Hindi na ako naghintay na tawagin niya. Pagkatapos kong makipag-usap kay Theo ay pumunta na ako ng kusina. Nagpe-prepare na siya. Ang fancy ng dating.
“Wow!”
Ngumiti naman siya at umupo na.
“You like it?” tanong niya. Wala namang rason para humindi ako. I nodded my head and sat down. Ayaw kong awayin siya. Nakakatakot at baka bawiin niya ang pagkain sa harap ko.
“Let’s eat,” wika niya. Tumango naman ako at kinuha na ang tinidor at steak knife. Akmang hihiwa na ako nang makitang nakatingin lang siya sa akin.
“What?” naiilang kong tanong.
“Can we at least pray first?” aniya. Parang biglang tinubuan ako ng hiya sa katawan. Napalunok ako at binitiwan ang tinidor at steak knife.
“Sige,” wika ko. Tumango naman siya. Pumikit na ako at ilang segundo ay hindi siya nagsasalita. I opened my eyes at nag-abot ang paningin namin. Naghihintayan lang kaming dalawa kung sino ang magpi-pray.
“You lead the prayer,” aniya.
“A-Ako?”
Tumango naman siya. Alanganin ako kasi sa ibang bansa hindi na ako nakakasimba.
“Ahm...”
Nakatingin lang siya sa ‘kin. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Tumikwas naman ang kilay niya.
“Bless us oh Lord and these thy gifts we’re about to receive amen.”
“Amen,” aniya at nagsimula na rin kaming kumain. Nakatingin lang ako sa kaniya.
“Quit staring, baka isipin ko gusto mo ako,” saad niya. Napakunot-noo naman ako.
“Gaano kakapal ang mukha mo?” asik ko. Tumawa naman siya.
“How’s the food?”
Tinikman ko naman iyon at napangiti ako.
“Puwede na,” wika ko.
“Really?” Halatang may gustong marinig sa ‘kin.
“Fine! Masarap okay ka na?”
“Much better,” aniya at ngumiti.
Biglang namayani ang katahimikan sa ‘ming dalawa. Wala rin akong gustong sabihin sa kaniya. Ayaw ko ring ipaliwanag ang kanina dahil wala namang dapat ipaliwanag. We negotiated already.
“I thought you don’t have a boyfriend,” aniya. Napalunok naman ako.
“Hindi naman ako pangit. Qualified naman siguro akong magkaroon ‘di ba?” sagot ko. Hindi naman siya nagsalita. Patuloy lang kami sa pagkain. Hindi na rin ako umiimik. Ako na ang nagpresentang maghugas ng plato. Nakakahiya naman kung siya pa. Habang naghuhugas ako ay nakaupo lang siya at nakamasid sa ‘kin. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.
“Alam mo, kung wala kang sasabihin sa ‘kin puwede namang sa sala ka na muna. Naiilang ako na nasa likuran kita,” saad ko.
“That’s what you’re doing to me,” sagot niya. Napaikot ko naman ang aking mata. Nang matapos ay dumeritso na ako sa sala. Sumunod din naman siya. Nasa dulong side siya ng couch at ako rin. Binuksan niya ang TV at dumeritso sa basketball.
“Ano ba ‘yan? Ang pangit naman,” inis kong wika at kinuha ang remote control. Naghanap ako ng mapapanood sa Netflix at napili ko ‘yong Korean na romance comedy.
“Tsk, immature,” komento niya. Parang pumalakpak ang tenga ko sa narinig mula sa kaniya.
“Ano’ng sabi mo?”
“Walang ulitan sa bingi,” sagot niya. Lalong uminit ang tumbong ko sa sagot niya.
“Bakit ka ba ganiyan ha? Sama talaga ng ugali mo. Sinasabi ko na nga ba eh. Kunwari ka lang. Bait-baitan ka pero nasa loob talaga ang kulo mo,” saad ko.
“Kailan ka ba nakakakita ng kulong nasa labas?”
“Ewan ko sa ’yo. Kung bitter ka sa nangyari sa inyo ng ex mo huwag mo akong isama. Good mood iyong tao eh inaano mo. Inaano ba kita ha? Ano ka lang eh may masabi lang. Ano ha?”
“Bakit nasali ang ex ko rito?” tanong niya pa.
“Eh tarantado ka pala eh. Ewan ko sa ‘yo wala kang kuwentang kausap. Kaganda ng palabas tapos aayawan? Ano ba matututunan ko sa basketball? Palibhasa kayong mga lalaki mahilig pagpasa-pasahan kaming mga babae. Kapag uminit, t’saka iso-shoot kapag na-shoot naman ayun na takbuhan na. Sa takbuhan lang naman kayo magaling,” wika ko pa.
“Hey! You’re out of the limits. Hindi lahat ng lalaki ganiyan. I just don’t like to watch a romantic movie. Sa movie lang naman iyang mga sweet-sweet na ‘yan. In real life masiyadong malayo. Hini naman ganiyan sa totoong buhay,” kontra niya.
“At least may moral kang makukuha,” sabat ko.
“Like what?” tanong niya. Natigilan naman ako.
“Like, maging faithful and trustworthy,” sagot ko.
“So, you have to watch a movie first before recognizing those values?” aniya. Napaikot ko naman ang aking mata.
“Alam mo ikaw? Kaya hindi kita kayang tantchahin eh. Masiyado kang maraming alam, maraming tanong. Ang simple ng pinagtatalunan natin. Ayaw mong magpatalo.”
“I am just voicing put my opinion. Kung romantic sa inyo puwede, kung basketball dahil ayaw niyo, so kami ang mag-a-adjust? Where’s the equality?” usal niya. Hindi naman ako makasagot.
“Palibhasa kunwari lang kayong gusto rin ang basketball kasi guwapo ang players. Kunwari fan ng basketball pero inaano lang naman ang mga pictures sa i********:,” aniya pa.
“Hoy! Hindi ah, idol ko talaga si, Kuzma.”
Hindi naman siya umimik. Walang kuwenta talagang kausap ang lalaking ‘to. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nakayanan kong huminga sa iisang bahay kasama siya.
“What are you thinking?” usisa niya.
“Paki mo?”
“See? You know what, Daisy? You’re always missing the point here. Hindi mo kasi alam kung ano ang dapat na i-react sa mga rebuts ko. Dapat kasi kapag may sinsabi or sasabihin nakikinig ka. Hindi iyong aawayin mo ako. Ang simple lang ng mga bagay na pinag-aawyaan natin,” aniya.
“Wow ha! Ako pa talaga? So, ako pa talaga ang problema ngayon?”
Napahilot naman siya sa sentido niya.
“What? You’re having a headache because of me?” asik ko.
“Buti alam mo,” sagot niya.
“I hate you! I regret marrying you! A bastard! Tarantado!” sigaw ko sa kaniya. Nginisihan niya lang naman ako.
“At least gwapo,” sagot niya.
“Arogante! Makapal ang mukha!” dagdag ko pa.
Napipilan ako nang lapitan niya ako at gahibla na lang ang agwat namin.
“How about this? Does my face look clearer and attractive to you now?” mahinang sambit niya. Hindi naman ako makagalaw. Nang Kagyat kong natitigan ang mata niyang tila nangungusap. Ang ganda ng kulay at ang kilay niyang makapal. Ang pilik-mata niyang napakaganda. Nang matauhan ako ay mabilis na itinulak ko siya. Napalakas ko pa yata ta dumeritso siya sa carpet.
“Damn it!”
Kaagad na nakonsensiya naman ako.
“Ikaw kasi eh...”
“See? Ikaw na nga ang may kasalanan ikaw pa ang may ganang magalit,” reklamo niya. Huminga ako nang malalim. Inhale—exhale. Mabilis akong tatanda kapag magpapadala ako sa galit ko. Kailangan kong ikalma ang sarili ko at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko’t sasaksakin ko siya mamaya sa sobrang inis. Umayos ako sa aking pagkakaupo at nagkasundo kaming manood ng Peppa pig. Lintik!
Pareho kaming tahimik at nakatingin lang sa screen. At least hindi na kami nagbabangayan. Much better ang ganito. Hindi bale na kung pambata ang pinapanood namin.
“Alam na ba ng boyfriend mo na may asawa ka na?” usisa niya. Natigilan naman ako. Umiling na lamang ako bilang sagot.
“What’s your plan? Hindi habang buhay ay maitatago natin ‘to, Daisy,” aniya.
“Eh paano naman kung malaman ng ex mo ang relasiyon natin? Pero sa tingin ko okay lang naman sa kaniya. She loves you,” wika ko. Hindi naman siya kumibo.
“Doesn’t matter.”
Natigilan naman ako.
“Anong doesn’t matter? Kapag ito nalaman ni, Marice sa tingin mo uupo lang ‘yon? Ex mong parang bwakanangenamo. Pasimple kung mambanta,” wika ko.
“Did she threaten you?” aniya. Nagulat naman ako kasi magkasalubong ang kilay niya. Mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
“Hindi naman sa sinisiraan ko siya ha pero parang ganoon ang dating sa ‘kin eh. Nagsasabi lang ako ng totoo ha. Kung ayaw mong maniwala eh nasa sa ’yo na. Kung magagalit ka sa sinabi ko wapakels ako. I stand for my truth,” saad ko. Hindi naman siya kumibo.
“Hoy! Galit ka?” usisa ko. Hindi na kasi siya nagsasalita eh. Nakakapanibago lang.
“I’m not,” sagot niya. Tumayo na siya kaya naalarma ako.
“Galit ka eh. Tingnan mo, kinakausap kita bigla-bigla aalis ka,” reklamo ko.
He smiled at me.
“Iihi ako sasama ka?” aniya. Kaagad na natigilan naman ako at itinuon na ang pansin sa pinapanood kong Peppa pig. Walang hiya! Mukhang pahiya ako roon ah. Hindi ko naman alam kung paano siya bawian. Nang makaalis siya ay tiningnan ko ang aking cellphone at binasa ang message ni Theo. Sobrang nakokonsensiya na ako sa kaniya. Paano ko nga ba ipapaliwanag sa kaniya ang sitwasiyon ko ngayon? Mahirap sa ‘kin ang ganito lalo pa at nakabantay sa ‘min ang parents namin.
Kinabukasan nga ay maaga akong nagising. Ako na ang nagluto at siyempre umaasa ako kay pareng youtube. Pan cake lang naman at may nabili kaming ready to cook na. Napatingin ako sa pintuan ng kitchen nang makita si Jeremiah. Nakasuot na ng uniform at fresh na fresh tingnan. Halatang itsura pa lang sobrang bango na.
“Alam ko ang tingin na ‘yan. Huwag kang mag-alala ‘di ko nilagyan ng lason ‘yan. Pero sa susunod na awayin mo ako ulit hindi ako magdadalawang-isip na lagyan ‘yan,” saad ko.
“Not guilty,” sagot niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
“Hindi ka sasabay sa ’kin ngayon? I can drop you off nearby. Para hindi ka na rin mahirapang maghintay ng taxi sa labas,” wika niya.
“Hmm, pag-iisipan ko muna,” sagot ko.
“Okay, huwag na lang. Seems like you don’t need it naman,” aniya.
“Hep! Sige na, oo na,” bawi ko. Tumango naman siya. Binilisan ko naman ang kilos ko. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya. Sinigurado ko talagang nauna ako sa labas bago siya. Mukhang nagtaka nga siya at nauna pa ako.
“Marunong akong mahiya,” saad ko. Ngumiti naman siya.
“Hindi ko naman sinabing magmadali ka. You can take your time naman,” aniya.
“May hiya nga ako kaya huwag kang mag-alala bukal sa loob kong magmadali.”
Nagkibit-balikat naman siya. Pumasok na ako sa loob at siya rin.
“Huwag mo naman akong gawing driver. I already showed you my kindest side,” wika niya.
“Nge, iyon na ‘yon? Sagad na ang pagkamabuti mo? Ang hina naman,” sagot ko.
“Baba na, huwag ka rito dumaan sa gitna at baka mapaano ka pa,” saad niya. Hindi ako nakinig sa kaniya at basta na lang akong bumulusok papunta sa passenger seat dahil sa nawalan ako ng balanse. Natamaan pa ng sapatos ko ang ulo niya.
“Agh!”
“Sorry,” maagap kong wika. Tiningnan naman niya ako at huminga lamang siya nang malalim.
“Are you okay?” tanong niya. Hindi naman ako makapagsalita. Siya ‘tong natamaan ko eh bakit ako ang tinatanong niya kung okay lang ako? Umayos naman ako sa aking pagkakaupo at tiningnan ang noo niya. Namumula iyon.
“Hey! Answer me,” giit niya.
“O-Oo, okay lang ako. I-Ikaw ba?” tanong ko sa kaniya. Nahihiya tuloy ako.
“My forehead hurts of course,” sagot niya. Wala namang ibang dapat sisihin kung hindi ako. Kung nakinig lang ako sa kaniya hindi sana nangyari ‘to.
“Makinig ka kasi sa ‘kin. Hindi naman kita ilalagay sa alanganin eh. Kung alam kong hindi makabubuti para sa ’yo I won’t risk it,” aniya.
“Sorry,” mahina kong wika at napatingin sa labas. Sobrang nahihiya ako sa ginawa ko. Ramdam ko naman na nakatingin siya sa ‘kin kaya lalo kong pinilit ang sarili ko na huwag siyang tingnan.
“And now you’re shy. Para kasing bata eh,” wika niya.
“Mas mabilis kasi kung hindi na ako bababa,” depensa ko.
“Then what happened?” aniya. Hindi na ako nakasagot. Habang nasa biyahe eh wala na kaming imikan.
“Doon mo lang ako itabi,” wika ko at itinuro ang malaking puno ng Narra. Medyo malapit na sa gate kaya mas safe.
“Are you sure?”
“Puwede rin namang dito na lang,” bawi ko. Ngumiti lamang siya at umiling. Huminto na ang sasakyan at tumitingin-tingin muna ako sa paligid bago bumaba.
“Salamat,” sambit ko at walang lingong likod na bumaba. Kaagad na tumalikod ako para hindi takaw atensiyon. Nakalayo na rin ang kotse niya kaya nakahinga ako nang maluwag.
“Hayyy!”
Nakaltukan ko ang sarili ko. Sobrang katangahan naman iyong ginawa ko kanina.
“Nakakahiya ka. Sobrang nakakahiya ka.”
Pagdating ko nga sa room ay nakangiting mukha na naman ni Beth ang sumalubong sa ‘kin. She’s always so happy. I envy her so much. Parang ang gaan ng buhay niya. Sana ganoon din sa ‘kin.
“Bakit parang problemado ka?”
“Huh? Hindi naman. Ano ba ang bago sa ekspresiyon ko araw-araw?” usisa ko sa kaniya.
“Hmm, sabagay. Pero mukhang malungkot ka ngayon eh. May nangyari ba?”
Umiling naman ako bilang sagot. Gusto ko na lang matapos ang subject namin at ng makauwi na. Gusto kong magkulong sa kuwarto para kahit sandali ay mapahinga ko ang utak ko.
“Wala tayong class mamaya kasi may despedida party para sa old instructor nitong university. Gala tayo,” aniya. Wala ako sa mood.
“Sige na, please. Wala akong kasama t’saka ayaw ko sa bahay. Lalamukin lang ako roon. Sige na, Daisy please...”
Tiningnan ko naman siya.
“Fine!”
“Yey! Hayaan mo ililibre kita sa Mcdo,” aniya. Pinaikot ko naman ang aking mata.
Pagkatapos nga ng klase namin ay lumabas na kami ng university.
“Uy! Ano kayang meron? Parang may pinagkakaguluhan sa labas ah,” wika niya.
Napatingin naman ako roon at marami ngang estudyante. Rinig ko pa ang hagikhikan nila.
“Baka may pogi, tara tingnan natin,” aya niya sa ‘kin.
“Beth, ano ba? Wala naman tayong pakialam kung anong meron diyan. Huwag na tayong makiusyoso riyan,” wika ko.
“Ano’ng meron?”
Napalingon kami ni Beth at nakita ang matangkad at guwapong Jeremiah. Nakasabit sa kanang balikat ang bag niya.
“Hi handsome,” bati ni Beth. Nginitian niya lang ito. Kinilig naman ang bruha.
“Makikiusyuso lang sana kung ano ang meron sa labas. Mukhang may interesting na pangyayari eh,” saad ni Beth.
“Ayan si, Daisy oh. Hindi ba ikaw si, Daisy?”
Kumunot naman ang noo ko. Bigla na lang kasing lumapit sa ’min ang hindi ko kakilalang estudyante.
“Oo siya nga si, Daisy bakit?” sagot ni Beth.
“Siya pala ang hinahanap.”
Naguluhan naman ako sa sinasabi nila. Napatingin ako kay Aya at mukhang wala rin siyang ideya.
“Hinahanap ka ng lalaki sa labas,” anila.
“Tara puntahan natin. Sino ba kasi iyan?”
Hindi na ako nakareklamo pa dahil hinatak na ako ni Beth palabas. Pagdating nga namin sa b****a ng gate ay natuod ako sa aking kinatatayuan. Halos lumuwa ang mata ko sa nakikita ngayon.
“Grabe ang pogi.”
“Daisy!” aniya at nakangiting nilapitan ako.
“T-Theo...”
Napakurap-kurap ako nang bigla niya akong yakapin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin.
“I miss you so much babe.”
Lumayo na siya at nginitian ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya ngayon.
“Hoy!” pukaw sa ’kin ni Beth. T’saka lang ako nagising sa nangyayari.
“Why are you here?” untag ko sa kaniya.
“I missed you so much. I don’t know when will you come back so I decided to be here instead,” sagot niya. Napapikit naman ako. Oh God! Ano na ang gagawin ko?
“Daisy, hindi mo sinabi sa ’kin na may jowa ka pa lang sobrang pogi,” wika ni Beth. Hinila ko naman si Theo papunta sa gilid at masiyadong pansinin siya. Matangkad kasi ang puti pa ng kutis.
“In fairness ha magkasing-guwapo sila ni, Jeremiah pero mas matangkad si, Jeremiah,” ani pa ni Beth. Napaikot ko naman ang aking mata.
“Who’s with you?” tanong ko sa kaniya.
“I came here alone. I asked the taxi driver to drive me here,” sagot niya.
“Goodness! Baka naburautan ka, pogi,” komento ni Beth.
“Huh?” ani Theo.
“Hi handsome, I’m Beth. Daisy’s best friend,” pagpapakilala niya sa sarili niya. Self-proclaimed din ‘tong babaeng ‘to eh. Ngumiti naman si Theo at tinanggap ang handshake ni Beth. Tumikwas ang kilay ko nag makitang hinaplos pa ng gaga.
“Beth jowa ko ‘yan, lintik na ‘to,” saway ko.
“Ito naman, minsan lang makahawak ng porenjer eh. Hindi ko aagawin iyan, alam ko namang sa lahat ng aspeto nahihirapan kang pantayan ako. No worries, saiyong-sa ‘yo siya, hindi ako ang thorns sa roses mo,” aniya. Napaikot ko naman ang aking mata. Tumawa lang ang bruha.
“Have you eaten?” usisa ko. Umiling naman siya. Napahawak naman ako sa noo ko. This is shocking. Buti na lang sa ibang university nag-aaral si Lilac. Dahil kung hindi lagot talaga ako. Hinawakan ko naman ang kamay niya at pumara ng taxi. Pinauna ko na siya at umupo naman sa harap si Beth. Pagpasok ko ay nakita ko si Jeremiah na nakatayo lang sa gate. Nakatingin sa ‘min at hindi ko mawari kung ano ang ekspresiyon sa mukha niya. Napalunok naman ako.
“Babe...”
Mabilis na umupo na ako at isinara ang pinto. Umandar na ang kotse at nakatingin pa rin ako kay Aya sa labas. Hindi ko alam pero nakokonsensiya ako.
“Grabe girl, hindi ko alam na mapapasabak pala ako sa English-an dito sa jowa mo. Wala bang dugong pinoy ‘to? Hindi ba ‘to marunong managalog?” tanong ni Beth.
“Hindi, pero nakakintindi siya ng iilan,” sagot ko.
“Sana man lang tinuruan mo kahit sabihin niyang napakaganda ko,” aniya. Inirapan ko nga. Napapiksi ako nang hawakan ni Theo ang aking kamay. Kita ko naman na tila nagtataka siya.
“Sorry,” saad ko.
“I’m sorry if I came unannounced,” wika niya.
“It’s fine, you’re already here. What can I do?” sagot ko.
“Are you mad?”
“Well at least you should have told me. You shocked the hell out of me,” saad ko.
“I’m sorry, I just want to surprise you,” malungkot niyang wika. Huminga ako nang malalim.
“I’m sorry, I was just so surprised and worried. You should have called me. What if someone took advantage of you? It’s you first time here,” sambit ko.
“I’m sorry,” saad niya.
“Did you have a place to stay? When will you coming back? What about your study?” sunod-sunod kong tanong. Mapapagalitan ako ng parents niya sa ginagawa niyang ‘to eh.
“How about your parents? Did they know about this?” usisa ko.
“Calm down, okay? I’m fine. No one can stop me if I choose to be here. You’re getting mad. It seems like you don’t want to see me,” aniya. Nag-inarte pa talaga.
“Iyan kasi, kung bakit kasi inaway. Siya na nga pinuntahan dito pero galit pa,” pasimpleng sabat ni Beth.
“Theo, you know that your parents will get mad. And it will be my fault again,” giit ko.
“I told them I need a week of vacation. I didn’t tell them that I’m here with you,” saad niya.
“I found a hotel to stay. I’ll be here for a week. I really want to spend more time with you. I missed you so much,” madamdamin niyang sabi. Napalunok naman ako. I missed him too. Ginulo ko naman ang buhok niya.
“Don’t be a kid again. Call your mom later. Tell them that you’re okay wherever you are,” saad ko. Tumango naman siya at niyakap ako. Pagdating namin sa mall ay nag-withdraw na muna ako ng pera. Kumain kami sa restaurant at iginala ko siya sa loob ng mall. Bandang hapon ay nauna na ring magpaalam si Beth. Inihatid ko naman si Theo sa hotel niya. Pagpasok ko sa loob ay namangha naman ako. Maganda at halatang mamahalin. Theo’s family is wealthy as hell. He’s the successor of their family business. Aware rin ako na ayaw sa ‘kin ng family niya dahil Asian ako. And yes, they’re kind of racist.
“Nice place,” saad ko. Nagulat ako nang yakapin niya ako sa aking likuran. Napangiti naman ako at hinarap siya. It just a matter of seconds and our lips met. Napapikit ako at ramdam ko ang pagka-miss sa halik niya. I kissed him back when the image of Jeremiah suddenly appeared. Kaagad na naitulak ko siya palayo.
“What’s wrong?” He asked puzzled. Napahawak naman ako sa ulo ko.
“My head hurts,” sagot ko at napaupo sa couch.
“I’ll get you some medicine” aniya. Tumango naman ako. I feel so bad knowing that I am fooling around. Para bang naglalaro ako sa apoy. Hindi ko naman dapat nararamdaman ‘to pero pakiramdam ko sobrang cheater ko. Kapag kasama ako si Jeremiah naiisip ko na nagche-cheat ako kay Theo. Ngayong kasama ko si Theo mas lalo akong nakakaramdam ng hindi maganda. Nagkatotoo pang sumasakit ang ulo ko.
“Here, take this,” saad niya. Tumango naman ako at kinuha iyon. Ininom ko na at nagpasalamat. Nagsisimula na naman siyang maglambing sa ‘kin. Sinubukan kong iwaglit sa isipan ko si Jeremiah dahil sobrang unfair ng ginagawa ko. I tried to pero wala talaga.
“Can you sleep here tonight?” tanong ni Theo.
“I can’t, my parents will get mad at me,” saad ko.
“Can I stay at your parent’s house instead? You told me before you can’t wait to introduce me to your family. Maybe it’s the right time,” wika niya. Napalunok naman ako. Hindi ko na alam kung anong palusot pa ang sasabihin.
“They don’t know about us. Things with my family today were so complicated. I’ll find time. Don’t get me wrong Theo, but my parents were a bit conservative. Your culture is too different from ours,” paliwanag ko pa. Sana kagatin niya.
“I understand, I can’t force things anyway. I just hope one day that our parents would finally approve our relationship. Things were messy on my side too. Life becomes heavier when you left. That’s why I decided to be here,” mahinang saad niya.
“Did they ask you to break up with me again?” mahina kong tanong. Alam ko naman eh. Noon pa man gusto nilang iwan ko ang anak nila. I did, but what can I do? Anak nila ang sumusunod sa ’kin. And I love him too. Hindi ko rin kayang bitiwan sa ngayon si Theo. He’s a perfect man for me. Lahat na ng good qualities nasa kaniya. Ang problema lang talaga namin ay ang family niya. They’re against sa relationship namin dahil isa lang akong mere commoner sa pamilya nila. Worst ay Filipina pa. I can’t blame them dahil ang kapatid niya ay niloko lang naman ng kabaro natin. They’re afraid na ganoon din ang gawin ko sa anak nila.
Hindi siya sumagot kaya huminga na lamang ako nang malalim.
“Daisy, why don’t we get married in secret? They can’t do anything about it anymore. I want to marry you here in your country.”
Kaagad na napailing naman ako.
“Theo, don’t be stubborn. We can’t do that,” sagot ko.
“Why can’t we?” giit niya. I can see frustration from his eyes. I cupped his face and fainted a little smile.
“Because we can’t.”
Hindi ko kayang ipagtapat sa kaniya na kasal na ako sa iba. It will break his heart. He will hate me to death.
“You love me, right?”
“Of course, I do. But we can’t do things abruptly. Marriage is a serious thing, Theo. We can’t play with it. It involves my family reputation. If your family will know about this, the blame will always on me. Even though we both agreed to things we wanted, you know that the blame will be on me. It’s always my fault. I can’t risk my family. I don’t want to cause humiliation to them. They’re my everything,” wika ko.
Kumalma naman siya. His eyes softened and caressed my face.
“I’m sorry baby. I’m being thoughtless again,” aniya. Huminga ako nang malalim at hinayaan siyang yakapin ako. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Hanggang kailan ko kaya ‘to dadalhin? How will I explain everything to him? Paano ko ipapaintindi sa lahat? Pakiramdam ko ay pasan-pasan ko ang lahat. Hindi pa man nangyayari pero alam ko na kung ano ang kahihinatnan nito. I don’t know how to end things. Kaya lalo akong nahihirapan. Wala naman ibang makakatulong sa ’kin. Guilt is eating me whole. Hindi ko alam kung paano haharapin si Jeremiah. We already talked about this pero sobrang nakokonsensiya pa rin ako.