bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

book_age18+
48.2K
FOLLOW
293.7K
READ
billionaire
possessive
sex
polyamory
pregnant
goodgirl
drama
virgin
polygamy
shy
like
intro-logo
Blurb

SHARING IN ONE SERIES #1 : EVERY INCH OF YOU

WARNING: THIS STORY IS R18/EROTIC-ROMANCE | Written in TAGALOG

Dahil sa pagkamatay ng kanyang magulang, Si Riley Sheen Parraz na ang tumayong Ama't Ina sa tatlong mga nakakabatang kapatid. Estudyante sa umaga, kahera sa isang Coffee shop sa Hapon at waitress sa isang high end bar sa gabi. Kahit nakakapagod ay kinakaya niya. Ngunit kahit na dalawa ang trabaho niya ay hindi pa din sapat para mairaos ang pangangailangan nilang magkakapatid lalo na't nag-aaral siya at ang mga 'to.

Pero isang alok sakanya ang susunggaban niya dahil sa halaga 100k na sahod sa isang araw ngunit nagulat siya dahil kailangan niya lang pala paligayahin ang Tatlong mga Naggagwapuhang mga Lalaki.

"Let us Lick every inch of you at yayaman ka sa'min.."

Mananatili ba siya sa dalawang trabaho pero matagal yumaman? O Kukunin niya ang alok ng mga ito para makaraos sila sahirap?

****

chap-preview
Free preview
Chapter One
"Hello! Welcome to Magic's Cafe!" Nakangiti kong pagbati ng may pumasok sa cafe na pinagta-trabahuhan ko. Ngumiti ako sa dalawang matandang mag-asawa na halatang sweet pa din sa isa't-isa. "May I take your order, Sir, Ma'am?" Agad naman nilang binigay sakin ang kanilang inorder. "This will take a minute Ma'am!" Ngumiti ako sakanya at ganun din siya. Pagkatapos ng ilang oras ay pinagbreak na ako ng manager ko. Habang kumakain ay nagbabasa ako ng reviewer para sa huling exam ko para bukas. Kahit naman may trabaho ako hindi ko pa din napapabayaan amg pag-aaral ko. Sakatunayan nga ay Dean's lister ako kahit papaano ay kaya ko pa din ibalanse ang mga trabaho ko at pag-aaral. "Hello, Matt-Matt?" Tinawagan ko ang nakakabata kong kapatid. Alam ko na nasa bahay na yun ngayon. "Hello Ate?" sagot niya mula sa kabilang linya. "Nasa bahay ka na ba?" "Opo— Isivan! Hwag mong paglaruan yan sabi eh!" Bahagya akong natawa. Kapag wala ako sa bahay siya ang nag-aalaga sa dalawa pa naming nakakabatang kapatid. "Si Dj? Hindi ba sinumpong?" Tanong ko. Si David John. Pangatlonkong kapatid. 13 years old lang siya pero dinapuan na ng sakit. "Hindi naman Ate." Nakahinga ako ng maluwag, "Basta hwag niyong pagudin ah? Bantayan mo yang dalawa tsaka h'wag mong papaluin si Isivan. May isang kilong bigas d'yan isaing mo at may dalawang de latang cornbeef dyan yan nalang ulamin niyo." Mahaba pang ang habilin ko sakanya dahil gagabihin ako ng uwi. Apat kaming magkakapatid. Tatlong taon na nung namatay ang mga magulang namin. 17 years old ako ng mamatay sila. Walang ni isang kamag-anak namin ang gustong kumuha samin. Buti na nga lang at may ipon ang mga magulang namin at mababait ang kapitbahay namin kaya sila ang nagbabantay minsan sa'min noon. Kaya ngayon after ko sa school ng umaga ay deretso ako dito sa trabaho ko kapag tanghali at meron din ako sa gabi. Kakaunti nalang ang natitirang ipon ng mga magulang namin kaya kailangan kong magtrabaho. Alas syete ng magsara ang coffe shop na pinagtatrabahuhan ko. Pumara ako ng jeep papunta sa susunod kong trabaho. "Magandang Gabi, Tay Berto!" Bati ko sa isa sa mga close ko na bouncer dito pagkadating ko. "Magandang gabi din,Hija!" Ngumiti siya sa'kin, "On time ka lagi Riley!" "Buti nga po at hindi traffic." Sagot ko. "Buti nalang.. Sige na pasok ka na at mag dinner ka mun sa likod." Tumango ako at pumasok na. Isa siya sa tatay-tatayan ko dito. Mabait siya pati na din ang asawa niyang nagtratrabaho din dito. Dumeretso ako sa likod kung saan nakapwesto ang room para sa mga crew. Nakasalubong ko sa Nanay Joan, siya ang asawa ni Tatay Berto. "Nandito ka na pala Riley! Tara na at maghapunan na tayo!" Ngumiti ako sa mga kasamahan kong kumakain na. Nginitian din naman nila ako. "Sige po!" Sagot ko. Si Nanay Joan ay isa sa mga cook dito sa bar na pinagtatrabahuhan ko at siya ang una kong naging kaclose dito. "Kamusta naman araw mo, hija?" Tanong niya habang naghahapunan. Lagi niya akong kinakamusta na parang anak kaya nakakatuwa din. "Okay naman po! Naipasa ko exams ko at projects. Kanina naman po sa coffee shop marami din costumers.." ngumiti ako sakanya. Tumango naman siya at nagpatuloy na kami sa pagkain. Pagkatapos ko mag hapunan ay nagpunta na agad ako sa banyo para makapag bihis at toothbrush. Isa akong waitress dito sa bar na isang High End kaya hindi nauubusan ng mayayaman dito. MALAKAS na tugtog at mga usok sa paligid ang sumalubong sakin ng mag in na ako. Agad akong pumunta ng counter para kunin ang isang tray na puro drinks. "Drinks po!" Halos pasigaw ko ng sabi dahil sa ingay ng paligid. Dumaan ako sa mga VIP seats at dun nag-abot ng mga drinks. Sa isang VIP seats na pinuntahan ko ay nakilala ako ng mga naging classmates ko siguro sa ibang subjects na puro babae. "Uy! Si Sheen pala ito oh!" Nag-angat ako ng tingin at nakita si Eliz. Hindi ki siya naging kaibigan pero kilala ko. Ngumiti ako sa kanilang lahat habang nilalapag ko sa table nila ang mga inumin. "I thought you are working in Coffee Shop?" She asked me. "Oo pero kapag gabi dito... kailangan magsipag!" Sagot ko. Ngumiti siya at tumango-tango ganun din ginawa ng ibang nakikinig samin. "Hindi ka lang pretty and smart.. Masipag ka pa!" She said and I thanked her. "Serve lang ako sa iba ah?" Sabi ko sakanila, Tumango sila kaya umalis na ako. *** ELEVEN na ng gabi at parang nag-uumpisa palang ang iba pero ako ay naghahanda na sa pag-uwi. 4 hours lang ang trabaho ko dito kapag mat pasok ako kinabukasan. "Tara na 'nak." Nanay Joan said. Binalingan ko sila ni Tatay Berto. Tuwing gabi sila ang kasabay ko sa pag-uwi. Hinahatid nila kasi ako hanggang bahay buti nalang talaga at may taxi sila kaya hindi na ako namamasahe. "Buti ka talaga nagkakasakit?" Tanong ni Tatay Berto mula sa harap. Nagmamaneho siya ngayon. "Oo nga po 'tay eh! Buti nalang epektibo ang mga vitamins na binibili ko." Sagot ko. "Tiis-tiis ka muna at malapit ka naman na grumaduate. Last year mo na ito sa kolehiyo diba?" Tanong ni Nanay Joan at nilingon niya pa ako. "Opo. Sa awa ng dios!" Nakangiti kong sagot. "Buti nalang at biniyayaan kayong magkakapatid ng talino." Ngumiti ako bilang sagot at hindi na muling nagsalit. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakadating na kami sa harap ng aming bahay. Tinignan ko iyon at kita ko sa bintana na bukas pa ang ilaw sa sala. Baka gising pa si Matt? "Salamat uli, Nay,Tay!" Sabi ko pagkababa ko. "Wala yun 'nak." Nakangiting sagot nila. "Ingat po kayo!" Sabi ko at kinawayan na sila. Ilang segundo ko pa sila tinignan bago ako humarap sa bahay namin. Pinagmasdan ko yun at napangiti. Kahit papaano ay may naipundar na bahay sa'min ang mga magulang namin. Umakyat na ako at pumasok na sa bahay. Tama nga ako. Pagkapasok ko Y naabutan ko pa si Matt-Matt na nasa sala at gumagawa ng kanyang projects. "Gabi na ah?" Tanong ko pagkapasok. Lumapit ako sakanya para mahalikan ang ulo. "Kailangan ko gawin ngayon 'to, Ate. Alam mo naman na ganitong oras lang pwede ko 'tong gawin." Tumingin siya sakin tsaka binalik uli sa ginagawa ang paningin. Alam ko. Siya ang nag-aalaga sa dalawa pa naming kapatid. Ngumiti ako at isinandal ko ang ulo ko sakanyang balikat. Kahit ako mas matanda sakanya siya pa din ang mas matangkad sakin kaya siya minsan ang pinagkakamalang panganay sa'ming dalawa. "You need help?" Tanong ko sakanya. Hindi na siya sumagot kaya tinulungan ko na siya sa pagtapos ng kanyang thesis. KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising ganun din si Matt kahit na pareho kaming puyat dalawa. Nagluto na ako ng almusal para sa dalawa pa naming kapatid. Pagkatapos ay naligo at nagbihis na din ako. Sabay kami ni Matt-Matt pumapasok pero bago yun ay dadaanan ko muna namin si Aling Lordes, isa sa mababait naming kapitbahay. Siya ang magbabantay sa dalawa kapag wala kami ni Matthew. "Good morning po Aling Lordes! Papasok na po kami ni Matt!" "Ganun ba? Oh sige mag-ingat kayong dalawa ah?" "Opo!" Sagot namin ni Matt bago magmano sakanya. "Kaawaan kayo ng Dios." Nakangiting sabi nito. Binigay na namin ang susi ng bahay sakanya bago kami umalis papuntang sakanyan ng Jeep. Habang nasa Jeep ay humihikab ang kapatid ko halatabg kulang talaga sa tulog. "Gusto ko ng magtrabaho Ate para may katulong ka na sa pagtatrabaho pero walang magbabantay kela Dj at Isivan." Ihiniga niya ang ulo niya sa balikat ko. "Hwag na. Magfocus ka muna sa pag-aaral mo kaya ko naman yung dalawang work ko tsaka may ipon pa naman sila Mama." "Pero Ate, ayokong nahihirapan ka. Wala ka ng pahinga at laging konti ang tulog mo." Hinalikan ko ang buhok niya, "Kaya ko naman, ading." Sabi ko. Buti nalang at hindi pa gaanong traffic kaya nakadating na kami pareho sa university na pinapasukan namin. Pareho kaming schola kaya nakapasok kaming dalawa dito ng walang binabayaran except sa mga bilihin. "Bye Ate!" Paalam ni Matthew sabay halik sa pisngi ko. "Pagbutihan ang pag-aaral!" Sigaw ko dahil nagtatatakbo na. Mukhang late na. Naglakad na ako sa building na kung saan ang room ng aking first subject ko ngayon. Habang naglalakad ay inaayos ko ang mga bitbit ko kaya hindi ko napansing may kasalubong pala ako at tumama ako. Napapikit ako sa sakit dahil may kung anong matigas na bagay ang tumama sa noo ko. "Aww.." Daing ko. Muntik ko na din mabitawan ang mga gamit ko, "Sorry.." Sabi ko. "No.. We're sorry.." Sagot ng isang boritong boses. Napaangat ako ng ulo at nanlaki ang mata ng makita ang tatlong lalaki na nasa harap ko. "Are you hurt?" The one with brown eyes asked me— No! Lahat sila kulay lupa ang mga mata. "N-No.." Sagot ko. Medyo naasiwa ako sa paninitig nila sakin kaya tinignan ko ang wrist watch ko at makitang 7 minutes nalang bago ang unang klase mo. "I-I have to go.." paalam ko at umalis na ng hindi na hinintay ang sasabihin nila sa'kin. "Beks!" Napangiti ako ng makita ang kaibigan kong si Mhia pagkapasok ko sa room. Best friend ko siya simula nung nag college ako. Siya kasi ang una kong nakausap nung first day ng pagiging first year college ko and until now classmate ko pa din siya. "Hi Mhia!" Bati ko tsaka umupo sa tabi niya. "May chika ako sayong bakla ka!" Nilabas ko na ang notebook at ballpen ko para magsusulat nalang ako agad. "Ano nanaman yun?" Natatawang tanong ko. Natutuwa din ako sakanya dahil lagi nalang kapag magkikita kami ay may baong balita siya para sa'kin. "May mga gwapo akong nakita kanina dito sa campus na pagala-gala—iihhh!" Sabay impit na tili niya. Napapailing na natatawa ako. Gwapo s***h abs hunter din kasi itong si Mhia kaya hindi na bago sa'kin kung laging bukam bibig niya ay gwapo at abs. "Madami nang gwapo dito sa school na'tin diba? Hindi na nakakapagtaka yun." Umiling siya, "Oo nga pero diba alam mo naman kilala ko mga gwapo dito? Maging sa first year college ay kilala ko pero itong mga nakita ko? Bago eh! palakad-lakad lang talaga sila dito kanina sa campus parang chinecheck nila.." "Baka nagwowork dito?" Tanong ko. Umiling nanaman siya, "Hindi!" Nanlalaki ang matang sagot niya kaya natawa ako, "Ayon sa nalakap kong balita ay anak daw sila ng may-ari ng school!" "Ahh.. Baka nga siguro.." Nawawalang interes na sagot ko. Pumalungbaba siya at nag-imagine na, "Pero ang gwapo talaga nila, beks.. those biceps and veins.. hmmm.." umungol pa sabay halakhak. Natawa nalang. Tanggap ko ng mahalag siya. Lagi nalang siya nagkukwento sa'kin na minsan kapag ganinat hindi pa siya makatulog ay nanonood siya ng porno sakanyang cellphone o kaya sa laptop niya. "They are like Greek gods, beks! And parang sila yung mga nababasa kong lalaki? Yung magaling umangkin ng babae, magaling umatras at umabante at higit sa lahat parang sila yung mahihilig sa maliliit at payat na babae yung tipong isang kamay lang nila sakop na yung tummy sa sobrang liit ng girl at laki nila? Omghad.. Uggh!" Kwento nito. Napapailing nalang talaga ako. Maalam talaga sita sa ganito buti nalang talaga at sanay na ako. Sa itsura kasi ni Mhia parang ang inosente niya at walang kakaalam- alam sa mundo pero ayun pala mas maalam pa sa may alam. Dumating na ang prof namin kaya nanahimik na kaming lahat at nagtake down notes na kaming lahat. *** TEN am ng matapos ang tatlong klase namin ni Mhia. Tapos na din namin ang huling exam namin at salamat sa dios at pasado naman kaming dalawa. "Papasok ka na ba sa coffee shop?" Tanong ni Mhia habang naglalakad kami papuntang canteen. "Nagtext na ako dun na mga 2 pm na ako pupunta kasi gusto ko muna magpahinga." Sabi ko at kumaway ng makita ang kapatid ko. "Hi Ate!" Salubong niya sakin sabay halik sa pisngi ko. Isa sa mga natutunan namin sa magulang namin ay ang pagiging malambing. Nakuha namin yung magkakapatid. Everytime nalang ay hahalikan nila ako sa pisngi o yayakapin kaya hindi ko nararamdaman na ulila kaming magkakapatid. "Bili muna tayo ng tubig bago tayo umuwi ah." Sabi ko sa kapatid ko. "Uuwi ka muna, Riley?" Tanong sa'kin ni Mhia. "Hi Ate Mhia!" Bati ng kapatid ko. "Hi Baby boy!" Bati din ni Mhia sabay haplos sa mukha ng kapatid ko, "Gwapo mo talaga be!" Natawa kami ni Matthew sakanya. Buti nalang talaga at sanay na din itong si Matthew kay Mhia. Alam din niya may pagkamahalay itong kaibigan ko. "Alam mo Matt? Bagay talaga tayo eh!" Napailing nalang kami. Alam na naming kung ano nanaman ang sasabihin ng kaibiga ko. Parehong M ang name nila at parehong may H ito. "Second name ko lang naman iyon Ate Mhia.." Sagot ng kapatid ko. "Maski na noh!" Tapos nagImagine na uli siya ng future nila ng kapatid ko. Natatawang napailing nalang kaming dalawa ni Matthew sakanya. Alam naman namin na trip lang niyang pagtripan itong kapatid ko. "Uuwi na din ako! Feel kong manood ngayon eh hihihi.." Mhia said while giggling. Alam ko na ang papanoorin niya. Nakabili na kami ng mineral water at ngayon ay palabas na kami ng canteen. "Ano yung papanoorin mo Ate? Anime?" Inosenteng tanong ng kapatid ko. Lalong napahagikgik si Mhia dahil sa tanong ng kapatid ko, "Oo! Itatry ko yung Anime version ng ganun." sabay tawa niya. Nilingon ko si Matthew at nakita kong nagtataka pa din siya kaya inakbayan ko nalang siya kahit mahirap dahil mas matangkad siya sakin, "H'wag mo ng pansinin yan si Mhia. Abno yan eh!" "Ako abno? Beks, marami lang talaga akong alam noh!" Habang naglalakad papuntang gate ay napansin namin na maraming ang tumatakbo papuntang parking lot. "Anong meron?" Tanong ko kay Mhia. Nanlaki ang mata ni Mhia at nagtititili, "OMG! OMG! OMG BEKS!" Sabay alog sakin. "B-Bakit?" Naguguluhang tanong ko. "Yung nga gwapo kaninaaaaaaa!" Tili niya, "Mauna na kayo!" Sabi niya samin at kumaripas bg takbo kasabay nung ibang babae. Nagkatinginan kami ng kapatid ko sabay tawa, "Ibang klase yang bestfriend mo, Ate!" "Kaya nga naging kaibigan ko eh!" Natatawa kong sagot sabay hatak na sakanya, "Tara na para maasikaso ko yung dalawa at makapag pahinga muna ako." Sabi ko. Lumabas na kami ng gate at umuwi na sa'ming bahay. *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
490.9K
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.8K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.6K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.1K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.1K
bc

Just A Taste (SPG)

read
930.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook