48

1391 Words
Agad-agad akong tumakbo palabas ng University at pumara ng taxi papunta sa ospital na tinukoy sa akin ni daddy. "Dad! Papunta na po ako! How did that happen?! Who the hell shot her?" may pagpa-panic na rin sa boses ko. [That soldier and his d*mn kids! Sa mansyon iyon nangyari, habang nagtatapon daw ng basura si Luzon kanina ay bigla siyang binaril. Go to her and make sure she's fine. Ako na bahala rito.] Tumulo ang luha ko bigla dahil sa labis na pagaalala. I canno believe this is happening! Not them, please… "Dad! Dad! Please, be safe! Please, I'm begging you!" I cried. [Yes, anak. I'll be safe. You should too. I promise. Sige na, ibababa ko na 'to. I love you.] Humagulgol na ako at napapatingin na 'yong Driver sa akin. Pinatay na ni Daddy ang tawag nang hindi na ako nakasagot sa kaniya. Si Nanay Luz ang itinuring kong ina simula noong mamatay si Mommy. She cares for me, she loves me, a lot. Now, I don't think I can live a life without her. I know life is too short pero hindi ko pa naibibigay ang wish niya sa akin, her only wish for me to have my own family before she go. Iyon lang ang tanging gusto niya at isa siya sa mga dahilan kung bakit inspired ako ngayon. At may malaking chance na mapahamak ngayon si Daddy. Manghihina na ako ng sobra kapag nangyari pa itong mga iniisip ko. Baka hindi ako mapakapag-isip ng maayos at mapatay ko 'yong tatay ni Tita Donna. I hate to think of it. I despise it. But I don't think the solution for any problem is violence. Hindi karahasan ang makakatalo sa isa pang karahasan. Ang kasalanan ay hindi mababayaran ng isa pang kasalanan. So, no. I will not kill. I will not lay my hands on them. Pagkapasok ko sa Hospital ay agad kong tinakbo kung nasaan si Nanay Luz. Nasa emergency room daw siya kanina pero inilipat na ngayon sa Operating room. Pagdating ko ay naroon ang anak niyang babae, umiiyak ng tahimik at bakas na bakas talaga ang labis na pagaalala. Nakakapanghinang makita yung mga taong mahal ni Nanay Luz na nasasaktan dahil sa pamilya namin. I feel so horrible. Kung hinayaan ko na lang ba si Tita Donna sa mga pinaggagagawa niya, hindi ba mangyayari ito? Is that a good and wise choise? Oh, please. I do not know anymore. "How's Nanay Luz?" nanginginig ang boses ko nang tinanong ko iyon. Tuyo na ang luha sa pisngi ko mula sa pag-iyak ngayon. I need to be strong for this. Someone needs me. I should not break down. I should be brave. Umiiyak lang ang anak ni Nanay Luz na babae na si Jeanete, hindi makasagot sa tanong ko sa kaniya. Mukhang mas matanda siya sa akin ng apat na taon. Perhaps she doesn't know how's Nanay Luz riht now because she's also waiting, clueless of what is happening to our mother. Nanahimik na lang din ako habang naghihintay. I really feel guilty. I wish I can do something for everyone to be okay, especially those who are very important to me. Bilang ko na nga lang sila tapos ganito pa ang mangyayari. Nang lumabas ang Doctor mula sa loob ay agad na kaming lumapit. Pinauna kong lumapit ang anak ni Nanay Luz, nasa likod ako at nakikinig. "She's fine now but we still have to monitor her, she is still unconscious. She got shot at the back torso and we have to be thankful that none of her vital organs are damaged. For now, we will inform you for further check ups. Thank you." The Doctor smiled before leaving us. Parang nabunutan ako ng tinik sa narinig ko. She's fine, Aya. Calm down yourself. Though, she is still unconsious but Nanay Luz is strong, I know that. Ngayon ko lang naramdaman ang pag-vibrate ng phone ko. I saw 14 missed calls, all from Levi. I almost forgot! Susunduin niya nga pala ako sa school kanina! Sh*t! Dali-dali kong d-in-ial ang number ni Levi pero bago ko pa man din mailagay sa tainga ko ang phone ay sumulpot na siya sa harap ko. I almost