Kabanata 17
"Halika na Ma'am, magpahinga na tayo at muling inakay ko ito paakyat sa kwarto namin?
Para mabigla lang sa bagong ayos ng kwarto ko, hinawakan ko ang noo' at tinakpan ang mata ni Jai at hinila palabas?
I burst out laughing and keep the sound down dahil tulog na lahat maliban sa amin boss, halika na okay lang yan.
Maloko talaga ang Mommy mo ano.
Hinila ko si Elliot pabalik sa kwarto at galit na galit ito.
Napilitan na din itong pumasok at isinara ang pinto pagkatapos ay nagmamadaling itinapon nito sa basurahan ang mga bagay na pang extreme couple's na ginamit ng mga napapanuod ko lang sa palabas noon."ngayon ay nasa harapan ko na at inilagay marahil ito ng pilyang ina, ni Elliot dahil malayo sa pagkakaayos ng kwarto nito sa Condo at farm.
"Hindi ko mapigilang tumawa habang pinagmamasdan ko ang inis na si Elliot.
Tuwang-tuwa ka pa dyan kong tinulongan mo ako dito 'di sana ay natutulog na tayong dalawa, gusto mo rin yata itong kalokohan ni Mommy ano sige subokan natin wika ko kay Jai na panay ang tawa at akmang lalapitan ko na sana ito pero agad tumakbo at nilock ang sarili sa banyo.
Kahit sa banyo ay puno din ng kandilang di-kuryente napailing nalang ako at pinatay ito bago naligo subrang nakakapagod ang mag hapon namin.
Nagto-toothbrush ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Elliot muling pinag pupulot nito ang naka displayed na kandila at itinapon sa basurahan.
"Ito naman anong masama sa kandila bakit mo itinapon."
"Wala talagang magawa ang nanay ko puro kalokohan lang at sakit ng ulo inis kong sagot kay Jai at naghubad ng damit para makaligo na din.
Binuksan ko ang mga closet, nito pahiram ulit ng damit."paalam ko kay Elliot before to use his things?
Kumuha ka lang dyan."
Nagulat ako pagbukas ko ng isang closet ay nakita ko ang mga gamit ko at maayos na nakaayos ipinakuha mo ba yong mga gamit ko takang tanong ko kay Elliot?
"Hindi bakit?"
Tapos na akong maligo at lumapit kay Jai.
"Malamang yong nanay ko ang may gawa at huwag kanang magtaka at bigla kong hinila ang nakapulupot na towel sa katawan ni Jai?
First night natin dito bulong ko habang sinisimulan kong halikan si Jai at igala ang dalawang kamay sa hubad nitong katawan habang nakatitig ako sa reflection naming dalawa sa malaking salamin na lalong nagpainit sa akin.
"Masuyong tinugon ko ang halik ni Elliot at hinayaan ang gusto nito Naramdaman kong umangat na ang katawan ko mula sa sahig at sumandal ang likod ko sa malambot nitong kama mapungay ang mata kong pinapanuod ang ginagawang pagpapaligaya sa akin ng gwapo kong asawa at ang hirap tumanggi sa ligayang hatid nito sa katawan ko at puso."
Kinabukasan ay maaga akong nagising mahimbing pa ang tulog ni Elliot at pumonta ako sa kusina abala si tita at ate Violet sa pagluluto ng madatnan ko.
Niyakap ko si Tita at hinalikan sa pisnge Good morning!" Bati ko pwede ba kitang tulungan?
Good morning!" Din sa'yo.
Sabay ngiti naming tatlo.
Umupo ka na, matatapos na din itong niluluto Namin.
Kamusta ka?" Napasaya koba kayo ng surprise ko ginamit nyo bang mag asawa huh, para mabilis akong magka apo sabay hagalpak ko ng tawa?"
Nahihiyang umiling ako at napatingin sa tatlong natatawa at siguradong alam din nila ang ginawang kalokohan nito galit na galit po si Elliot nang makita nya at pinagtatapon po nya Ma'am, sagot ko.
Anong?" Ma'am, Started today you're going to call me Mommy two weeks kayo sa farm anak!" At siguradong may apo nako nakangiti kong ibinaba ang hawak kong Thumbler at niyakap ang may katabaang future manugang?
Inabot ko ang kamay nito para mag blessed ngunit inilag nito agad.
Mo-Mommy!"
Say it sige ka hindi ko iaabot ang kamay ko bahala ka dyan biro ko kay Jai na halatang nahihiya.
"Mom, sita ko sa inang nag tri-trip nanaman sa asawa ko, stop it?"
Baka mamaya bigla akong hiwalayan agad ni Jai ng dahil sa trip mo ilang linggo palang kaming kasal sa banig sinisira mo ang relasyon namin.
Hinila ko ang asawa at pinaupo sa lamesa halika na kain na tayo tawag ko sa mga kasama.
Sumunod naman sa amin sina Mommy at humila din ako ng upuan para sa kanila at hinalikan ko ito sa pisnge."
“Saan ba ang bago mong farm anak, at pupunta din kami doon nila faith mukhang maganda huh."
"Dyosko ko Mom, huwag na at baka pati doon ay lagayan mo din ng kalokohan ang kwarto naming mag asawa gaya ng ginawa mo dito sa kwarto namin.
Sermon ko sa ina habang abala akong maglagay ng pagkain sa mga plato nila.
"Hoy, hindi kalokohan yon 'di ba Belinda ang mga mag asawa ay talagang gumamit ng mga inilagay ko huwag ka makinig ka sa mga single dyan Hahaha!"nakangiti kong tinakpan ang bibig dahil sa masamang tingin ni Elliot.
A-Anak!" gusto ko lang magka-apo agad.
Nakahanap na nga ako ng Doctor para kay Jai yong Anak ng pinsan ko pwede ka na magpacheck up next month Jai Sasamahan kita para maalagaan ka ni Doc."
Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa sinabi ng Mommy ni Elliot excited talaga itong makita agad ang magiging apo nya tulad ko nahihiyang napatango nalang ako.
"Makalipas ang ilang araw ay inihahatid na namin si kiffer sa huling hantungan sobrang lungkot ng magkapatid at hindi ko alam Kong sino sa kanila ang aaloin ko.
Naiwan kaming tatlo dahil nagpumilit si Mommy na pumonta sa farm, at ipinahatid ni Elliot kay Bert.
"Sa Condo tayo Tutuloy ngayon Ma'am may meeting ako bukas basag ko sa katahimikan.
"Sige kuya bilhan mo kami ng ice cream ni ate Jai please!" Para akong bata na humihiling sa kapatid ko?
Sabay muling tingin ko sa labas para mapawi ng kaunti ang nararamdaman kong lungkot oras na ng uwian kaya subrang traffic at karamihan ay nagmamadali ng makauwi mula sa nakakapagod na trabaho.
Anong flavor!" tanong ko kay Egy na nakatulala, ikaw Ma'am anong gusto mo at pinisil ko pa ang ilong nito.
Cheese!" Mabilis kong sagot.
Sasama ako sa'yo para makabili na din ako ng pang sahog ko Ipagluluto ko kayo ng masarap na haponan.
"Ako din sama ilibre mo kami ni ate kuya huh, ungot ko ulit sa kapatid.
Ngumiti ako bilang sagot at niyakap ko pa ang kapatid.
Dumiretso nalang kaming tatlo sa supermarket?
Pagdating namin ay panay ang dampot ng dalawa sa gusto nilang kainin hinayaan ko lang sila Egy at Jai habang taga tulak lang ako ng cart.
"Sige, na pila ka na dahil mukhang mahaba ang pila utos ko kay Elliot.
Agad naman itong tumalima habang kami ni Egy, ay abala pa din sa pag dampot ng sangkap sa gagawin nyang sushi iniwan ko na ito ng maalala kong may kulang pa akong rekado sa iluluto ko kaya nagmamadaling muli akong bumalik sa vegetables section.
Pinulot ko ang dahon ng sibuyas pero may kamay na mas nauna kaysa sa'kin kaya tiningnan ko ang may ari nito at isang matandang lalaki na pamilyar ang mukha kahit na ilang taon na ang nagdaan walang iba kundi ang dating asawa ni Mama at anak nito.
"Hello condolences!" pamangkin binisita ko ang Mama mo pero sa mental hospital lang and the last sadly sa sementeryo na dahil alam mo naman ang panghuhusga ng mga tao sa akin?
"Wala akong palya sa pagdalaw sa Mama mo para kahit pa-paano ay makabawi ako sa kasalanan ko kong bakit?" Sya nalagay doon.
"Ito si janus, anak ko?"
Pinipigilan kong huwag tumulo ang mga luha ko pero bigla nalang tumulo at ayaw ng tumigil dahil sa narinig ko?
Tahan alo ko sa luhaang pamangkin may ipinaabot ang Mama mo sa'yo bago sya nawalan ng hininga wika ko bago binuksan ko ang beltbag at nilabas ang maliit na notebook."
Inabot ko ang ibinibigay ni tito Julio."
Noong namatay ang asawa ko ay bumalik ako sa kanya pero ibang mundo na ang pinili ng Mama mo at ayaw na nyang lumabas doon kahit na magaling na sya.
Nabitawan ko ang bibilhin ko dahil sa rebelasyon na naman ni tito Julio?
"A-Ate!" I shouted when I saw that she dropped her shopping at parang umiiyak, kinaway ko ang kapatid na nakapila.
Bakit?" anong nangyari kay ate tanong ko sa dalawang lalaking kausap nito.
Napatingin ako sa magandang Babaeng tinatanong kami ni Daddy, at parang ito ang hipag ni Jai.
“Don’t worry, Miss may pag-uusapan lang sila ni Daddy, I guess jai." hindi ito ang tamang lugar para sa inyo ni Dad!” na mag-usap.
"Halika doon muna kayo sa restaurant huwag dito wika ko at inabot ang bottled water sa luhaang pinsan?
"Ohhh!" bakit Jai, nag-aalalang tanong ko sa asawa na nagpupunas ng luha?
Nag-uusap lang kami ni tito tungkol kay Mama sagot ko kay Elliot na nag-aalala para sa akin.
"Ako si Julio Ramirez, kapatid ng tatay ni Jai, mauna na kami, hintayin ka na lang namin doon sa restaurant.
Niyakap ko ang asawa dahil sa narinig ko at inabot ko sa kapatid ang pera na pambayad sa pinamili namin.
Ikaw?" Na ang bahala dyan Sis. Sabay pulot ko sa mga nahulog na gulay at dinala sa cart bago sinundan namin ang matanda at ang anak nito para samahan din si Jai at pumunta sa abalang restaurant at umupo sa bakanteng mesa.
Dad!" ikaw na ang bahala dito huh, wika ko ng matanaw ang palapit na mag asawa at bumalik ako sa pinamili din namin.
Tumango lang ako sa lalaking kausap ni ate Jai na kasunodan ko din sa pila.
"Hi, Miss ano ang pangalan mo tanong ko?
“Egy Mercado, mabilis kong sagot.
Napangiti naman ako sa narinig nice name.
" I rolled my eyes at hindi na kumibo dahil nakatingin sa amin si kuya, baka sabihin pa nitong ang bilis kong maka-move on kay kiffer in fairness, ang gwapo nitong pinsan ni ate Jai."
"Samantala, Tahimik kong binuksan ang maliit na notebook Kong saan nakasulat ang diary ni Mama na ibinigay ni tito may pagmamahal din pala sa aming magkapatid ang yumaong ina.
Halos hindi ko natapos ang pagbabasa dahil sa patuloy na pag-agos ng luha ko sa bawat pahinang binubuklat ko ay may kalakip itong pagmamahal.
"Pamangkin huminahon ka alo, ko at hinaplos ito sa likod hanggang sa huli nag alala sa inyo ang Mama nyo takot lang syang lumabas dahil baka mas husgahan kayo ng mga tao at sabihang baliw ang ina, nyo ayaw nyang masaktan kayo ulit tulad noon.