Chapter 5: Ice Dragon

1326 Words
Xander's POV Pagkatapos ng mahabang discussion lunch break na namin. "Sumabay kana samin Xander" Rome. Sabi nila nickname na lang ang itawag ko mahaba daw masyado kaya pumayag na din ako. "Sige" Sabay sabay kaming lumabas. Habang naglalakad kami nagtititili na ang mga babae. "Kyyahh magkakasama ang mga prince" "Oo nga ang gwapo talaga nila" "Nadagdagan na ng isa ang mga princes" "Masanay ka na sa ganyan" Mark. "Sanay na ako, ganyan din ang mga babae sa japan" "Talaga?" Tim. "Oo mas malala nga lang dito" "Tama ka" Rome. Dumaan muna kami sa room ni hime pero wala na siya doon baka pumunta ng garden o rooftop. Basta tahimik na lugar. Dahil wala naman si hime dumiretso na kami sa canteen. Pagpasok namin tilian ulit. Napatingin ako bigla doon sa mga nakaupo sa dulo pero ang mas nakakuha ng pansin ko nandoon si hime. Tumakbo ako papunta doon. "Hime nandito ka pala" ako. Umupo ako sa tabi ni hime. Nakita kong nakasunod sa akin yung apat at nagsi-upo din. "Hime may sasabihin pala ako sa iyo" ako. Kinakabahan ako kasi baka magalit si hime sa akin at di ako pansinin. "What?" hime. "Pwedebangsumaliakosagang?" mabilis na sabi ko. "Sabi mo?" girl 1 na may kulay blue ang buhok. "Sure" hime. Napatingin tuloy kami bigla sa kanya. "Naintindihan mo yun?" girl 2 na may blond na kulay sa buhok. "Yeah" "Pumapayag ka?" ako. Si hime kasi kahit mabilisan at kaya din niyang bumasa ng salita sa labi kahit walang sound. "Yeah basta ba masaya ka" hime. Ito ang nagusuhan ko talaga kay hime eh kahit cold at nakakatakot iniisip niya pa din ang ikakasaya namin. "Thank you" niyakap ko siya at hinalikan sa buhok. "Teka ano bang sinabi niya?" girl 3 na may pink sa buhok. "He want to join a gang" hime. "Naintindihan mo pa siya?" blue hair. Nagnod naman si hime. "Sino nga pala sila hime?" ako. "My new friends" Nagulat naman ako sa sinabi ni hime. Talaga? May new friends na siya. "Talaga may friends ka na?" "Yeah" napangiti naman ako. Nagke-kwentuhan kaming walo (kasi tahimik yung dalawa) at swempre nagpakilala din naman kami. Yung apat na babae sila pala ang Dark Cards Gang yung rank 3 sa gangster world. Humanga ako sa kanila eh kasi girl group sila pero nasa rank 3 at apat lang sila kapag lumalaban. Kung tinatanong niyo kung sino ang rank 1 sila lang naman ang kinakatakutan sa gangster world ang pangalan ng gang nila ay Devilous Trio o mas tawag sa kanila ay Tatlong tagasundo dahil para ka ng sinusundo ni kamatayan kapag sila ang nakalaban mo, sila din ang pumapatay sa mga traidor at lumalabag sa rules ng underground. Blood - siya ang leader ng D.T (Devilous Trio). Tatlong beses palang ito nakikitang lumaban mas madalas kasing lumaban yung dalawa. Nanonood lang ito sa sulok lalaban lang ito kung dehado na ang kagang niya o lumabag sa rules ang mga gangster. Ang golden rules ni Blood ang madalas sinusunod yun ay bawal pumatay at gumamit ng deadly weapons kung hindi ito pinayagan. Hand to hand combat lang dapat. Gun - base ang codename nito sa hilig niya mahilig itong gumamit ng baril pero di naman niya ito ginagamit nasa gilid lang ng bewang niya. Gaya din ni Gun si Blood base din ito sa hilig nito gustong gusto kasi ni Blood na makakita ng dugo kaya kapag lumalaban ito eh asahan mong may dugo. Siya ang kanang kamay ni Blood at ang utak ng grupo. Blade - gaya ng dalawa binase din ito sa hilig niya mahilig itong humawak ng patalim kahit ano pa yan ng patalim meron siya. Siya ang kaliwang kamay ni Blood at mata ng grupo siya kasi ang taga masid. Wala pang nakakakilala sa kanila palagi kasi silang may maskara at nag change voice sila gamit ang voice changer. Pero si Blood di pa naririnig ang boses at di matukoy kung lalaki ito o babae ito ang iba sinasabi ay lalaki pero ang iba babae daw pero yung dalawang member alam ang kasarian si Gun ay lalaki at si Blade ay babae. Kagaya din namin sila ni hime na gumagamit ng mask at voice changer. Kagaya din ni Blood si hime na matalino at imbentor. Minsan nga iniisip ko kung sino ba ang mas malakas. Si hime o si Blood? Ewan di ko pa kasi na kikita si Blood. Pero may kakaiba kay Blood kasi kulay pula daw ang mata nito na parang dugo pati yung buhok nito. "So, kung sasali si Xander sa gang niyo ano ang codename nito?" biglang tanong ni hime. Oo nga pala nagiging pala salita ito kapag mahalaga ang usapan at mukhang mahalaga ito. "Ewan, siya ang mag isip" Tim. Tumingin naman sila sa akin. Ano bang magandang codename di ko naman pwedeng gamitin ang Zero at tsaka dapat may element sa codename ko. "Wala akong maisip eh" ako at napakamot sa batok ko. "Okey ako ang mag iisip" hime. "Ano yun hime?" "Ibabase ko sa kung anong kakayahan at pag uugali mo sa codename mo. What about Ice Dragon?" hime. "Ice Dragon?" kami except Nix. "Yeah ice dragon because your so cold when your fighting and your like the dragon if your mad" Tama nga si hime nagiging cold nga ako pagdating sa laban at dragon naman pagnagagalit. Ang galing talaga ni hime. "Binase mo talaga sa kakayahan at pag uugali niya" Rome. "Yeah why? Diba kayo din binase sa kakayahan at pag uugali niyo?" hime. Umiling sila sa tanong ni hime. "Ha? Akala ko binase niyo ito kasi nakikita ko ito kapag lumalaban kayo" "Paano mo nasabi?" Mark. "Okey I explain. Fire demon hot headed, madaling mapikon at magalit. Demonyo kung mag isip. Water Jaguar kasing bilis ng jaguar ang kung gumalaw kapag lumalaban at kasing liksi ng tubig ang bawat kilos nito. Air wolf para kang isa warewolf kung gumalaw nanlilisik ang mga mata kapag nakikipaglaban mahirap hulihin gaya ng hangin and Earth Lion anghel kung titignan pero para itong lion kung magalit at kasing tigas ng bato ang puso nito kung lumaban wala itong paki kung babae ang linalaban basta kalaban lalabanan diba yun ang mga ugali niyo?" mahabang paliwanag ni hime. Nagkatinginan naman sila at biglang na pangiti pati din si Nix mukhang tama nga si hime. Magaling kasing observer eh. "Ang galing" Mark. "Ang talino mo talaga at talagang napansin mo yun" Tim. "Kakaiba ka talaga" Rome. "Unbelievable" Nix. Napatingin kami bigla kay Nix nagsalita eh. "Wow tol nagsalita ka din kala ko na pipe ka na eh" Tim. "Tss" Nix. "Ang galing mo namang observer Alex" Jes. "Oo nga nakakamangha" Kyla. "Tss" Mayamaya biglang sumiryoso si hime at promise nakakatakot siya. Dahil doon lahat kami napalunok yeah lahat pati si Nix. "Kayong apat paaalalahanin ko kayo kapag sumama sa mga gimik niyo si Xander wag na wag niyo siyang tuturuan ng di kaaya-aya lalo na ikaw Tim" Napastraight ng upo si Tim nung tinawag siya kaya napatawa kami. "Wala akong sinabing tumawa kayo" Nagsitahimik naman kami. "Ikaw Tim ayoko ng tinuturuan mo si Xander na mambabae kundi puputulin ko yang kinabukasan mo" nanlaki bigla ang mata ni Tim. "Naiintindihan mo ba ako" sunod sunod na tumango si Tim. "Ayoko rin na maninigarilyo si Xander at wag niyo siyang paiinumin ng matapang na alak nag iiba kasi ang ugali nito. Mga light lang ang painumin niyo" Kasi paglasing ako nagwawala ako at gusto kong pumatay parang nagiging katulad ako ni hime kaso nga lang nawawala lang sa sarili si hime kapag nakakita ito ng dugo pero kaya na niya itong controlin ngayon. "At kapag sinuway niyo lahat ng binilin ko humanda kayo dahil di na kayo sisikatan ng araw kahit ikaw pa Oliver wala akong paki kung ikaw man ang hari ng mga gangster at prinsipe ng mga mafia. Magkamatayan man tayo naiintindihan niyo ba ako?" Tumango naman silang apat. Ewan ko kung matatawa ako o maaawa ako sa kanila kasi para silang kinuhanan ng dugo dahil ang puputla nila. "Good come on girls may klase pa tayo" nagsitayuan ang mga babae at lumabas. "Oh ano? Naniniwala na ba kayo na nakakatakot si hime?" ako. "Oo grabe pigil hininga ako doon ah nakakatakot pala yun magalit" Rome. "Oo nga mahirap palang galitin yun. Naku di talaga kita tuturuang mambabae ayokong maputulan. Balak pa naman kitang studyante ko mabuti nalang di ko pa na gagawa" Tim. Napatawa naman ako sa kanila. Si Nix naman nakarecover na pero si Mark hindi pa. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD