Chapter 6
Alora’s Pov
ILANG linggo ng pabalik balik ang pamangkin ko dito sa bahay nila mommy at daddy. Dito na siya halos tumatambay kaya pati tuloy si ate Ching ay nagtataka kung ano ba daw ang ginagawa ng panganay niya.
Tinawagan pa niya ako nong isang araw at tinanong niya ako. Sinabi ko naman kung ano ang sinabi ni Hellion sa akin. At yun ay mahina ang internet sa bahay nila. Nagtaka naman si ate Ching dail hindi naman daw mahina ang net nila. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil yun naman kasi ang sinasabi ni Hellion.
Wala din naman siyang ginagawa kundi ang bantayan ako habang nagbabasa siya ng libro o di kaya ay tanungin ako kung bakit daw ako nakangiti lalo na kapag nakatuon ang atensyon ko sa phone ko.
Tinamad ako sa bahay tumambay ngayong araw kaya naisipan kong lumabas. Kanina pa ako dito sa salon at pinapaganda ang kuko ko sa paa. Hindi ko kasi masyadong nagagawa ito sa Paris dahil busy ako masyado. Wala ng oras para mag me time.
Kaya habang nandito ako sa Pilipinas ay susulitin ko talaga. Nagpaayos din ako ng buhok ko kanina. Tanging kuko na lang ang kulang pero malapit naman na din matapos.
Balak kong pumunta sa isang mamahaling coffee shop dito para tumambay na muna do’n ng ilang oras saka ako uuwi sa bahay. Gusto ko hapon na ako uuwi sa bahay.
Ilang sandali pa ay natapos na din ang babae sa paglilinis ng kuko ko. Napasalamat naman ako sa kanya at agad na tumayo para magbayad. Pumunta ako sa counter at agad na binayaran ang ginawa sa akin ngayong araw. Nagbigay na din ako ng tip para sa dalawang babae na nag asikaso sa akin.
Lumabas na din ako sa salon. Sakto naman na nag ring ang phone ko kaya agad ko itong tinignan kung sino ang tumatawag. Sinagot ko ang tawag niya at baka importante. First time kasing tumawag ang pamangkin ko na si Hellion sa akin. May phone number na kasi ako sa kanya dahil nga sa hiningi niya. Hiningi ko din sa kanya dahil ayaw kong may nag te-text o tumatawag sa akin na unknown number. Okay lang din naman kung hingiin niya ang phone number ko lalo na’t pamangkin ko naman siya. Wala namang masama do’n.
Nang masagot ko ang tawag niya ay agad kong itinapat ang phone ko sa kaliwa kong tenga. “Hello..” bati ko agad sa pamangkin ko.
“Where are you, tita Alora?” Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako sa kanya. Palagi na lang kasi kaming magkasama. Pakiramdam ko ay magkakapalitan na kami ng mukha ng pamangkin ko dahil sa ginagawa niya.
Naisip ko na lamang na magsinungaling upang hindi na muna niya ako guluhin. “Nasa bahay ako ng kaibigan ko, pamangkin. Busy muna si tita kaya mamaya na lang ha!” Sabi ko habang nakangiti pa.
“Friend?” Dinig kong sabi ni Hellion.
“Oo, kaibigan. Kaya sige na, may gagawin pa kam— ayy kabayo ka!!” Sigaw ko sa sobrang gulat ng may humila sa cellphone ko mula sa likuran ko.
Mabilis akong lumingon upang pagalitan ang humila sa phone ko. Laking gulat ko ng makita ko si Hellion. Naka school uniform pa talaga siya.
Napakurap kurap ako at hindi makapaniwala na nandito siya sa harapan ko. Tinaasan pa niya ako ng isa niyang kilay kaya napangiwi ako.
“H-Hi, pamangkin!” Nauutal ko pang bati sa kanya.
“Akala ko ba nasa bahay ka ng kaibigan mo, tita.” Aniya kaya mas lalo akong napangiwi.
“Ahm.. ang ibig kong sabihin ay papunta ako sa bahay ng kaibigan ko. Nagkamali lang ng sabi si tita.” Sagot ko sa kanya.
“Teka.. tapos na ba ang klase mo? Bakit nandito ka sa mall?” Pag iiba ako sa usapan.
“Sabi ni manang ay lumabas ka daw at pumunta ng mall. That’s why I’m here.” Sagot niya kaya napakagat ako sa ibaba kong labi. Si manang pala ang nagsabi. Nagpaalam kasi ako kanina na aalis ako at sinabi ko kung saan ako pupunta in case na tatawag si mommy at hanapin ako kay manang. Hindi ko naman alam na iba pala ang maghahanap sa akin.
“Ahh.. okay. Pero bakit sumunod ka pa dito? Bakit hindi ka na lang umuwi sa bahay niyo at magpahinga.” Sabi ko at inagaw ang cellphone ko na hawak niya. Pasaway talaga na bata ‘to.
“I want to be with you, tita Alora.” Sagot niya at nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko. Pinagsiklop pa niya ang kamay namin dalawa kaya halos bumilis ang t***k ng puso ko na hindi ko maintindihan.
Sinubukan ko pang hilain ang kamay ko na hawak ng pamangkin ko ngunit mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Natuon ang tingin ko sa kamay namin dalawa.
“Bakit mo naman hinawakan ang kamay ko?” Tanong ko sa kanya.
“Ang lambot ng kamay mo,” yun lang ang sagot niya at hinila na niya ako. Nagpatianod naman ako sa kanya. “Saan mo gustong pumunta, tita?” Tanong niya sa akin habang naglalakad parin kami.
“Gusto kong pumunta ng coffee shop sana eh,” pagsasabi ko sa plano ko.
Hindi naman siya sumagot at hinila na naman ako. Nagpatianod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang coffee shop. Walang masyadong customer kaya napangiti ako.
Kaagad kaming pumasok ni Hellion at tinungo ang table na hindi masyadong nadadaanan ng mga tao. Pinaghila na naman ako ng pamangkin ko ng upuan.
Pinaupo niya ako kaya nag thank you na naman ako sa pagka gentleman niya. “Anong gusto mo, tita?” Tanong niya sa akin.
“Gusto ko ng frappuccino, pamangkin. Dark mocha.” Sagot ko agad kaya tumango tango naman siya.
Mabilis siyang umalis sa harapan ko at tinungo ang counter. Napansin ko pa na pinagtitinginan ng ibang customer si Hellion. Mga estudyante din yata na kilig na kilig sa kanya. Paminsan minsan ay tinitignan nila ako. Baka kung ano na ang iniisip nila lalo na’t magka holding hands pa naman kami ni Hellion na pumasok sa loob ng coffee shop.
Akala yata nila girlfriend ako ng binata. Gusto ko sanang magpaliwanag pero naisip ko na wag na lamang. Lalakasan ko nalang mamaya ang pagtawag ko kay Hellion na pamangkin para marinig nila.
Ilang sandali pa ay bumalik si Hellion sa tabi ko. Dalawa lang ang chair sa table na ‘to kaya wala siyang choice kundi ang umupo sa katapat kong upuan.
“Nga pala, tumawag sa akin ang mommy mo at tinanong niya ako kung ano ba daw ang ginagawa mo sa bahay.” Sabi ko upang malaman niya.
Hindi naman siya nagsalita at nakatitig naman sa akin. “Nagpaayos ka ng buhok, tita?” Tanong niya at hindi man lang pinansin ang sinabi ko.
“Oo. Pero sinabi ko sa mommy mo na kaya ka pumupunta sa bahay ay mahina ang internet niyo. Sabi ng mommy mo hindi naman da—”
“Ang ganda-ganda mo, tita.” Sabi niya na pinutol ang sasabihin ko. Titig na titig pa siya sa mukha ko. Pambihirang bata ‘to, dinadaan ako sa pagsabi na maganda ako eh matagal ko namang alam na maganda ako.
“Nakikinig ka ba sa sinasabi ko, Hellion?” Tanong ko at pinaningkitan siya ng mata ko.
“Yes. Ngunit wala naman akong pakialam kung magalit man si mommy.” Walang buhay niyang sagot.
Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit siya panay ang punta sa bahay nila lola. Sabi kasi ni ate Ching ay halos magmakaawa daw sila sa t’wint niyayaya nilang isama si Hellion sa bahay nila mommy at daddy. Pero ngayon daw ay palagi na daw pumupunta. Ang sabi pa nga ni ate Ching ay napapalapit daw si Hellion sa akin kaya siguro daw panay ang punta. Pero mas okay na din daw yun kaysa sa palaging magkulong sa kwarto niya.
Para kay ate, okay siya. Pero pa sa akin hindi okay. Paano ba naman kasi.. para akong binabantayan niya. Pati kung sino ang nag chat sa akin ay tinatanong agad ako. Nagtataka talaga ako dito sa pamangkin ko. Halos araw-araw siyang pumupunta sa bahay at ang unang hahanapin niya ay ako at hindi ang lola at lolo niya.