PRETEND
"Girlfriend?! Teka... bakit... ano?!"
"Yes, so let's go." Sabay hatak niya sa akin.
This time hindi niya na ako hinayaang makatakas pa sa kanya. Sinakay niya ako sa sasakyan niya, sinuotan ng seatbelt. Nang maisara niya ang pintuan ay nagmadali akong alisin ang seatbelt at binuksan ang pinto pero hindi iyon mabukas-bukas. Nakakainis talaga! Mapangasar ang ngisi niya pagpasok niya ng sasakyan. Inirapan ko siya. Sinuot niya ulit ang seatbelt sa akin. Hindi na ako nakipagtalo pa. Nabu-bwisit ako sa mga ginagawa niya.
"Let's eat dinner before I drive you home, okay?"
Hindi na ako umimik. Dali-dali niyang pinatakbo ang sasakyan. Halos 30 minutes ang tinagal ng byahe namin pero sa pakiramdam ko parang 30 years. Panay siya kuwento sa byahe. Alerto lang ako kasi baka kung saan ako dalhin nito e. Napansin ko lang na madaldal pala siya. Malayo sa itsura ha. Para ko siyang naging tour guide. Ang mga kwento ba naman kasi niya ay tungkol sa mga building na nadadaanan namin. Kung anong taon itinayo, kung sino ang may-ari, kung anong klase ng business ang mga nakatayo roon.
Sa isang italian restaurant kami kumain malapit sa BGC. Halos lahat ng staff ay kinakausap niya. Sakanya kaya ito or dito niya lagi dinadala mga babae niya? or both? Dim-lit lang ang paligid. Maganda 'to for an intimate dinner or kung gusto mo mag propose.
Inalalayan ako ni Antonio Zaballa na makaupo. Gentleman. Ganap na ganap ah. Inirapan ko siya bago ako makaupo. Nang maka-settle kami ay nagtawag na siya ng waiter. Tinanong pa ako ng waiter kung anong order ko, ginaya ko na lang ang sa kanya. Hindi ko naman din binuksan ang menu.
"Hi!"
Nasamid pa ako sa biglaang bati niya.
"Anong hi?"
"Let's pretend it's our first meeting, first day. Kalimutan na natin yung nangyari last time. Let's start anew, shall we?"
"Paladesisyon ka rin 'no? Ano ako uto-uto?"
"Hmm, wala namang masama diba?" Confident niyang sagot sa akin.
"I'm Antonio. You can call me Tony, though I prefer you call me mine."
Hindi ako nag react. Blanko lang ang muka ko. Hindi na kasi nakakatuwa. Ang cringe!
Tumikhim muna siya bago magsalita ulit. "I was just joking. I don't like it when they call me Tony."
Huminga akong malalim. Kalmado na rin naman ako. Seryoso na kasi siya eh.
"E hindi Tony ang tawag sayo ng fiance mo?"
"Ex fiance..." pagtatama niya. "Yes, Tony nga. Ayon kasi ang gusto niya. Hinayaan ko na lang."
"E bakit ayaw mo?"
"Well, my father's name is Anthony, and his nickname is Tony. So sakanya na 'yon and another thing, I'm not my dad," may pagka-bitter ang pagkakasabi niya no'n.
Hindi na ako nagsalita pa. Parehas kaming natahimik. Nabasag lang ang katahimikan namin nang dumating ang order namin. Napanganga ako nang makita kung gaano karami ang pagkain. Parang fiesta! Saka ako nakaramdam ng gutom. Medyo natawa pa si Antonio sa 'di ko malamang dahilan. Baka naman nadinig niya ang kalam ng sikmura ko??
"You haven't introduced yourself yet," Ani Antonio.
Hindi ko siya tinignan nang nagsalita ako. "Alaska."
"What?"
Uminom akong lemonade. Humingan malalim bago siya tinignan. "My name."
"Alaska... like the state in America?"
Bigla akong napangiti. This is the first time na kinumpara ang pangalan ko sa state ng America, imbis sa brand ng gatas. Malinaw pa rin sa alaala ko na palagi akong nabubully sa pangalan ko.
"Why? Is it wrong? Hindi ba Alaska?"
"Wala... Alaska nga yung name ko. Like one of the 50 state in America," usal ko.
"Cute."
Kinagat ko ang pangibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko.
"Bakit pala Alaska? If you don't mind me asking, is there a special meaning behind it?"
"Ah, OFW kasi 'yung tatay ko noon. Doon siya sa Alaska naka-based. Special kasi yung place na yun sa tatay ko. Simula kasi nang mag-work ang tatay ko doon, bigla daw umulan ng swerte sa pamilya namin. Kaya ayon, Alaska name ko para special."
"Well, you are."
"Paano mo naman nasabi? Hindi mo nga ako kilala."
"Here I am, kinikilala na kita."
Nanahimik ako sandali bago magsalitang muli. Hindi ko na kayang magsunod-sunuran sa mga gusto niya. Ngayon pa lang dapat nagse-set na akong boundaries kung hindi siya. Ayaw ko talaga ng conflict. As much as possible umiiwas ako hangga't kaya pero hindi ko naman din kayang magbulag-bulagan lalo kung ako rin naman ang nadedehado.
"Antonio Zaballa, right? Diretsuhin mo nga ako... Ano bang kailangan mo?" Madiin at seryoso kong tanong.
Umupo akong tuwid at tumitig nang mariin sa kanya.
Sinubukan niya pang kunin ang loob ko gamit ang mga tingin niyang akala mo naglalambing pero nang marealize niyang walang talab sa akin yon ay nagbago ang expression ng muka niya. Huminga siyang malalim at marahang napailing. Pinagmamasdan ko lang kung anong sunod niyang gagawin. Nag-bago bigla ang aura niya. Sumeryoso ang muka at nawala na yung kaninang itsura niya na nanlalambing. I guess ito ang tunay na siya?
"Okay. I'll be honest with you, Alaska?" May alangan ang pagtawag niya sa pangalan ko. Hinayaan ko siyang magpaliwanag sa akin.
"I want you to pretend to be my girlfriend..."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, nagpipigil na magsalita.
"I don't want to marry her. Or anyone. Not yet. I'm not ready and kung magpapakasal man ako, I want it to be with someone I truly love."
"Edi just tell her? Anong problema?"
"It's an arranged marriage. It's all planned and I can't backout, unless Daine decides not to marry me."
"At this year and age, may arranged marriage pa rin? I mean... siguro naman madadaan sa masinsinang usapan?"
"It's easier said than done. But before my dad passed away, I found out that he had made a promise with Tito Boni, Daine's dad, na kaming dalawa magpapakasal."
"So... do you have to keep that promise? Hindi naman siguro magagalit ang dad mo kung hindi mo tutuparin?" It sounds dumb pero may point naman ha? Maliban na lang kung mumultuhin siya ng tatay niya ay ibang usapan na 'yon.
Hindi siya umimik. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa lamesa at tumingin siya ulit sa akin. Iba-iba kami ng kinalakihan kaya hindi ko dapat hinuhusgahan ang pinanggalingan niya at kung paano mag-isip ang tatay niya. Obviously he respects his dad so much kaya hindi siya alam kung anong uunahin niya. Ang gusto ng dad niya o ang gusto niya?
"Ano bang mali kay Daine? Bakit ayaw mo siyang pakasalann? Maganda naman siya, mayaman, mabait... I guess?"
"Don't get me wrong, Alaska. It's not that I hate her or dislike her. She's like a sister to me. Hindi ko kayang pakasalan ang babaeng tinuturing kong kapatid. It doesn't sit right with me. Yes, she's nice. I know her reputation is not okay, maraming kwento ang kumakalat sa kanya at sa pamilya niya pero hindi 'yon totoo. I was there."
"Hmm, okay." Ayon na lang ang naisagot ko. Masyado akong nao-overwhelm sa mga nalalaman ko na hindi ko naman ginusto.
"So please, help me, Alaska. I know I've been a jerk. Mali ang ginawa kong nakawan ka ng halik lalo na't nasa publikong lugar pero ayon na lang ang naiisip ko. Hindi siya madaan sa usapan. Kaya I had to do it."
"Sorry pero pass," diretsong sagot ko.
Tama na 'tong kalokohan na 'to. Marami na akong iniisip sa buhay, sa trabaho at sa araw-araw na lang ay nas-stress ako. Okay na ako. Hindi ko hiniling na mamatay ako due to stress!
Okay na ako.
Parang nabigla pa siya sa sagot ko. Ineexpect niya ba na papayag ako? Hindi siya agad nakapagsalita.
"Antonio, okay, sorry. Sana maintindihan mo. Marami naman diyang iba. Okay na ako sa buhay ko e. Ayaw ko ng stress. Ayaw ko na magulo ang buhay ko."
Lumungkot ang muka niya pero binalewala ko lamang iyon.
"Understood, Alaska." Pormal niyang sabi. "Sorry to disturb your peace. Nagbaka sakali lang. Baka sakali lang."
Para naman akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Ang weird. Hindi ko naman dapat nararamdaman 'to or kahit ano kasi sino ba siya 'di ba? At hindi lang 'yon, sakit sa ulo 'to.
"E ano bang mapapala ko kung magpanggap akong girlfriend mo?" Nagulat ako sa sinabi ko. It should've stayed in my mind!
Nanlaki ang mata ni Antonio at napangiti. "Marami!"
"Like?"
"Anything you can imagine, Alaska! I'll do it and I'll give it to you, basta pumayag ka lang. I'll make sure na mage-enjoy ka at hindi ka mas-stress."
Natawa na ako this time. Nababasa niya ba nasa isip ko? Yes, make sure talaga na hindi ako mas-stress dahil kung hindi... Pero not bad, I guess? Why not baguhin ko ang daloy ng buhay ko. Just this time... wala naman sigurong masama?
"Okay, okay! I'll do it! Pero sa isang kondisyon... Hindi ako mas-stress!"
"You bet, Alaska!"
Wala namang masama?