ISLa- chapter 3

1555 Words
Hinawakan ang beywang ng lalaking matipuno ng dalawang panget na lalaki at pilit itong kinulong sa kanilang mga braso, ngunit malakas ang matipunong lalaki, at mabilis itong nakawala sa dalawang lalaki, hinawakan niya ang magkabilaang ulo nito at pinaguntog ang dalawa, sabay sipa niya ng malakas at umikot pa siya sa ire, parang lasing na bumangsak sa lupa ang dalawang lalaki dahil na siguro sa pagkahilo. Galit na galit ang ibang kasamahan nito kaya naman naglalabas na ng kotselyo ang isang lalaki, at matapang na sumugod sa matipunong lalaki, mabilis naman niyang iniwas at ginalaw ang katawan niya para hindi tumama ang pagsaksak ng kalaban niya. Nahawakan niya ito sa braso at pinilipit sabay agaw ng kotselyo. Sinaksak niya ang kotselyo sa hita ng lalaking kalaban niya, saka pinagsusuntok ito sa mukha, tinuhod niya at bumagsak ang lalaki sa harapan niya ng wala ng buhay. Nakita ng pinaka pinuno ang lahat ng nangyari kaya naman natakot ito ng subra sa lalaki, kaya naisip na lang niyang tumakbo palayo. Ngunit hinabol ito ng matipunong lalaki at hindi hinayaan na makalayo. Sa galit ng lalaki ay inumpog niya ang kalaban niya sa poste tumama ang mukha nito at nagdugo ang ilong. Nagmamakaawa na ang lalaki, ngunit hindi ito pinakikinggan ng lalaking matipuno, pinagsusuntok pa niya ito. "Ano uulet kapa ba? na babastosin ang mga babae dito sa bayan?" tanong nito sa lalaki. hawak niya. "Hindi na po," sagot ng lalaki na hawak nito at nanginginig sa takot. Pailing-iling lang ang lalaki habang pinagmamasdan ang kawawang lalaki na hawak niya. "Siguraduhin mo lang ang sinabi mo dahil oras na makita pa kita dito na hindi ginagalang ang mga babae, puputolin ko mismo ang pag-aari mong tinatago naiintidihan moba!" galit na sabi ng lalaki matipuno. "Sige lumayas kana sa harapan ko, at baka mapatay pa kita!" galit na sigaw nito. Sa takot ng lalaki ay nagmadali na nga itong tumakbo kahit madapa makalayo lang siya sa lalaking matipuno. Matapos ang sagupaan nila ay lumapit sa akin ang lalaki tinanong nito kung okay lang ba ako, tila ay nag-alala sa akin. "Miss okay ka lang ba? hindi ka ba nasaktan sa mga gago na iyon? malas nila ako ang nakalaban nila tiyak madadala na ang mga iyon," sambit ng babae. " A-ah, Oo," pautal-utal na sagot ko, okay lang po ako maraming salamat kasi niligtas mo ako sa mga masasamang tao na iyon," nahiyang sabi ko. "Wala 'yon, loko talaga ang mga tao na iyan, kaya hindi ko na matiis ang ginagawa nila sa mga kababaihan tulad mo, at napuno na ako sa kanila, dahil binatos nila ang napakagandang tulad mo," wika ng lalaki. "Ganoon po ba, nakahanap sila na katapat nila sana naman di na sila mambastos ulit at magbago na. "Sa tingin ko ay hindi na iyon gagawa pa ng gulo dito sa bayan dahil tyak kapag mangyari ulit yon may kalalagyan na sila," sambit ng lalaki kaharap ko. "Ako pala si Rico, pagpapakilala ng lalaki, sa akin, "Ako naman si Stela, sabay kamay ko rito, at pareho kaming ngumiti sa isa't isa. Kaya naman medyo kinilig ako ng bahagya dahil sa napakagandang ngiti nito at 'di panga niya binatawan ang kamay ko. Kaya naman pasimple akong umubo at binitawan niya ang kamay ko at medyo nahiya ito sa akin. "Ay sorry ang lambot kasi ng kamay mo sarap hawakan," dahilan nito sa akin. "Talaga ba? mukhang nagbibiro ka yata Rico, ang gaspang nga ng palad ko kasi palagi ako naglalaba, binobola mona ako," anas ko. "Totoo Stela ang lambot kaya at ang sarap hawakan, kung pwede lang sana hindi ko na bitawan eh," sagot nito. "Si paano Rico magpapaalam na ako sa'yo dahil kailangan ko pang ipaubos ang paninda kung isda again marami salamat ulit sa pagkakaligtas mo sa a'kin," sambit ko. "Ganon ba! gusto mo samahan na lang kita magtinda wala naman akong gagawin eh," saad nito. Huwag na Rico nakakahiya, naligtas mo na nga ako eh, kaya ko naman ito, dahil sanay na ako sa ginagawa kong ito. "Okay Stela pero mag-iingat ka ha, tawagin mo na lang ako kapag may mambastos sa 'yo at gugulpihin ko,"pagmamayabang nito sa akin. "Sige Rico," maikling sagot ko sabay ngiti rito at tumalikod na rin. Iniwan ko na nga ang lalaki at nagsimula na ulit akong magtinda ng isda, napalingon pa nga ako rito at nakita kong pinapanood niya ang paglayo ko, hanggang nagpatuloy muli ako sa paglalakad, bigla naman lumapit sa akin si aling Maria, kaya ako ay napatigil sa aking paghakbang. "Stela, sandali lang magkano ang isdang tinitinda mo? Kukunin ko na lahat yan Stela, napansin ko kasing kanina kapa nag lalako ng isadang dala mo, alam ko rin na pagod kana, saka malapit na lumubog ang araw malayo pa ang uuwian mo kaya kunin Kona lahat yan, bilang tulong narin Sayo Stela. nag pantig ang dalawa Kong Teynga sa aking marinig Mula sa bibig ni Aleng maria. Kaya naman nasaiyahan ako, Tama nga siya kasi kanina pa talaga ako pagod sa kakalakad muntik pa ako mapahamak. Sigurado po ba kayo aling Mario kukunin Mona po lahat ng isdang dala ko, maraming salamat po. Babawasin ko nalang din po NH presyo total hapon na naman po, ako bahala mag paliwanag sa Inay ko," sambit ko. " Aleng Maria, one hundred ten na lang po ang kilo bawas na po ang ten peso, ano po pwede na po ba iyon aling maria?" tanong ko. "S-sige Stela kunin ko na lahat iyan. Para makauwe ka na sa inyo, baka kasi abutin kapa ng dilim kakatinda ng isda mong tinda," sambit ni aleng Maria. "Maraming salamat po aling Maria dahil po sa tulong ninyo makakauwe na po ako ng maaga sa aming bahay," sambit ko. "Sige Stela mag-ingat ka," paalala nito sa akin. Saka pala sabihin mo sa iyong Ina na pamunta sya rito paminsan Minsan sa bayan matagal narin kaming di nag kikita eh. Ipaparating ko po sa aking Ina, ang sinabi ninyo Aleng Maria, sige po aalis napo ako, baka maiwan ako ng bangka na sasakyan ko patungo sa isla puting bato," Anas ko. Tuluyan na nga akong umalis sa harapan ni Aleng Maria, habang naglalakad naman ako patungo sa pantalan, ay nagulat na lang ko ng may bigla humawak ng kamay ko, kaya naman napalingon ako sa likoran ko. nakita akong muli ang mukha ni Rico. Nakangiti ito sa akin habang hawak nito ang kabilang braso ko. "Huyst! Ikaw pala yan Rico pabigla-bigla ka naman eh ang akala ko ay yong mga masamang tao kanina! ginulat mo ako ha. "Bakit ka narito, sinusundan mo ba ako?" Nagtatakang tanong ko sa lalaki "Nagkataon kasi na nakita muli kita kaya naisipan ko na gulatin ka, sorry ha, saka, Stela, kamusta? ubos naba ang paninda mo?" tanong sa akin ni Rico. "Oo Rico binili kasi ng isang suki ko kaya mabilis naubos, magtutungo na nga ako sa pantalan eh----" dahil sasakay na ako ng bangka patungo sa isla puting bato," sambit ko. "Ganoon na Stela, taga isla ka pala, gusto mo ba samahan na kita at ihahatid kita sa lugar ninyo, para masigurado akong ligtas ka sa iyong paglalakbay sa dagat," sambit nito. Medyo kinilig naman ako sa kabaitang pinapakita sa akin ng lalaking kaharap ko. Iniligtas na nga niya ako sa mga lalaki nambastos sa akin kanina, tapos ngayon ihahatid pa niya ako sa lugar namin para masigurado niyang ligtas ako, nakakahiya naman, abusado nayata ako--" bulong ko sa aking sarili. Tumingin ako ng deritso sa mata nito, hindi ko alam kung papayag ba ako sa gusto niya kasi nahihiya ako, at ngayon lang kami nagkakilala. "S-sigurado kaba Rico? nako----" nakakahiya naman grabi na kabaitang pinapakita mo sa akin," saad ko. "Okay lang yon Stela wala naman akong gagawin eh, at para makalebre kana din sa pamasahe papunta sa isla puting bato. "Ha---- bakit ano ibig mong sabihin Rico? na makalebre ako ng pamasahe?" tanong ko. "Mayroon kasi akong sariling bangka sa pantalan kaya kung papayag ka na ihahatid kita, ang bangka ko ang gagamitin natin, tiyak mabilis ka makakauwe sa inyo, dahil ikaw at ako lang ang sakay. "Ano papayag kaba Stella?" tanong muli ng lalaki. " S-sige ikaw bahala sa tingin ko naman ligtas ako kapagkasama kita sabay ngiti ko dito, maaga akong makakauwí sa bahay. Subra saya ng lalaki, at muntik pa niya akong yakapin mabuti na lang at nakaatras ako ng bahagya, parang may kung ano ibang spiritu yata ang sumapi sa kataohan nito, dahil labis ang kanyang kasiyahan, nagtatalon pa sa tuwa na akala mo'y nanalo sa lotto, kaya pinigilan ko ito. Dahil nakakahiya sa mga tao, Pinagtitinginan kami at baka kung ano pa ang isipin nila sa lalaking kasama ko ngayon. "Hoy Rico anong nangyayari sa 'yo? pumayag lang ako sa gusto mo, bigla kalang nagkaganyan nakakahiya sa mga tao oh," sambit ko. "Ay sorry nabigla lang ako Stela subrang saya ko lang kasi dahil matagal kitang makakasama ngayong araw dahil pumayag kana na ihatid kita, gusto mo ba mamasyal tayo sa gitna ng dagat para makapag-enjoy ko," wika nito. "Sus' ang dami mo pang sinasabi diyan tara na sa bangka mo at kailangan ko na umuwi baka hinahanap na ako ng Inay ko," sagot ko sa lalaki. Napakamot sa ulo si Rico dahil tinaasan ko ito ng kilay, hanggang magkasabay na kaming nagtungo sa pantalan kung saan naroon ang bangka niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD