Chapter 8

2244 Words
Chapter 8 Alora’s Pov HINDI ako natuloy sa Baguio dahil na din sa inalagaan ko si Hellion. Gumaling naman siya agad pero ayaw pa rin niyang umuwi sa bahay nila. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang hindi umalis upang hindi ako matuloy. Monday ngayon kaya malamang ay may pasok ang pamangkin ko. Tahimik ang buhay ko ngayon at wala akong aalagaan. Pakiramdam ko ay mas nanay pa ako ni Hellion kaysa sa ate ko eh. Sa akin ba naman tumatakbo ang batang yun. Pasaway talaga! Buong araw lang akong nakatambay sa kwarto ko. Maghahapon na naman kaya lumabas ako sa kwarto ko at balak ko sanang tumambay sa labas. Magpapahangin lang sana ako. Alam ko din naman na pauwi na din sila mommy kaya sasalubungin ko na lang din sila. Kaagad akong lumabas ng kwarto ko at tinungo ang hagdan. Nang makababa ako ay tinungo ko agad ang main door. Lumabas agad ako ng bahay ngunit napahinto ako ng biglang bumukas ang gate. Nakita kong pumasok ang pamangkin kong si Hellion. Napakurap kurap pa ako ng ilang beses ng makita ko siyang may dalang bouquet of flower. Mukhang galing din siya sa school dahil naka school uniform pa siya. Naglakad siya papunta sa akin. Nakatitig lang ako sa dala niyang bulaklak at hindi mapigilan na mapaisip. “May date ka ba ngayong hapon?” Tanong ko sa pamangkin ko. “Wala naman, tita.” Sagot naman niya kaya napanguso ako. “Eh bakit may bulaklak ka? Akala ko may pupuntahan kang date kaya may dala kang flowers.” Sabi ko at agad nag iwas ng tingin. “Para sa’yo ang bulaklak na ‘to, tita Alora.” Sabi niya sa akin kaya mabilis kong ibinalik ang tingin sa kanya. “Para sa akin? Bakit mo ako bibigyan ng bulaklak?” Tanong ko naman at gulat na gulat. “Kasi inalagaan mo ako habang may sakit ako. Thank you, tita Alora.” Sabi niya at ngumiti sa akin. Natigilan ako ng makita ko ang ngiti ng pamangkin ko. Ito ang unang beses na makita ko ang ngiti ng pamangkin ko. Ang puti ba naman ng ngipin niya at pantay pa. Pwedeng kuning endorser ng colgate. Napangiti naman ako at tinanggap ang binigay niya sa akin. “Ano ka ba, pamangkin.. wala yun. Anak ka ng ate ko kaya dapat lang ay alagaan kita.” Sabi ko sa kanya at inangat ang isa kong kamay at ginulo ang buhok niya. Hindi ko alam kung alam ba ng mga anak ni ate Ching na hindi talaga kami magkapatid ng mommy nila, na ampon lang ako. Hindi ko naman kasi nasaksihan ang paglaki nila kaya hindi ko alam kung alam ba nila na ampon lang ako ng lola at lolo nila. “May dala din akong pagkain, tita. Gusto kong makabawi sayo kaya bumili ako ng pagkain.” Sabi pa ng pamangkin ko na pinakita ang paper bag niyang dala. Tumango naman ako at pinapasok ko si Hellion sa bahay upang sabay naming kainin ang binili nya. Naisipan na lang namin kainin sa terrace para mahangin. May table at upuan naman sa terrace kaya pwedeng pwede kami tumambay dito ng pamangkin ko. Siya pa talaga ang nag ayos ng pagkain sa table. Talagang napaka maasikaso ng pamangkin ko. Sigurado akong maswerte ang magiging girlfriend niya pag nagkataon. Nagsimula na kaming kumain dalawa. Mukhang hindi na ako kakain mamayang hapunan dahil dito pa lang sa dinalang pagkain ni Hellion ay siguradong mabubusog na ako. “Kumusta naman ang pag aaral mo?” Tanong ko sa pamangkin ko para lang may topic kaming dalawa. “Ayos lang naman po, tita Alora. Nag aaral naman ako ng mabuti.” Sagot niya sa magalang na boses. “Mabuti naman kung ganun. Sigurado akong tuwang tuwa ang mommy mo palagi kapag top ka sa school.” Sabi ko habang nakangiti sa kanya. Hindi naman siya sumagot at nagulat ako ng subuan niya ako ng pagkain. Napangiti naman ako ng makabawi ako sa pagkagulat. Tinanggap ko naman ang sinubo niya. “Umuwi ka kaagad sa bahay niyo ha pagkatapos mong kumain. Baka mag alala na naman ang mommy mo.” Wika ko habang ngumunguya. “Hindi ka na ba pupunta ng Baguio, tita Alora?” Biglang pag iiba ni Hellion ng topic. “Ahm.. baka hindi na muna. Pero sa susunod na linggo ay pupunta ako ng Palawan.” Sagot ko na ikinatigil niya. “Kailan ang balik mo?” Seryoso niyang tanong. “Two weeks siguro ako do’n, pamangkin. Kaya hindi mo muna makikita si tita. Pero wag kang mag alala dahil bibilhan kita ng pasalubong.” Sabi ko sa kanya habang nakangiti. Ngunit nagulat na lang ako ng biglang tumayo si Hellion at kinuha nalang ang backpack niya na nakapatong sa isa pang upuan. “Saan ka pupunta?” Tanong ko pa sa pamangkin ko at sinundan na lamang siya ng tingin. Hindi man lang niya ako nilingon kahit isang beses man lang. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya hanggang sa tuluyang mawala siya sa paningin ko. “Ano kaya yun..” sabi ko pa dahil nagtaka ako sa ginawa ng pamangkin ko. Bigla na lang siyang umalis na hindi ko malaman kung anong dahilan. Ang ganda-ganda pa ng mood niya kanina pero nalaman lang niyang aalis ako at pupunta ng Palawan ay nagalit na siya. Ang hirap intindihin ng mga kabataan ngayon sa totoo lang. Lumipas pa ang mga araw ay talagang hindi nagpakita si Hellion dito sa bahay nila mommy. Napapaisip tuloy ako kung bakit ba siya sa akin o hindi. Gusto ko sana siyang tawagan pero wala akong lakas ng loob. Pero nong isang araw ay may nag deliver dito ng flower at pagkain. Galing daw kay Hellion kaya napapangiti nalang din ako dahil hindi pala ako kayang tiisin ng pamangkin ko. Akala ko kasi ay galit pa rin siya sa akin. Ang nakakalungkot lang ay hindi pa rin siya pumupunta sa bahay. Nakakamiss din pala ang presensya niya lalo na ang kagwapuhan niya. Aalis na kasi ako sa linggo papuntang Palawan. Gusto ko sana ay bago ako umalis ay makita ko muna ang pamangkin mo. Ngunit malabo yata dahil hindi talaga siya pumupunta dito sa bahay. Dumating ang araw ng linggo kaya naghahanda na ako sa flight ko papuntang Palawan. Nandito sila mommy at daddy pero nasa kwarto sila. Mamayang gabi kasi ang flight ko pero balak kung pumunta sa airport ng 4PM at baka ma-traffic ako. Nakabihis na ako at ready na din ang gamit ko. Pumunta na muna ako sa living room upang tumambay. Wala ang mga katulong ngayong araw dahil day off nila. Tumambay muna ako sa sala hanggang sa napagod ako at tinungo ang garden ni mommy. Lumapit ako sa sliding door at binuksan ito upang lumabas na muna ako. Ngunit natigilan ako ng bumukas ang pintuan ng main door. Mabilis akong lumingon at nakita ang pamangkin ko. Natuwa ang puso ko dahil nakita ko siya. Mabuti nalang at naabutan pa niya ako. “Hellion.. mabuti at pumunta ka dito sa bahay.” Sabi ko pa. Hindi naman siya nagsalita at naglakad siya papunta sa akin. Nang makarating siya sa harapan ko ay natitigan ko ng malapitan ang gwapong mukha ng pamangkin ko. “May pupuntahan ka ba?” Tanong niya sa akin. “Ahh.. oo. Mamaya ang alis ko papuntang Palawan.” Sagot ko habang nakangiti. Ngunit naalala ko nga pala na ito ang dahilan kung bakit siya nag walk out nong huli kaming nag usap. “Itutuloy mo parin ang bakasyon mo kahit alam mong galit ako?” Tanong niya na agad kong ikinakunot ng noo. “Bakit ka naman kasi nagagalit? Ayaw mo ba akong umalis at mag enjoy, Hellion? Malay mo ss pagpunta ko sa Palawan ay may mahanap akong lalaki do’n at makakahanap na ako ng boyfrien—” “Yun na nga eh.. kaya ayaw kitang umalis at baka makahanap ka!” Pagpuputol niya sa sasabihin mo. Na shock ako dahil pinagtaasan niya ako ng boses. “Tita mo ako, Hellion ha! Bakit mo ako pinagtataasan ng boses ha?!” Inis kong sabi sa kanya dahil hindi ko nagustuhan ang inasal niya. Magkatitigan lang kaming dalawa at para bang nagsusukatan kami ng tingin. Ayaw kong magpatalo sa kanya dahil hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa niya. Ngunit hindi ko kinaya ang titig niya kaya tinalikuran ko siya at pupunta na lang ako sa garden upang kumalma. “Gusto kita, tita Alora.” Saad ng pamangkin ko na ikinatigil ko sa paghakbang. Nanlaki pa ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ng pamangkin ko. Kaagad kong hinarap ang pamangkin ko upang pagalitan siya sa mga pinagsasabi niya. Kaya naman pala panay ang punta niya dito sa bahay nila mommy at daddy na lola at lolo na niya. “Mahal kita, tita. Gustong gusto kita.” Sabi pa niya kaya tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Gusto ko siyang pagalitan dahil nakakakilabot ang sinasabi niya. Tinitigan ko ang pamangkin ko. “Umayos ka nga, Hellion! Tita mo ako!” Asik ko sa binata. “And?” Aniya na para bang walang pakialam sa sinasabi ko. “Kilabutan ka nga, Hellion! Anak ka ng ate ko. Dapat ay ginagalang mo ako bilang tita mo hindi yung iniibig!” Singhal ko sa pamangkin ko upang magising na siya sa katototohanan. Kaya naman pala panay ang punta niya dito sa bahay. May ibig sabihin pala ang pagpunta niya. Hindi ko man lang napansin lalo na’t pamangkin lang ang turing ko sa kanya. “May nalaman akong sikreto tungkol sa’yo, tita Alora. Kaya malakas ang loob ko.” Sabi niya habang magkatitigan kaming dalawa. Mukhang gusto niyang ipagpilitan ang nararamdaman niya sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa pamangkin ko. “Hindi pa ako nababaliw, Hellion. Umalis ka na! kung maaari ay wag ka ng bumalik pa dito sa bahay ng lola at lolo mo.” Seryoso kong sabi at akmang tatalikuran na sana ang binata ng mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. Napatigil ako at hinarap siya. Kunot ang noo habang nakatitig ako sa mukha niya. “Mahal kita, tita Alora.” Wika niya. Bumilis ang t***k ng puso ko hindi dahil sa gusto ko ang sinabi niya kundi dahil sa natatakot ako na baka marinig nila mommy ang sinasabi ng batang ‘to. Bukod sa anak siya ng ate ko ay napakabata pa ni Hellion. 18 years old pa lang siya kaya sigurado akong naguguluhan lang siya sa nararamdaman niya. Kailangan ay matigil na ito at baka kung ano pa ang masabi ng ate ko. Kahit hindi ko totoong kapatid si ate ay itinuturing pa rin niya ako na tunay na kapatid. Napaka swerte ko sa pamilyang kumupkop sa akin ngunit ito lang pala ang igaganti ko sa kanila. “Mag aral ka nalang ng mabuti, Hellion. Hindi yung kung ano-ano ang iniisip mo.” Saway ko sa kanya. Napansin ko sa mga mata niya ang kalungkutan ng sabihin ko yun. “Nag aaral naman ako ng mabuti, tita Alora. Lahat naman ay ginagawa ko.” Sabi pa niya. “Eh ‘di mabuti. Yun ang unahin mo at hindi ako. Aalis naman na din ako sa susunod at babalik na sa Paris kaya itigil mo na ang kahibangan mo.” Seryoso kong sabi na ikinatigil niya. “Babalik ka sa Paris? Akala ko ba dito ka na mananatili.” Sabi niya sa malungkot na boses. Naramdaman ko din na mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “Nasa Paris ang buhay ko, Hellion. Kailangan kong bumalik doon.” Pagdidiinan ko pa. Kitang kita ko ang pag iiba ng aura niya. Kung kanina ay malungkot ang binata ngayon naman ay galit ang itsura nito. “No! Hindi ka aalis dito, tita Alora! Hindi ako papayag.” Galit niyang sabi. Pinandilatan ko naman siyang mata. “Hindi mo ako mapipigilan, Hellion. Pamangkin lang kit—uhmm…” napatigil ako sa pagsasalita ng hawakan ni Hellion ang pisngi ko at mabilis na nilukumos ng halik ang labi ko. Nanlaki ang mata ko ng marealize ko na hinahalikan ako ng pamangkin ko. Pilit ko siyang tinutulak ngunit mas malakas siya sa akin. Hindi pa nakuntento ang pamangkin ko at kinagat pa niya ang ibaba kong labi dahilan upang mapasinghap ako. Mabilis niyang kinuha ang pagkakataon na yun at ipinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. “H-Hellion..” nasabi ko pa ng subukan kong itulak ang mukha niya. “Akin ka lang, tita Alora. Walang ibang lalaking pwedeng mag may ari sayo kundi ako lang!” Sabi pa niya ng tigilan niya ang labi ko. Akala ko ay bibitawan na niya ako, ngunit nagkamali ako dahil hinalikan niya muli ang labi ko. Gusto ko sanang hilain ang buhok niya upang masaktan siya. Natatakot ako na baka biglang sumulpot sila mommy at daddy dito at makita kami ni Hellion. Ano na lang ang sasabihin nila sa akin. Kahit hindi ako tunay na tita ni Hellion ay itinuring ko pa rin naman siyang pamangkin. Naging masaya ako ng isilang siya ng ate ko. Pero hindi ko inaasahan na magiging ganito ang pamangkin ko sa akin. Pero paano ko siya itutulak kung pinapapak niya ang labi ko at hinawakan niya ang dalawa kong kamay upang hindi ako makapalag. Yung first kiss ko ay nakuha na niya. Hindi ko inaasahan na sa pamangkin ko pa talaga mapupunta. Nakakatayo ng balahibo ang nangyayari sa akin. Para bang bangungot na kailangan kong magising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD