bc

When can you tell if you love him?

book_age12+
4
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
second chance
drama
sweet
bisexual
straight
multi-character
weak to strong
gay
like
intro-logo
Blurb

Isang Ivan na nag hahanap ng isang tunay na pagmamahal, nag hahanap ng isang taong handa siyang mahalin at ipagmalaki.

Dahil sa nakaraan na mayroon si Ivan nahirapan siyang mag tiwala sa tao, lalo na sa pamilya niya.

Isang Ivan na Hindi lang kasarian ang sukatan para masabi na kamahal mahal siya "Ano naman kung isa akong bakla? oo bakla ako pero hindi hibig sabihin nun wala na kong karapatang mag mahal at mahalin"

chap-preview
Free preview
Chapter 1
When can you tell if you love him? - jlcamp Simula ng iwan kami ni papa dahil mas mahal niya ang kabet niya tuluyang naging malambot ang puso ko. Oo mas malambot pa sa gelatine. Sabi nila ang pagiging bakla daw ay namamana, isip isip ko e wala namang bakla sa pamilya namin o sa mga kamaganak namin. Kahit nga sa ninu-ninunu namin wala, paano ko nalaman? WALA KA NG PAKE DUN! 6 years old ako ng makaramdam na may iba sakin tipong ayaw ko ng b***l gusto ko ng barbie (sabi ko na barbie ee) gusto ko ng pink ayaw ko ng pula, gusto ko mahaba buhok ko para na itatali ko genern! Ramdam kong may kakaiba sakin kasi lagi ako ang Mother pag dating sa 10 20 (Oh Diba ang power ng Mama mo) naiirita ako pag may saling pusa na mukhang namang aso, Ayoko din na laging pabuhat tipong bubuhayin mo tapos mamamatay ulit siya (Nakakapagod kayang tumalon ng tumalon kanggaro yern?) Ramdam kong may iba sakin kasi nung 10 Years old ako meron akong isang notebook na ang cover ay si dingdong dantes . Tipong hindi ako nakikinig sa tinuturong abakada ng Teacher ko dahil naka tingin ako sa u***g ni dingdong dantes (Ang sherep kayang titigan) yung titig na may kasamang pag hawak sa u***g niya. Lahat ng notebook cover ko ay mga artistang masasarap. Nananabunot lang naman ako pag nasasandalan ng siko nila ang mga bebe ko. Mayroon ngang eksena sa school sa may court ako naka upo. Nakatitig lang ako kay mahal na dingong tapos itong dumating na mga dugyutin ay kinuha ba naman ang notebook na hawak ko. Aba syempre hindi nila pwde galawin yun kasi buhay ko yun. Ang ginawa ko nilagay ko ang dalawa hinlalatok sa tenga ko at ang ibang daliri naman ay naka ingat. Bumwelo ako ng matindi sabay tili ng malakas. Sinasabi ko sayo nagsialisan sila. Bata palang ako marunong nako mag whistle (diba shala) kaya pasalamat si morissette nag give way ako Char! 15 years ako nung tumungtong ako ng Highschool syempre tuli nako ng mga oras na yun at ayokong ma bully na "Baklang supot" Sa high school life ko na yun masasabi kong mas lalong humumog ang aking pagka malambot tipong nagiging giniling nako sa pagkamalambot, mahaba ang buhok na medyo moreno (ay morera pala) na ang paboritong pabango ay "So in Love na pink" lagi akong nagpapabili nun kay mama. Sa edad kong 15 nakaranas ako ng First love, First Crush, First kiss, first hug at syempre first... hhmmm ang eme niyo masyado HAHA! Jake Castillo. Jake Castillo na Crush ng campus, crush ng matatandang teacher at crush ng principal na may nunal sa tabi ng ilong. Sa sobrang laki akala mo pasas na. masasabi kong nasa 5'8 si Jake nun isang varsity player ipinanglalaban sa kahit anong school, Mayaman na tao, may taga hatid't sundo araw araw. Pagdumadaan yan sa hallway laging naka bukas ng polo at kitang kita ang leeg niya. Ewan ko pero napaka hot sa isang lalaki ang bakat na bakat na adam's apple tapos medyo payat. Tapos ang puti puti niya pa kamuka nga siya ni harry potter e kasi wala lang siyang "N" sa gilid ng Noo niya. Nung Christmas Party namin sa school lumabas ako para tawagin ang teacher namin na mahilig mag padala ng floor wax at bunot para mag umpisa na ng party. Ngunit sa pag lalakad ko sa hallway nakita ko siyang papunta siya sakin "s**t! Tang ina ang cute niya talaga. Ang Hot hot niya mas hot pa siya sa tanghaling apat" yan ang eksaktong sinabi ko habang papalapit siya sakin. "Ivan" sabi niya ng magkalapit na kami. Grabe ang sarap sarap ng boses niya eksantong sinabi ko sa isip ko. May mga ibang lalaki na panget sa malayuan pag lapit ay panget talaga pero itong si Jake pota gwapo na sa malayuan mas gwapo pa sa malapitan. Ang bango bango niya ang sarap sarap yakapin ni Jake. Bumagay sakanya yung fited na white shirt at short na gray. (Hhhmm alam niyo naman pag gray ang suot ng mga lalaki nakakabakat talaga HAHA) at yes tama ka sa iniisip mo daks na daks si Jake kaya lahat ng Jake masasabi kong Daks yan "Ey beket Jake" sabi ko sakanya na kininatawa niya. Bakit ba ganun na ganun talaga ang pagkakasabi ko sakanya "Nakita mo ba si Trish?" medyo na badtrip ako ng kunti dahil hinahanap niya pala si Trish. Classmate ko si Trish si Trish na walang malay si Trish na anak sa labas Char! Si Trish na nililigawan ni Jake. Ewan ko ba dito kay Trish bakit ang tagal tagal niyang sagutin si Jake e wala naman an siyang hahanapin dito. Gwapo na, mayaman pa, may carlalu at ma andabells pa. "Bakit mo naman hinahanap sakin si Trish hanapan ba ko ng mga taong amoy putok?" eksaktong sinabi ko kay Jake na siyang kinahalakhak niya "Uy loko ka kahit ganun yun mahal ko yun tsaka hindi na siya amoy putok nag bago na siya HAHA" ganun talaga siguro no? ipaglalaban ang pagmamahalan kahit amoy putok pa ang kalaban. "Haha Char Char lang din. Andun si Trish sa room nag aayus ng mga pagkain namin" sa pag uusap namin na yun ay biglang sumilip ang classmate niya sa pinto. Mag sstart na daw sila ng party. Pinaabot nalang sakin ni Jake ang ibibigay niya para kay Trish. Syempre hindi naman ako pakelamerang bakla kaya pumunta ako ng cr at dun binuksan. Nakalagay sa isang box na itim at mabigat ito. tumingin muna ako sa pinto ng cr baka kasi may makakita sakin na may binubuksan ako. Isang mug na kulay pink at may picture nilang dalawa. Habang tinitignan ang mukha ni Trish napasabi ako ng "Apaka arte mo akala mo naman hindi amoy putok tse!" mabait akong tao kaya naman inihagis ko ang mug sa bintana (Ang maldita ko ba?) 18 years old ako grumaduate ng high school syempre hindi mawawala ang prom night. dun ko masasabing mas babae ako kesa kay Trish. Madilim ang buong court tanging mga ilaw lang na sumasayaw ang nag sisilbing liwanag. Habang nag kakasayawan ay tinawag ako ng mga tropa ko "Ivan dito!" sigaw nila. pag lapit ko nasa bilog nila si Jake . So syempre si bakla mas lalong naging ganado. "Shoooooot!" Sigaw ng isa sa mga classmate ko. isa isa niya kaming pinainom ng alak sa dala niyang malaking baso. sa kaligitnaan ng gabi ay umupo ako sa pinaka gilid ng Court dahil sa sobrang pagod kaka sayaw at kakatayo ng biglang dumating si Jake na lungkot na lungkot. umupo siya sa tabi ko sabay tingin sa kawalan tinitigan ko lang ito habang nakatingin si Jake sa kawalan. Makikita mo talaga na matangos ang ilong ng isang tao pag naka side view "Hoy! Itsura mo?" nagulat niyang pagkasabi ko "Uy Van ikaw pala yan bakit andito ka?" Tinuro ko ang paa ko sabay sabi ng "Masakit na paa ko ayaw ko ng sumayaw. Ikaw bakit andito ka" tumungo lang si Jake at nag simulang bumuhas ng iyak. Kahit ganun na umiiyak siya tang ina ang gwapo pa din niya. Bakit ganun kahit anong gawin niya gwapo pa din siya "Si Trish" paminula niya "May ibang gusto.. pinapili ko siya kung sino samin ang mahal niya pero mas pinili niya yung lalaki na yun kesa sakin" patuloy na pag iyak niya. Nakaramdam ko ng saya dahil hindi sila nagtuluyan ng amoy putok na yun pero nakaka durog ng puso kasi nakikita kong nasasaktan si Jake. Nilagay ko ang kanan kong kamay sa likod niya para patahanin ng bigla niyang idinikit ang ulo niya sa dibdib ko (Ganda ko no) Natameme ako ng mga oras na yun "Okay lang yan Jake marami pa namang babae diyan e. tsaka madali kang makakahanap kasi gwapo ka, mayaman diba?" sabi ko sakanya. Dahan dahan niyang inangat ang ulo niya. Nanlaki ang mata ko kasi sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa tipong nararamdaman ko ang amoy alak niyang hininga. "Pwde bang ikaw nalang?" Na mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. "Baliw kaba? O may sayad o baka naman lasing kalang? Hindi mo ba nakikita na bakla ako? Mahaba lang ang buhok ko pero bakla ako. Nag damit babae lang ako pero bakla ako at nag make up lang ako pero bakla ako-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya kong hinalikan sa labi. Halos humiga nako sa inuupuan ko sa sobrang atras ko nasa ganung posisyon kami. Hindi lang dikit na halik ang ginawa niya sakin kundi laplap. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa balikat niya para itulak siya pero bigla niyang nilagay ang isa niyang kamay sa likod ko para hindi siya ma tulak! Grumaduate ako ng High school na hindi kami nag kita dahil lumipad na siya ng ibang bansa sa "Canada" ni palitan ng number hindi ko nagawa siguro natauhan kinabukasan na may kalaplapan siyang bakla Hindi nako nakapag college kasi hindi nako kayang suportahan ng nanay ko. nung araw na kasi na yun iniwan na din kami ni papa dahil mas pinili niya ang kabet kesa sa tunay niyang pamilya. 25 years old nako. Binago ko na din ang pananamit ko. hindi nako nag dadamit pang babae, hindi na din mahaba ang buhok ko yung gupit ko gupit pang lalaki na at yung payat kong katawan before maselan na ngayon. Naisipan kong mag trabaho nalang para kahit papano matulungan ko si mama sa mga ang araw na gastusin. Nag Apply ako bilang call center pero hindi naman ako na tanggap kaya naman ang apply ako sa 7/11 at yun agad agad natanggap ako. Pinangako ko sa sarili ko na hindi habang buhay mag hihirap kami pinangako ko sa sarili ko na iaahon ko si mama sa hirap. CLING! "Jusko naman Ivan! Anong oras na late ka nanaman? Araw araw talaga?" dalawang taon nakong nag tatrabaho dito. Halos tropa ko na dito ung boss ko. Nagawa kong mag resign before kaso pinigilan ako ng boss ko. hindi naman sa pagyayabang pero laging lumalampas sa quota ang benta ko buwan buwan kaya nanghihinayang din sila sakin. Ang ganda ng bungad! Sermon agad?! Ang traffic kaya tss! "Oo na ito na! Nag mamadali na nga oh!" Pumasok nako sa room na kung saan kami lang ang pwde pumasok. As usual lagi naman siyang mainit ang ulo pag umaga ewan ko ba diyan. Hindi ata na tatamaan ng booking kaya ganyan si bakla HAHA! Maya maya lamang ay biglang kumalampag ang pinto ang siyang dahilan ng aking pagka gulat. "Ay kepay mong majitim!" Pagkagukat kong sambit "Ano ba yan sir!! Di ba pwdeng mag bukas ng pinto ng dahan dahan" nakatingin sakanya habang may gulat saking mukha. "Hoy Ivan! Hindi mo ba nakita ang pila nung pagpasok mo?" Patanong niya habang naka pamewang "Nakita ko naman po sir bakit po?" Pabalik kong tanong. "Nakita mo pala e bakit ang bagal mo pang kumilos!?" Ramdam ko na sakanya na bad-trip talaga siya kaya naman lumabas nako ng room at nag simula na kong mag trabaho. Mabait naman yang boss ko yun nga lang bugnutin tuwing umaga. "Ito na ito na!" Taeng tae akala mo naman maganda siya. "Anong sabi mo?!" "Wala sabi ko mag-tatrabaho na ako" minsan kasi mas masarap siyang pikunin pag pikon na siya. Yung mukha niya kasi pag nagaglit parang nag cocompress haha! Yung ang panget na nga niya lalo pang pumapanget. Kamuka niya si diego ung komidyante sa channel 7 yun ganun ang itsura niya kaya matatawa ka nalang. Makalipas ang 4 na oras na nakatayo para pagbihan ang mga bumibili ay kinuha ko ang telepono ko at nag patugtug sa isa sa mga kanta ni ate moira mo NOW PLAYING: paubaya Saan nagsimulang magbago ang lahat? Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat? Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang? Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal Saan nagkulang ang aking pagmamahal? Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na? Ako ang kasama, pero hanap mo siya At kung masaya ka sa piling niya Hindi ko na 'pipilit pa Ang tanging hiling ko lang sa kaniya Huwag kang paluhain at alagaan ka niya Habang sinasabayan ko ang kanta ay may isang lalaking lasing na pumasok . Hala?! Eksena nito? Aga aga lasing? Tumingin siya sakin pero hindi ganun katagal pumunta siya sa mga drinks section at tilabay naghahanap ng maiinom. Sa ilang saglit lang ay pumunta na siya sa counter. Omgiee ang gwapo niya ha. Matangkad, moreno, medyo malaki ang katawan. Yung mata ang ganda grabe. Yung labi pulang pula shhheet!! Kinikilig ako "Hoy! Ano bang tinitingin tingin mo dyan? Kanina pa ko nag aantay dito naka tulala ka lang diyan? Asikasuhin moko" lasing na tono niya. sa sobrang pagkatitig ko sakanya hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa kagwapuhan niya. "Ay so-sorry sir. Ito lang po ba?" Patanong ko. "Bakit may nakikita ka pa ba sa harap mo?" sabi niya habang naka tingin siya sa mga bibilhin niya Nakakabwisit naman to! Nag tatanong lang e. Ang gwapo nga ang sungit naman tss "Okay po sir ito na po" pag kaabot ko ng red horse sakanya ay agad niya tong kinuha at umalis na. ni hindi na nga niya kinuha yung sukli niya e. sinundan ko siya ng tingin hanggang sa labas, may sasakyan siyang dala na kulang blue may kasama siyang isang lalaki na nasa unahan pero hindi ko na makita ang itsura nito Tignan mo to sa sobrang alak na alak nakalimutan na yung sukli niya. Sayang din to ha. Dumating na ang oras para mag lunch na ako. Pumunta ako sa room namin para dun ako kumain. Habang nilalabas ko ang ulam at kanin ko. "Wow naman! Mukang masarap nanaman yang pagkain mo ha?" Sambit na isa kong katrabaho na laging gutom na gutom tipong pagpawisan lang ng saglit ay gutom agad, hindi siya mataba pero lagi siyang gutom . Nag aadik ata to e "Aba naman! Baka si Mama ko ang luto nito" pinuwesto ko na ang aking sarili para kumain.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
56.9K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

NINONG III

read
416.6K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.7K
bc

BAYAW

read
81.9K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook