bc

Accidental Escape

book_age16+
673
FOLLOW
2.4K
READ
love-triangle
sex
suicide
fated
opposites attract
second chance
friends to lovers
abuse
friendship
illness
like
intro-logo
Blurb

Marriage is a sacred and safe haven. But in business traditions, it a merge deal between two families wanted their wealth to become secure.

Both parties agreed upon merge marriage, except those people who will be involved and will be continually granted each family’s will.

Carly, a 24-year-old aspiring Geographer doesn’t really get and agreed upon the of arranged marriage. Even as a nerd, she wanted a social life outside of the box that she never had when she was studying. A geek by appearance, an adventuress at heart.

And, Calvin, a 28-year-old full time and successful business man. But the he worked so hard in his whole life time will never be on him unless he will agree upon this deal. A hard worker and doesn’t have time to socialize and doesn’t know how to take a break.

These two people meet and agreed that they both don’t agree at this marriage. They both wanted to escape this but how?

By mere pressure and desperation, it came up an opportunity. It wasn’t really planned nor an idea but they unexpectedly had an Accidental Escape.

chap-preview
Free preview
Part 1
"Nice to see you, Amara. You never aged!" "And so, you are, Helena. It's been awhile!" Pagbebeso pa ng dalawang alta syudad na mga ginang ng magpangita sa isang private party ng Des Puvillos Incorporated. Isa sa mga pinakamalalaking construction company sa bansa. Marami itong hawak na construction at development private o government projects. "Thomas, have you been decided on my suggestion about the merge?" seryosong tanong ng may kaedaran ng lalaki. "Hmm, to be honest Mr. Chairman, I still need to discuss it with my wife and of course, with my daughter." tugon naman nito. "Well, don't take too long. I'm not getting any younger. Haha!" biro pa nito sabay tapik sa balikat ng kausap. Sa kabilang banda... Habang ang karamihan ay abala sa sosyulang party, tila nakahanap naman ng pagkakataon tumakas si Carly matapos makipagbatian at beso sa mga amiga ng kanyang ama at ina. Nagtungo siya sa fire exit ng event hall upang makapagtago. Tila nakahinga na siya ng maluwag at kahit pa naka-glamorosong evening gown ito at nakasuot ng mataas na stilettos, dinukot niya mula sa hita niya ang isang chocolate bar na mukhang kanina niya pa gustong kainin. "Finally!" tila natutuwa nitong saad at saka binuksan ito. Pakagat na sana siya rito ngunit natigilan siya ng may tila narinig na boses sa ibaba ng hagdanan. "Damn it! Why it has to be like this? It should've been me will take over Diego's position!" Malinaw na dinig ni Carly sa nagsalita kung kaya't sinilip niya kung saan nagmumula ang tinig na yun. Ngunit bago pa naman niya ito matanaw, tila natapos na ito makipagusap sa telepono at mukhang patungo sa direkyon niya. Tila nataranta si Carly at hindi malaman kung saan makakapagtago upang hindi siya makita ngunit huli na ang lahat. Nakapanik na ang lalaking narinig niyang nagsalita at nagtama na ang kanilang mga mata. Hindi naman ito umimik ng makita siya kung kaya't gayun din ang ginawa niya. Sa isip isip niya ay tila ngayon niya lang ito nakita sa company gatherings. Marahil siguro hindi rin siya palaging napapasama sa ganitong kaganapan. Bakas sa pustura ng lalaki na kagalang-galang ito at matipuno. Ngunit halata rin sa mukha nito ang tila pagkainis at seryoso kung kaya't matapos siyang tabunan nito ng tingin ay lumabas na rin ito ng fire exit area. Pinagsawalang kibo na lamang ito ni Carly at pinagpatuloy ang pagkain niya sa kanyang chocolate. "Are you kidding me, dad?!" Tila malakas na singhal ng dalaga ng marinig ang sinabi sa kanya ng kanyang mga magulang. Nakaupo lamang siya sa couch habang nakaupo sa harapan din niya ang kanyang ina at nakatayo na tila palakad-lakad ang kanyang ama sa harapan niya. "Carly, hija. You must understand that it was also for your good." mahinahong paliwanag ng ama nito. "For my good? Baka for your good! In order to secure your position in that company, I have to-- ugh!" hindi naman siya makapaniwala sa inis. "Why it has to be me? Wala ba silang anak na babae para kay kuya nalang ipakasal?" "The only daughter of chairman Diego is already married and has kids." paliwanag naman ng tatay pa niya. Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga sa gustong ipagawa sa kanya ng kanyang ama. "Mom? Say something! Do something!" "I am so sorry, hija. But I agreed upon this. Hindi pwedeng mawala sa daddy mo ang ilang taong paghihirap din natin sa kompanyang iyon. He deserves to be the next chairman. And in order for him to be legally have that position, he has to be part of their family. " "Yes, I know how dedicated you are dad to that company, but --" tila naluluha na siya dahil hindi na niya alam kung papaano pa magpapaliwanag ng sarili. "No one is ever deserving to be the next chairman aside from me! I won't let his son will take over just like that!" "So, you will choose to marry me to that chairman's son to secure that position? And then what? I'm just your accessory!" "Enough with this, Carly! You will marry Diego's son, and that's final!" dikta na nito sa anak sabay labas ng kanilang study room. Hindi naman na napigilan ni Carly na maluha habang nagtatagis ang bangang dahil nagpipigil pa rin siya ng emosyon. "Carly... I'm sorry, anak." "Paano yung mga pangarap ko, mom? I thought after I finished my studies, you will let me chase it. But now--" Lumipat naman sa tabi niya ang kanyang ina at naupo sa arm rest ng couch. "Shh... I'll convinced your father to let you do what you really want before the marriage. Or maybe even after." niyakap nito ang anak na hindi na napigilang maiyak.     Sa kabilang banda... "What?! I won't do that!" tila singhal din na sagot ni Calvin ng marinig ang kondisyon ng ama. "That's the wisest thing you could ever do for yourself, son." "No! I deserve the position because I worked so hard for that and not just because I am your son! I know Thomas is deserving too but I deserve the position more than him! I can take over it!" paliwanag pa nito. "Hahaha! Listen son, I know how dedicated you are to our company. And so is Thomas. I know how hard you worked on it, but so is Thomas." tila pagtapik pa nito sa balikat ng anak habang pareho silang may hawak na baso ng kanilang alak. "Thomas deserves the position. Yet he's not actually qualified legally. I would lose everything if Thomas won't get it --" "Kaya kong itaguyod ang kompanya mag-isa!" "Shh.. I know son. But not now. We can't take a risk to lose our investors and projects in the middle of crisis. We will lose everything! As Thomas is taking over my position, marrying his daughter will give you the assurance of becoming his inheritance. Simple as that. " tila napagtanto rin ng binata ang sinabi ng ama ngunit hindi pa rin siya kumbinsido. "This is also for your good." sabay ubos ng ama niya sa baso ng alak at iniwan na siyang nakatayo sa kanilang veranda. Napabuntong hininga na lamang si Calvin at ininom na rin lahat ng alak na nasa kanyang baso. Hindi pa rin siya makapaiwalang hahantong sa ganito ang desisyon ng ama niya para lang sa kompanya. "ATE? Ready ka na ba?" pagdungaw ng nakababatang kapatid ni Carly sa kanyang kwarto. Tila malungkot man at tutol sa kaganapan, pumustura pa rin siya upang harapin ang pamilya at ang mapapangasawa niya. Ngayong araw nakatakda ang kanilang pamamanhikan sa kanilang tahanan. "Let's go? Nandiyan na ang mga Des Puvillos." sabay ngiti na lamang nito para mapagaan ang loob ng kapatid. Bumaba si Carly sa kanilang long staircase at naabutan niyang tila nakatingin ang lahat sa kanya. Inikot niya ang paningin ang nakita niya ang chairman ng kompanya at ang asawa nito. Ngunit tila hindi nito matanaw kung sino man ang lalaking sinasabing anak nito na mapapangasawa niya. "Nice to see you again, hija. You've grown really beautiful." bati kaagad ng ginang ng makalapit siya sa mga ito. "Thank you, Miss Amara." sabay beso rito. "I remember when you were just a little kid who've been visiting your dad in the office." biro pa nito sa kanya at napangiti naman siya. "Where's --" tila paghahanap ni Amara. "Diego, where's your son?" "Ahh -- maybe he's out to answer a call." "Nakakahiya, narito na ang fiancé niya." "Ahm Mr. Chairman, Amara. Let's proceed in the dining." pambasag naman ni Helena sa tensyon ng magasawa. Habang nakapwesto na sila sa dining table, unti-unti ng pinapasok ang mga hinaing pagkain. Napansin ni Carly na tila bakit wala pa rin sa dining ang anak ng chairman. Kung kaya't nakakita siya ng pagkakataon para lumisan muna. "Saan ka pupunta, hija?" tila pagpigil ng ina niya ng siya ay tumayo. "Restroom mom." Dali namang pumanik si Carly sa kwarto niya ngunit imbes na sa banyo ng kanyang silid siya dumiretso, binagsak niya ang sarili sa kama ng patihaya. "Haay.. Goodbye my travel around the world dream. Goodbye true love." sambit na lamang nito at napikit. Ilang minuto pa ay dumilat na siya at bumangon. Inayos niya ulit ang sarili at saka bumaba upang bumalik sa dining. Pagkapasok niya ay tila may kabog siyang naramdaman ng makitang may nakaupo ng lalaki kung saan katapat na ng kanyang upuan. "Ah! Finally! Come here, hija!" tila pagtawag ng chairman kay Carly at napatingin sa kanya ang lahat maliban sa lalaking tila iyon na nga ang mapapangasawa niya. Dahan-dahan naglakad si Carly pabalik sa kanyang upuan habang mabilis pa rin ang kabog sa dibdib niya, at sa hindi sinasadya ay napalingon siya sa lalaking katapat niya na tila nakatitig rin pala sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga mata, tila may pilit siyang inaalala. Parang kilala ko toh ah? Sa isip isip ni Carly bago siya tuluyang naupo sa kanyang silya. "Our children are here. Let's introduce them to each other." saad pa ng chairman na tila natutuwa. "Mr. Calvin Des Puvillos, meet our daughter, Caroline Villadejos." saad ng ama ni Carly at tumayo naman si Calvin. Diretsong nakatingin lang ito sa dalaga na tila sinusuri ang pagkatao nito kaya tila nakaramdam ng pagka-ilang si Carly. Inabot nito ang kamay sa tapat ni Carly. Tumayo rin si Carly at kahit nagaalangan man, inabot niya rin ang kamay ng binata. Sa hindi niya malamang dahilan, tila may kung anong kaba at takot siyang nararamdaman, at alam niyang nanlalamig ang kanyang mga kamay. Ngunit ng mahawakan din niya ang kamay ng binata ay naramdaman niyang malamig rin ito kung kaya't bumitiw rin siya kaagad. Naupo na rin silang dalawang sa kanilang mga silya. "Sa totoo lang, ngayon ko lang din napagtantong -- mukhang bagay na bagay kayo." tila natutuwang komento naman ng ina ni Calvin. "Ngayon ko lang din kasi nakitang nagaayos itong panganay niyo, lagi kasi nakasalamin at -- alam niyo na, medyo nerd." "Amara!" pagsuway naman ni Diego sa asawa. "Ahh, hahaha! Oo nga Amara! Nako masyado kasing dedicated itong si Carly sa studies niya kaya hindi niya hilig ang mga kaartihan na yan." paliwanag pa ni Helena na tila pinagtatanggol ang anak. "Mom!" pasimpleng suway din ni Carly sa ina. Pasimple siyang napatingin kay Calvin at tila hindi niya alam ang gagawin dahil nakatingin rin ito sa kanya pala. Tila napagtanto ng dalaga kung saan niya nakilala ang lalaking nasa harapan niya. Natatandaan na niyang ito ang lalaking nakita niya sa fire exit noong nakaraang company party. Pero this time, mas seryoso ito at kalmado lang. Tila walang reaksyon, parang hindi interesado. Kumain na sila ng tila tahimik lang ang dalawa. Naguusap ang kanilang mga magulang ngunit sila ay tila walang naririnig. "Which wedding do you two prefer? Church or garden?" tanong naman ni Amara sa anak at gayun din kay Carly ngunit hindi nakikinig ang mga ito. "Calvin, hijo?" pagtawag na nito sa atensyon ng anak. Nilingon siya saglit nito ngunit bumalik din sa pagkain. "I don't know, mom. Ask her." pasaring na tingin naman nito kay Carly na naka-focus din sa pagkain. "Carly?" pagtawag naman ni Helena sa anak. Tila nagbalik muna sa diwa ang dalaga bago nakasagot. "Po?" "What's your dream wedding ba, hija?" tanong naman ni Amara pa dito. "My dream wedding?" tila nawiwindang naman si Carly sa mga naririnig. "Mom, was it too early to ask when we wanted to be married? We haven't accepting it completely." seryosong saad naman ni Calvin at tila ito ang unang beses nagsalita ito ng mahaba kaya napatingin naman sa kanya ang dalaga. "The wedding is in two months. We should be decided by now where will be the wedding venue." sagot pa ni Amara sa anak. "In two months? Was it too --" tila nabigla naman si Carly sa narinig. "Mom, I thought it will be next year?" hindi rin makapaniwalang tanong ni Calvin. "Oo nga?! Next year. Kailan na ba ang next year? Di ba in two months nalang?! January will be the wedding." "I know mom, but why it has to be in that hurry?" Tila hindi naman malaman ni Carly kung sino sa mga magulang ang titingnan. Yumuko na lamang ang ama niya na tila wala ng magawa sa mga desisyon, at ang ina naman niya ay pilit na ngumiti na lamang sa kanya bilang tugon. Matapos ang kanilang pagsasalo-salo, natungo naman sila sa garden upang makapag-tsaa. Ngunit binilinan nila sina Calvin at Carly na dumiretso sa may pool area para solong makapagusap naman ang dalawa. Sampung minuto na ang lumipas simula ng maupo sa sina Calvin at Carly sa table set sa tabi ng pool. May nakahaing cakes sa kanila ngunit hindi ito ginagalaw ni Calvin. Tanging paginom lang ng tsaa ang inaatupag niya. Habang si Carly naman ay tila wala pa rin imik na kumakain ng cake niya. Sa isip isip ng binata, noong nakita niya ito kanina na tila paakyat ng silid, inisip na niyang mabuti kung saan niya pa nakita o nakilala ang babaeng ito dahil tila napakapamilyar. Ah, tama! Siya yung nasa fire exit. Tila pagalala pa ni Calvin habang umiinom ng tsaa niya at hindi namamalayang nakatitig na pala siya sa dalaga. "It is really your father's want, right? To become part of our family for my dad's position." seryosong saad nito kaya napatigil si Carly sa pagkain at seryosong napatingin sa kanya. "Excuse me?" tila hindi nagustuhan ni Carly ang tono ni Calvin. "Hmm, he's running after my dad's position for being the next chairman. But to be legally legitimate for that position, he wants you to be married with me." "I don't think there's still anybody else deserving to be the next chairman aside from my father." sagot naman ni Carly na tila kinainis ni Calvin. "How could you?" "How could you! And you think you could be placed on being the chairman just like that? As you see, I don't think your father even trusted you with that." Napakuyom naman ng kamao si Calvin na tila totoo nga ang sinasabi ng dalaga. "He could actually just put you the next chairman, yet he didn't. Why so?" sarcastic namang tugon pa ni Carly bago sumandal at nagpaikot ng mga braso sa harapan niya. Napatingin naman si Calvin sa kanya na tila napakaseryoso ngunit matatalas. Pinagtaasan naman siya ni Carly ng isang kilay na tila naghahamon. "But obviously, I don't want this shitty arrangement. I still have lots of dreams I wanted to chase. Marriage isn't my thing yet." "So am I." "Then good to know, Mr. Des Puvillos. Do you have any suggestions on how we'll going to stop this wedding? " diretsong tanong pa ni Carly na tila pinagtaka ni Calvin. "What do you mean?" Lumiyad si Carly sa mesa at diretsong tumugon kay Calvin. "Ano ka ba? Hindi kita gusto, hindi mo ko gusto. The feeling is mutual! Bakit ka papayag magpakasal tayo?!" "Are you telling me we should do something to stop this arrange marriage?" "Yes! Finally, you got it." Paghaya pa nito ng mga kamay sa ere. Napatahimik naman si Calvin. Ang totoo ay napapayag man siya sa pagpapakasal dahil lamang sa assurance na siya ang dapat na sumunod na chairman sa ama ni Carly na si Thomas. "Why would I do that?" Tila hindi naman makapaniwala sa inis si Carly. "Duh? As if you wanted to really marry me?" pasaring nito. "Why not tho? You're beautiful and seems smart." tila pangiinis naman ni Calvin sa dalaga kaya napairap ito sa kanya at buntong hininga. "Fine. Kasi para sa posisyon mo rin sa kompanya niyo and whatsoever." walang gana ng sagot nito sa binata. "Look, if you wanted to chase your dreams even after the marriage, go ahead. I'll never stop you. After all, this merge is pure business." "This merge is pure business." paggaya pa ni Carly sa sinabi ni Calvin sabay irap dito. "Bahala ka! Puro kayo business! Wala kayong feelings!" singhal nito sabay tayo at walkout na sana ngunit mabilis na nakatayo rin si Calvin at nahawakan siya sa braso. Napahinto naman si Carly at napabalik ng tingin kay Calvin na tila nagtataka. "Ano ba?!" "I can give you your freedom just right after your father become the chairman. I guess that is both we just want to happen that's why we have to get married, right?" direktang saad nito kay Carly at tila napaisip naman ito sa narinig. "So ano? Do you agree? After all, we still did what they want. We can have the annulment after that." Napatahimik naman si Carly at tila napaisip ng mukhang ayaw nga siguro din ni Calvin sa kanya dahil hindi pa man din sila nakakasal, annulment na kaagad pala ang nasa isip nito. "Bahala ka." walang ganang sagot nito at saka tuluyang umalis. Naiwan naman si Calvin roon na napahilamos nalang sa mukha. MAKALIPAS ang isang linggo ay ginanap na nga ang Engagement party nila Calvin at Carly na ginanap ulit kung saan sila unang nagkita. "Congrats, Calv! We never thought na mapapapayag ka nga sa sakalang ito!" pagbibiro pa ng kaibigan nito na si Oscar. Anak rin ng isa sa mga investors ng kompanya. "Pure business!" pasaring din ni Dion na kaibigan ni Calvin. Napainom naman si Calvin ng maraming alak muna bago sumagot. "Bahala na. Pwede naman maghiwalay din kapag naupo yang si Thomas!" sagot lang ni Calvin. "Must call him your dad too." "Whatever." "Pero pre, in fairness sa anak netong ni Mr. Villadejos ah, maganda rin pala. Hindi nga lang siya yung mga tipo mo, pero she seems decent." "She's a nerd." "Just because she's wearing eyeglasses doesn't mean she's a nerd, pre." "She graduated as the magna c*m laude in geographical science." singit naman ni Calvin sa mga kaibigan. "Ohh" yun na lamang ang naisagot sa kanya ng mga ito. Patuloy na lamang sila sa paginom ng kanilang alak habang nakamasid sa mga bisita sa party na mas mukhang business meeting kaysa sa engagement party. Simula dumating sila ng party ay ni hindi pa magawa ni Calvin na ngumiti.  ------------------------------------------------------------------ Thanks for reading! I hope you also support this story and the upcoming ones! Lovelots! ~Koolkaticles

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
177.4K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
217.2K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
390.3K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
853.6K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook