Chapter 126 Alora’s Pov MATAGUMPAY KONG naipanganak ang anak namin ni Hellion. Nandito na ako ngayon sa isang private room at nagpapahinga. Ang asawa ko naman ay tuwang tuwa dahil sa baby girl ang baby namin. Dinala na din kasi ng nurse dito ang baby namin para makita ko siya. Ang cute-cute ba naman ng baby namin. Worth it lahat ng sakit na naranasan ko kanina. Akala ko talaga ilalabas ko na kanina si baby sa van. Gusto ko na kasi talagang umire pero mabuti nalamang pinigilan ako ni Hellion. Nang makarating nga kami sa hospital ay agad akong isinakay sa wheelchair para dalhin na sa delivery room. Pero hindi pa ako nakakapasok sa room ay umire ako kaya napagalitan ako ng doctor. Pero bumawi ang asawa ko at pinagalitan din siya. Mabuti nalang nagawa ko pang pigilan si Hellion na wag s

