Estranged Husband 5

2109 Words
---------- ***Sandy's POV*** - "Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko agad sa mga kaibigan ko. Tatlong babae na sina Steph, Phoebe at Piper. Dalawang lalaki na sina Joel and Glen. Isang bakla si Joel habang magkasintahan naman sina Glen at Steph. "I already mentioned that we're planning to stay here for a week before we dive into the hectic preparation for our Physicians' Board Exam." ang sagot ni Joel. Nakaupo kami sa sofa, katabi ko si Kaiser. Nasa side couch kami, sa harap naman nakaupo sina Glen at Steph, habang pinagitnaan naman nina Phoebe at Piper si Joel sa isa pang couch. Mga kaibigan ko sila at nag- aaral din sila sa medical school, sina Phoebe at Piper lang ang nakilala ko sa Australia, habang ang tatlo ay dati ko na silang kaibigan nung nag- aaral pa lang ako sa first course ko. "Ano?" laking mata kong sabi. "Bakit parang biglang- bigla ka? May problema ba kung dito nalang natin ituloy ang plano natin out of town?" si Piper "Oo nga, maganda ang lugar at saka ang ganda ng dagat. Ang linaw ng tubig."si Phoebe naman. "I like it here too. Hindi ko pa nasubukan ang manatili sa isang isla." si Steph, at sumandal ito sa boyfriend nito. Hindi talaga mapaghihiwalay ang dalawa. Mag- childhood sweetheart ang mga ito. "Bakit honey? May problema ba?" tanong ni Kaiser sa akin, kunot- noo ito. "H- Hindi kasi ako nakapaghanda, babalik na sana ako ngayon sa Manila." sagot ko naman dito. "This is so unfair. You decided to take a vacation here without even letting us. I thought the plan was for all of us to go on vacation together before we get caught up in the preparations for the board exam." ani ni Joel. "Hindi ako nagbabakasyon dito. I came her for some personal reason." "Really? Ano naman?" kunot- noo na tanong ni Piper. Ano nga ba ang ipinunta ko dito? I can't tell them that I came here to make my estranged husband sign our annulment paper. Wala silang alam na ikinasal na ako. Ang alam lang nila ay nabuntis ako at hindi pinanagutan. Hindi ko din naman itinama ito. Ano pang saysay kung sasbihin kong may asawa ako pero pinagpalit lang ako sa iba? But, alam naman ni Kaiser na ikinasal ako pero ang alam n'ya ay annul na ang kasal namin ng asawa ko. At hindi din alam ni Kaiser kung sino ang asawa ko. At hindi nila pwedeng malaman kung ano ba talaga si Clinton sa buhay ko. After a long discussion, I realized I had no way out, so I finally agreed to what they wanted. Now they're here, and it would be too embarrassing to send them away. Nag- leave pa si Kaiser sa hospital para makasama lang na magbakasyon dito. Thankfully, the island residents, aside from Clinton's family, don't know that we're married. Clinton's father isn't one to gossip, and I can talk to Clinton's two aunts. Maureen probably isn't a problem either; I doubt she would spread the news that I'm married to Clinton. She's too scared of being called the other woman. Clinton is usually at his beach resort, and even though it's relatively close to my family's vacation house, you still need to take a tricycle to get there. Kaya ang kailangan ko nalang gawin ay gumawa ng paraan para hindi makakasalamuha ng mga kaibigan ko si Clinton. Pero paano kung maisipan ng mga ito na maligo sa dagat? Masyado pa naman mahilig ang mga ito sa dagat. Kailangan kong makausap si Clinton. Tama. Kailangan ko itong makausap. Kailangan namin magkaintindihang dalawa na hindi pwedeng malaman ng mga kaibigan ko ang tungkol sa aming dalawa. Hindi din pwedeng makahalata ang mga ito. We have to act normal na parang magkapatid lang. Mas lalo nang hindi pwedeng malaman ni Kaiser na s'ya ang asawa ko at hindi pa annul ang kasal naming dalawa. Kailangan na talagang maputol ang tali na nag- ugnay sa aming dalawa ni Clinton kaya isa sa pagkakaabalahan ko habang nandito ako sa isla ay ang makuha ang perma ng estranged husband. May apat na guestroom ang bahay- bakasyunan namin. Magkasama sa iisang kwarto sina Glen at Steph, sina Phoebe at Piper naman ang