------ ***Clinton's POV*** - Sandy's parents asked me to talk Sandy about something. Napapansin kasi sila na masyado nang obsess si Sandy sa akin at parang wala na itong plano na tuparin ang pangarap nito simula pa nung bata ito, ang maging isang doctor. Hindi na daw kasi ito nag enrol sa medical school na tulad ng gusto nitong gawin nung hindi pa sila ikinasal nito. Pangarap ni Sandy na maging doctor agad kaya masyado itong masipag sa pag- aaral. Sa edad na 19, grumadwet na ito sa 1st course nito. Pero hindi na ito nagpa- enrol sa medical school pagkatapos at nagdulot ito ng pangamba sa mga magulang ni Sandy. Bata pa si Sandy at maraming pangarap na nakahandang kalimutan para lang sa akin. Natatakot ang mga magulang ni Sandy na baka magsisisi ito pagdating ng araw dahil sa hindi tinup

