"POV STELA
ISDA--- bumili na po kayo ng isda, mura lang po at sariwa ang tinitinda kong isda! Malakas na sigaw ko habang bit-bit ko sa aking beywang ang maliit na batya.
"Stela--- magkano ang presyo ng tinitinda mong isda?" tanong ni Aleng Marites, nang matapat ako sa maliit niyang tindahan.
"One hundred twenty lang po ang isang kilo Aleng Marites," sagot ko. Bibili po ba kayo."
"W-wala na bang bawas 'yan hijah? Kukuha ako ng ilang kilo kung babawasan mo ng twenty ang nilalako mong isda," sambit ni Aleng Marites.
"Mag-kano po ba ang kukunin ninyo isda?murang-mura na po iyan sa one twenty! huwag na po kayong tumawad. sariwa po at kakahuli lang po ito ng aking Ama sa dagat, saka, baka pagalitan po ako ng aking ina kapag binigay ko ito sa mababang presyo,"paliwanag ko.
Napakamot lang sa ulo si aleng marites dahil Hindi ko napagbigyan ang gusto niya, naghintay lang ako ng desisyon niya. Maya-maya nga ay bumili na rin ito.
"Sige bigyan mo na lang ako ng isang kilo hijah, ayaw mo kasi bawasan eh, dadagdagan ko sana," sambit nito.
"Pasensya na po baka po kasi ako magulpi ako ng Ina ko, sa susunod na lang po, kapag maraming nahuli isda ang itay ko," Anas ko.
Kinuha ko nga ang isang supot na isda at inabot ko kay Aleng Marites, nagtaka pa nga ito sa plastik na inabot ko sa kanya na naglalaman ng tinda ko isda.
"Sigurado kaba hijah? Na isang kilo talaga ito?" Dudang tanong nito sa a'kin.
"Sakto po iyan aling Marites dahil lahat ng ito ay kinilo na ng aking Ina bago pa po ako magtungo dito sa bayan.
"Mabuti naman kung ganoon, heto ang bayad ko hijah! Yong sinabi mo ha---" Aasahan ko yon," sambit ni Aleng Marites matapos niyang i abot sa akin ang bayad.
"Maraming salamat po, kayo ang bwenamano ko, at makakaasa po kayo sa aking sinabi aling Marites. So, pa-ano po aalis na po ako," nakangiting saad ko.
"S-sge, ejah! Mag- iingat ka sana ay maubos ang paninda mong iyan."
Matapos kong magpaalam kay aling Marites muli ay nagpatuloy ako sa paglalakad habang malakas pa rin na sinisigaw ang paninda ko.
Isda kayo diyan, isda--- hanggang napatigil ako at natulala ng bigla na lang bumungad sa harapan ko ang isang hindi ko kilalang babae, malapit ito ng husto sa a'kin, kaya naman kita ko ang maganda at maamo nitong mukha, na sa tingin ko rin ay mayaman ito. Dahil sa kutis at kasuotan niya.
Wala akong kibo sa aking kinatayuan habang pinagmamasdan ko ang babae mula ulo hanggang paa. Hindi ako makapaniwala na lalapitan ako ng ganitong kaganda at kagagalang-galang na tao. Nahihiya tuloy ako dahil sa suot ko--" bulong ko
"Eneng magkano ang isdang tinitinda mo? tanong ng babae sa akin.
"A-Aano po," nauutal-utal pang sagot ko sa babae matapos akong matauhan sa boses nito.
"Yang tinda mong isda hijah, how much Can I see and inspect before I buy the fish you are selling?
"A-Ano po Maam?" nagtatakang tanong ko muli sa babae.
"I mean gusto kong makita ang isdang tinda mo," malumanay na pakiusap saad nito..
"Goon po ba! S-sige po, heto po tingnan mo po ang isdang tinda ko, Maam, kakahuli lang po iyan ng itay ko at sariwa pa," anas ko sa babae.
"Ah ganon ba! mukha ngang sariwa at masarap ang tinda mong isda hijah? matagal kana bang naglalako ng isda dito sa palengke?" tanong ng babae.
"Opo Maam, mula po ng tumigil ako sa pag-aaral, ay ito na ang ginagawa ko, dahil sa hirap ng buhay ay hindi na ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko. Kaya heto po ako ngayon nag-titinda ng isda para matulungan ko po ang mga magulang ko sa araw-araw namin gastosin," paliwanag ko.
"Napakasipag mo naman hijah? alam mo hindi bagay sa 'yo magtinda ng isda dahil napaganda mong babae! 'di naman ako naniwala sa sinabi ng babaeng nasa harap ko. Ako maganda, ngayon ko lang yata narinig ang salitang iyan--" bulong ko sa aking isipan.
"Gusto mo ba tulungan kita," sambit nito at may kung anong bagay na inaabot sa akin. Kunin mo calling ang card ko, tawagan mo na lang ako kapag tinangap mo na ang tulong ko sa 'yo," sambit nito.
"Okay po "Maam, maraming salamat po sa tulong na inaalok ninyo sa a'kin pag-iisapan ko po mo na ito," Turan ko sabay ngiti ko rito.
"Okay hijah, at bago tayo magpaalam sa isat- Isa bibilhin ko na lahat ng paninda mo para naman makauwi kana ng maaga.
Natuwa ako sa narinig ko mula sa babaeng kaharap ko ngayon, husto kong maglulundag sa saya dahil maaga akong makapahinga.
"Talaga po ba bibilhin mo po lahat ng paninda ko? maraming salamat po hulog po kayo ng langit sa akin, tiyak matutuwa ang inay ko kapag nalaman niyang naubos ang paninda ko.
"Maraming salamat po talaga," masayang sabi ko sa babae.
Matapos bilhin ng babae ang lahat ng tinda kong isda ay nagpaalam na ito at tuluyan ng umalis.
Masayang-masaya ako dahil naubos ang paninda ko at maaga akong makauwi sa isla kung saan doon ako nakatira.
Naglakad na nga ako patungo sa tabing dagat dahil doon ako sasakay ng bangka papunta sa isla namin.
Ilan saglit nga ay nakarating na ko at nagtanong lalaking sa bangkero.
"Manong, maglalakbay po ba kayo papunta sa isla puting bato? puwede po ba akong makasakay Manong," pakiusap ko sa bangkero.
"Oo Eneng, ngunit maya-maya pa tayo aalis dahil pinapalipas pa namin ang malakas na alon na nagmumula sa dagat. Baka mapahamak tayo kung magpatuloy tayo sa paglalakbay," paliwanag ni Manong.
"Ahmmm--- ganon po ba Manong, S-sige po at maghihintay na rin lang po ako, ano oras po ba iyan mawawala Manong?" tanong ko.
"Mayamaya rin ay mawawala yan, ganiyan kasi ang dagat kapag taglakas," sambit ni Manong.
Ilang oras din ang nakalipas, bago tuluyan kumalma ang dagat, kaya naman ay sumakay na ang mga pasahero ng bangka patungo sa isla puting bato.
"Eneng sumakay kana aalis na tayo, habang maganda pa daloy ng mga alon sa dagat.
Kaagad na nga ako sumakay sa bangka kasama ang ibang pasahero at nagpatuloy sa paglalakabay. Dahil di motor ang bangka ay hindi naman nagtagal at nakarating din kami ng ligtas sa pang-pang ng isla puting bato.
Pagkababa ko ay dumaritso na ako sa aming bahay, dala ko ang saya na nangyari ngayon sa pagtitinda ko kaya naman excited ako at nagmamadali kong tinawag ang inay ko.
"Inay--- malakas na tawag ko habang papalapit ako sa bahay namin.
Inay---" narito na po ako. May magandang Balita po ako akong dala Inay," sambit ko habang naglalakad.
"Stela anak, bakit sigaw ka ng sigaw, para kang nailigaw, malayo ka pa lang naririnig ko na ang beses mo, ano ba ang meron Stela?" Salubong na tanong nito sa akin.
"Kasi po Inay, maaga naubos ang paninda kong isda, kaya maaga rin akong naririto," nakangiting sabi ko.
Mabuti naman stela dahil may pambili na tayo ng bigas at pangangailangan dito sa bahay. Kung ganyan lagi na kada uuwi ka rito lagi ubos ang paninda mo, tiyak araw-araw akong matutuwa Sa 'yo," sambit ni Inay.
"Oh sya pumasok ka na dito sa loob, kumain kana ba stela?" Tanong ng inay ko.
"Hindi pa po Inay, mamaya na po siguro, hanggang sa pansin ko wala ang itay.
Nasaan po ang itay?" tanong ko sa Inay ko.
Naroon lang siya sa gilid ng dagat nangingisda, dahil kanina malakas ang alon ng dagat ay hindi siya nakapamalaot.
"Ganon po ba inay.
"Sandali po inay ha, pupuntahan ko lang ang Itay sa tabing dagat, mayroon po ako maiitutulong sa kaniya.
S-sige anak mag-iingat ka--- huwag ka maliligo sa dagat dahil malalaki ang alon nito," paala ni inay.
Lumabas na nga ako sa bahay at iniwan ko ang inay ko, naglakad ako sa tabing dagat kung saan nakita ko naroon ang itay ko sa 'di kalayuan, nagmadali na ako lumapit sa kaniya para tumulong sa kaniyang ginagawa.
Nang makalapit ako ay nakita naman 'agad ako nito,saka nagulat.
"Stela, Narito ka na pala, kamusta ang paglalako mo ng isda?" tanong nito.
"Mabuti naman po itay, maaga nga po naubos ang paninda kong isda dahil sa isang Ale na bumili lahat paninda ko.
"Ganon ba anak, mabuti naman, kung ganon.
"Bakit narito ka sa tabing dagat? nasaan ang Inay mo?" Muling tanong nito.
"Naroon po sa bahay itay abala siya sa pagluto ng makakain natin pananghalian.
Itay tulungan ko na po kayo sa ginagawa ninyo," anas ko.
"Sige anak para mabilis tayo matapos at ng makauwi na rin tayo sa bahay," sambit ng itay ko.
Ka agad ko naman hinawakan ang lambat na hila-hila pa kanina ng itay, kahit mabigat hilahin ay nagpatuloy parin ako, para maitabi ang kabilang dulo sa gilid ng dagat.
Hanggang sa na pansin ako ng itay ko dahil parang nahihirapan na ako sa pagkakahila ng lambat na hawak ko.
"Stela anak, okay kalang ba? pasensya ka na kung ganito ang buhay na kinalakihan mo, dahil sa hirap ng buhay natin hindi ka manlang nakatapos ng pag-aaral anak," malungkot na sabi ng itay ko.
Nakita ko ang kalungkutan sa mukha ng itay ko kaya naman niyakap ko ito ng mahigpit.
"Okay lang po iyon itay naiintidihan ko po kayo, balang araw po ay aahon din tayo sa ganitong buhay," anas ko.
Nawala ang lungkot sa mga mata ng itay ko ng yakapin ko siya.
Ilang saglit nga ay nakatapos rin kami sa ginagawa namin, subra saya naman ng itay ko dahil sa dami ng huli ng lambat na hila-hila namin, kaya naman isa-isa kong nilagay sa timba niyang dala, pagtapos ay magkasama na kaming bumalik sa aming bahay ng itay ko.
Malayo palang ay tinatawag ko na ang inay ko.
"Inay narito na na po kami ng itay halika tingnan ninyo po napakaraming isda ang nahuli namin ni itay.
Dali-dali naman lumabas ang inay ko sa bahay namin, at nakangiting makita kaming magkasama ng itay ko.
"Fedel, mabuti naman at nakita ka agad ng anak mo, halika na kayo sa loob kumain mo na tayo at mamaya na iyan intindihin mga huli ninyo isda," sambit ng Inay ko.
Dahil nga nagugutom na ako ay dumaritso na ako sa loob ng bahay at umupo na ko sa hapag kainan, mayamaya ay sumunod na rin ang inay at itay ko, at sabay-sabay na kami tatlo kumain.
"Stela anak, ikaw mo na ulet ang maglalako ng isda na nahuli ng itay mo ah, dahil bukas may pupuntahan ako sa barangay natin dahil pinapatawag ng Kapitan dito ang lahat ng mga magulang sa isla puting bato.
Kung hind naman abala ang itay mo bukas sa pangingisda ay ako ang aatend ng pagpupulong na magaganap bukas.
"Ahmmmm---Sige po inay ako na po bahala sa mga paninda isda bukas, sanay na naman po ako sa bayan eh. Marami na rin ako suki roon," paliwanag ko.
.
"Okay S-sige anak, basta lagi ka lang mag-iingat dahil mag-kaiba ang ugali ng tao doon sa bayan, kesa dito sa isla puting bato," paala ng inay ko sa akin.
"Opo inay mag-iingat po ako---