Kael's PoV
Nandito ako ngayon sa office ko sa kwarto dahil ayokong makita si Veronica, busy akong binabasa ang mga papeles nung may kumatok.
"Come in" sabi ko ng di ako tumitingin alam ko na kasi kung sino siya.
Bumukas naman ang pinto at pumasok siya.
"What do you want?" cold kong sabi.
"Daddy ubos na ang allowance ko pwede bang humingi sayo dahil magsho-shopping kami ng mga kaibigan ko" sabi niya.
Ang gastos talaga ng batang ito. Malaki na ang binigay ko sa kanya. Kulang pa ba sa kanya ang 10 thousand. Palibhasa hindi siya ang nagtatrabaho sa ginagastos niya.
"Tsk, ang laki ng binigay ko sayo last week tapos ngayon ubos na ha, bakit ang gastos mo? Di naman ikaw ang nagtatrabaho para kumuha ng pera pwede ba magtipid ka"
"But daddy madami akong ginagastos"
"Aling madami? Ang pagbili mo ng mga damit ha? Ang dami mo ng stock na damit sa closet mo na hindi mo pa nagagamit tapos bili ka pa ng bili kung yun lang ang kailangan mo makakaalis ka na"
"But daddy—"
"I said get out"
"I hate you"
Padabog siya lumabas sa kwarto. Hay, siguradong magsusumbong yun kay lolo. Tsk hindi naman siya totoong apo nabubwisit talaga ako sa batang yun napaka spoiled. In-spoiled kasi nina lolo at Veronica.
>Fastforward
*Tok*Tok*
"Boss pinapatawag daw po kayo ni Master" Jerico my assistant.
Sabi ko na eh magsusumbong yung batang yun tapos aarte na naman. Alam naman niyang ampon siya pero kung makadikit kay lolo parang may dugo siyang Roswell.
Bumaba na ako papuntang sala at nakita ko sila doon. Si Tiffany nakayakap kay lolo at umiiyak. Napakagaling talagang umarte batang ito.
"Bakit?" cold na sabi ko.
"Apo bakit di mo bigyan ng pera si Tiffany madami tayong pera kaya okey lang na gumastos siya"
"Pwede ba lo, wag niyo siyang kinakampihan kailangan niya ding magtipid dahil hindi sa lahat ng oras maghihingi siya"
"Bakit siya magtitipid kung madami naman tayong pera? Apo naman pagbigyan mo ang kaisa isa mong anak nag iisa na nga lang siya pinababayaan mo pa"
"Yun na nga kung totoo ko yang anak sunod sa luho yun pero hindi"
Napatingin silang lahat sa akin. Oo nandito silang lahat ang parents ko, parents ni Veronica, si lolo, si lola at ang mga magulang ng parents ni Veronica. (Lolo't lola ni Veronica) Kaya sila nandito dahil nanaman sa batang yan kasi gusto niya nasa kanya lahat ng awa para pagbiyan lahat ng gusto niya.
"Anong sinasabi mo?" lolo.
"*sigh* sorry lo pero di ko anak yan si Tiffany, anak yan ng kapatid ni Veronica. Inampon lang niya ito kaya pinakilala niyang anak namin. Di ko lang masabi sa inyo noon dahil inaalala ko ang kalusugan niyo kasi baka di niyo kayanin sa pagkabigla. Di ko na kasi matiis dahil sa pagkaspoiled ng batang yan. Kahit alam naman niyang ampon lang siya eh may lakas ng loob pang magsumbong sa inyo. Okey lang naman sa akin kung inampon siya ni Veronica ang ayoko lang ay yung pagpapalaki ni Veronica sa anak niya. In-spoiled niya ito. Akala mo ba Tiffany di ko nalalaman kung anong pinag gagawa mo sa school? Nambubully ka at ginagamit mo palagi ang pangalan ko para manakot ng mga studyante pati mga teacher mo tinatakot mo na sisisantihin kapag nagsumbong sila sakin at diba may pasok ka ngayon bakit absent ka? Manang mana ka kay Veronica. Binigay ko na lahat sayo damit, pera, bahay, pagkain at pinag aaral pakita sa exclusive school pero anong ginaganti mo? Sakit ng ulo?" mahabang sabi ko.
Tumayo ako at lumabas ng bahay.
Third person's PoV
Nabalot ng katahimikan ang buong mansion pagkalabas ni Kael.
"Alam niyo ba ito?" pagbabasag ng katahimikan ni Don Roswell.
Napayuko naman ang lahat dahil alam nila ito lahat sa simula pa lang.
Blaaaggg
Nagulat sila nung hinampas ni don Roswell ang center table.
"Alam niyo lahat pero di niyo sinabi sa akin?" sigaw ni don Roswell.
"Sorry dad ayaw lang namin pasamain ang loob niyo" mr. Roswell.
"Ayaw pasamain ang loob? Bakit sa ginawa niyong bang paglilihim at panloloko sa akin ay nakakabuti ha? Ikaw Veronica bakit ka nag ampon ha? Di mo ba ako kayang bigyan ng apo sa tuhod?"
Napayuko naman si Veronica.
"Sorry lo di ko po kayang magkaanak dahil baog po ako kaya inampon ko na lang po si Tiffany"
"Bakit sa tingin mo ba tatanggap ako ng apo na di ko ka dugo. Sa pamilya namin walang ampon lahat may dugong Roswell. Ayoko ng ibang dugo kahit pa hawak niyo ang pangalang Roswell walang kwenta yun. Wala akong pakialam sa pangalang Roswell ang gusto ko ay dugo ng pamilya namin wala akong pakialam kung babae lahat ng anak niyo wala akong pakialam kung walang magdala ng pangalang Roswell ang mahalaga ay dugo namin ang dumadaloy sa kanila. Sa tingin mo ba Roswell dati ang pamilyang ito? Hindi ang pangalan ng pamilyang ito dati ay Montemayor. Nag iba lang ang apilido dahil sa tatay ng lolo ko. Nadadala lang hanggang ngayon dahil lalaki ang nagiging anak namin naiintindihan mo ba ako ha?" mahabang paliwanag ni don Roswell.
Nabalot ulit ang katahimikan sa buong mansion.
"Kung di ka magkakaanak Veronica pasensyahan tayo kailangan niyong magdevorce. But not now hanggang wala pang nahahanap ang apo ko na magdadala ng apo sa tuhod ko" tumayo si don Roswell.
"Lo" Tiffany.
"Don't call me lolo because your not my granddaughter"
Tuluyan na ngang umalis si don Roswell. Umiyak naman si Tiffany dahil sa inasal ni don Roswell. Nilapitan naman ito ni Veronica at niyakap.
"Shhh tama na" pagtatahan ni Veronica.
"Kainis bakit kasi di ako magkaanak? Kapag sinabi ito ni lolo kay Kael siguradong hahanapin niya si Eunice at pagnagkataon siguradong maaagaw niya sa akin si Kael hindi pwede yun kung hindi ako magkakaanak hindi din pwede si Eunice. Tama may sinabi dati ang doctor ni Eunice noon nung magkaibigan pa kami" sa isip ni Veronica.
Veronica's PoV
"Base sa mga test result na ginawa namin wala naman kaming nakitang sakit sayo pero may problema sa matrice mo mahihirapan kang magkaanak, madaming mga babaeng ganito. May pag asa ka pa namang magkaanak pero dapat di lalampas ng age 30 kasi mahihirapan ka ng magkaroon ng anak"
"Ganun po ba doc"
"Oo, wag kang mawalan ng pag asa iha 21 ka palang kaya makakahanap ka pa ng magiging ama ng magiging anak niyo lalo na at napakaganda mo"
"Salamat doc"
Tumayo kami at nakipag kamay sa doctor at lumabas. Pagkalabas namin tinanong ko agad si Eunice.
"Anong plano mo?" ako.
"Ewan, siguro magpapabuntis na lang ako sa boyfriend ko. Okey lang kung hiwalayan niya ako dahil dito ang mahalaga magkaroon ako ng anak"
Kaya alam kong kahit mahanap pa ni Kael si Eunice di na ito mabubuntis dahil 39 na ito ngayon kagaya ko. Alam kong hindi din siya matatanggap ni lolo. *Smirk*
Humanda ka Eunice di ko hahayaan na mapasayo lang basta basta si Kael hindi ako papayag. *Evil laugh*
To be continued...