Chapter 7

1801 Words
Chapter 7 Alora’s Pov NANDITO lang ako sa bahay at nagpapahinga. Gabi na kasi kaya hindi na ako lumabas pa ng kwarto. Hindi na din ako kumain dahil oras na ng fasting ko. Simula kasi nang dumating ako dito sa Pilipinas ay panay na lang ang kain ko. Kaya nararamdaman kong tumataba ako. Ayaw ko kasi ng ganitong katawan lalo na’t fashion designer ako. Gusto ko maganda tingnan ang katawan ko. Mag i-isang buwan na kasi ako dito sa Pilipinas at wala na yatang ginawa ang pamangkin ko kundi ang sundan ako at samahan kung saan ako pumunta. Hindi ko na nga sinasabi sa kanya kung saan ako pumupunta pero nasusundan pa rin niya ako. Hindi ko na din sinasabi kay yaya para hindi na niya masabi kay Hellion pero ganun parin, nalalaman parin ng pamangkin ko. Sinabi ko na nga kay ate Ching ang ginagawa ni Hellion kaya sabi niya ay pagsasabihan daw niya ang anak niya. Siguro ay pinagsabihan na niya ang binata dahil dalawang araw na itong hindi pumupunta sa bahay. Natuwa naman ako dahil gumala ako ng mag isa at kung saan ako pumupunta dito sa Maynila. Balak ko sanang pumunta sa Palawan at doon magbakasyon ng isang linggo. Mag iisip na naman ako kung saan ako pupunta pagkatapos ko sa Palawan para naman masulit ko ang bakasyon ko dito sa Pilipinas. 10PM na kaya sigurado akong tulog na ang mga tao ngayon sa bahay. Pero ako ay nanonood parin ako ng movie sa laptop ko. Nagpapaantok lang muna ako. Pagkatapos ko nito ay matutulog na ako para bukas ay aalis na naman ako. Balak kong pumunta ng Baguio. Kahit dalawang araw lang ako do’n. Alam naman nila mommy at daddy na gagala ako at wala namang problema sa kanila basta magpaalam lang daw ako sa kanila para alam daw nila ako hahanapin kung hindi man daw ako makauwi ng ilang araw. Tama din naman dahil hindi ko naman alam kung anong mangyayari sa akin sa gala ko. Paano nalang pala kung may biglang mang holdap sa akin eh di tinapos ang buhay ko at tinapon sa kung saan-saan. Kaya dapat talaga magpaalam kung saan pupunta. Malapit ko ng matapos ang pinapanood ko ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Medyo mahina ang pagkatok no’n, sapat na para marinig ko. Kumunot ang noo ko at agad na ibinaba ang laptop sa kama at tinanggal ang kumot na nakatakip sa katawan ko. Inayos ko pa ang sando na suot ko at baka si mommy yun. Baka may ibibilin siya sa akin dahil alam niyang pupunta ako sa Baguio bukas. Lumapit ako sa pinto at agad na pinihit ang siradura at binuksan. Laking gulat ko ng makita ko si Hellion ang bumungad sa akin. Naka hoodie jacket pa talaga siya. Napakurap kurap ako at hindi ako nakapagsalita agad. Bigla na lang akong tinulak ni Hellion papasok ng kwarto saka siya pumasok. Nataranta ako lalo na ng makita kong isinara niya agad ang pinto at nilock pa talaga niya ito. “A-Anong ginagawa mo ditong bata ka? Gabi na ahh..” sabi ko pa at sinusubukan siyang pagalitan. Pasaway talaga ang anak ni ate Ching. Agad niyang tinanggal ang hoodie niya. Napadako ang tingin ko sa labi niya dahil namumula ito. Hindi ko alam kung naglagay ba siya ng lipstick o kung ano pa man. Ngunit natigil ako ng biglang hinawakan ni Hellion ang kamay ko at dinala niya ito sa noo niya. Talagang umuklo pa siya para lang maabot ko at makapa ko. Nanlaki ang mata ko ng makapa ko siya. Ang init niya, inaapoy siya ng lagnat. “Nilalagnat ka. Bakit ka nandito? Dapat ay nagpahinga ka na lamang sa bahay niyo.” Sabi ko sa kanya sa nag aalalang boses. “Hindi ako gagaling sa bahay, tita Alora. Dalawang araw na akong nilalagnat. Sa tingin ko ay ikaw lang ang makakapag pagaling sa akin.” Sabi niya at mabilis akong niyakap. Nagulat ako sa ginawa ng pamangkin ko kaya hindi ako nakagalaw at hindi ko siya napigilan. Sa sobrang init niya ay tumagos pa talaga ito sa suot niyang jacket. Akala ko pa naman ay pinagalitan siya ng mommy niya kaya hindi na siya pumupunta dito sa bahay. Yun pala may sakit. “Mahiga ka na muna sa kama, Hellion.” Sabi ko sa pamangkin ko kaya kumawala siya ng yakap sa akin. Tinitigan naman niya ang mukha ko kaya medyo nailang ako sa uri ng titig niya. “Aalagaan mo na ako, tita Alora?” Tanong pa niya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng isa kong kilay. “Wala naman akong choice eh. Alam ba ng mommy mo na nandito ka sa bahay? Baka naman tumakas ka na naman.” tanong ko upang malaman ko kung hindi ba siya nagpaalam. Baka kasi mag alala ang ate Ching ko. Hindi sumagot si Hellion kaya napabuga ako ng hangin. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya papunta sa kama. Pinaupo ko siya at sumunod naman siya sa gusto ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table upang tawagan si ate Ching. Nakatitig lang si Hellion sa akin. Lumapit pa ako sa kanya upang kapain ang noo niya kung sobrang init ba niya. Ngunit napasinghap ako ng yakapin niya ako at isinubsob pa ang mukha niya sa pagitan ng dibdib ko. “H-Hellion!” Saway ko sa kanya at pilit na tinutulak ang ulo niya dahil nakakailang ang ginagawa niya. Wala pa naman akong suot na bra. Pambihira talaga ang batang ‘to. “Masakit ang ulo ko, tita Alora.” Sabi ni Hellion kaya napatigil ako sa pagtulak sa ulo niya. Sakto naman na sumagot si ate Ching sa kabilang linya. “Hello, Alora..” bati agad ni ate ko sa kabilang linya. “Hi, ate! Alam mo bang umalis ang panganay mong anak?” Tanong ko agad sa kanya. “Oo. Narinig ko na lang ang sasakyan niya pero hindi siya nagpaalam sa akin kung saan pupunta. Sabi ko na nga ba na pupunta dyan sa bahay nila mommy.” Sabi ni ate Ching kaya huminga ako ng malalim. “Nandyan na ba siya?” Tanong pa ni ate. “Opo, ate. Nandito na siya,” tugon ko naman agad. “Dalawang araw na siyang hindi kumakain, Alora. Kahit anong pilit namin ay ayaw talaga niyang kumain. Nong isang araw pa niya ako pinipilit na tawagan ka at papuntahin dito sa bahay pero alam kong gumagala ka kaya hindi ko ginawa. Hindi ko naman alam na tatakas pala siya ngayong gabi. Pakainin mo nga siya, Alora. Baka sakaling makinig sayo. Ikaw na munang bahala sa pamangkin mo ha!” Mahabang sabi ni ate Ching kaya napatango na lang ako kahit hindi naman niya nakikita. Pinatay ko ang tawag at ibinaba na ang cellphone. Nakayakap parin si Hellion sa akin kaya hinaplos ko na lamang ang buhok niya. “Nagugutom ka ba? Gusto mo bang ipagluto kita ng pagkain?” Tanong ko sa kanya. Pinakawalan na niya ako at nag angat siya ng mukha. “Ipagluluto mo ba ako, tita Alora?” Tanong niya sa nanghihinang boses. Para siyang nagpapababy sa akin. “Dalawang araw ka na daw hindi kumakain. Paano ka gagaling niyan kung hindi ka kakain.” Sabi ko at agad na lumayo konti sa kanya. “Dito ka lang at ipagluluto kita ng pagkain mo saka ka iinom ng gamot.” Sabi ko sa kanya kaya tumango siya. Agad akong lumabas ng kwarto para ipagluto na lang muna ng lugaw si Hellion. Nagmadali akong bumaba ng hagdan. Ang tahimik na ng bahay kaya hindi ako gumawa ng ingay. Tinungo ko ang kusina at agad na nagluto ng lugaw. Hindi ko dapat ginagawa ‘to pero ang kulit talaga ng pamangkin ko. Panay talaga ang punta niya sa akin. Nagmumukha tuloy akong nanay niya sa ginagawa niya. Lumipas lang ang 35 minutes ay natapos din ako. Pero bago ako bumalik sa kwarto ay hinugasan ko na muna ang ginamit ko. Kumuha na din ako ng gamot para makainom siya. Hindi ko din kinalimutan ang tubig upang hindi na ako pabalik balik pa. Lumabas na din ako sa kusina dala ang pagkain na niluto ko para kay Hellion. Tinungo ko agad ang hagdan at ingat na ingat na hindi makagawa ng ingay. Nang makarating ako sa kwarto ay naabutan ko si Hellion na nakahiga na sa kama ko at nakapikit ang mga mata. Lumapit na lamang ako sa bedside table at inilapag na muna ang dala ko. “Hellion.. gising ka na muna para makakain ka at makainom ng gamot.” Sabi ko kaya agad niyang idinilat ang mata niya at mabilis na bumangon. Kinuha ko na lang ang pinaglagyan ko ng lugaw at umupo ako sa kama. Susubuan ko na lang siya para mas mabilis. Inihipan ko pa ang pagkain niya saka ko isusubo kay Hellion. Tinatanggap naman niya ito agad. “Sabi ng mommy mo hindi ka daw kumakain. Kahit anong pilit daw nila pero bakit ngayon kumain ka?” Nagtataka kong tanong ko sa kanya. “Luto mo eh. Kaya kakainin ko yan kahit wala akong malasahan.” Sagot niya kaya napanguso ako at sinubuan ko ulit siya ng lugaw. Naubos niya ang niluto ko kaya napangiti ako. Kinuha ko na din ang gamot na dinala ko at pinainom ko ang pamangkin ko. Nang matapos siya ay inayos ko na muna ang pinagkainan niya dahil bukas ko nalang ilalabas. “Matulog ka na, Hellion. Dito na lang ako sa sahig matutulog.” Sabi ko sa kanya. May iba pa namang kwarto dito sa bahay at pwede sana siya do’n. Pero sigurado akong hindi siya lilipat kahit anong gawin kong pilit kaya hindi ko na susubukan. Sumeryoso naman ang mukha ng pamangkin ko. “Malaki naman ang kama mo, tita Alora. Kaya bakit hindi na lang tayo magtabi matulog.” Sabi pa niya sa akin. Hindi naman ako nakasagot agad. “Tabi na lang tayo, tita. Hindi ako maglilikot, promise..” sabi niya sa akin kaya napailing na lamang ako at wala ng nagawa kundi ang sumunod sa gusto niya. Tumabi ako ng higa sa pamangkin ko pero naiilang talaga ako dahil hindi ako sanay matulog na may katabi. Lalaki pa talaga. Pamangkin ko siya pero ewan ko ba, naiilang ako lalo na’t panay ang titig niya sa akin simula ng makauwi ako dito sa Pilipinas. Ayaw ko sana siyang katabi pero tama din naman siya na malaki ang kama kaya hindi naman siguro kami magdidikit. Ngunit nagkamali ako dahil bigla akong hinila ng pamangkin ko papunta sa kanya at niyakap dahilan upang hindi ako makagalaw at hindi makahinga sa lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito eh pamangkin ko lang naman sana siya at anak siya ng ate Ching ko. Kaloka talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD