--------
***Sandy's POV***
-
"Nakikiusap ako Sandy, umalis ka na, wag mo na kaming guluhin ni Clinton. Wag mong sirain ang pamilya namin." si Maureen, hinawakan nito ang braso ko at nanlilisik ang mga mata nito nang nakatingin sa akin. Hindi naman ako natatakot dito.
"Bitawan mo nga ako Maureen. Bakit ba ayaw mong kombinsihin ko si Clinton na permahan ang annulment paper naming dalawa? Diba, dapat matuwa ka pa nga dahil, sa wakas pwede ka na nyang pakasalan."
Nalilito talaga ako sa kanya. Kung ako ang nasa kalagayan n'ya at sigurado akong mahal ako ng ama ng mga anak ko, sasaya ako sa katotohanan na makikipaghiwalay na ang wife ng ama ng mga anak ko dito. Ibig sabihin kasi nito ay pwede na akong pakasalan ng ama ng mga anak ko, pero iba ang gusto nito. Gusto nito na aalis na ako kahit hindi pa naka- perma si Clinton sa annulment paper naming dalawa.
"Masaya na kami ni Clinton, wag ka nang manggulo pa. Wag ka nalang magpakita sa kanya, okay na sa akin. Ang mahalaga lang naman ay magkasama kaming dalawa kahit hindi kami kasal, masaya naman kami sa ganun. Masayang- masaya kami sa limang taon na live in lang kami."
"Kung ikaw okay lang sayo na hindi ikinasal, iba ako Maureen. As I mentioned, I'm here to finalize the annulment with Clinton, so our marriage can be officially nullified because I'm getting married to someone else. So let go of me; I need to talk to my husband." kumawala ako sa kanya, tinanggal ko ang kamay n'ya na nakahawak sa braso ko. Hindi naman malakas ang pagkakatanggal ko sa kamay n'ya pero natumba nalang s'ya bigla.
"Bakit mo ba ito ginagawa sa akin, Sandy? Gusto lang naman kitang makausap." aniya, at tumulo na ang luha n'ya.
"Anong nangyari dito?" boses ni Clinton, kaya napalingon ako. Lumabas na pala ito ng bahay at nakalapit na ito sa aming dalawa ni Maureen.
"Clinton, hindi ko naman intensyon manggulo. Gusto ko lang makausap si Sandy pero mukhang hanggang ngayon galit pa rin s'ya sa akin dahil sa ako ang pinili mo. Itinulak n'ya ako." si Maureen.
Ano raw? Aba, mukhang babaliktarin pa ako ng Maureen na ito. Magsasalita na sana ako nang----
"Anong ginagawa mo sa mommy namin?" ani ng batang lalaki na anak ni Maureen. "Bad ka!"
"Bad ka! Inaaway mo ang mommy namin." ani naman ng batang babae.
Papatulan ko si Maureen pero itong dalawa n'yang anak--- hindi ako pumapatol sa bata. Lalo na at may anak na din ako.
"Wilmar, Jessa, pumasok muna kayo sa bahay. Usapang matatanda ito." seryosong sabi ni Clinton, sumunod naman ang dalawang bata, pero binelatan muna ako ng dalawang bata bago nagtatakbo ang mga ito papasok sa bahay.
Umiiyak pa rin si Maureen, nakaupo pa rin ito sa lupa.
Lumapit naman si Clinton dito
"Sandy, hindi mo dapat itinulak si Mau-----"
"You know what Clinton-- it's okay with me if you believe her. Naintindihan ko, maniwala ka. If I were in your shoes, I would also choose to believe the person I love. Even if it were you and Kaiser in this situation, and Kaiser was the one who was truly at fault, I would still believe him because my love for him would outweigh everything else. So, Clinton, trust me when I say I understand—love has a way of blinding us to the truth and making us believe what our hearts want to believe." ngumiti pa ako. Anong akala ni Maureen, na iiyak ako habang magmamakaawa kay Clinton na ako ang paniwalaan nito kaysa kanya? I won't give her satisfaction. "All I want is for you to sign our annulment paper. May mga anak na kayo. Para matahimik na ang buhay nyo, permahan mo ang papel na magpawalangbisa sa kasal nating dalawa." saka ako bumaling kay Maureen na paiyak- iyak pa rin. "Maureen, yong pinag- uusapan natin. Convince Clinton, patunayan mo sa akin na mahal ka nga n'ya. Kung hindi mo yan magagawa, iisipin ko na ginawa ka lang n'yang parausan habang wala ako." ngumisi pa ako kay Maureen. Kitang- kita ko ang pagkainis sa mukha n'ya.
Saka ako tumalikod para iwanan na ang mga bweset!
"Sandy, mag- usap tayo!" si Clinton.
Lumingon ako sandali. Karga pa rin nya ang impaktang si Maureen.
"Alagaan mo muna ang pamilya mo Clinton. Masyadong depress yan si Maureen kaya sobrang losyang na. Painitin mo muna yan para mabawasan ang pagiging insecure. Isang linggo kaming manatili dito ng mga kaibigan ko. I hope in that days, magawa mo nang pumerma dahil nasusuka talaga ako sa katotohanan na asawa pa kita. Kung gaano ko kagusto noon na pakasalan mo ako, mas matindi ang hangarin ko ngayon na makawala sa walang kwentang kasal natin. So paano guys, enjoy kayo sa isa't- isa."
Tuluyan ko na silang tinalikuran. Pinilit ko lang naman na maging mahinahon at hindi ipinaramdam sa kanila na dehado ako. Kawawa na nga ako noon nang pinili ni Clinton si Maureen, halos lumuhod nalang ako sa pagmamakaawa kay Clinton na ako ang pipiliin nito. Hindi ko hahayaan na maging kawawa pa rin ako sa harapan nila ngayon. Pero inis na inis talaga ako. Ramdam ko nga ang panginginig ng kalamnan ko sa sobrang inis.
Kailangang tuluyan na kaming magkahiwalay ni Clinton. Nasusuka ako sa katotohanan na asawa ko s'ya pero ginagalaw n'ya ang kinaiinisan ko na si Maureen. Pinalabas pa ng babaeng iyon na ako ang masama. Binaliktad ako. Nanggagalaiti talaga ako sa galit sa isipin ito.
-----------
"Honey, where have you been? Kanina pa ako tumatawag sa cellphone mo." tanong ni Kaiser sa akin nang tuluyan na akong nakauwi. Kapapasok ko lang sa loob ng bahay, magkatabi sila ni Phoebe at mukhang mahalaga ang pinag- uusapan nila. Pero napatayo din s'ya para salubungin ako nang nakita n'ya ako.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nawala ang inis ko sa Maureen na yon. Medyo masama pa ang mood ko pero hindi dapat mahalata ito ng mga kaibigan ko.
"Pinuntahan ko lang sandali si Aling Lauring, ang katiwala ko dito. May hinahanap kasi ako, tinanong ko lang s'ya baka alam n'ya kung nasaan ang hinahanap ko." pinilit kong ngumiti kahit pa banas na banas pa rin ang pakiramdam ko dahil sa nangyari.
Ayaw kong mag- usisa pa si Kaiser, kaya ipinalinga ko ang aking mga mata sa buong paligid nang napansin kong tahimik naman yata.
"Kayo lang bang dalawa ni Phoebe ang nandito? Saan na yong apat?" tanong ko.
"Sina Glen at Steph, kanina pa nasa kwarto. At sigurado ako na may ginagawa na naman ang dalawang yon." si Phoebe na ang sumagot, nakangisi ito. "At sina Joel at Piper naman--- hulaan mo kung nasaan sila?"
Napaisip ako.
"Nasa kwarto din, ni- r*pe ni Piper si Joel?" sagot ko. Medyo lesbian naman kasi kung kumilos si Piper. Pero hindi naman inamin nito sa kanila kung lesbian ito.
Napatawa ang mga kaharap n'ya, lalo na si Phoebe na ang lakas tumawa.
"Grabe ka naman kay Piper, mukha ba yong rap*st? May nakilala ang dalawa kanina na isang tricycle driver. Nagpasama ang mga ito sa merkado ng isla, marami daw plano ang dalawa at marami silang bibilhin dahil plano daw nilang mag- picnic."
Napangiti nalang ako pero hindi na ako nagkumento sa sinabi ni Phoebe. Nagpaalam ako kina Kaiser at Phoebe na pumunta sa kwarto ko sandali, plano kong ayusin ang sarili ko. Pakiramdam ko, ang langkit- langkit ko dahil sa pinapawisan ako ng sobra kanina, naglalakad kasi ako sa mainit na dalampasigan dahil gusto ko nang makaalis sa beach resort ni Clinton.
Gosh! Narinig ko pa ang malakas na ungol nilang dalawa ni Glen at Steph nang dumaan ako sa pinto ng kwarto ng dalawa. Napailing ko. Pero ganito din naman ako makaungol noon habang--- Gosh, hindi ko na dapat inalala ang mga sandali sa piling ni Clinton, lalo na ang mga panahon na pinagsaluhan namin ang init ng katawan. Dahil ayaw kong isipin na ginagawa lang n'ya yon sa akin na walang pag- ibig. Sigurado ako kung kaming dalawa ni Kaiser ang magtalik, mas masarap ang pagtatalik namin dahil sa pareho namin mahal ang isa't- isa.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko. Kapapasok ko lang sa loob ng kwarto ko nang may kumatok sa pinto kaya napatigil ako sa akmang paghuhubad ko ng blouse ko. Agad kong binuksan ang pinto at si Kaiser ang napagbuksan ko.
"Kaiser, may kailangan ka?" kunot- noo kong tanong.
"I just want to see your room." nakangiti n'yang sagot.
Pumasok s'ya at hinayaan ko nalang s'ya. Umupo s'ya sa kama habang ipinalinga ang mga mata sa buong kwarto ko. Humakbang ako palapit sa kama at umupo ako sa tabi n'ya.
"So, tell me Dr. Kaiser, did you see anything interesting in my room?" nakangiti ako at nilambingan ko ang tinig.
"Yes." aniya, matamis ang ngiti n'ya sa akin. "And it's you. Ikaw ang pinakamagandang nakita ko sa kwartong ito." hinawakan n'ya ang mukha ko. At siniil ng halik ang labi ko. Hinayaan ko s'ya sa ginawa n'ya, nakipagpalitan pa nga ako ng halik sa kanya.
Then, biglang sumagi sa isip ko sina Maureen at Clinton, frustrated talaga ako sa sobrang inis ko sa dalawa. Tarantado talaga ng Clinton na yon, walang hiya. I stayed being respectful to him dahil sa kuya s'ya ni Lenlen at naging kuya ko naman s'ya bago kami ikinasal. Mahaba ang pinagsamahan naming dalawa simula pa nung bata ako kaya mas pinili kong maging mabuti pa rin sa kanya kahit pa sobra akong nasaktan sa ginawa n'ya sa akin noon. I have all the reason to hate him, but I chose not to. Dahil nga sa ayaw kong masira ang mga magagandang alaala ko na kasama s'ya. Pero bweset na bweset talaga ako sa kanilang dalawa ni Maureen.
Dahil okupado ang isip ko kay Clinton at Maureen, kaya hindi ko namalayan na naihiga na pala ako ni Kaiser sa kama at patuloy ang pakipagpalitan ko sa kanya ng halik, kahit pa wala sa ginagawa namin ang isip ko. Saka ko lang naalala si Kaiser nang naramdaman ko ang kamay n'ya sa legs ko.
Bweset na Clinton iyon! Anong akala n'ya, hindi ko din kayang makipagtalik sa iba? Patutunayan ko mas masarap ang love making namin ni Kaiser kaysa sa amin ni Clinton noon--- correction-- hindi pala matatawag na love making ang nangyayari sa aming dalawa ni Clinton---- s*x lang pala yon sa bahagi ni Clinton.
Ipinikit ko ang aking mga mata para mas maramdaman ko si Kaiser at mas namnamin ko ang sarap ng paghahalikan naming dalawa pero bigla ko din naibuka ang mga mata ko sabay ko tulak kay Kaiser. Napalayo naman sya sa akin, nagtatanong ang mga mata n'ya sa akin. Kitang- kita ko ang frustration dito.
"I--I'm sorry! But I-- I can't do it --- kung hindi pa tayo kasal." mabilis akong bumangon. Na- guilty ako sa nangyari. Kinalma ko ang sarili ko. "N- Naintindihan mo naman, diba?"
Hindi agad nakasagot si Kaiser kaya kinakabahan ko. Baka sumama ang loob n'ya.
"I love you, Sandy. I understand." nakangiti n'yang sabi kalaunan.
Why is he so perfect but I always took him for granted?
Ang totoo naman talagang dahilan kung bakit naibuka ko ang aking mga mata agad ay dahil si Clinton ang pumapasok sa isip ko na kahalikan ko. Naalala ko kung paano haplusin ni Clinton ang aking katawan. Pakiramdam ko si Clinton ang gumagawa sa akin ng ginawa ni Kaiser, kaya naiinis ako. Kailangan matanggal muli ang Clinton na yon sa isip ko.
Kailangan ko nang magpatingin sa isang psychiatrist. Mukhang may problema na ako sa pag- iisip.