“Maya-maya po Ma’am ay magigising na si Sir,” wika ng secretary niya. Tumango lamang ako. Nakatingin lang ako kay Aya na nakahiga na ngayon sa couch. Kung hindi nga siya pinaamoy ng white flower ng secretary niya hindi siya magigising. Hawak-hawak niya pa rin ang damit at nang magising ay mabilis na napabangon. “Daisy,” aniya at napahawak sa ulo niya. “Sorry I collapsed,” dugtong niya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na matawa sa kaniya. I cleared my throat and smiled a little. “It’s fine, baka na-shock ka lang masiyado,” sagot ko. Tiningnan niya ang damit at naiiyak na tiningnan niya ako. Nanaki ang mata ko nnag makita ang pagdurugo ng ilong niya.Umiiyak pa siya. “Oh God!” Tarantang tumayo ako at kumuha ng tissue t’saka pinunasan ang ilong niya. Kita ko naman ang gulat s amu

