Kabanata 2

1527 Words
SUNDO Para akong hihimatayin sa mga pangyayari. Please, kung panaginip man ito sana naman magising na ako! Namalayan ko na lang ang sarili kong lumalakad habang hawak-hawak ni Antonio Zaballa ang kamay ko. Napalinga-linga pa ako sa paligid at lahat nang madaanan namin ay mga nakatingin sa aming dalawa. Nang makakuha akong tyempo ay binawi ko ang kamay ko. Nasa malapit na rin kami sa parking lot. Dito marahil siya naka-park. "Teka nga!" Bulyaw ko. Natigil kami sa paglalakad at saka siya humarap sa akin. "Anong trip mo?" Nairita ako sa itsura niya na parang takang-taka sa mga pinagsasabi ko. "Kilala mo ba ako?" kunot noo kong sabi. "No." Agad niyang sagot. "So... bakit mo 'yun ginawa? Bastos ka! Walang consent 'yon at pati na rin 'tong paghahatak sa akin sa kung saan lupalop ng Makati! May lahi ka bang kidnapper?" Humalakhak siya at napahawak sa kanyang noo. "You're funny." "Anong funny? Seryoso ako dito. May saltik ka ba?" Aalis na sana ako sa sobrang pagkairita ko sa pagtawa niya nang magsalita siya. "Where are you going? Halika na, ihahatid na kita pauwi." Patuloy lang ako sa paglalakad at siya naman ay nakasunod. "Ano ako baliw? Bakit ako sasama sa'yo e hindi naman kita kilala!" "I'm pretty sure you know me. Imposibleng hindi--" "Ay wow, kapal mo rin no?" sabat ko. Binilisan ko ang lakad ko pero nakahabol pa rin siya. Obvious naman dahil maiiksi lang din naman ang mga hita ko. Hindi ako umimik na. Kasi kung papatol ako sa baliw na 'to, edi baliw na rin ako. Pero parang maling move 'yon kasi ako ang nabibingi sa katahimikan at sa pagkairita ko sa kanya. Mabuti sana kung may explanation man lang siya sa mga ginawa niya pero wala! At mukang walang balak. Ganon ba kapag mayaman, sikat, at gwapo? Akala kayang gawin lahat? "Look, I don't know kung anong trip mo sa buhay. Kanina lang may nagwawalang babae na 'fiance' mo tapos bigla mo akong idadamay tapos andito ka para bwisitin ako. Okay na, okay? Wala na yung babae baka pwedeng ikaw naman ang mawala?" hindi na ako nakapagtimpi. Huminga siyang malalim bago magsalita. "Didn't you hear what I said a while ago? May nahanap na ako... at ikaw 'yon." Sabay turo niya sa akin. "Well, sorry po, hindi ako missing person para mahanap mo." Sarcastiko kong sabi. "You're hilarious. I'm starting to like you. What's your name?" "Tse!" sabi ko sabay takbo. Hopeless case na 'tong siraulo na 'to. Hindi ito yung tipong nadadaan sa maayos na usapan. Dapat talaga kanina ko pa 'to ginawa eh! Ewan ko rin ba. Nadinig ko pa siyang pinapahinto ako pero hindi na ako lumingon pa. Hingal na hingal ako pagdating ko terminal ng bus. Nakakainis! Naabutan na talaga ako ng rush hour kaya standing na ako. Halos 20 minutes din akong nakatayo bago may nagmagandang loob na paupuin ako. Kahit papaano nakahinga akong maluwag. "Oh? ba't ganyan ang muka mo?" tanong ni Kuya Abel pagpasok ko sa bahay. "Basta..." pagod na pagod na ako. Pati ang utak ko hindi makapahinga kakaisip sa nangyari. Ipinagpapasalamat ko na lang at Friday kaya day-off ko na kinabukasan. Kahit papaano ay nawala sa isip ko ang mga nangyari kanina nang makipagkwentuhan ako kila Nanay at Tatay habang nasa hapagkainan. Pati rin kasi sila nagtataka bakit medyo na-late ako ng uwi. Idinahilan ko na lang na madami akong tinapos na deadline at syempre Friday kaya nakadagdag pa sa buhos ng trapiko. Naligo ako at nagpalit ng pajama. Wala sana akong balak mag open ng laptop at cellphone pero ring nang ring ang cellphone ko. Akala ko makakapagpahinga na ako. Pag-open ko ba naman ng social media ko ay trending ako. I mean yung nangyari kanina! Viral yung video ni Antonio Zaballa at nung babae habang nagsisigawan. Nagscroll pa akong kaonti. Laking pasasalamat ko ay walang video na nakuha na hilakina ako ni Antonio Zaballa. Shet! Hinalikan ako ni Antonio Zaballa! Ang first kiss ko... Napailing ako. Tinakpan ko ng unan ang muka ko at saka ako nagsisigaw. Nakakainis! Wala akong kilig na nararamdaman. Siguro baka kiligin ang iba. Hindi sa pagiinarte pero hindi ko siya type! At ang pinaka mahalaga sa lahat ay first kiss ko 'yon! Dapat sa taong mahal ko at gusto ko talagang mahalikan! Hindi doon sa chickboy na yon! Nag-scroll pa ako para makasiguradong wala talaga. Ang tanging video lang na nakita ko ay yung mga clip na nahagip ako ng camera habang nagsisigaw yung babae. Sa pagbabasa ko ng comment section ay nakilala ko na kung sino yung babae or fiance ni Antonio Zaballa. Daine Stefan Alcala pala ang name niya. Mula sa angkan ng mga Alcala na kilalang pamilya sa Nueva Ecija kasi majority ng lupain don ay kanila o ng mga ninuno nila. Wow. So hindi rin siya basta-bastang tao lang. Na-hook na ako sa issue nilang dalawa. On-off ang relationship. Kilalang war freak si Daine dahil sa tuwing nalalasing sa bar ay nananakit kaya palaging nakakasuhan. Kusa na lang naatras ang kaso kapag nalalaman na Alcala siya. Wow. Medyo kinabahan ako na hindi ko maintindihan. Wala naman sigurong gagawin yong masama sa'kin 'no. Hindi naman ako pagaaksayahan ng oras no'n. At mas lalo na itong Antonio Zaballa na 'to. Goodluck na lang sa kanya kung makawala siya dun sa Daine na 'yon. Itinulog ka na lang ang lahat ng mga isipin na 'to. Puro pahinga lang din ang ginawa ko sa weekends. Wala naman din akong social life dahil wala rin naman akong gaanong kaibigan. Masaya naman ako kahit ganon. Ang tanging ginawa ko lang ay magbasa ng libro at gumawa ng graham balls. Parang isang iglap lang talaga ang weekends e. Hindi pa ready ang katawan kong pumasok. Tuwing Monday at Friday kasi ako napasok sa opisina. At talagang tinapat ko talaga na matindi ang trapik e 'no? Same as usual. Babangon, kakain, mag-aayos, ba-byahe, papasok, trabaho, bahay, repeat. Naalala ko tuloy yung sinabi ng pinsan ko na ang boring-boring daw ng buhay ko. Natawa lang ako kasi para sa akin hindi naman. Hindi sa lahat ng pagkakataon. Minsan oo, minsan hindi. Depende eh. I think lahat naman ng tao nakakaramdam at nakakaranas non. Hindi naman pwedeng palagi kang masaya. Mas boring 'yon. Magaan ang pasok ng trabaho ko dahil natapos ko naman na ang dapat tapusin kaya may oras akong makipag-kwentuhan sa mga katrabaho ko. "Hindi mo sinabi present ka pala sa viral video nila Antonio at Daine ha? Ano nangyari?" Usisa ni Jennie na sobrang excited. Hindi naman siya fan non. Fan siya ng drama. Kahit nga office drama hindi yan papahuli eh. "Nagkataon lang 'yon. Andami kasing tao e." "Oo nga! Pero ano masasabi mo? Naawa ka ba kay girl? Hindi na daw tuloy ang wedding ha. Buti nga! Alam mo ba na friend ng friend ko yung binuhusan niya ng alak at sinabunutan! That's her karma." Napalingon kaming dalawa ni Jennie kay Sofie na kakadating lang galing pantry at may dalang kape. "Hmm, ewan ko. Hindi ko naman kasi alam yung kwento at problema na nila yon," sabi ko na lang. Wala naman din kasi akong interes. Naalala ko lang ulit yung nangyari at ginawa ng baliw na yon sa akin. Nakinig na lang ako sa kwentuhan nila hanggang sa lumipas ang oras. Nauna na silang umuwi sa akin dahil may kanya-kanya silang mga pupuntahan pa. Naisip ko kasing magpa-late ng uwi. May kung anong hangin yata ang dumaan at naisip ko na lang. Wala naman din sigurong masama na baguhin ang nakasanayan. Traffic pa rin naman. 7 PM na nung lumabas akong office. Parang nalaglag yung puso ko sa gulat nang makita ko si Antonio Zaballa sa may bench sa tapat ng opisina ko. Hindi ako nagkakamali. Siya yon! Kahit na nakahoodie siya ay siguro ako. Hindi naman kukulo ang dugo ko ng ganito kung hindi siya yon e. Kahit mag-mask pa siya, makikilala pa rin naman. Naka-plaster ba naman muka niya sa bawat billboard at commercial sa TV eh. Kahit hindi mo siya gustong makilala, wala ka na magagawa pa. Nang magtama ang paningin namin ay lumakad na akong mabilis. "Hey, hey, hold on, miss!" tawag niya. Wala akong nagawa sa bilis niya at nakaabot pa talaga sa akin. Nabulaga na lang ako nang nasa harapan ko na siya at may dala-dalang bouquet ng flowers. Hindi maipinta ang muka ko sa disgusto sa pinagagawa niya. "Kilala ba kita?" "Alam ko na 'yan." Ngumiti siyang pagkatamis. Bakit imbis na kiligin ay naiirita ako? "Huh?" "My Amnesia girl?" "Huhhh?" "Yung movie. John Lloyd Cruz? Toni Gonzaga?" Hindi ako umimik. Nagjo-joke ba 'to? "I'm the guy from yesterday. The guy who ki--" Napatakip ako sa bibig niya sa gulat. "Oh, tama ka na. Okay na! Don't say bad word!" "What's wrong with ki--" "Sabing tama na eh. Masyado ka nang nag-eenjoy," sabat ko. "O anong kailangan mo? Dapat na ba akong tumawag sa police station or mental institution?" Patawa-tawa lang, aliw na aliw. "Ano bang masama na sunduin ko ang girlfriend ko?" "O may girlfriend ka pala e ba't ka nandito?" Bilib din talaga ako sa bilis niyang mahanap. Mas mabilis pa sa alas kwatro e. "Kaya nga. Sinusundo kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD