Simula
Prologue
"Isang pilya si Jai Ramirez, at masyadong mabarkada. Twenty years old, taga pamalengke ang trabaho niya bilang tulong sa negosyo ng kanyang pamilya.
May roong pag mamay–ari na maliit na canteen, ang tiyahin niya. Magkakatulong silang tatlo ng kapatid niya na mapalago ito.
Bukod pa sa sideline niya na isang pagiging cleaner's ng condominium. Na inerekomenda sa kanya ng tiyahin niya.
Maganda si Jai, kahit na medyo malusog siya at maging ang kanyang hinaharap, na gusto parating itago ng kanyang tiyahin at kapatid. Para hindi siya bastosin ang madalas ipasuot sa kanya ng mga ito ay malalaking damit at dress.
Hilig rin niya ang mag road trip, kasama ang mga barkada niya. "Ngunit kahit na may katigasan ang ulo niya ay mapagmahal na kapatid siya sa araw-araw niyang pagsakay sa pampublikong sakayan.
Nakasabay niya ang isang hunks at madalas nagbibigay sa kanya ng ma-uupoan sa pag aakalang buntis siya. Dahil sa malusog niyang katawan ay madalas siyang mapagkamalang buntis, kaya priority siya ng mga nakakasakay niya sa upoan.
Ngunit nabisto siya ni Elliot Mercado, twenty eight year's old, isang successful na negosyante at batang milyonaryo. May matikas na tindig guwapo at simpatiko, ngunit simple may roong paninindigan sa kabila ng kanyang matagumpay na katayoan sa buhay.
Dahil sa mura niyang edad ay tumayo siyang ama, sa nakababata niyang kapatid.
Nadiskobre niya ang pagpapanggap na ginagawa ng pilyang Dalaga. Nang aksedenteng mag krus muli ang landas nila sa isang grupo ng mga rider na siya ring hilig nilang magkapatid.
Kaya bilang ganti ng Binata sa Dalaga ay nagpalibre siya ng kakainin niyang taho.
Pagkatapos ay pinuna niya ang katawan ng Dalaga, at sinabihan niya ito ng malusog ang hinaharap. Kaya aakalain talaga ng mga makakakita sa kanya na buntis siya. Pagkatapos ay nangako siya na ibibigay pa rin niya sa Dalaga ang kanyang mauupoan kapag nagkita silang muli sa train station.
Pigil naman ng Dalaga ang galit niya sa paglalait sa kanya ng kaharap na Binata. Ngunit wala siyang karapatan na awayin ito. Dahil sinakyan niya ang pag aakala nitong buntis siya. Para lang sa isang upoan.
"Nang muli silang pinagtagpo ng tadhana ay sa bahay na nila Elliot, at nalaman rin niya na si Jai, rin pala ang malditang tagapaglinis niya sa Condo at pamangkin ito ng dati niyang Yaya.
Habang si Jai, naman ay nag akalang driver siya ng pamilya Mercado.
Bilang leksyon ng Dalaga sa mga sakit ng ulong tinamo niya sa kamalditahang ugali nito. Sinakyan ni Elliot, ang mali ring akala ni Jai, at pinanindigang family driver nga siya ng pamilya Mercado.
Ngunit nagulpi ang kanyang sugarol na ina at si Jai, ang tumulong.
Kaya napahanga si Elliot, sa ginawang pag aasikaso ni Jai, sa maldita rin niyang ina. Habang tumatagal na nakikita at nakakasama niya si Jai ay napapasaya siya ng Dalaga. Ngunit natatakot siyang sabihin ang Totoo na siya si Elliot Mercado, na nagpaalis sa kanya sa trabaho. Bukod pa sa masasakit na salitang binitiwan niya sa Dalaga.