magkasama, habang tig- iisa naman inakupa nina Kaiser at Joel ang natitira. Kaiser might be my boyfriend, and we're getting closer to getting married, but we've never been sexually intimate with each other. The most we've done is kiss and engage in a little bit of necking; we haven't even gone as far as making out. At one point, he did ask if we could take things further and sleep together, but I told him I couldn't do that until we're officially married. Fortunately, after some time, he came to understand and respect my decision. Mag- asawa kami ni Clinton nung may nangyari sa aming dalawa at may obligasyon ako dito. Iyan ang rason kung bakit walang nangyari sa aming dalawa ni Kaiser. Hindi kami mag- asawa ni Kaiser at hindi ko kayang makipagtalik sa hindi ko asawa. Hindi dahil sa mas matindi ang pagmamahal na naramdaman ko kay Clinton noon kaysa sa pagmamahal ko kay Kaiser ngayon kaya hindi ko kayang ibigay ang sarili ko kay Kaiser. Marami lang din akong natutunan sa nangyari sa aming dalawa ni Clinton kaya mas naging careful ako sa relasyon namin ni Kaiser. Tinawagan ko muna si mommy, inihabilin ko dito si Cloudy dahil sa mukhang isang linggo pa akong mananatili sa isla. Kinausap ko din ang anak ko. Sinabi ko dito na matatagalan pa ako, at syempre nagsinunggaling ako ng kunti. Sinabi ko dito na kailangan ko pang pagalingin ang may sakit na pinuntahan ko dito. Buong akala kasi ng anak ko na kaya ako nandito dahil sa may pasyente ako dito. Naintindihan naman nito. Lagi naman daw itong ipinapasyal ng kapatid kong si Shachar. At nag- enjoy naman daw ito. Nakausap ko na si mommy at si Cloudy, pero may kailangan pa akong kausapin at ito ang pinakamahalaga sa lahat, ang kausapin si Clinton. Kaya nang nagkaroon ako ng pagkakataon na umalis, pasekreto akong umalis para puntahan si Clinton. Hindi naman ako magtatagal, kakausapin ko lang ito sandali. Pagdating ko sa beach resort na pagmamay- ari ni Clinton, dumiretso ako sa bahay n'ya na dito lang din matatagpuan. Pero napatigil ako nang nakita ko si Clinton at kasama nya si Maureen at ang mga anak nilang dalawa. Nasa may likod bahay sila, nakaupo sa pahabang upuan na gawa sa mamahaling kahoy at sa tingin ko nagmemeryeda sila, may isang pitsel kasi ng iced tea. Banana cue ang kinakain nila. At ang saya nila tignan. Larawan sila ng isang masayang pamilya. Kainis, hindi ko mapigilan ang pag- init nalang ng bawat sulok ng mga mata ko. Naalala ko kasi si Cloudy, hindi man lamang n'ya ma- experience ang ganito kasama ang ama n'ya. Ito yong eksena na madalas kong napapaginipan noon nang nalaman kong buntis ako sa unang anak naming dalawa ni Clinton. Napakasakit pala ang makita na maging makatotohanan ang eksenang ito pero ibang babae at ibang mga anak ang kasama ni Clinton. Pero hindi ibig sabihin nito na mahal ko pa rin si Clinton nang tulad sa kung gaano ko s'ya kamahal noon, si Kaiser na ang nagmamay- ari ng puso ko. Totoo akong masaya para kina Clinton at Maureen. Masakit lang talaga dahil sa pangarap ko ito noon pero sa ibang babae nangyari. Well, they said, God's plan is better of what you dream of. Hindi nga siguro ito ibinigay ng panginoon sa akin dahil sa may inihanda pala syang na mas better pa kaysa dito. Ewan ko pero hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko at nanatili lamang akong nakatago. Gusto kong makausap si Clinton, pero mukhang hindi ito ang tamang oras na kausapin s'ya dahil kasama n'ya ang pamilya n'ya. Nakita kong umalis si Clinton, pumasok sa loob ng bahay habang karga ang bunsong anak nito, tumatakbo naman ang isa para sundan ang ama sa loob. Parang sinasaksak pa ang puso ko nang narinig na tinawag ng mga anak ni Maureen na daddy si Clinton. Mukhang mahal na mahal talaga ni Clinton ang mga anak n'ya kay Maureen. Kaya tama lang ang pasya ko na hindi na ipakilala si Cloudy sa ama n'ya. Masasaktan lang ang anak ko pag maramdaman n'ya na hindi pantay ang pagmamahal ng kanyang ama sa kanilang mga anak nito. Mas mahal pa rin ni Clinton ang mga anak nito kay Maureen dahil sa mahal naman nito si Maureen at hindi naman ako mahal ni Clinton. At nabuo ang mga anak ng mga ito dahil sa pag- ibig. Napagpasyahan ko na ang umalis nalang, babalikan ko nalang mamaya si Clinton. Gusto ko sanang umalis na ng tahimik pero biglang tumunong ang cellphone ko kaya napatingin si Maureen sa bungad ko. Kaya wala na akong nagawa kundi ang ngumiti sa kanya, kumaway pa ako para hindi n'ya iisipin na kanina pa ako nakatingin sa kanila, nagtatago lang ako. I really expected her to smile at me, especially since we had a pleasant conversation yesterday. I made it clear that I was here solely for the annulment with Clinton and not to take away the father of her children. However, her reaction was quite different from what I had anticipated. Instead of warmth or understanding, her gaze immediately turned icy and harsh. "Ano na naman ang ginagawa mo dito, Sandy? Buong akala ko na nagkaintindihan na tayong dalawa kahapon. Sabi mo hindi mo na kami guguluhin ni Clinton pero bakit ngayon, nandito ka na naman? Hindi mo ba nakita na masaya s'ya kasama kami na tunay na mahal n'ya?" aniya sa akin, pagkatapos n'yang lumapit sa akin at hinila nya ako sa medyo tago na lugar. "Well, nandito naman talaga ako para sa annulment naming dalawa ni Clinton." taas kilay kong sabi sa kanya. "Could you please speak to him and make sure he understands that it's important to finalize our annulment papers so he can marry you? Makakatulong ito para hindi isipin ng mga tao na isa ka lang kabit." "A---Ano?" ramdam ko ang pagkalma n'ya sa sarili. Masyado naman s'yang na- depress sa pagbabalik ko. Pakiramdam ko depress na depress talaga s'ya. Ewan ko kung ano ang ikina- depress n'ya, halata naman masaya ang pamilya nila ni Clinton. "Fine. Siguro nga isa pa akong kabit ngayon. Pero ako ang mahal ni Clinton, sa akin s'ya bumuo ng pamilya dahil ako lang ang mahal n'ya. His love for our children is genuine and deep. He even told me that if he were to have a child with another woman, he wouldn’t be able to love that child the same way he loves to our children." Bweset na Clinton, walang hiya! Nasaktan ako para sa anak ko. Tama lang talaga ang desisyon ko na hindi ipakilala si Cloudy kay Clinton. Hinamig ko ang sarili ko. Mas mabuti nang s'ya ang ma- stress sa akin at hindi ako ang ma- stress sa kanya. "Okay. Then, tell Clinton to sign our annulment paper." "Sign? Ang kapal din ng mukha mo. Sinabi ni Clinton sa akin na ikaw ang ayaw pumerma ng annulment paper nyong dalawa. Sadyang desperada ka. Ipinagpilitan mo ang sarili mo sa lalaking ayaw sayo. Ako pa sayo, umalis ka na dito sa isla, bumalik ka na sa kung saan ka galing at wag mo na kaming guluhin ni Clinton. Masaya na kaming dalawa." Talagang pinu- problema n'ya ang presensya ko. At teka lang--- ang kapal din ng mukha ng Clinton na yon. Ako pa ngayon ang nagmamatigas. Kapal! Kinalma ko na naman ang sarili ko. Hindi ako dapat magpatianod sa pagkapikon ko sa kanya. Madalas natatalo sa laban ang mga madaling napipikon. "Maureen, dear---" ngumisi pa ako sa kanya. "-- relaks! Masyado kang stress. Alam mo ba na pag tumatanda na tayo, dapat inaalagaan na natin ang mental health natin. Well, I'm still young, but still, I choose to take care of myself physically, emotionally lalo na mentally. Kasi pag hindi healthy ang mental natin, nagre- reflect yan sa physical natin. Katulad mo, masyado kang na- stress sa pagbabalik ko, lumalabas tuloy ang mga wrinkles mo, at nagmukha kang losyang." pang- iinis ko sa kanya. "W- What?!" laking mata n'yang sabi. "Saan ka pupunta?" tanong n'ya nang humakbang ako papunta sa bahay ni Clinton. "Pupuntahan ko si Clinton para papermahan sa kanya ang annulment paper naming dalawa. Sumama ka rin para dalawa tayong kokumbinsi sa kanya. Baka mawala ang katigasan ni Clinton pag makita ka n'ya pero I suggest, magsuklay ka muna, mukha kang taong grasa sa buhok mo." pahabol ko na mas lalong ikinabanas ng mukha n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD