------- ***Sandy’s POV*** - “Clinton, ano ba? Saan mo ba ako dadalhin ha?” pinainis ko ang aking boses pero masaya naman talaga ako. Naka- blindfold ako kaya hindi ko talaga nakikita kung saan kaming dalawa patungo at kung ano ang nasa paligid namin. Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung sinabi ko sa kanya na buntis ako. At ramdam na ramdam ko ang pag- aalaga n’ya sa akin. Excited sya na alagaan ang baby namin na nasa tiyan ko. Hindi daw kasi nya nagawa ito kay Cloudy. At para mapangalagaan nya ako habang buntis ako ay kumuha pa sya ng mapagkakatiwalaang tao para ito muna ang bahala sa pearl farm n’ya. Every weekend, babalik naman s’ya dito sa isla dahil sa naiwang negosyo nya dito. At nandito kami ngayon sa isla dahil sa may inihanda daw s’yang sorpresa para sa akin. Aminado a

