--------
***Sandy's POV***
-
A soft moan escaped from my lips as I felt his touch, a touch that sent waves of what felt like thousands of volts of electricity surging through every nerve in my body. The pleasurable sensation spread throughout me, enveloping my entire being in a warm, intoxicating embrace. His kiss was like a portal to another dimension, one where I could see everything that brought me joy in this world. As his lips traveled lower, the heat in my body intensified, almost as if it were burning from within. My skin prickled with goosebumps, but rather than shy away, I reveled in the sensation, allowing it to completely take over in this moment. This was what I had been yearning for, what I had craved for so long, and finally, I was experiencing it... in the arms of... Clinton?
Mabilis akong napabangon, habol ko ang hininga ko. Nanaginip ako. At sa lahat ng pwede kong mapaginipan, ito pa. Kung paano namin pinagsaluhan dalawa ni Clinton ang init ng katawan.
Napailing- iling ako. Sa lahat, bakit yon pa ang napaginipan ko?
Masyado lang magulo ang isip ko ngayon. Hindi talaga ako makaisip ng kahit anong dahilan kung bakit hindi natuloy ang annulment naming dalawa ni Clinton, at dalang- dala ko ito hanggang sa panaginip ko. But it doesn't mean that I still love Clinton. Masaya na ako kay Kaiser. Clinton is just a part of my painful past.
Ayon sa mga magulang ko, kinuha daw ni Clinton mula sa kanila ang annulment paper dahil ito nalang daw ang magpa- file nito. Mas may karapatan naman talaga ito. Mukha naman daw naging maayos ang lahat at hindi naman sila nagduda na hindi pala itinuloy ng estranged husband ko ang annulment namin. Ayon sa mga magulang ko, isang taon pa lang ang nakakalipas mula nang nalaman nila ang tungkol sa katotohanan na mag- asawa pa rin kaming dalawa ni Clinton. Naghahanap lang daw sila ng tamang tiyempo para sabihin ito sa akin. They tried to talk to Clinton pero ang sabi daw nito sa kanilang dalawa ay ako daw ang kakausapin nito. And I think I need to talk to him para matapos na ito at nang tuluyan na kaming makapag- move forward.
Tumayo ako at lumapit ako sa mini ref ko dito sa loob ng kwarto ko. Kumuha ako ng bottled water mula sa loob nito at uminom ako. Kumuha din ako ng naka- canned na alak, hindi naman ako maglalasing, kailangan ko lang ng pampaantok.
---------
"Be a good boy to your grandpa at grandma. Uuwi din ako bukas." ani ko kay Cloudy, hindi ito marunog magsalita ng tagalog pero nakaintindi naman ito kahit papaano.
Kailangan kong pumunta sa Noval Island, pupuntahan ko doon si Clinton para sa annulment naming dalawa. Dinala ko na ang annulment paper namin, perma nalang nya ang kailangan ko. Mas mabuti na rin na ako ang pupunta doon, kaysa siya ang pupunta dito sa Manila. Mas safe ang sekreto ko kung nasa isla lang si Clinton.
"Yes mommy, don't worry about me, Grandpa and grandma promised that they will be taking me to the zoo and tito Shachar and tito Gray said that they will be taking me to the amusement park. So I will be fine, and I promise, I will be a good boy."
"Very good darling. Oh, my little Cloudy, you such a darling." nakangiti kong sabi sa anak ko. Saka ko hinalikan ang noo nito bago ako nagpaalam para umalis na talaga.
Nasa kotse na ako, papunta ako sa Montreal Airlines, isang chopper plane na pagmamay- ari ng mga Montreal ang sasakyan ko papunta sa isla. Para makarating ako agad doon.
Habang nasa kotse ako at binabaybay ang daan papunta sa Montreal Airlines, hindi ko mapigilan ang isipin ang ilang bahagi ng nakaraan naming dalawa ni Clinton.
Isang linggo pagkatapos ng debut ko, ikinasal din kaming dalawa ni Clinton, sa isang judge lang na kilala ng ama ko. After our wedding, bumalik din agad si Clinton sa isla dahil doon naman ito naninirahan. Mahal na mahal ni Clinton ang isla kung saan ito lumaki kaya dito din naisip nito na magtayo ng negosyo nang nakapag- ipon na ito. Nanatili sa isla si Clinton kahit pa graduate ito ng engineering at ang mga magulang ko ang nagpapaaral dito kaya hindi ito nakatanggi at pinakasalan ako nito dahil sa utang na loob.
Pearl Farming ang main source of income ni Clinton, meron din s'yang pina- rentahan na mga bangka para sa mga turista na gustong mag- boating, at may maliit s'yang beach resort. Hindi anak mayaman si Clinton, nagsisikap ito, nagtatrabaho sa kompanya ng tito Santie ko at nang nakapag- ipon na ito, bumalik ito sa isla at doon nagbukas ng negosyo nito na lumago at inaasahan kong mas lumago na ito ngayon dahil kilala ko si Clinton--- alam kong magaling s'ya.
Hindi talaga kami nagsasama ni Clinton dahil sa kailangan kong manatili dito sa Manila para sa pag- aaral ko. Parang sa papel lang ang kasal naming dalawa. At dahil nga sa hindi kami nagsasama, walang alam ang mga taga- isla maliban sa tatay at dalawang tita ni Clinton, parehong matandang dalaga ang mga ito, ang tungkol sa katotohanan na mag- asawa kaming dalawa ni Clinton.
Masasabi ko na mabuting asawa naman si Clinton, binibisita naman n'ya ako every weekend. Naramdaman ko naman na sinubukan n'yang maging mabuting asawa sa akin. Alam kong sinubukan n'yang mahalin ako. Akala ko talaga, mahal na n'ya ako pagkatapos nang may nangyari sa aming dalawa, hindi lang isang beses, nasundan pa iyon ng ilang beses hanggang sa nabuo si Cloudy. Pero nagkamali lang pala ako. Clinton cheated on me ever since, sinamantala n'ya na nandito ako sa Manila para patuloy pa rin ang relasyon nilang dalawa ni Maureen. Childhood sweetheart ni Clinton si Maureen at ikakasal na sana ang dalawa kung hindi lang ako humadlang. What worst-- nabuntis nya si Maureen, nagkaanak silang dalawa. At pinili ni Clinton ang mga ito kaysa sa akin---- he claimed that he tried to be a good husband but it's not easy to be good kung iba ang nagmamay- ari ng puso n'ya. So, I did the right thing to do, letting him go kahit pa buntis na rin ako. Maybe, nag- mature na ako bigla at na- realized ko that I can't be with the man who can't love me. Kailangan ko na rin sigurong itama ang pagkakamali ko kasi kasalanan ko naman talaga. Sila naman talaga ni Maureen ang nagmamahalan at ako naman talaga ang nang- agaw. Kung sa pelikula pa, ako ang kontrabida.
---------
Sa unang lapag ng mga paa ko sa isla ay parang bumabalik sa gunita ko ang ilang masasayang alaala ko dito. Bata pa lang ako ay lagi na kaming pumupunta ng mga magulang ko dito kaya nga naging bestfriend ko si Lenlen. Dito lumaki ang ina ko at ang dating bahay ng pamilya nito ay pina- renovate nila ng ama ko para maging bahay bakasyunan ng pamilya ko. At doon muna ako mamalagi hanggang sa matapos ang misyon ko dito na alam kong matatapos din naman agad. Hindi ko man alam ang dahilan ni Clinton kung bakit hindi natuloy ang annulment namin pero sigurado ako na hindi dahil sa mahal n'ya ako ang dahilan.
Nagpaalam muna ako sa piloto bago ako humakbang. Kailangan ko pang sumakay ng tricycle para makarating ako sa beach resort ni Clinton kung saan doon din s'ya naninirahan. Nakasakay naman ako agad ng tricycle at pagkatapos lang ng halos sampung minuto ay narating ko na rin ang pupuntahan ko.
"Sandy, ikaw ba yan?" masayang bulalas ni tita Mercedes pagkatapos akong titigan nito ng ilang segundo. Isa ito sa mga tita ni Clinton. Ngumiti ako dito kaya patakbo itong lumapit sa akin. Niyakap ako nito ng mahigpit nang tuluyan na itong nakalapit sa akin. "Wow, mas lalo kang gumanda at sumeksi. Mabuti naman at bumalik ka na. Tiyak na sasaya na naman ang pamangkin ko dahil sa bumalik ka na." anito na halatang tuwang- tuwa sa pagbabalik ko. Hindi ko na binigyan ng malalim na kahulugan ang sinabi nito.
"Nandito ako kasi may kailangan ako kay Clinton." ani ko dito.
"Wala sya dito ngayon, nasa pearl farm n'ya, harvest kasi ngayon. Pero uuwi na rin ito mamaya. Doon mo nalang s'ya hintayin sa bahay n'yong dalawa."
Bahay naming dalawa ni Clinton? Hindi naman talaga kami nagsama ni Clinton sa bahay na sinasabi n'ya. Alam siguro n'ya na hindi pa kami hiwalay ni Clinton kaya ganito nalang s'ya makapagsalita. Never naman talaga n'yang nagugustuhan si Maureen.
"Thank you tita, pero babalik nalang po ako dito. Doon ako mananatili sa bahay bakasyunan ng pamilya ko."
"Ganun ba?" tila naman nalungkot ito.
Pero ngumiti pa rin ako sabay tango.
Hindi din kami nakapag- usap ng matagal ni tita Mercedes dahil sa may ginagawa pa ito. Napagpasyahan ko munang maglakad- lakad sa may baybayin bago ako aalis. Mukhang lumago nga itong beach resort ni Clinton at medyo madami na rin ang tao. Maganda talaga kasi ang dagat dito sa isla.
"Jessa, Wilmar, ano ba, wag kayong magtatakbo masyado. Baka madapa pa kayo." napalingon ako nang pamilyar sa akin ang boses at sumalubog sa paningin ko ang pamilyar na mukha ng babae na sinusundan ang dalawang bata. Napahinto ito nang nakita ako at sandali kaming nagkatitigang dalawa.
"What are you doing here?" tanong agad nito nang nakabawi ito sa pagkabigla. "Nandito ka ba para agawin muli si Clinton? Hindi mo ba nakita na dalawa na ang anak naming dalawa. Please lang Sandy--- wag ka nang manggugulo pa sa amin. Limang taon kang nanahimik, bakit ngayon-- nandito ka na naman?" anito, nababahala talaga.
Wala sa plano ko na patulan sya. I am not here to drag the past with me. Ang gusto ko lang ay bagong simula.
"Maureen, are you aware that Clinton and I are still married?" hindi ko napigilan tanong na ikinanganga nya sandali.
"Y- Yes. Naiwala niya ang annulment paper nyong dalawa kaya hindi n'ya naipasa ito."
So that's the reason kung bakit hindi natuloy ang annulment namin ni Clinton. Pero bakit hindi man lamang n'ya sinabi sa mga magulang ko? Hindi tuloy n'ya napakasalan si Maureen, dalawa na pala ang anak nilang dalawa.
"Well, I am here not to take back Clinton, but to continue our annulment. Sa totoo lang, I am getting married. Nakita mo itong singsing ko?" ipinakita ko dito ang singsing ko. "This is the engagement ring that my boyfriend gave to me. Hindi naman talaga ako pupunta dito kung hindi ko lang nalaman na asawa ko pa pala si Clinton. Well now--- ayaw ko nang pag- usapan pa ang nakaraan. I move on and don't worry, sigurado naman ako na pakakasalan ka rin ni Clinton pagkatapos ng annulment namin." ngumiti pa ako sa kanya. "So---- peace!