Estranged Husband 1

1818 Words
***Third Person's POV*** - Naibuka ni Sandy ang mga mata nang narinig niya ang announcement na palapag na ang eroplanong sinasakyan niya. It's been too long, limang taon din siyang nanatili sa ibang bansa, nag- aral siya doon at tinapos nya ang medical school, ngayon, she's planning to continue her specialization field pero dito na sa Pilipinas. Pangarap nyang maging cardiologist, at napakahalaga sa kanya ang dahilan niya kung bakit ito ang pangarap nya. Maliban sa doctor ang daddy niya at isang surgeon ito, nung bata kasi siya, may sakit siya sa puso at muntikan na siyang nawala sa mga magulang niya. But isang hindi inaasahan donor ang buong puso na ibinigay nito sa kanya ang puso nito. At mula nung naging malakas na siya. Healthy na ang puso niya. Well, literally, she has a healthy heart. Pero sa ibang aspeto, her heart is not that healthy, it become broken five years ago at kahit nakapag- move on na siya, pero hindi na muling naging buo ang puso niya. At ang basag n'yang puso ay ang reminder n'ya sa sarili na hindi na iibig muli sa lalaking minsan n'yang pinag- alayan ng buong puso niya, ng lahat sa kanya. Pero hindi talaga magdulot ng maganda pag ipinilit mo lang ang sarili mo sa isang lalaki na hindi ka mahal bilang babae na gustong makasama nito habang buhay, kundi bilang parang isang kapatid lang. Dalawa silang magkakapatid, at siya ang panganay. She's the oldest granddaughter of her grandparents, pinakamatandang babae sa ikalawang henerasyon ng mga Montreal. Kaya hindi lang sya sa mga magulang niya spoiled, pati na sa grandparents nya. Bilang isang Montreal, pinakamayamang angkan ng bansa, multi- billionaire, nakukuha nya halos lahat ng naisin niya. Ibinigay din ng mga magulang niya ang lahat ng magpapasaya sa kanya dahil sa pangako ng mga ito noon. Na gagawin ng mga ito ang lahat mapasaya lang siya. Pero pinalaki siya ng mabuti ng mga magulang niya kaya hindi siya naging spoiled- brat. Alam niya kung ano lang ang pwede n'yang hingin sa mga ito at ang hindi. Minsan lang talaga naging matigas ang ulo niya. At yong ay ang hilingin niya sa mga magulang niya na ang gusto n'yang regalo ng mga ito sa 18th birthday ay ang ipakasal siya sa lalaking tinatangi ng puso niya simula pa nung bata siya, walang iba kundi si Clinton. Ang kuya ng kanyang bestfriend na si Lenlen. Sampung taon ang tanda ni Clinton sa kanya. Pinakasalan nga siya nito kahit pa ikakasal na sana ito sa childhood sweetheart nito. Hinihiwalay nito ang maging asawa sana nito at nagpakasal sa kanya. Naging mabuting asawa si Clinton, naging mabait ito sa kanya. Buong akala niya natutunan na s'yang mahalin nito nang sa wakas, nagawa na rin s'yang angkinin nito pero nagkamali lang siya. Tunay nga hindi matuturuan ang puso kahit pa anong pilit mo. Pagkatapos ng mahigit sa isang taon na pagsasama nila ni Clinton bilang mag- asawa, she decided to let go her husband. She asked her parents to file an annulment para sa kanilang dalawa, at pumunta na siya sa ibang bansa dahil baka magbago pa ang isip niya at hindi na n'yang magawang pakawalan pa si Clinton lalo pa't ng mga panahon na yon, dinadala niya sa sinapupunan niya ang anak nilang dalawa. Hindi naman siya galit sa ex-husband niya, alam niya kung gaano pinilit nito na mahalin siya, pero sadyang pagmamay- ari na ng iba ang puso nito at napagpasyahan n'yang pakawalan ito para magiging masaya na ito kasama ang babaeng tunay na nagmamay- ari ng puso nito. At siya naman ay makahanap din ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya. And he found him, the one for her. At isa sa rason kung bakit bumalik siya sa bansa ay para magpakasal sa boyfriend nya. Isang doctor din ang boyfriend nya at natapos na ito sa specialization nito sa ibang bansa, isa din itong cardiologist. And he is older than her for 7 years. Hindi ganun katanda na tulad kay Clinton. May sariling hospital ang pamilya ng fiancee niya, at nag- iisang tagapagmana ito. "Mommy! Mommy!" nabaling ang atensyon niya sa batang lalaki, ito si Cloudy, ang kanyang apat na taong gulang na anak. Anak nilang dalawa ni Clinton si Cloudy, at walang alam ang dating asawa niya na nagkaanak silang dalawa. Kahit hindi totoong anak ni Kaiser si Cloudy pero mahal nito ang anak niya at mahal din ni Cloudy si Kaiser. Si Kaiser ay ang boyfriend n'ya. Magkakilala na sila ni Kaiser simula pa nung mga bata pa sila, dahil sa magkakilala ang mga magulang nila, pero saka pa lang sila nagiging malapit sa isa't- isa nito nang nagkita sila sa Australia, at pareho ang paaralan kung saan sila nag- aaral. Naging magkaibigan muna sila, kasama na talaga niya si Kaiser kahit pa nung ipinagbubuntis niya si Cloudy, hanggang ang kanilang pagkakaibigan ay umusbong sa pag- ibig. Mahal niya si Kaiser, at mahal din s'ya nito. "Yes baby?" tanong niya sa anak. "We're finally in the Philippines. I'm excited to see Grandma and Grandpa again. I can't wait to see the house where you grew up. And I'm also excited to see Daddy Kaiser again." masayang bulalas ng anak niya. Daddy ang tawag nito kay Kaiser sa simula pa lang, ninong naman kasi nito si Kaiser. Nauna na sa kanilang bumalik si Kaiser dito, may ilang bagay pa kasi syang inayos doon sa Australia. Napangiti s'ya sa sinabi ng anak pero may takot at pangamba pa rin sa kanya. Natatakot s'yang malaman ni Clinton ang tungkol kay Cloudy. Kaya napagpasyahan n'yang itatago ang anak n'ya mula sa ama nito, hanggang sa kaya n'ya itong itago. Ayaw n'yang masaktan ang anak n'ya pag mas maramdaman nito na mas mahal ang ama nito ang anak nito sa ibang babae. "I'm also excited to introduce you to our relatives." si Cloudy ang pinaka- oldest na Montreal sa bagong henerasyon. Siya naman kasi ang unang ikinasal at nabuntis. Excited na siya na ipakilala sa mga kamag- anak niya si Cloudy, gusto nga ng mga magulang n'ya ang magpa- party para ipakilala si Cloudy bilang oldest Montreal of this generation pero pinigilan n'ya ang mga magulang na gawin ito. Hindi ito makakatulog sa pagtatago n'ya kay Cloudy mula sa ama nito. ------- Naging busy ang unang linggo nilang dalawa ni Cloudy sa Pilipinas. Araw- araw may mga kamag- anak silang bisita para makilala ang anak niya at para na rin makumusta siya. Ipinasyal din ng mga magulang n'ya ang anak sa kung saan ang ne- request nito. Pati na ang nakababata nyang kapatid na si Shachar ay ini- spoil na rin ang pamangkin. Dalawa lang silang magkakapatid ni Shachar, at ang maging doctor din ang pangarap ng kapatid n'ya. Huling taon na ito ng kapatid nya sa unang kurso nito at papasok din ito sa medical school dahil sa pangarap din nito ang magiging doctor. Nasa hapag- kainan sila. Nagluto pa ang mommy niya nang espesyal na recipe nito nang nalaman nito na pupunta sa kanila si Kaiser. Bumisita sa kanilang dalawa ni Cloudy ang nobyo at napagpasyahan din nilang dalawa ni Kaiser na sabihin sa mga magulang niya ang planong pagpapakasal nilang dalawa. Hindi n'ya alam kung gets na ng mga magulang n'ya sa mga nakalipas na araw ang pagpo- proposed ni Kaiser sa kanya dahil sa suot naman n'ya lagi ang engagement ring nilang dalawa ni Kaiser. Hindi kasi nag- usisa ang mga magulang n'ya tungkol dito kaya ngayon, pormal na nilang sasabihin ni Kaiser ang plano nilang magpapakasal. "Mom and sir, gusto ko lang sana magpasalamat sa inyo sa pagpapalaki nyo ng mabuti kay Sandy. You are the reason she came into this world and grew up to be a good woman. I see my future in her. I'm sorry; I know I should have told you first, but I couldn't wait there in Australia. I've already proposed to Sandy, and she accepted my proposal." ang sabi ni Kaiser sa mga magulang niya pagkatapos nilang sabihin sa mga ito na may mahalaga silang sasabihin. Sabay naman napahinto ang mga magulang niya sa pagkain at napatitig ang mga ito sa kanilang dalawa ni Kaiser. Palipat- lipat ang titig ng mga ito sa kanila. Kaya napakunot- noo siya. Bakit parang may pangangamba sa mga mata ng mga magulang niya? "You two are getting married?" ang daddy niya. Tila naniniguro ito. Nakapagtataka ba talaga na magpapakasal silang dalawa ni Kaiser? Talagang sa pagpapakasal naman sila patungo. Pangarap din nilang dalawa ni Kaiser na bubuo ng sarili nilang pamilya. "Yes po dad? Nakapagtataka ba?" hindi nya napigilan sambit. Nagkatinginan ang mga magulang niya pero ngumiti naman muli ang mga ito nang nabalik ang paningin ng mga ito sa kanilang dalawa ni Kaiser. "Medyo nabigla lang kami." si mommy nya, malapad na muli ang ngiti nito. "But we were happy to hear na magpapakasal na kayong dalawa." "Ibinigay ko sayo ang blessing ko na pakasalan ang anak ko, Kaiser. Sana alagaan mo at wag sasaktan ang prinsessa ko. Alam mo naman na mahal na mahal namin itong prinsessa namin." si daddy, malapad na rin ang ngiti nito. Kaya gumaan muli ang pakiramdam nya. "Thank you, mom and sir, pangako ko sa inyo na hindi ko sasaktan si Sandy. Mahal na mahal ko po ang anak nyo." si Kaiser at hinawakan ang kamay niya. Ang saya n'ya sa narinig. Hindi n'ya lubos akalain na pagkatapos ng pagkabigo n'ya sa unang pag- ibig, sa unang pag- ibig na inaalagaan n'ya ng mahabang taon, iibig s'ya muli at sa pagkakataon na ito, may katugon na ang pag- ibig n'ya. "I gave you too my blessing daddy Kaiser to marry my mommy." bulalas naman ni Cloudy na nagpangiti sa kanilang dalawa ni Kaiser. "Thank you, buddy." si Kaiser. Hindi na din naman nagtagal si Kaiser, agad din itong umalis, may pasyente pa itong pupuntahan. Dedicated ito sa profession nito kaya kahit gabi na, tsini- check pa rin nito ang mga pasyente nito lalo na yong may malubhang kalagayan. Nasa study room sila ng mga magulang niya, may sasabihin daw ang mga ito sa kanya. "Mom and dad, ano ang sasabihin nyo?" "Anak--" ang ina n'ya. "Maniwala ka, gustong- gusto namin ni Kaiser at masaya kami ng daddy mo dahil magpapakasal na kayong dalawa at sa wakas, nakapag- move on ka na rin mula kay Clinton kaya lang----" Napatingin ang ina nya sa ama niya na para bang hindi kayang tapusin nito ang sasabihin nito. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. "Sandy, may problema pa kayong dalawa ni Kaiser kaya hindi pa kayo pwedeng magpakasal." ang ama n'ya. "Problema? Anong problema?" "You still married to Clinton. Hindi pa na- annul ang kasal nyong dalawa." ani nito na nagpanganga sa kanya. Pilit na sini- sink- in sa isip nya ang sinabi ng ama nya. She's still married. Asawa pa rin niya si Clinton? Pero bakit? Bakit hindi natuloy ang annulment nilang dalawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD