----- ***Clinton's POV*** - Letting go of someone is not a sign of weakness, it takes a lot of courage to let go someone who mean the whole world to you. Nung nalaman ko na bumalik na si Sandy, aminado ako na maliban sa saya, nakaramdam talaga ako ng takot. At that time, I really don't have the intention to let go of her. Ang gusto ko talaga ay magkaayos kaming dalawa. Gusto kong bumawi sa kanya at patunayan sa kanya na mahal ko talaga sya kaya ako nagmamatigas sa annulment naming dalawa. Pero hindi pala ganun kadali lalo na at ang daming nagbago sa paglipas ng taon. Nang narinig ko ang mga hinanakit ni Sandy sa akin, ang mga panunumbat nya sa akin, napagtanto ko na isa talaga akong malaking gago. Masyado s'yang nasira sa ginawa ko sa kanya noon. Na naging dahilan kaya nabura ang pagm

