ISLA- Chapter 2

1875 Words
Nabulabog ang masarap kung pagkakatulog dahil sa ingay na naririnig ko mula sa bunganga ng aking mahal na Ina, na akalo mo'y ay nasa bundok kung makasigaw sa lakas ng bunganga "Stela anak bumangon ka na riyan, dahil maaga pa ako aalis at magtutungo ako sa barangay," sambit ni Inay. "Mamaya na po Inay inaantok pa po ako," dahilan ko rito. "Sikat na ang araw Stela, bumangon ka na riyan, magtitinda ka pa ng isda sa bayan baka maiwanan ka ng mga bangka na patungo roon," wika ni Inay. Inis na inis naman ako at nagdadabog pang bumangon saka lumabas sa aking kwarto. "Ano ba naman yan, Inay---" inaantok pa yong tao eh," sagot ko kay inay habang naka simangot ang mukha ko. Dahil sa pagsagot ko ay pinalo ako nito sa pwet, kaya tumaas ang kilay ko. "Aray naman Inay, 'yan ang nararapat sa 'yo puro ka reklamo," saad ni Inay. Iligpit mona ang hinigaan mo at ayosin mo na ang mga paninda mong isda, ilagay mo sa supot at kilohin mo ng tig-iisang kilo," utos ni Inay. Wala akong magawa kundi sundin na lang ang inuutos niya at wala naman ibang gagawa nito kung hindi ako lang, dahil nag-iisa lang nila akong anak, ako lang din ang puwede nilang utusan," bulong ko. Kaya naman nagtungo na ako sa kusina matapos kung ayosin ang hinigaan ko para asikasohin ang mga isdang bebenta ko sa bayan. "Inay nasaan po nakalagay ang mga supot na gagamitin ko rito?" tanong ko sa Inay ko. dahil hindi ko ito makita. "Nariyan lang 'yan Stela hanapin mo," sagot ni Inay. Wala po ako makita dito Inay nasaan ninyo po ba inilagay Inay?" tanong ko. Lumapit na nga ang inay ko sa akin at kaagad niyang nakita ang plastic na paglalagayan ng isda, napakamot tuloy ako sa aking ulo, ay naroon lang pala---" bulong ko. "Heto oh, bunganga kasi ang pinanghahanap mo eh---- hindi gamitin ang mata!" galit na sambit ni Inay. Ilan saglit nga ay nagpaalam na ang inay ko para pumunta na sa Barangay dahil sa gaganapin na pagpupulong. "Stela anak, maiiwan na kita--- ikaw na ang bahala rito, at ilako mo na rin yang isda na huli kagabi ng ama mo," utos ng Inay ko. "Sige po Inay ako na po ang bahala rito, mag-ingat po kayo sa inyong pupuntahan Inay," paalala ko. "Salamat anak, Ikaw din mag-iingat ka rin sa paglalako mo sa bayan," paalala ng inay ko. "Marami salamat po Inay, nasaan po si itay Inay? bakit paggising ko hindi ko na siya nakita?" Tanong ko. "Maaga umalis ang itay mo dahil pumalaot sila ng kumpare niya, ang ninong mong si Dario. "Ganon po ba Inay. "So pa-ano anak aalis na ko ha----" Tuluyan na nga umalis ang inay ko at mag-isa na lang akong naiwan sa aming bahay, nagmadali na ako sa ginagawa ko at baka maiwan pa ako ng mga bangkang patungo sa bayan. Kailangan kong mapaubos ulit ang tinda kong isda, dahil para may pang gastos kami dito sa bahay, Ito lang ang aming kinabuhuhay, hindi ko naman mababago ang buhay ng mga magulang ko lalo't hindi ako nakapag-aral," bulong ko. Isang himala na lang ang siyang makakatulong sa amin, kung mangyari man iyon, pero kahit ganito ang buhay namin ay masaya naman ako lalo't kasama ko ang inay at itay, at wala kaming natatapakan na tao. Hanggang maalala ko ang ibinigay sa'kin ng magandang babae na nakausap ko kahapon. Ka-agad ko itong kinuha mula sa aking pitaka, dito ay nabasa ko sa card na hawak ko ang pangalan ng babae, margarita pala ang pangalan niya, at isang business women. Mukhang ito na ang sagot sa mga dasal ko ang mabago ang buhay ng aking magulang. Iabat-iba na ang iniisip ko habang pinagmamasdan ko ang card kong hawak, hanggang ibalik ko na ito sa aking pitaka at simulan kona muli ihanda ang paninda ko. Natapos na nga ako sa aking ginagawa, lumabas na ako sa pinto ng bahay bitbit ang isang plangganang isda, nilock ko na ang pinto ng aming bahay at nagtungo na ako sa pantalan kung saan doon ako sasakay ng bangka papunta sa bayan. Naglakad na nga ako at ilang saglit nga ay nakarating na rin ako sa pantalan, sakto naman at papa-alis pa lang ang isang bangka kaya ka-agad na akong sumakay. Medyo mahaba ang aming byahe napapansin ko rin ang paglakas ng alon sa dinaraanan ng bangka namin sinasakyan, nakaramdam ako ng konting kaba lalo't malayo pa kami sa kabilang pang-pang. Nagpapanik na ang mga sakay ng bangka dahil sa kanilang nasasaksihan saka tatatkot na dahil baka kami ay mapahamak. Kaya naman nagsalita na ang bangkero sa lahat ng sakay ng bangka. "Huwag po kayong matakot dahil hindi tayo mapapahawak sadyang ganyan lang po talaga ang dagat kapag taglakas, ngunit mamaya rin po ay wala na iyan," sambit ng lalaki. Nawala naman ang takot ng mga pasahero, maging ako ay ganon rin, hindi naman naglaon ay nakarating na kami sa kabilang pang-pang ng ligtas at masayang-masaya ang lahat ng makababa na kami sa bangka. Dahil nga sa sauot ko ay pinagtitingnan ako ng mga kalalakihan na narito sa pantalan, para akong huhubaran sa lagkit ng pagkakatitig nila sa akin, mukhang may gusto itong iparating sa akin, ngunit nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa bayan sa mismo palingke. Tulad ng dati binabanggit ko pa rin ang salitang---" ISDA--- bili na kayo ng isda. Hangang sa may babae lumapit sa akin, pamilyar ito sa akin at parang kilala ko, tinapik niya ako sa aking balikat, at napa- aray ako. "Hoy stela kamusta kana? nakikilala mo pa ba ako?" tanong ng babae sa akin. "Oo naman diba ikaw si Marian," maikling sagot ko. "Ahmmm--- mabuti naman at natatadaan mopa ako---" "Kamusta ka na pala ngayon Stela?" tanong nito. "Heto ganito pa rin ang buhay para kumita ng pera kailangan magtinda ng isda dito sa palingke. Dagdag din sa mga gastosin namin sa bahay," sagot ko. "Ahmmm---ganon ba ang sipag mo naman stela," sambit ni Marian. "Kailangan eh----" ikaw kamusta kana?"tanong ko naman sa babae. "Heto, okay naman Stela naging maganda ang buhay namin ng pamilya ko mula noong umalis kami sa isla puting bato at lumipat kami rito sa bayan, malapit na rin akong makatapos ng college Stela," sambit ng kababata kong si Marian. "Mabuti ka pa at makakatapos ka na ng pag-aaral mo---" ako kaya kelan? hindi pa nga ako nakapag elementary eh--" alam mo ba gustong-gusto kong mag-aral, ngunit paano? hindi naman ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko, na-iingit nga ako sa ibang kabataan diyan, tulad mo marian dahil nakapag aral ka, samantalang ako 25 na hindi manlang. Nakatongtong ng elementarya, nang dahil sa hirap ng buhay," Anas ko. Napansin kong naging malungkot bigla ang mukha ni Marian dahil sa mga narinig niya mula sa bibig ko, at para naawa ang kaibigan dahil sa aking kalagayan. "Huwag ka mawalan ng pag-asa Stela, magdasal ka lang lagi sa itaas, malay mo balang araw mabago ang buhay mo, at ng pamilya mo! kahit hindi ka nakapag aral," sambit nito. "S-sana nga umayon sa akin ang kapalaran at balang araw rin sweertihin ang pamilya ko, naniniwala rin naman ako sa himala eh," sagot ko. "So pa-ano Stela, magpapalam na ako sa 'yo kailangan ko na umuwi sa bahay baka hinahanap na ako ni Mama. Napadaan lang ako rito sa bayan dahil may binili akong gamit para sa school nagkataon naman na nakita kita," wika ni Marian. "S-sige Marian mag-iingat ka," paalala ko sa aking kaibigan. "Salamat ikaw rin Stela, mag-iingat ka sana ay maubos ang nilalako mong paninda," sambit ni Marian. Tuluyan na nga itong umalis sa harapan ko at pinagmasdan ko lang ang kaniyang paglayo hanggang sa magdisisyon na rin ako maglako muli ng isda. ISDA--- bili na po kayo ng isda bago huli lang at sariwa pa," sigaw ko. Hanggang sa hindi kalayuan ay tinawag ako ng isang grupo ng mga kalalakihan at mukhang bibili ng tinda kong isda "Miss lumapit ka nga rito," mahinahon utos ng isang lalaki, ngunit napansin ko sa mukha nito ang kakaibang kilos, dahil sa kakaiba niyang tingin, kaya mendyo nakaramdam ako ng konting kaba, habang papalapit ako sa lalaking tumawag sa akin. "Magkano ang tinitinda mong isda? sariwa ba ito at bago," tanong ng lalaki. "Opo manong sariwa pa po 'iyan at kakahuli lang ng itay ko," sagot ko. "Mukhang sariwa nga! tagasaan ka miss? bakit parang bago ka lang dito sa bayan, dahil hindi pamilyar ang mukha mo sa a'kin, gusto mo ba ng malaking pera at maubos ang paninda mo?" tanong ng lalaki, at sa tono ng bibig niya ay parang gusto niyang pakyawin ang isda kong tinda, pero alam kong iba ang gusto nito. "Bibili po ba kayo ng paninda ko? Dahil kung hindi aalis na po ako!" Marahas kong sabi sa lalaki. Napapansin ko ang malaswang tingin ng lalaking kausap ko, pinagmamasdan niya ko mula ulo hanggang paa, at nagpalunok pa ito, na para bang gusto na niya ako sungaban, ganoon rin ang mga kasama nito, na para bang hinuhubaran nila ako sa lagkit ng pagkakatitig nila sa akin, kaya naman medyo nakaramdam ako ng takot, kaya tumanggi ako sa alok nila. "hindi po Manong! Salamat nalang po sa alok ninyo, S-sige po at mag-paalam na po ako sa inyo kailangan ko pa po itinda ang mga isdang dala ko," sambit ko. Ngunit bago pa man ako tuluyan makaalis ay pinigilan ako ng lalaki, at ayaw niya ako paalisin. "Sandali lang dito ka muna! S-sige na sumama ka na sa amin at babayaran ko naman ang lahat ng paninda mo," nanggigigil na pamimilit ng lalaki sa akin. "Bitawan mo po ako nasasaktan ako! Maawa po kayo sa akin! pakiusap ko habang hawak niya ng mahigpit ang braso ko. "Tulong----" tulungan ninyo ako. nakita ko naman na ngumi-ngisi lang ang mga kasama ng lalaki at nasasayahan pa sa kanilang nakikita. "Pare buhatin mo na para madala na natin sa lungga ang babaeng iyan, may pupulutanin na naman tayo ngayon gabi," sambit ng isang lalaking mukhang manyakis. Bubuhatin na sana ako ng lalaking may hawak sa a'kin, nang may biglang na lang tumama sa muka nito, isang malakas na suntok at sipa, kaya napa-atras ang lalaki at nabitawan niya ako, galit na galit ang lalaki sa nangyari sa kanya. "Walanghiya ka sino ka!? galit na tanong ng lalaki. Pinagmasdan ko ang mukha ng lalaking nagligtas sa akin, nakatitig lang ako rito, gwapo siya at matipuno ang katawan halatang batak siya sa trabaho--" bulong ko. hanggang marinig ko na itong magsalita. "Kung hindi ninyo ako kilala ay huwag na kayo magpakita sa lugar na ito," sambit ng lalaki. "Bingi kaba? ang tanong ko sa 'yo ang sagutin mo----" sino ka ba? ang lakas ng loob mong ipagtangol ang babaeng iyan, sa tingin mo ba ay kaya mo kami ngayon nag-iisa kalang!" galit na sabit ng lalaking manyakis. Naglapitan na nga ang mga kasama nito ngunit wala manlang takot akong napansin sa laking matipuno ang katawan, ngumisi lang ito sa mga kaharap niya at pailing-iling. Hanggang sa tuluyan na ngang sugurin siya ng mga kalalakihan at pinagtulungan siya. Pinanood ko lang ang kanilang sagupaan, ngunit nakaramdam ako ng kaba, sa sitwasyon ng lalaki, lalo't nag-iisa lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD