-------- ***Clinton’s POV*** - Nang nakapag- ipon na ako ng sapat ng pera, bumalik ako sa isla para tuparin ang pangarap ko. Masasabi ko naman na masaya ang buhay ko sa isla, pero parang may kulang. Naisip ko na baka panahon na para bumuo din ako ng sarili kong pamilya, baka ito ang kulang sa buhay ko. Pangarap ko din naman ito. Magkaroon ng isang simpleng buhay kasama ang asawa ko at ang mga anak naming dalawa. Lahat ng kaedaran ko, mga kaibigan ko, ay lumagay na sa tahimik, ako nalang ang wala pang asawa at anak. Tamang- tama at bumalik sa isla ni Maureen, nagkahiwalay kami noon dahil hindi namin nakayanan ang long distance relationship, hindi na kami nagkasundo hanggang sa humantong kami sa hiwalayan. Pumunta kasi ito sa ibang bansa pagkatapos nitong grumadwet ng nursing, at doon i

