Kabanata 1

1920 Words
PRANK Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko mula sa apat na oras na pagkakatulog. Tambak ako ng trabaho. Naubos oras ko sa pag-source ng mga possible candidate para ma-interview ko. Urgent hiring kasi dahil may family emergency daw yung employee at kinakailangang mag-resign kaya heto ako, hilong-hilo paano mapupunan yung accounting position na iyon. Kung tutuusin kulang ang tatlong oras sa pagso-source, e. Samahan pa ng mabagal na interview process. Sobrang pasasalamat ko talaga sa internet namin dahil sa tuwing tambak akong trabaho, saka siya bumabagal. Ang galing 'diba?? Alam mo ‘yung parang gusto niyang sabihin na magpahinga na ako at matulog dahil sobrang dedicated ako sa trabaho na nakakalimutan ko nang matulog, pero hindi, e. Kailangan kong tapusin ang trabaho ko pero parang ang trabaho ko naman yata ang tatapos sa akin. Hindi ko pa maimulat ang mata ko. Pinilit ko na lang talaga dahil pati Kuya ko sa kabilang kwarto ay nagising na rin sa alarm ko. Humikab pa ako bago tuluyang inabot ang cellphone na nasa bedside table para patayin ang alarm. Mula sa liwanag na nanggagaling sa lamp shade sa tabi ng bedside table, kitang-kita ang mala medusa kong buhok. Nag-inat pa akong likuran bago dinampot ang eyeglasses at tamad na naglakad palabas ng kwarto. Bukas na ang ilaw sa salas at amoy na amoy ko na rin ang mukang kakatapos lang na prituhing tuyo. Ito talaga ang nagpapagising sa akin tuwing umaga. Ang lutong almusal ni Nanay! Pagdating ko sa ibabang hagdan, lumabas sa screen door ng kusina si Nanay, may bitbit pang tasa na may lamang black coffee. “Ang aga mo ah? Papasok ko?” tanong niya habang paupo sa upuan ng dining area, nang iinis ang tono niya. Busangot ang mukha ko. Ang aga-aga tinatanong ako. Hindi talaga ako morning person. Kung pwede lang na hindi ako kausapin sa umaga, e. Mabilis uminit ulo ko. Ewan ko ba. Pero tingin ko namana ko ito kay Nanay kasi mainitin din ulo niya. Tumango na lang ako at tahimik na umupo. Limang minuto ko pang tinitigan ang plato sa lamesa bago ko napagdesisyonang mag sandok. Alas tres kasi gising na sila Nanay at Tatay dahil ginigising sila ng alaga kong si Michi kasi gutom na at naiihi. Matalino rin ‘yong pusa namin, e. Wala kaming sand box o sand dito sa loob ng bahay pero never pa siyang umihi o dumumi rito. Kapag kasi nakakaramdam ‘yon, pupunta siya sa may pintuan at mag-aabang ng may maglalabas sa kanya o di kaya magtatawag. Mana kasi sa akin. Matalino. Haha! Saktong pagpasok ni Tatay sa loob ng bahay ay tapos na akong kumain. Ang ingay nila ni Nanay kaya dumiretso na ako sa banyo at naligo. Hindi na talaga ako nagbalak pang magsalita o makipag-usap sa isa sa tao sa bahay. Palagi naman din nila ako iniinis tuwing umaga. Nagpahatid na ako kay Tatay sa sakayan. Medyo siksikan pa sa jeep. Hindi pala medyo... siksikan pala talaga! Ang layo pa naman ng byahe ko. Sa Cavite kasi ako nakatira at 'yung trabaho ko naman ay sa Makati pa. Ang sabi ko pa naman noon, sanay na akong bumyahe kasi 'yung school kung saan ako nag-college ay sa Intramuros. Iba pala ang layo nito. Pagod ka na nga sa trabaho, pagod ka pa sa byahe. Pagdating ko nga sa opisina, gusto ko na agad umuwi. Tutal naman ay mukha na rin akong pauwi sa sobrang haggard!! Gaya ng dati, siksikan pa rin sa jeep. Madalas sa may babaan ako naupo para diretso baba agad. Nagmamadali akong maglakad dahil sasakay naman ako sa bus pa Ayala. Nakasakay na akong bus nang biglang umandar, buti na lang nakakapit agad ako. Kung hindi, gugulong talaga ako. Bitbit ko pa man din ang company laptop. Hindi 'to pwedeng masira, mas mahal pa 'to kaysa sa sahod ko, e. Nakakapagpahinga naman ako kapag nasa