choked because of shock. Bakit palagi siyang sumusulpot sa harap ko kapag tatawagan ko na sana siya? "Lev..." I almost whispered. I saw the concern on his eyes. "Are you okay? How's Nanay Luz?" "She's fine, I'm fine," sagot ko ng naka-kunot ang noo. " How did you know that I'm here? I was about to call you..." "I went to our Condo and your Hotel room after asking some of your blockmates, wala ka roon. I called your Dad and he said that you're here, sinabi niya rin ang nangyari kay Nanay Luz. You should inform me immediately next time, natataranta ako sa 'yo, e," he explained. I pursed my lips. "Sorry, nawala sa isip ko. Uhm, sinabi ba ni Dad kung bakit nangyari iyon kay Nanay?" Umiling siya ng marahan. "Bakit nga ba?" Bumuntong-hininga ako at umiling. "I also don't know." Alam ko pero hindi ko sasabihin sa 'yo. Malapit si Nanay Luz sa akin at hindi ko inaasahang mababaril siya ng ganoon. Ikaw pa kaya na mahal ko. I can't bear to see you in pain. Kahit ako na lang, h'wag lang ikaw, o kayo. Tutal ay aaminin kong may kasalanan nga ako, I was the one who pushed Tita Donna into limits. Hindi ko na sana dapat pang ginawa iyon kung alam ko lang na idadamay ng ingratang 'yon ang mga mahal ko buhay. He stared at me suspiciously. "Are you sure?" Umiwas ako ng tingin at ipinako iyon sa mga Doctor na busy. "Yup. Hindi ka ba busy ngayon?" "Hindi naman, pati bukas, hindi." I gulped. "Bakit hindi? Dapat busy ka!" Tumawa pa ako ng bahagya. "Bakit gusto mong busy ako?" He walked towards me and held my chin to look at him. Hindi na ako nakaiwas ngayon. My eyes glued on his eyes. My one solace. "Hindi naman sa gusto kong busy ka. Inaalala ko lang yung mga gawain mo, iyong mga trabaho m. Don't worry about me. Mas paglaanan mo muna ng oras yung gallery lalo na ngayon..." His eyes narrowed. "Lalo na ngayon? Ayannah, what is it? What is our problem?" Napatitig ako nang husto sa kaniya. This man knows me more than I know myself. Gusto ko lang naman sana na lumayo muna siya sa akin habang inaayos ni Dad yung gusot kay Tita Donna. Ayaw ko lang na mapahamak siya habang nasa tabi ko siya. But that's impossible. I live in his Condo. I'm sure that Mr. Dela Paz, Tita Donna's Dad will not neglect that. Kung bakit ba naman kasi napaka-makapangyarihan niya. I chuckled. "Bakit? Wala namang problema. Iniisip ko lang si Nanay Luz." He looks not convinced. Maniwala ka na lang, please? Ang hirap magsinungaling sa 'yo... Laking pasasalamat ko nang sabihin ng anak ni Nanay Luz na dinala na sa isang private room si Nanay Luz. We all went to her room. She looks pale and unconscious. Hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Payapa ang pagtulog niya pero bakas ang sakit sa mukha niya. Pagod kong hinawakan ang kamay ni Nanay Luz. Swear to God, I can't afford to lose her. Nawala na nga si Mommy pati ba naman siya? No. Gusto ko sana na ako ang magbantay kay Nanay Luz pero nahihiya ako dahil nandito ang anak niya. Ayaw kong pumapel masyado sa buhay nila ngayon, lalo ngayon na dahil ito sa akin. I gave my number to Jeanete. Just in case that Nanay Luz will wake up soon, tatawagan niya ako at agad akong pupunta rito. Sa kotse ay tahimik lang ako. I feel so exhausted for this day. I just want to lay in bed and sleep peacefully. "Are you hungry? Let's have some food, do you want in a restaurant or sa Condo na lang tayo kain?" tanong niya. "I'm not that hungry. Sa Condo na lang," I answered softly. Tumango siya at pumunta sa restaurant 'di kalayuan. Siya na lang mag-isa ang bumaba dahil alam niyang pagod ako. He's very considerate and I'm very thankful for that. Pagdating sa building ng Condo ay panay ang buntong-hininga. Nag-aalala naman ako kay Daddy ngayon. I messaged him but he didn't reply yet. "Levi!" ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD