Hindi ko alam kung paano kami nakauwi. Nakatitig lang ako sa kisame at hindi ko alam kung ano ang gagawin kapag lumabas na ako rito sa kuwarto ko. Wala na akong pakialam kung male-late o hindi ako makapasok ngayon sa klase ko. Ang nasa isip ko lang ngayon ay papaano ko haharapin si Jeremiah pagkatapos nu’ng nangyari kagabi? Hindi ko naman sinasadya, fine sinadya ko talaga iyon. Ginusto kong mangyari iyon. Tumunog ang aking cellphone kaya inabot ko na. May mga tawag galing kay Theo gamit ang account ng mga kaibigan niya. Sumikdo ang puso ko nang makita ang chat ni Aya. “Good morning, male-late ka na. I’ve prepared your breakfast and lunch box. I know you’re not ready to face me. Mag-uusap tayo mamaya pag-uwi.” Napalunok naman ako at sin-een ko lang iyon. Bahala na siya kung ano ang isip