bus na pero bawal umidlip dahil baka manakawan o mahipuan pa ako. Marami pa namang manyak sa mundo! Mahilig pa naman akong magdress o skirt. Kailangan kasi na presentable kang tignan bilang HR at syempre nasa opisina ka. Minsan naman nagsusuot akong pants or blouse, kaya lang ay palagi naman akong napagkakamalang bata o kaya intern, minsan pati mga guard sa opisina ay akala naliligaw ako. Kapag may mga ganong scenaryo ay natatawa na lang ako. Compliment para sa akin kaso nakakaumay din naman... Marami nagsasabi na baby face daw kasi ako. Bilugan ang pisngi, may pagka-chinita, maputi ang balat at ang height ko din naman kasi parang sa highschool lang din at naka eyeglasses at apple cut pa ang buhok, di ko rin talaga sila masisisi. "Morning, Ma'am Alaska," bati ni Ate Mikay sa akin. Siya 'yung mas madalas kong kausap dito kumpara sa mga ka-workmates ko. Palagi rin kasi niya akong tinitimplahan ng kape at nilalagyan niya pa ng maraming marshmallow sa ibabaw. "Morning po," bati ko pabalik at ngumiti. Dumiretso na akong pasok sa interview room kung saan ako napwesto nang hindi tinitignan kung sino pang mga pumasok na. Saktong 9 AM din akong nakarating sa opisina. Pagkalapag ko ng mga gamit ko ay lumabas uli ako sa interview room at dumiretso sa pantry. Kinuha ko ang utensils ko sa cabinet at lumabas ng office para pumuntang canteen. Mabuti na lang talaga at nasa ibabang floor lang siya ng HR department. Hindi na ako maglalakad pa ng malayo para lang kumain. Wala namang pila kaya dumiretso na sa counter, sinulyapan isa-isa ang mga pagkain saka namili. "Ano po 'yun, Ma'am Alaska?" tanong ni Ate Dina. Nakatayo siya sa harap ko, hawak-hawak ang luma at punit-punit na notebook para ilista ang pagkaing kukunin ko. "Tocilog na lang po." Sabay kuha ko. Pagkatapos magsulat ni Ate Dina ay pumunta naman na ako sa cashier para kunin ang libreng saging at isang sachet ng kape na hindi ko naman alam kung anong brand. Ito rin ang isa sa magandang benefits ng kumpanyang pinapasukan ko. Libre ang mga pagkain, two meals a day. Naupo na ako sa favorite kong spot, 'yung malapit sa binata at pinaka sulok para 'di masyadong malamig. Ayaw ko rin naman na mag amoy ulam 'no. Pagkatapos kong kumain, bumalik na ako sa office. Malalim ang buntong hininga ko bago maupo sa swivel chair. Ilang minuto ko ring tinitigan ang screen ng laptop bago magfunction ang utak ko. Tinatamad pa talaga ako! Pero wala naman akong magagawa dahil sa sobrang busy ko, hindi ko na namalayan ang oras. Isang araw na naman ang lumipas at mabuti na lang ay naitawid ko nang maayos. After so many interviews, finally may nahanap na akong candidate at pang final interview na, makakahinga na rin akong maluwag. Inayos ko na ang gamit ko pagkatapos kong mag retouch sa wash room. Hindi ko napansin na ako lang din pala ang nasa opisina ngayong araw. Hybrid set-up naman din kasi kami. 2 times a week, walang specific day basta mabuo lang yung required na araw. Mabuti na nga rin at ako lang dahil busy rin naman ako. Wala akong oras para makipag chikahan at baka ma-destruct lang ako. Pagbaba ko ng opisina ay dumaan muna ako sa Starbucks na katapat lang din naman namin. Isa to sa the best part ng pagtatrabaho ko dito sa Makati eh. Kapag hapon na ay nabubuhay na ang mga ilaw ng mga cafe at restaurants sa paligid. Pagpasok ko sa Starbucks ay amoy na amoy ko na ang matapang na kape at tamis ng mga pastries. Bigla tuloy akong natakam nang mapatingin ako sa Blueberry Cheesecake. Nag order na lang akong caramel macchiato at pastries for take-out. Ayaw ko rin naman kasing maabutan ng rush hour e. Sandali lang akong nag-antay at nakuha ko na rin ang order ko nang mapatingin ako sa di kalayuan. Actually lahat kami ay napatingin sa dalawang tao na nakaupo sa couch at magkatapat. Naka-sandal ang lalaki, prente ang pagkaka-upo. Hindi masyadong makita ang muka pero sa tingin ko ay di naman kami nagkakalayo ng edad. Naka-hoodie na itim at denim na pantalon. Yung babae naman... umiiyak? "No, Tony! I wont let you go! Hindi pwedeng hindi matuloy ang wedding!" bulyaw ng babae sa kausap. Infairness ha, ang ganda ng babae. Mala Kim Domingo ang itsura at kutis. Napailing ako at naglalad na palayo. Wala akong oras maki-chismis sa buhay ng iba. Busy ako. Wedding? Ano yon? Naduwag yung guy? Napaisip lang ako pero hinayaan ko na. Hindi pa man ako nakakalayo ay nadinig ko uli yung sigaw ng magandang babae na kanina ay nandoon sa loob ng Starbucks. Napalingon ako at dun ko lang naaninag ang itsura ng lalaki. Hmm, hindi ba ito yung isa sa sikat na modelo dito sa Pinas? or kamuka lang? Kung di ako nagkakamali ay Antonio Zaballa ang pangalan non. "Tony! You come back here!" Napa-estatwa ako sa kinatatayuan ko dahil dumaan sila sa gilid ko. Hinatak ng babae yung lalaki sa braso kaya napaharap ito. Seryoso? Dito talaga sila sa harapan ko umeksena? Talaga ba? Mejo naiirita na ako. Parang akala mo shooting sa pelikula e. "Antonio, please naman! Just tell why you wont marry me? Just why? We were talking about my wedding dress just last week and then sasabihin mo ayaw mo na?" Antonio? So siya nga? "I don't love you. Isn't that obvious?" "What the hell, Tony! Sa sobrang ingay nilang dalawa ay para na talagang naging shooting ang eksena! Dumami na rin ang mga taong nakiusyoso sa paligid kaya hindi na rin ako makaalis pa. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa muka nitong ni Antonio Zaballa. Sa magazine at billboards ko lang kasi siya nakikita. Tinawag pa nga siyang hottest man in the Philippines last 2024 dahil sobrang in demand siya as a model and endorser eh. Well, gwapo naman talaga siya. Combination ba naman ng greek at spanish blood. "Daine, you can't even make me fall in love and you expect marriage?" "You can't fall in love, Antonio, and that's a fact! You don't know how because you're too selfish to even care about other people! Huh, tandaan mo, wala ka nang mahahanap na katulad ko! Trust me." May pait ang bawat salita ng babae. Napabuntong hininga na lang talaga ako. Ang d-drama sa buhay! Akma na akong aalis nang biglang may humatak sa akin. Muntik ko na matapon ang kape at blueberry cheesecake na hawak ko nang makitang si Antonio Zaballe ang humatak sa akin. Hindi ko siya matignang masyado dahil hanggang balikat niya lang ako. Nanlaki ang mata ko nang akbayan niya ako. Napatingin ako sa babae na nanlalaki rin ang mata. Teka ano 'to?? Anong meron?? "What did you say? Na hindi na ako makakahanap ng katulad mo?" natatawang sabi ni Antonio Zaballa. Walang imik yung babae, masama ang tingin sa akin. "Here she is, Daine," pangiinis pa niyang dagdag. Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko pero hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kanya. Parang nag slow-mo ang lahat nang ilapat niya ang labi niya sa akin. Nagpigil akong hininga. Nag-init ang pisngi at tenga ko sa ginawa niya at hindi ko na alam kung anong nangyayari. Para akong hihimatayin o susuka, ewan ko ba! Halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa mga oras na 'to. "f**k you, Antonio! You're a piece of s**t!" Nabalik ako sa ulirat sa sigaw ng babae. Humalakhak si Antonio Zaballa. Hindi pa rin ako nakakagalaw kaya tiningala ko siya. Nang mapatingin siya sa akin ay bigla niya akong kinindatan. Huh? Totoo ba ito? o baka naman prank lang ito? Please naman o!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD