking basbas na sa aking pagpanaw ay mapupunta ang Hacienda Carmelita kay Samantha Valdez at ang 50% share sa Art Life holdings na pinamumunuan ng aking apo na si Maxwell Montecarlos, kalakip nito ay narito ang titulo ng lupa ng hacienda na mapupunta na kay Samantha Valdez."
'Bakit? hindi ko matatanggap ito! hindi ito para sa akin! nararapat lamang na ibigay ito sa anak at apo ng Don!'-bulong ni Samantha sa kanyang isipan.
"Atty. Hindi ko po matatanggap ito. Wala po akong karapatan para kunin ang mga ari arian ng pamilya Montecarlos!"-Nanginginig na wika ni Sam kay Atty. Gideon.
"Binanggit ng Don miss Sam na hindi na ito pwedeng baguhin pa, ipinabibigay din ito ng Don sa iyo"-Iniabot ni Atty. Gideon ang sobreng brown na sa wari ni Sam ay sulat ang laman nito.
Pagkaalis nila Sam at kanyang mga magulang sa opisina ni atty. Gideon ay saka sila muling nagtungo sa burol ng Don sapagkat kinabukasan ay ililibing na ito. Nagtatanong ang kanyang mga magulang kung ano ang naging usapan nila ng batang abogado, ngunit sinabi na lamang ni Sam na mag-uusap sila pag-uwi na nila ng Ilocos.
Pagkatapos ng libing ni Don Ignacio ay bumalik din kinahapunan sina Sam sa Ilocos, pag-uwi nila sa Hacienda ay doon na sinabi ni Sam ang nilalaman ng Last will document ng yumaong Don.
"Naku po anak! ano na lamang ang sasabihin ng pamilya ng Don?, Hindi ba pwedeng ibigay na lamang sa kanila ang titulo ng lupa? at ibalik ang share ng kanilang kompanya?- Naguguluhang tanong ni Mang Theodor sa anak.
"Yun din ang nasa isip ko Itay ngunit noong binanggit ko ito kay Atty. Gideon ay wala na raw pwedeng gawin dahil nakapangalan na sa akin ang titulo ng Hacienda at ang share ay nakapangalan na rin sa akin!".
Tila hindi malaman ni Samantha ang mga pangyayari. 'Anong gagawin ko?'. Hindi na namalayan ni Samantha na nakatulugan na niya ang kanyang malalim na pag-iisip.
‐‐--------------------------------------------------------
"Anong ibig sabihin nito!?"-Nanginginig sa galit na tanong ni Maxwell, ang kaisa-isang apo ni Don Ignacio Montecarlos. Ilang araw ang nakalipas noong mamatay ang kanyang lolo ay binasa ni Atty. Gideon ang last will nito, doon niya nalaman na isang hindi pa niya nakikilalang babae ang kahati niya sa share sa Art Life! ang kompanyang pinamumunuan niya sa kasalukuyan, at hindi lamang iyon ang kahilingan ng kanyang lolo! muling bumalik sa kanyang isipan ang kanyang narinig...
"Akong si Ignacio Montecarlos ay ibinibigay ang aking ilang mga ari-arian sa aking kaisa-isang apo na si Maxwell Montecarlos, ang mga sumusunod ay ang condo residence sa Makati Tower, House and lot in Boracay, my 50% share in Art Life will be transferred to Ms. Samantha Valdez and the other 50% will be given to my Grandson, Maxwell. Kung darating ang pagkakataon na gustong bawiin ni Maxwell ang 50% share from Ms. Samantha ay aking pinahihintulutan sa isang kondisyon: kailangang pakasalan ni Maxwell Montecarlos si Ms. Samantha Valdez.
"Unbelievable! bakit kailangang ibigay ni Lolo ang kanyang share sa babaeng iyon!?, anong ginawang gayuma nito sa lolo ko at pati ang Hacienda ay ipinangalan nito sa kanya!?"-Galit na tanong ni Maxwell kay Atty. Gideon.
"Only Don Ignacio knows Maxwell, If you'll excuse me babalik muna ako sa opisina ko, call me if you need anything"-tugon ni Atty. Gideon. Palibhasa matagal na silang magkaibigan kaya naman ay kabisado na ni atty. Gideon ang kaibigan, at sa oras na ito ay magalit ang ay masyadong mainit ang ulo nito.
Tumanaw ang binata sa glass wall ng kanyang opisina, hanggang 10th floor ang ArtLife holdings at ang kanyang opisina ang nasa 10th floor, ang Artlife ay isang construction company na kanyang pinamumunuan, siya ay isang engineer kaya naman ay gamay na gamay na niya ang pagpapalakad dito.
Naikuyom ni Maxwell ang kanyang mga kamay, 'I need to talk to this lady!"-nagpupuyos sa galit na isip ni Maxwell.
------------------------
Kinabukasan ay naisipan ni Samantha na mag rounds sa Hacienda, nais niyang tignan ang taniman ng gulay, napag isipan niyang gamitin ang kanyang kabayo na si Brave, matagal na rin siyang hindi nakapag horse ride kaya naman ay gusto niya ulit masubukan ito.
Nagbihis siya ng leggings na itim at saka siya nagboots, pinartneran niya ito ng puting sleeveless tops at pinatungan ito ng black and white checkered na long sleeve, para may proteksyon siya sa araw, gumamit na rin siya ng hat at kusang inilugay ang itim na itim at alon alon na buhok. Bagaman nasa probinsya si Samantha ay likas na maputi siya, natural na namumula mula ang kanyang mga pisngi, matangos din ang kanyang ilong, ang kanyang mga mata ay mapungay na wari mo'y laging nangungusap, at higit sa lahat ang kanyang labi ay likas na mamula mula. Marami ang nagsasabi sa dalaga na mukha itong modelo sa tindig at sa itsura, ngunit binabale-wala lamang ito ng dalaga.
"Inay aalis na ho ako, tutungo muna ako saglit sa taniman ng mga gulay, baka may gusto kayong ipakuha sa akin?"-wikang sabi ng dalaga kay aling Lourdes.
"O siya sige anak, mag ingat ka, wala naman na ako ipapakuha dahil namitas na ako kahapon ng mga gulay din."-tugon naman ng kanyang ina.
Nagsimula nang sumakay si Samantha kay brave at napangiti siya nung makasampa rito. Sa una ay pinalalakad pa lamang niya si brave, ngunit kalaunan ay pinatakbo niya ito ng mabilis, tuwang tuwa siya sa bahagyang pagdampi ng hangin sa kanyang mukha habang ang kanya namang buhok ay sumasabay sa direksyon ng hangin.
Malapit nang mag alas singko ng hapon ng mapagpasyahang umuwi na si Samantha sa kanilang bahay, muli ay sumampa siya sa kabayo niyang brave at pinatakbo ito.
Papalapit na siya sa kanilang bahay nang mapansing may nakaparadang sports car sa harapan ng Mansyon, hindi niya kabisado kung anong klase itong sasakyan ngunit alam niyang hindi ito basta basta, 'sino kaya ang nandito?' -manghang tanong niya sa kanyang isipan.
Dumiretso ang dalaga sa kanilang bahay, hindi pa man siya nakakababa kay brave ay nakita na niya ang hindi mapakaling mukha ng kanyang nanay Lourdes. "Sam!"- Sigaw na tawag ng kanyang ina sa kanya.
Nagtataka siya kung bakit ganun na lamang ang pag-aalala ng kanyang inay, at sa puntong iyon ay naalala niya ang sports car sa harap ng mansyon. "Sino ang dumating inay?, kaninong sasakyan ang nasa mansyon?"-tanong ng dalaga sa kanyang ina.
"Ang Apo ni don Ignacio! Si Sir Maxwell!"-Tugon ng kanyang ina.
Hindi nakakilos si Sam sa kanyang narinig! 'Nandito kaya ito upang bawiin ang hacienda? kung sabagay ay sa kanila talaga ito dapat mapunta'-isip ng dalaga.
"Sandali lamang inay at magbibihis ako, pupuntahan natin siya, alam na ba ng itay?"-tanong ng dalaga.
"Oo! naliligo na rin siya, sandali at ihahanda ko ang pagkain ibibigay natin, tamang tama at nakapagluto na ako"-bakas pa rin ang pag aalala sa mukha ni aling Lourdes.
Papunta na siya sa kanyang kwarto nang muli siyang tawagin ng kanyang ina. "Sam? ermm..ano kaya sa tingin mo ang sadya ni Sir Maxwell dito?-wikang tanong nito.
"Hindi ko rin alam inay, hindi bale at pupunta tayo mamaya para malaman kung ano ang sadya nito rito"-pagkabanggit ni Sam iyon, ay saka na ito tumalikod upang maligo.
6:15 ng gabi ng tumungo na ang mag anak sa kabilang bahay, ito ay ang Mansyon. Pagdating nila roon ay nakita nila ang dating driver ni Don Ignacio.
Sinalubong sila nito at iginiya sa loob ng mansyon saka nito tinawag ang apo ni Don Ignacio.
Kasalukuyang nakaupo sa sofa sina Samantha kasama ng kanyang mga magulang ng makita nila ang binatang bumababa sa hagdan mula sa second floor ng Mansyon. Mistulang naipako ang mga paa ni Sam ng makita niya ang mukha ng lalaki! Napakagwapo! Tila ito isang modelo sa tindig at itsura nito! Katamtamang puti ito at napakatangkad! mayron itong matangos na ilong at labing mala hugis puso, makakapal din ang mga kilay nito na siyang nagpadagdag sa dangerous awra look nito, 'tumahimik ka Sam!'-sigaw ng kanyang isipan.
Tumikhim ang binata na siyang ikinapula ni Sam. "Good evening"-narinig niyang wika ng baritonong boses na nagmumula sa binata. Seryoso itong nakatingin sa kanyang mga magulang at nang mapako ang tingin nito sa kanya ay para siya nitong kinikilatis, nakita niya ang pagbaba ng tingin ng binata sa kanyang labi, napalunok si Sam at walang ano't ano ay binasa niya ang kanyang labi gamit ang kanyang dila.
Napansin ng dalaga na nagkiskisan ang mga ngipin nito saka ito muling tumingin sa kanyang mga magulang. Hindi alam ni Samantha kung bakit ganun na lamang ang reaksyon ng binata pagkakita sa kanya.
"I'm sorry kung biglaan kaming pumunta dito, mayroon lamang akong gustong sabihin sa inyong anak"-narinig niyang sabi ng binata saka ito bumaling sa kanya.
"Ano ho iyon Sir Maxwell?"-tanong ni Mang Theodor, ang kanyang ama.
"Maupo muna tayo"-maawtoridad na tugon ng binata na siyang ikinainis ng dalaga.
"So, after my Lolo died, there's this will na sinulat niya sa akin, or should I say sa atin"- baling ng binata kay Sam.
"Unfortunately, binigay niya ang titulo ng hacienda carmelita sa hindi niya kaano ano, and at the same time pati ang 50% share niya sa artlife that is suppossedly for my Father had been given to you"- mapait na wika ng binata sa dalaga.
Nagpanting ang tenga ng dalaga sa narinig! how dare he! "EXCUSE ME mr. Maxwell! I'm not really interested sa 50% share na ibinigay ng Don sa akin! at pati na rin ang lupain ng hacienda ay hindi namin interes na kunin sa inyo! nabigla lang din ako ng binasa sa akin ni Atty. Gideon ang last will ng Don!"-nagpupuyos sa galit na sigaw ng dalaga.
"Really? anong ginawa mo sa lolo ko at ibinigay niya sayo ang napakalaking share ng kompanya? pati ang hacienda ay ibinigay sayo?"- nakakuyom ang kamao nito habang nagsasalita at nakatingin sa kanya.
"Hindi ko alam! you can get that share if you want! hindi ako intersado! at pati ang hacienda, iyong iyo na!"-paasik na tugon ng dalaga.
"Pwede bang mag-usap tayo ng masinsinan dito!?"-sabat na rin ni Mang Theodor, ang tatay ni Samantha.
Ngunit tila walang narinig ang binata at tumayo ito at lumapit sa kanya. "Well unfortunately! gustuhin ko mang kunin ang 50% share na ibinigay sayo ay may kondisyon!"- asik na sumbat ni Maxwell kay Sam.
"Anong kondisyon!?"-tanong ni Sam.
"You need to get married to me!"- sigaw ni Maxwell na nagpupuyos na sa galit.
"What!? hindi ako magpapakasal sa iyo!" -nanginginig sa galit na tugon ni Sam.
"Sinong may gustong pakasalan ka!? Kung may ibang paraan ay hindi rin ako pakakasal sayo!"- sagot naman ni Maxwell.
"Yun naman pala eh, di walang kasal kasal! and excuse me? sinong may gusto pakasalan ako? well, marami!"-pagkabigkas nun ng dalaga ay nag walk ito at walang lingon likod na umalis ng mansyon.
Hindi makapagsalita ang mga magulang ni Sam sa narinig na talunan ni Maxwell at Sam, bagkus ay sinundan na lamang nila ang kanilang anak dahil sa tantiya nila ay galit na galit ito.
----------------------------------
'How dare she!'
Nagpupuyos sa galit si Maxwell! Sa tanang buhay niya ay wala pang babaeng tinalikuran siya! Ngunit sa kabila ng galit niya ay hindi niya maitatatwa na napakaganda ng dalaga. Ang akala niya ay maitim ito dahil nasa probinsya, ngunit sa halip ay napaka puti nito at mistulang modelo sa tindig at itsura. Natural na mamula mula ang pisngi nito, maamo ang mukha nito, may matangos na ilong at higit sa lahat ay ang labi nito na parang nakakaengganyo kagatin. 'Stop it!'-sigaw ni Maxwell sa kanyang isipan.
Naikuyom niya ang kanyang kamao dahil sa paglapit niya rito kanina ay mistulang nakaramdam siya ng bolta-boltaheng kuryente, at muli ay naalala niya ang vanilla scent ng buhok nito! hanggang balikat niya lamang ito kaya naman ay amoy na amoy niya kanina kung gaano ito kabango. Ngunit nang maalala niya ang dahilan ng pagpunta niya sa hacienda ay muling nagtagis ang kanyang mga balikat. 'Soon or later Samantha! pakakasal ka sa akin!, babawiin ko ang 50% share na dapat ay para sa Papa!'-pangako niya sa kanyang sarili.
-----------------------------------------
Kinabukasan ay maagang umalis si Sam patungo sa taniman ng mga gulay, sa bandang iyon kasi ay may batis, at kapag siya ay nafu-frustrate ay nilulublob niya ang kanyang katawan sa malamig na tubig rito, tila siya ay nahihimasmasan kapag pumupunta siya rito.
Unti-unti niyang tinanggal ang kanyang saplot at ang natira na lamang ay ang maiksi niyang short at ang kanyang tube na black. inilublob niya ang kanyang sarili sa tubig at tumanaw sa mga ibon na naglalaro sa mga puno, ngunit maya maya lamang ay nakarinig siya ng mga yapak papunta sa kanyang kinaroroonan. Lumingon siya sa likod at doon niya nakita si Maxwell! wala itong saplot pang itaas! Napasinghap siya at nanlaki ang kanyang mga mata!
"anong ginagawa mo rito!?"-paasik na sigaw ni Sam rito. Nakita niya itong nag smirk.
"Ano bang ginagawa sa batis? hindi ba maliligo?"-pilosopo nitong sagot.
Nanlisik ang mga mata ni Samantha at walang anu't ano ay umahon siya sa tubig at naglakad papunta sa kinaroroonan ng kanyang tuwalya't mga damit.
"Scared of me?"-Bulong ni Maxwell sa kanyang tenga, Napasinghap si Samantha dahil hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito.
"Huwag kang lalapit!"-paasik na banta ni Samantha sa binata, ngunit binalewala lamang ito ni Maxwell at unti unti pa itong lumapit sa kanya.
"What do you think you're doing?"-asik ng dalaga sa binata, ngunit hindi umimik si Maxwell at walang ano't ano ay hinila siya nito hanggang sa magtama ang kanilang katawan, napasinghap si Samantha sa ginawa ng binata, sa pagkabigla niya ay sinamantala ito ni Maxwell upang ipulupot ang mga bisig nito sa kanyang bewang.
"Next time pag gusto mong mag swimming, wear something decent, I can see your bra".
Nanlaki ang mga mata ni Sam sa narinig, akma siyang kakawala sa mga bisig ng binata ngunit mas lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakawak sa kanya.
"By the way, Nice legs"-bulong muli ng binata saka siya nito binitawan at unti unting lumayo habang naiwan si Samantha na nanlalaki ang mga mata.