Estranged Husband 4

1656 Words
----------- ***Sandy's POV*** - Isang buntong- hininga na naman ang pinakawalan n'ya. Ilang minuto nalang pero hindi pa rin s'ya nagsasalita kaya hindi ko na mapigilan at ako na ang nagsalita sa aming dalawa. "Clinton, perma mo nalang ang kulang dito para tuluyan na tayong makawala sa isa't- isa. Pwede mo nang pakasalan si Maureen. Magiging buo at masaya na ang pamilya nyong dalawa." ngumiti pa ako, para ipakita sa kanya na wala akong sama ng loob sa kanya, na hindi ako galit dahil sa ginawa n'yang pagtataksil sa kasal namin, na wala akong kahit anong sama ng loob dahil sa binasag n'ya ang puso ko noon. Wala nang rason para magalit pa ako. Masaya at thankful ako sa relasyon naming dalawa ni Kaiser. "I-- I have to go!" Pero iba sa inaasahan ko ang marinig ko mula sa kanya. "Yes. Pwede ka nang umalis, pero permahan mo muna sandali ito. Madali lang naman permahan ito. Para makaalis na ako bukas." "Ayaw kong pumerma, masakit ang kamay ko. Nasabi na naman siguro sayo ni tita Mercedes na nagha- harvest ako kanina ng mga pearl. Kaya hindi kayang magsulat ngayon ng kamay ko." Gusto ko s'yang singhalan dahil sa inis. Nagawa nga n'yang ipagpatuloy ang pagluluto sa carbonara, ito na bang pagperma lang sandali. Ang dali lang naman pumerma. Kinalma ko pa rin ang sarili ko. Ayaw kong mag- away kaming dalawa dahil malaki pa rin ang respeto ko sa kanya bilang kuya Clinton ko bago pa kami ikinasal noon. "Okay fine. Siguro naman bukas, hindi na masakit ang kamay mo. Pupuntahan nalang kita sa resort mo para sa perma mo. Mabuti na rin at nakapag- usap na tayo ngayon para madali kang makapagperma bukas." Madali naman s'yang daanan bukas bago ako babalik sa Manila. Mas madali s'yang daanan bukas kaysa awayin s'ya. Ayaw kong bumibigat ang loob ko. Mahalaga pa rin naman s'ya sa akin bilang kinilala ko nang kuya. "Okay. Pero hindi din ako sigurado kung kaya ko nang magsulat bukas. Baka hanggang bukas, masakit pa rin ang kamay ko." Biglang nanliit ang mga mata ko sa narinig ko sa kanya. Gusto kong mapanatili ang pagiging kalmado pero mukhang hindi ko na kaya. I'm reaching my breaking point with him, and it's like I'm on the verge of losing control. "Kailan ba pwedeng gamitin yang kamay mo para maka- perma ka na dito, Clinton?" naging seryoso bigla ang tinig ko. Hindi na rin ako nakangiti sa kanya. Ipinakita ko sa kanya na hindi porke't na nakipag- ngitian ako sa kanya ay nakipagbiruan na ako. I'm firmly resolved in my decision for us to finally go our separate ways for good. Matagal na sana itong tapos kung hindi n'ya naiwala ang annulment paper naming dalawa noon. "Ewan ko. Baka habang buhay na akong hindi makapagsulat." Napaawang ang labi ko. Hinamig ko din agad ang sarili ko. Mukha s'yang nagpapatawa kaya tumawa na rin ako para hindi s'ya mapahiya. "Hindi ka pa rin nagbabago kuya Clinton--- hanggang ngayon, nakakatawa ka pa rin. Natatawa pa rin ako sayo kahit lagi naman off ang humor mo." pabalang kong sabi. "Hindi talaga ako nagpapatawa Sandy. I am serious. Alam mong seryoso akong tao. And I guess, gets muna ang katotohanan na ayaw ko talagang pumerma sa gusto mong papermahan sa akin." Nabura bigla ang ngiti ko. Paubos na ang pasensya ko sa kanya. Kanina pa ako nagtitimpi sa kanya. "Hindi ko naiwala ang annulment paper natin noon. Sinadya kong itapon iyon sa dagat. Dahil ayaw kong makita ang papel na yon. Ayaw kong maghiwalay tayong dalawa. Pinilit mo akong pakasalan ka. Then, you will stay as my wife forever." mariing sabi n'ya sa akin. Naniningkit ang mga mata ko bigla. Tuluyan nang inilipad ng hangin ang sinasabi kong manatili akong kalmado. Sobra na akong naiinis sa kanya. "Ano ba talaga ang gusto mong palabasin, Clinton? Don't act like you are the victim here. I was ready to be your wife forever, handa kitang pagsilbihan kahit habang buhay pa. Handa kong kalimutan ang buhay na nakagisnan ko sa Manila para bumuo ng pamilya kasama ka dito sa isla. Pati ang pangarap kong mag- aral sa medical school ay nakahanda akong kalimutan noon para sayo. But you betrayed me. You got Maureen pregnant and decided to be with her instead of staying with me. And even now, you're still the same, Clinton—a cheater. You and Maureen already have two kids together. So, tell me, what is it that you want from me?" nag- init ang bawat sulok ng mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Ayaw ko s'yang sumbatan dahil sa nakapag- move on na ako, kaya nga maganda ang trato ko sa kanya ngayon sa kabila ng ginawa nya sa akin sa nakaraan namin. "Makinig ka muna sa akin, Sandy. Hayaan mo akong magpaliwanag." "No." umiling ako. "Kahit anong paliwanag mo, hindi na tayo pwedeng dalawa dahil sa hindi na kita mahal. May mahal na akong iba at magpapakasal na kaming dalawa. So permahan mo na itong annulment paper natin. Para makapagsimula na ako muli, Clinton. All I want is to be happy. Hangad ko din ang kasiyahan ng pamilya nyo ni Maureen. Let's not make things complicated for both of us. Ayaw kong tuluyan masira sa kung ano man ang magandang pinagsamahan natin noon." Isang buntong- hininga ang pinakawalan n'ya. "Just give me time." "Ano?" "Bigyan mo muna ako ng oras para makapag- isip, Sandy. Sa ngayon, nahihirapan akong ipasok sa isip ko ang mga sinasabi mo, sa kung ano ang kailangan mo. Limang taon kang nawala, limang taon akong naghintay sayo----- but you back just to--- I-- I need to go. I'm sorry pero hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo ngayon." nagsumamo ang titig n'ya sa akin. "Maniwala ka, hindi lang ikaw ang nahihirapan sa paghihiwalay natin noon." Kitang- kita ko ang paglatay ng sakit sa mga mata n'ya. Hindi ko magawang magsalita, tila bumibigat ang pakiramdam ko na s'yang pumipigil sa akin magsalita. Humakbang na s'ya at nasundan ko nalang s'ya ng tingin, hanggang sa tuluyan s'yang nawala sa paningin ko. Ilang minuto akong nanatili nakatingin sa kawalan bago ko napagpasyahan na kalmahin ang sarili ko. Masyado lang sigurong pagod si Clinton ngayon kaya iba ang tumatakbo sa isip n'ya. Hindi madali ang mag- harvest ng pearl, kailangan n'yang manatili sa ilalim ng dagat sa tuwing nag- ha- harvest kaya hindi nakapagtataka pagod ang katawan n'ya pati na isip. Pupuntahan ko nalang s'ya bukas, baka mas madali s'yang kausapin bukas kung nakapagpahinga na s'ya ng maayos. Kinabukasan.... "Clinton-- anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Clinton nang napagbuksan ko s'ya ng pinto. Presko ang hangin sa labas kaya plano kong magbukas ng pinto. Pagbukas ko, sumalubong agad sa paningin ko si Clinton na nakasandal sa poste dito sa may terrace ng bahay. "Ah-- dinalhan kita ng agahan mo. Maraming preskong isda na nahuli si Mang Pedro, maagang nag- ihaw si tita Mercedes, dinalhan kita para hindi ka na magluto ng kung ano't- anong pagkain na hindi naman makakabuti sa kalusugan mo." Napanganga ako. Napatitig sa kanya. Mukhang maganda na ang mood n'ya. Mukhang makakausap ko na s'ya ng maayos ngayon. "Salamat sa pagdada-----" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla n'ya akong pinasadahan, napasandal ako sa dingding bigla, iniharang naman n'ya ang kamay sa magkabilang gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko nang inilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko, pero tumigil din naman s'ya ng ilang dangkal nalang ang pagitan ng mga ito. Ano bang meron sa kanya at napakaguapo pa rin n'ya hanggang ngayon? "Ano bang ginagawa mo Clinton?" hindi ko dapat ini- entertained ang malakas na pagtibok ng puso ko sa sandaling ito. "You are so beautiful, Sandy! This is the reason why I have a crush on you ever since. However, aside from the ten-year age difference between us, you feel like a distant star that's nearly impossible to reach. Because of that, I've chosen to admire you from a distance rather than pursue anything further." Naipikit ko ang mga mata ko. Alam ko itong ginagawa n'ya. Alam ko kung ano ang nangyayari sa kanya. Saka ko ibinuka muli ang mga mata ko. At nagkatama agad ang mga paningin naming dalawa. "Clinton-- umuwi ka muna, magpahinga ka ng maayos. Mukhang kulang ka sa tulog. Nagdedeliryo ka na. Kung ano't- ano na ang lumalabas sa labi mo." "Yes, hindi ako nakatulog sa kakaisip sayo." Naiinis na ako sa kanya. Plano ko na s'yang itulak pero bago ko pa ito nagawa ay may narinig akong mga boses na--- "Sandy!" Napatingin ako sa kung saan ko naririnig ang mga boses at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang nakita ko ang lima kong kaibigan at kasama nila si Kaiser. Anong ginagawa nila dito? Parang naninigas ang mga ito nang nakita kami ni Clinton sa ganitong ayos. Tila tumigil sa pag- ikot ang oras. "Hey, what are you doing to my girlfriend?" si Kaiser, sa galit na boses. "Girlfriend mo s'ya? Well-- she's my----" "Kuya Clinton!" bahagya kong itinulak si Clinton, bahagya naman s'yang napalayo sa akin. Napaayos ako sa pagtayo. "Okay na ako. Hindi na masakit ang mga mata ko dahil sa pagkapuwing ko kanina." ngumiti pa ako kay Clinton. Halata ang irritasyon sa mga mata n'ya. Pero hindi ko ito pinansin at humarap ako sa mga kaibigan ko. "Guys, anong ginagawa nyo dito?" "Nandito kami para mag- enjoy. Hindi mo man lang sinabi sa amin na plano mo pa lang magbakasyon dito." ani ni Joel, isa itong bakla. "We're going to stay here for one week, to relax before the board exam." Ano? Hindi sila pwede dito. Baka malaman pa nila ang sekreto ko. Na asawa ko si Clinton. And worst-- baka mabanggit pa nila ang tungkol kay Cloudy at malaman pa ni Clinton ang tungkol sa anak naming dalawa na hindi pa s'ya nakapag- signed sa annulment paper namin. Hindi pwede ito. Kailangan nilang lumayas sa islang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD