Chapter 5

1604 Words
Chapter 5 Alora’s Pov NANDITO lang ako sa bahay at wala akong balak na lumabas. Gumala na kasi ako kahapon kasama si Hellion. Nakabili naman ako ng gusto kong damit kahit pa nga kasama ko siya. Hindi naman kasi nagreklamo ang pamangkin ko kahit pa nga panay ang sukat ko ng damit. Siya kasi ang tinatanong ko kung bagay ba sa akin o hindi. Kapag sinabi niyang bagay ay binibili ko pero apat lang ang nagustuhan ko sa mga pinili ni Hellion. Paano ba naman kasi.. yung mga damit na sinabi niya ma bagay sa akin ay blouse na maayos talaga. Yung mahahaba ang manggas. Hindi hapit sa katawan. Ewan ko ba kay Hellion, wala yata siyang taste pagdating sa fashion. Buong umaga ay nasa kwarto lang ako. Alam ko naman kasing umalis na sila mommy at daddy. Matatanda na sila pero todo work parin. Si ate Ching ang kasama nila lalo na’t siya naman ang magmamana no’n lahat. Lumipas pa ang ilang oras ay naisipan ko ng lumabas ng kwarto. Kumakalam na din kasi ang sikmura ko. Hindi na muna ako nagpalit ng damit. Wala namang ibang tao dito sa bahay. Kaya ayos lang kung wala akong suot na bra. Naka spaghetti strap sando lang kasi ako at cotton short na black na sobrang ikli. Mamaya pa kasi ako maliligo pagkatapos kumain. Nang makalabas ako ng kwarto ay agad kong tinungo ang hagdan. Panay pa ang tingin ko sa kabuuan ng bahay dahil ang tahimik. Bumaba ako ng hagdan. “Manang..” tawag ko sa katulong nila mommy. Dalawa ang katulong dito pero yung isa ay nag day off ngayong araw. Pinayagan naman nila mommy dahil birthday ng anak nito. Binigyan din ni mommy ng pera si yaya para may pang gastos. Kaya dalawa lang kami ni manang dito. “Manang..” tawag ko sa kanyang muli dahil hindi siya sumasagot. Papunta na sana ako sa kusina ng biglang lumabas ang pamangkin ko mula sa kusina. Nagulat pa ako ng makita ko siya dahil hindi ko alam na nandito siya sa bahay. “H-Hellion.. anong ginagawa mo dito?” Tanong ko pa at halos nautal pa. Hindi agad nakasagot ang pamangkin ko. Bumaba ang tingin niya sa suot ko hanggang sa napadako ang tingin niya sa dibdib ko. Naalala ko na wala nga pala akong suot na bra kaya agad akong tumagilid at kunwaring pinagkrus ang braso ko sa harap ng dibdib ko upang hindi niya makitang bakat ang u***g ko. Pambihira naman kasi ‘to si ate Ching, hindi man lang niya sinabi na pupunta dito ang anak niya para nakapagbihis man lang ako. “Anong ginagawa mo dito? Linggo ngayon diba?” Tanong ko pa. Kasi naalala ko kagabi na may aayusin sila mommy at daddy sa kompanya kaya sa hapon na lang daw magsisimba. Kaya malamang ay wala din ang mommy at daddy ni Hellion. “Mahina ang internet sa bahay, tita Alora.” Sabi ng pamangkin ko kaya napakurap kurap ako. “Mahina? Paanong mahina? Impossible naman yata ‘yun.” Sabi ko pa sa nagtatakang boses. “Dito na muna ako. May ginagawa kasi akong research. I need a good internet connection.” Sabi niya kaya napatango tango ako. “Ahh.. okay. Sige, dito ka na muna. Kumain ka na ba?” Tanong ko sa kanya. Umiling siya. “Hindi pa, tita Alora. Pero nakapagluto na ako.” Sagot niya na ikinakunot ng noo ko. “Ha? Nakapagluto ka na? Ikaw ba ang nagluto?” Tanong ko at agad na naglakad papasok ng kusina. Nilagpagsan ko lang ang pamangkin ko. Nadatnan kong nakaayos na ang table. May plato, kutsara at tinidor na. May baso na din at nakasandok na ng kanin at ulam. “Wala si manang, tita Alora. May bibilhin muna daw siya sa pharmacy.” Sabi ni Hellion na sumunod sa akin sa kusina. Yung boses niya ay sobrang lapit sa akin. Agad akong humarap kay Hellion ngunit laking gulat ko dahil sobrang lapit niya sa akin. Napaatras tuloy ako ng bahadya upang makalayo ako ng konti. “Ibig sabihin.. kanina ka pa nandito sa bahay?” Tanong ko sa kanya. Tumango siya. “Hindi ka pa daw kasi gising sabi ni manang. Kaya hindi na siya nakapagpaalam sayo at sa akin na lang niya sinabi na may bibilhin daw po siya.” Sagot ng pamangkin ko habang titig na titig sa akin. Umaalon pa ang adams apple nito kapag nagsasalita siya. “Okay. Kain na tayo!” Pag aaya ko sa kanya. Tumango naman siya at agad na tumalima. Inunahan na naman niya ako hilain ang upuan. Ngumiti lamang ako sa kanya at agad na umupo. Tumingin pa ako sa ulam na nakahanda. “Si manang ba ang nagluto o ikaw?” Tanong ko kay Hellion. Umupo naman siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. “Ako ang nagluto, tita.” Sagot niya sa mahinang boses. “Oh, marunong ka pala magluto, pamangkin. Grabe na talaga! Napakaswerte talaga ng magiging girlfriend mo kung sakali man na makahanap ka. Pero sa ngayon, wag ka munang mag g-girlfriend ha! Alam mo naman na mataas ang pangarap ni mommy mo sayo. Kaya mas mabuting makinig ka sa kanya.” Sabi ko sa pamangkin ko. Hindi naman siya sumagot. Kinuha lang niya ang serving spoon at naglagay siya ng kanin sa plato ko. Napangiti na lamang ako sa ginagawa niya. “Alam mo.. nainggit ako sa mommy mo. Hindi naiingit dahil sa mayaman siya ha! Pero naiinggit ako dahil may anak na siyang binata. Tama din talaga ang sinabi niya sa akin dati na dapat daw ay mag anak ako ng maaga. Bahala na daw kung anong sasabihiin ng iba para daw pagdating ng edad kong 40 ay may binata na ako.” Sabi ko pa kaya natigilan si Hellion at talagang napatingin sa akin. Napansin ko naman na nagsalubong ang dalawang makakapal niyang kilay. Para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. “Bakit? May nasabi ba akong mali, pamangkin?” Tanong ko saka ngumuso. “Matanda na si tita, Hellion. 28 na ako pero wala pa akong boyfriend. Tapos ang lakas kong mangarap magkaroon ng anak. Malapit na akong magpaalam sa kalendaryo kaya dapat yata ay humanap na ako ng boyfriend. Dapat talaga ay nakinig ako sa mommy mo.” Sabi ko pa saka kinuha ang kutsara para tikman ang niluto ng pamangkin kong pogi pero ang sungit ng mukha. Nang matikman ko ang niluto niyang kare-kare ay napatango tango ako dahil in fairness masarap ang luto niya. Diyos ko! Bakit naman ginawang perfect ‘tong pamangkin ko. Wala na tuloy akong maipintas sa kanya. “Ang sarap..” sabi ko pa. Nilingon ko naman ang pamangkin ko na titig na titig parin sa mukha ko. “Kain na tayo, Hellion.” Sabi ko habang nakangiti. Nagsimula na akong kumain. Siya naman ay kumain na din. Ilang sandali pa ay dumating din naman si manang. Niyaya ko pa siyang kumain ngunit mamaya na lang daw siya kakain. Natapos na kaming kumain ni Hellion kaya bumalik muna ako sa kwarto ko para kumuha ng malaking tshirt at para kunin na din ang phone ko. Nang makuha ko ang phone ko ay bumalik din ako sa sala dahil nando’n ang pamangkin ko. Ang pangit naman kasi kung nasa kwarto parin ako habang siya ay nasa sala lang. Nadatnan ko siyang nagbabasa ng libro at nakaupo sa mahabang sofa. Ako naman ay umupo sa tabi niya. Tahimik lang ako at ipinatong ang dalawa kong paa sa upuan at nag cellphone. Sakto naman na may nag chat sa akin. Kaibigan ko sa Paris. Kasamahan ko siya sa work na pinay din. Namiss yata niya ako kaya nag chat sa akin. Mabilis ko namang nireplayan ang kaibigan ko. Nagpapalitan kami ng chat at natawa ako ng mahina ng asarin niya ako na maghanap ng boyfriend. May boyfriend kasi siya at dahil sa gusto niyang matapos ang pagiging single ko ay pinakilala pa niya ako sa kaibigan ng boyfriend niya at baka daw magustuhan ko. Kaso mahangin ang lalaki kaya hindi ko na chinat pang muli. “Sino ka chat mo, tita?” Biglang tanong ng pamangkin ko. Hindi ko man lang namalayan na nakaharap pala siya sa akin at hindi na siya nagbabasa ng libro. “Ahm.. kaibigan ko.” Sagot ko at ibinalik ang tingin sa screen ng cellphone ko dahil nag chat muli ang kaibigan ko. Napansin ko naman sa gilid ng mata ko na tumayo si Hellion sa kinauupuan niya kaya hindi ko na pinansin at baka pupunta ng kusina. Ngunit naramdaman kong nasa likuran ko siya palakad lakad kaya agad ko siyang nilingon. Agad pa siyang nag iwas ng tingin sa akin ng lumingon ako at pabalik balik lang siyang naglakad. Ibinalik ko na lamang ang tingin sa phone ako at ngumiti ako habang ka chat siya. Ilang sandali pa ay umupo ulit si Hellion sa tabi ko kaya napalingon na naman ako sa kanya dahil para siyang bulate na inasinan. “Lalaki ba yang ka chat mo, tita?” Tanong niya sa seryosong boses. “Hindi, babae ‘to. Bakit?” Balik tanong ko sa kanya. Agad naman naglaho ang inis sa mukha niya at para bang umaliwalas ito ng malaman niyang babae ang ka chat ko. Bumalik siya sa pagbabasa at hindi na niya ako pinakialaman pa. Napanguso na lamang ako at ibinalik ang tingin sa phone ko. Ayaw yata akong magka jowa ng pamangkin ko eh samantalang ang mommy niya ay parang gusto na akong ilako para lang mabenta sa mga lalaki at makahanap na ako ng jowa. Magkaiba nang gusto ang mag nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD