"Trojan Hadrian." Iniabot ng lalaking nagmamay-ari ng asul na mga mata ang kanyang kamay sa akin, blanko ang kanyang ekspresyon kaya hindi ko alam kung naaalala pa ba niya ako. Dalawang beses na din kaming nagkita sa mansyon ng kanilang ina sampung taon na ang nakararaan. I suddenly remember that woman, their mother, kumusta na kaya ito? I shrugged the thoughts out off me, ano nga ba ang pakialam ko. Ibinaba ko muna sa maliit na center table malapit sa akin ang box ng cake na dala ko upang maabot ang kamay niya. "Artemis Siervannia." Tinanggap ko ang kamay niya, tipid siyang ngumiti sa akin na ginantihan ko din naman kasabay ng pag-bawi ko sa aking palad. I remember him, sino ba naman ang makakalimot sa kapatid ng ex boyfriend mo, He's Travis' older brother and they look so much a lik

