bc

Marrying Mr. Arrogant (Book1&2)

book_age18+
1.2K
FOLLOW
8.2K
READ
contract marriage
family
HE
opposites attract
confident
bxg
lighthearted
genius
campus
highschool
like
intro-logo
Blurb

Sabi nila mas nakakalimutan ang valedictorian kaysa nakatae. Hindi nila alam mas nakakahiyang ma-reject publicly kaysa tumae.

Paano kung ang lalaking ni-reject ang confession mo noong elementary ka ay siya pa lang nakatadhanang i-arrange sa 'yo? Worst ay pareho kayong committed sa iba.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Yes Ma?” nakangiti kong saad habang naglalakad sa loob ng mall. “Umuwi ka na, Daisy. You sister is in the hospital,” umiiyak na wika ni mama. Kaagad na natigilan naman ako. “What? H-how? I mean, oh God! Mama is this about the marriage deal again?” tanong ko sa kaniya. “Please Daisy, mamamatay ako nang maaga sa inyong magkapatid. Please umuwi ka na, hindi ko na kakayanin ‘to,” mahinang saad niya. Hearing it from her breaks my heart. Hindi niya dapat nararamdaman ang mga stressful moments na ganito. “Fine, calm down. Tell me what happened to Lilac first,” I said. Napahawak ako sa ulo ko at sumasakit na naman. May bench sa gilid kaya naupo na muna ako. “She drugged herself, your father’s health is neglecting too. Please, umuwi ka na. I can’t handle this much trouble in our family. Baka ako pa ang mauunang mawala sa inyo. Please Daisy, umuwi ka na.” Napahinga naman ako nang malalim at napatingala sa malaking chandelier sa ibabaw ko. Kung uuwi ako magtatapos na ang matagal ko ng pagrerebelde. I thought I can live my life the way I wanted to. Ano ba kasi ang pumasok sa isip ng bruhang iyon at nag-suicide? Umuwi na ako at bumalik sa aking apartment. Nag-empake na rin ako at nag-book ng flight para bukas. I am actually staying here at Toronto. Umalis ako sa ‘min dahil kinukulit ako ng lola ko na ipakasal sa anak ng apo ng kaibigan niya. It was just too frustrating. Sila lang naman ng kaibigan niya ang may kasunduang ganoon dinamay pa ako. Nu’ng nakaalis nga ko ng bansa akala ko tapos na kami roon. Si Lilac naman pala ang ginugulo nila. And now hindi nakayanan ng kapatid kong may topak din mukhang gusto pang mag-suicide. Makukutusan ko talaga ang babaeng ‘yon. Tinotoo ang banta niya sa ’kin nu’ng nakaraan. Sinabi ko naman aasikasuhin ko kapag naka-graduate na ako ng college.   Napatingin ako sa apartment ko at napailing. “Babalik din ako kaagad. Kailangan ko lang ayusin ‘tong problemang ‘to.” Kinabukasan nga ay maaga akong umalis papuntang airport. Kamuntik pa nga akong ma-late buti na lang at nakahabol. Iilang damit lang naman ang dala ko kaya hindi na ako masiyadong nahirapan pauwi. Pagdating nga sa Pinas ay sinundo ako ng driver ng pamilya namin. Hindi naman kami mayaman may kaya lang. Ang Lola ko ang mayaman.   “Kuya Tirso, deritso na po sa hospital,” saad ko. Nakatulog din nAman ako buong biyahe eh. Kinain ko lang ang burger na nabili ko kanina sa canteen at uminom ng tubig. Nang makarating ay pinahatid ko na ang iilang gamit ko sa bahay. Nagtanong na rin ako sa nurse kung anong room si Lilac. Pagpasok ko nga roon ay nakita kong nagtatawanan sila ni mama. Napatingin sila sa akin at mukhang gulat na gulat pa. “D-Daisy,” saad ni mama. “A-Ate, kailan ka lang dumating?” tanong ni Lilac. Napaikot ko naman ang mata ko at nilapitan siya t’saka kinaltukan. “Aray! Mama oh,” reklamo niya at hinaplos ang natamaang noo. Busangot na tiningnan ko naman siya. “Ano ba ang pumasok sa kokote mo at nag-suicide ka ha? Tanga ka ba?” singhal ko sa kaniya. Pinag-alala ako ng babaeng ‘to. “Eh si, Lola at Papa kasi kinukulit ako. Alam mo namang ayaw ko. T’saka ikaw naman dapat iyon eh. Bakit ako pa, ha?” saad niya. Nakabusangot pa. “Daisy, kumain ka nga muna. Umupo ka na rin ako ang napagod sa ’yo,” wika ni mama. “Ano ba kasi ang nangyari at gusto mo ng magpakamatay ha? T’saka Mama sana hinayaan mo na lang mamatay ‘yan. Napaka-ungrateful!” “Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan sa kapatid mo. Kahit ano nga ang pigil ko wala akong magawa. Pakiramdam ko tuloy napaka-useless kong ina.” Pagda-drama ni mama. Kaagad na napailing ako. Nandito na naman tayo sa iyak portion niyang walang luha. “Pinipilit ako ni, Lola na pakasalan iyong apo ng kaibigan niyang mayaman. Eh ayaw ko nga, alam mo namang iba ang gusto ko ‘di ba? Ikaw na Ate, kung ako man lang din sinasabi ko sa’yo sa susnod na magapapakamatay ako hindi na talaga ako mabubuhay pa,” banta niya. Ang sarap ngang kaltukan ulit. “Subukan mo at ako mismo papatay sa ’yo,” inis kong saad. Sumimangot naman siya. “Anak, hindi maganda ang negosyo natin sa ngayon. Ang lola mo mukhang kinuntsaba ang mga sinu-supply-an ng papa mo. Ayun humina ang business natin. Baka nga next month ay wala na tayong sasakyan,” naiiyak na wika ni mama. Alam ko kung ano ang iniiyakan niya. Panigurado malulungkot siya dahil hindi na siya makasasama sa mga amiga niyang suki ng salon. “Eh ‘di maghanap tayo ng trabaho. Ipakita natin kay Lola na kayang-kaya natin. Pamilya tayo ‘di ba?” saad ko. Natahimik naman ang dalawa. “Mahal ang tuition ko sa school, kakayanin mo bang tumigil? Graduating ka na ‘di ba? Isa pa mahirap makahanap ng trabaho rito na may malaking sahod,” saad ni Lilac. “Hindi na ako makakasama sa mga outings namin ng mga amigas ko sa VS Group,” dagdag ni mama. Napakunot naman ang noo ko. “Anong VS group?” “Villa Soledad Group, mga amigas ko sa subdivision,” sagot niya. “Mama, okay lang iyan. Ilang layer lang ng ingrown ang titiisin mo. T’saka may mga hair products naman na para ka na ring nagpa-hair blow out,” wika ko. “Fine, eh ang maintenance ng papa mo? Saan tayo kukuha? Mahal ang maintenance niya.” “T’saka Ate mukhang hindi ka naman dehado kasi nakita ko na iyong lalaki. Guwapo at ang maganda pa roon iyon ‘yong crush mo nu’ng elementary kayo. Iyong anak ng teacher mo nu’ng grade four?” nakangising wika ni Lilac. Kaagad na natigilan ako. “Si Jeremiah Laxamana ba ang tinutukoy mo?” tanong ko. Tumango-tango naman siya. Kaagad na umiling ako. “No, hindi puwede. Hindi puwede sa aroganteng iyon,” matigas kong wika. “Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa nangyari Ate? Ano ka ba? Nine years old ka pa lang naman nu’ ng ni-reject ka niya eh. Matalino ka na ngayon at hindi ka na jejemon. Panigurado magsisisi iyon kapag nakita niya ang alindog mo. Magti-twenty-two ka rin naman na,” saad ni Lilac. Napaikot ko naman ang mata ko. “Narinig mo Ma? Bata pa ako, Ayaw ko pang matali lalo pa at walang pagmamahal. Kahit wala akong jowa ayaw kong mag-asawa dahil lang sa kasunduan ng mga matatanda. Anong year na ba tayo ngayon? Goodness!” “Trust me, Daisy. Ilang beses na akong nakiusap sa Lola niyo tinaasan lang ako ng kilay. Para namang hindi mo kilala ang Lola mo. T’saka ako nga noon eighteen lang nu’ng ikinasal kami ng Papa niyo,” aniya at tila kilig na kilig pa. Mukahng bumalik pa sa nakaraan nila. “Mama,” saway ko sa kaniya. Kung ‘di ko lang talaga ‘to ina eh. “Anak, sige na. Our family is at stake. Kaya mo bang isakripisyo lahat ng meron tayo? T’saka baka ito na ang sign para ayusin ang naudlot niyong pagtitinginan,” saad ni mama. Kaagad na nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya. “Kinikilabutan ako.” “Pero Mama, marami namang apo si, Lola ‘di ba? Iyon paniguradong mga gahaman at sipsip iyon eh. Sana doon na lang siya pipili huwag na kami ni, Ate,” wika ni Lilac. “Agree,” saad ko. “Alam niyo naman pa lang gahaman eh papayag kayong mapunta sa wala ang pinaghirapan ng Lolo at Lola niyo? Sa tingin niyo ba talaga hindi nagmamasid iyang Lola niyo? Natural na na sainyong dalawa nag bibigyan niya ng malaking share sa kompanya niya dahil kayo lang naman ang maaasahan sa pamilya. Hindi iyon ibibigay sa pamilya ng Tito Greg niyo ano. Kaya nga nai-stress iyang papa niyo at inaatake na ng high blood dahil sa nangyayari. Namomroblema na sa negosyo.” Napahinga naman ako nang malalim at napailing. Pinipiga ang utak ko sa dami ng iniisip. Hindi ko na tuloy alam. “Teka, puwede naman sigurong makipagsundo ka sa crush mo Ate,” ani Lilac. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. “Fine, ex-crush, since pareho niyo naman sigurong hindi gusto ang arrange marriage idea na ‘yan eh ‘di gumawa kayo kontrata. Ipa-annul niyo ang marriage niyo after ilang years. Gumawa kayo ng kasunduan gaya nu’ng napapanood natin sa TV,” suhestiyon niya pa “Sa tingin mo gagana iyan?” “Oo naman, paano naman natin malalaman kung ‘di mo rin susubukan? Win-win situation iyon para sa ating pamilya,” aniya pa. “Hmm, fine.” “Payag ka na?” tanong ni Mama. Alanganing tumango naman ako. Ano pa ba ang magagawa ko? Nagulat ako nang kunin niya ang cellphone ni Lilac at mukhang sabay na tinawagan si papa at lola. “Hello? Payag na si, Daisy sa marriage. And yes, pupunta kami riyan sa bahay niyo bukas Ma. See you tomorrow,” excited niyang saad at pinatay ang tawag. “Did you just call Papa and Lola at the same time?” I asked her. “Bakit? May batas bang nagbabawal na gawin iyon?” sagot niya. “Oh God!” Nai-stress ako lalo sa pamilya ko. Kinabukasan nga ay nakauwi na kami at discharge na rin naman agad si Lilac. Nagulat pa nga ako nang makitang may hawak na balat ng lechon si papa at ngumunguya pa. Kaagad na nilapitan siya ni mama at pasimpleng kinuha sa kamay niya ang hawak niyang balat ng lechon. “Akala ko ba high blood si, Papa?” saad ko. “Honey, bawal ka niyan ‘di ba? Sabi ng doctor mo nu’ng nakaraan bawal ang pork sa ‘yo,” malambing na saad ni mama pero kita ko naman ang pasimpleng kurot niya sa tagiliran ni papa. Mukhang nagulat pa si papa sa turan ni mama. Ilang segundo pa bago napagtanto ang ibig sabihin ni mama. Napailing na lamang ako. “Anak ko! Welcome back!” saad niya at niyakap ako. Hindi pa makayakap nang maayos dahil sa nagkakamay pa yatang kumakain kanina. “May hinanda akong pagkain para sa pagbalik mo,” aniya at hinila na ako papasok sa loob ng kusina. May seafood boil at nakahapang buong lechon. Hindi lang basta kurot ng balat ang nakikita ko. Napatingin din ako sa plato sa lamesa na may lamang kanin at bagong bukas na alimango. “T-Tumikim lang ako anak,” ani papa. Defensive masiyado eh. “Kumain ka na, anak. Ako na ang bahala sa papa mo,” saad ni mama at hinila na ito palabas ng kusina. Kita ko pa ang paglunok ni papa habang nakatingin sa pagkain. Napailing na lamang ako. Mukhang ginugulo ako ng pamilya ko ah.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook