Chapter 127 Alora’s Pov TWO WEEKS na din ang nakalipas simula ng maipanganak ko ang baby girl namin ni Hellion. Tuluyan nawala sa isipan ko na baka hindi ito ang baby namin lalo na ng makita ko na ang resulta ng test niya. Wala namang allergy si baby namin na kahit ano. Nakita ko naman lahat ng test kaya okay na ako. Buong buo na ang kaligayahan ko dahil kasama ko ang asawa ko at dalawa naming anak. Tuwang tuwa naman si Hellion at kaming dalawa ay nagtutulungan talaga kapag inaalagaan namin ang anak namin. Hindi niya ako pinapayagan na magpuyat talaga. Mas gusto pa niyang alagaan ang baby namin kahit magdamagan pa yan. Balak na naming binyagan si Alona sa susunod na buwan. Si mama daw ang bahala sa gastusin ng binyag ng apo niya. Kaya naman namin pero ayaw paawat ni mama. Naalala da

