--------- ***Sandy's POV*** - "Mommy! Mommy!" Napangiti ako nang makita ang anak ko na nagtatakbo palapit sa akin. Kalalabas ko lang mula sa kotse. Isang linggo din akong nandun sa Isla at miss na miss ko na si Cloudy. Kahit pa lagi kaming nagvi- video chat pero iba pa rin yon kasama ko sya at kaharap. Agad kong kinarga ang anak ko nang tuluyan na itong nakalapit sa akin, niyakap ko ito ng mahigit at pinaghahalikan ko. Tawang- tawa naman ito dahil nakikiliti ito sa ginawa ko. Tumitil ako sa ginagawa ko at napatitig ako sa anak ko. Agad namamasa ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "Mommy, why are you crying?" Kuryosong tanong nito. "Did I do something wrong?" "No, baby!" Umiling ako at bahagyang ngumiti. "I just miss you." "I miss you too, mommy!" Ngumiti ako sa anak

