Chapter 4: New Friends

1063 Words
Alex's POV Pagpasok ko sa loob ng room wala pang masyadong tao kaya umum-ob muna ako. Hindi pa ako ganung nakakatulog nung may kumalabit sa akin. Pag angat ko ng ulo ko may nakita akong apat na babae na nakangiti sa akin. "Hi, Alexandra pwede ka ba naming maging kaibigan?" girl 1. Mahaba ang buhok nito hanggang bewang at may kulay blue na highlight sa buhok. Maganda at maputi at ang hight ay mga 5'4 o 5'5 mas matangkad ako sa kanya kasi 5'8 ako. "Oo nga please" girl 2. Shoulder length ang buhok at may pink highlights. Cute at morena medyo singkit ang hight naman ay mga 5". "Why?" ako. "Ang cool mo kasi tapos ang ganda at ang talino mo pa. Natalo mo si Tiffany sa pagandahan at patalinuhan" girl 3. Shoulder length din pero mas mahaba ng 2 inch may blond na highlight. Maganda at kayumangi ang kulay. Ang hight ay 5'6. "Oo nga, buti nga at nakuha mo ang pwesto niya napakayabang at palaging nambubully akala mo kung sino porket anak ni mr. Micheal Roswell" girl 4. Ito naman mas maiksi ang buhok yung parang kay dora pero walang bangs. May ash gray na highlights. Ang hight ay 5'2. Tiffany Roswell kilala ko siya. Spoiled brat kasali siya sa sorority. Isang fraternity na mga babae ang members at siya ang founder nito. Lahat ng member niya ay kaugali niyang mga flirt, malandi at b***h. Alam ko hindi siya anak ni Micheal Roswell ampon lang ito, inampon lang ito ni Veronica Lee - Roswell anak ito ng yumao nitong kapatid. Namatay ang nanay ni Tiffany dahil sa sobrang pagda-drugs tapos yung tatay niyang chinese ay isang kriminal sa china, madami na itong criminal records at dahil sa dami nitong criminal records ay napatawan ito ng kamatayan. Pero bago pa ito napatay ay natagpuan na itong patay at alam niyo ba kung sino ang pumatay? Sino pa edi ako. *smirk* "Ahh" ako. "Oo nga pala magpapakilala pala kami. Ako si Jessica Geronimo. Jes na lang. 16 years old. Leader ako ng isang gang ang Dark Cards Gang. Queen ang code name ko" yung may blue highlight ang buhok. "The rank 3" ako. "Kilala mo kami?" Jes. "By codename yes, in person no" "Ganun ba?" Jes. I nod. "Okey ako ng next, ako si Kyla David, 16 din. Spade ang codename ko" yung may pink highlights. "Ako naman si Lianne Blair. Lia for short. 16 years old. Heart is my codename" yung may ash grey highlights. "At ako naman si Barbie Cruz. 16. Ang codename ko ay Ace" yung may blond highlights. "Pwede kana ba naming maging kaibigan?" Lia. "Okey" Wala naman sigurong mawawala sa akin kung kaibiganun ko sila. Di naman ako kilala bilang Uno at kahit may makakilala sa akin wala naman silang lakas ng loob na harapin ako, ang demonyong ako at gangster din naman sila kaya okey lang. "Wahh, thank you" sila. "Good afternoon class" Nagmadaling nagsi-upo ang mga kaklase kong nakatayo kasama na doon sina Jes. Xander's POV Nakaupo ako ngayon at nakikinig sa prof namin ng biglang may nagbukas ng pabalang sa pinto. Yung totoo may galit ba siya sa pinto. May pumasok na apat na lalaki pagkatapos nagtilian ang mga babae. Pamilyar sila, saan ko nga ba sila nakita? *Thinking* Tama, sila nga pala ang rank 2 sa gangster world ang Black Element Gang. Ang leader nila si Fire Demon, ang kanang kamay niya si Water Jaguar, si Earth Lion at si Air wolf. Grabe ang unique talaga ang mga codename nila pero astig naman. "Bakit kayo late?" prof. "Tss parang di kayo sanay sa amin" Pheonix. Oo kilala ko din ang totoong pangalan nila at dahil yun kay hime ang galing kaya nung kumuha ng information kahit private information niyo maaalam niya. Nakita kong namumula sa galit ang prof namin pero mas pinili niyang maging kalmado. "Sige umupo na kayo" kalmadong sabi ni prof. Naglakad naman sila papunta dito sa pwesto ko likod kasi ako pumwesto at sa gitnang row. Lima ang upuan dito at yung magkabilang side ay tatlo lang. Umupo sila sa tabi ko nasa dulo kasi ako ganito ang posisyon namin. Ako-Phoenix-Jerome-Timothy-Mark Nagsitahimik ulit sila nung nagdiscuss ulit ang prof namin. "Ikaw si Alexander diba? Yung isa sa sikat na kambal dito?" Phoenix. "Oo bakit?" ako. "Wala lang may nararamdaman kasi akong kakaiba sa iyo pati sa kambal mo" Ganun ba kalakas ang aurang pinapalabas namin? Sabagay siya ang rank 2 at tinaguriang king ng underworld kaya nararamdaman niya ang aurang pinapalabas namin. "What do you mean?" pagmamaangmaangan ko. "Kakaiba kayo, ordinaryo lang ba talaga kayo?" "*smirk* tama nga ang binigay nilang titulo sa iyo pero mahina ka parin kumpara sa amin ng kambal ko kay hime nga lang talo ka na samin pa kayang kambal" "Ini-insulto mo ba ako?" "Bakit nagpapainsulto ka ba? Alam mo kung ikaw nga ang king ng mga gangster at principe ng mga mafia dapat malaman mo kung sino kami" "Sino ba talaga kayo?" "Bakit di mo alamin" Si Phoenix ay isang mafia prince. Sa Miller clan siya nabibilang pumapangalawa sa Roswell clan. Parehas lang ang hangarin ng dalawan clan yun ang patayin ang mga ibang mafia na gumagawa ng mga labag sa batas. "Tama na nga yan, mamaya kung saan pa humantong yan eh" Mark. "Yow Alexander astig mo ah rank 2 kakaagad sa campus princes and princesses" Jerome. "Oo nga pero mas cool yung kambal mo pwede bang ireto mo ako sa kanya" Timothy. Tss playboy. "Ayoko nga tsaka kahit ireto kita di ka magugustuhan nun ayaw niya sa playboy kaya nga lumalayo ako sa mga babae" ako. Tumawa naman yung mga kagang niya pwera lang kay Phoenix. "Alexander-" Mark. "Xander na lang" pagputol ko. "Okey, Xander gusto mo bang sumali sa gang?" Mark. Napatingin naman ako sa kanya. Seryoso ba siya? Ako isasali sa gang nila? Di ko pa nasusubukan ang maging gangster pati si hime assassin lang talaga kami kasi parang laro lang ang ginagawa ng mga gangster. "What?" Phoenix. "Oh bakit? Alam kong gusto mo siya isali sa gang kaya lang naapakan ang pride mo" Jerome. "Tss" Phoenix. "Oh ano Xander payag ka?" Timothy. "Pag iisipan ko kailangan ko munang ipaalam kay hime eh titignan ko kung papayagan niya ako" "Bakit ipapaalam mo pa?" Jerome. "Dahil masama magalit yun kung akala niyo anghel yun nagkakamali kayo. She's a Devil pretend an Angel" "Under ka pala ng kapatid mo" Timothy. "Hindi mo kasi siya kilala eh kapag nakilala niyo siya magiging under din kayo" Akala ba nila nagbibiro ako? Nakakatakot kaya si hime kami ni mom ayaw namin yang ginagalit kaya sinusunod namin ang gusto niya. Naiinis kasi siya sa pagiging childish namin. Kasi si mom parang bata kapag kami lang tatlo o kaya pag nagba-bonding kami. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD