Chapter 4

1525 Words
Chapter 4 Alora’s Pov NANDITO kami sa mall ng pamangkin ko at una naming ginawa ay pumasok sa isang book store. Gusto ko siyang bilhan ng books kaya yun ang una naming pinuntahan. “Pumili ka na, pamangkin. Akong bahala magbayad,” saad ko sa pamangkin ko na tumingin sa akin. Hindi naman siya nagsalita at ibinalik ang tingin sa mga naka display na libro. Napangiti ako ng lumapit siya do’n at nagsimulang pumili ng books na gusto niya. Hinayaan ko lang siya na mamili muna. Ako kasi ay hindi mahilig sa books kaya hindi na ako bibili ng para sa akin. Iba kasi ang gusto kong bilhin. Inuna ko na munang dalhin si Hellion sa book store para naman hindi siya mainip sa paghihintay sa akin mamaya. Nakapili na ang pamangkin ko. Ang bilis niya. Hindi niya ako pinaghintay ng matagal. Kaagad akong pumunta sa counter para mabayaran na ang pinili niyang libro. Nang mabayaran ko ito ay ipinasok ng babaeng cashier ang libro sa paper bag. Inabot niya yun sa akin ngunit kinuha agad sa akin ng pamangkin ko ang paper bag. Napangiti ako sa cashier saka ko hinawakan si Hellion sa braso. “Halika na, pamangkin.” Pag aaya ko sa kanya. Hindi naman umangal si Hellion at hinayaan lang niya ako na humawak sa kanya. “Balita ko varsity player ka daw sabi ng mommy mo. Ang galing-galing mo naman,” papuri ko sa pamangkin ko at hinaplos ang buhok niya. “Bagay naman sayo dahil ang tangkad mo. Sigurado akong maraming mga babae ang naghihiyawan kapag ikaw na ang may hawak ng bola.” Nakangiti kong sabi sa pamangkin ko. Tumingin naman siya sa akin. “Hindi ka na ba aalis ng Pilipinas, tita Alora?” Tanong niya at hindi man lang pinansin ang mga sinabi ko. “Hmm.. three months lang ang bakasyon ni tita, pamangkin. Nasa Paris na ang buhay ko ngayon kaya tanging magagawa ko na lang ay ang magbakasyon dito sa Pilipinas. Bakit?” Tanong ko sa kanya. Ngunit hindi naman siya sumagot kaya bumuntong hininga naman ako. Hinila ko nalang si Hellion sa isang store. Mga damit. Kanina ko pa gustong pumasok dito pero inuna ko na muna siya. Nang makapasok kami ni Hellion ay agad akong nagtingin tingin ng mga damit. Hinayaan ko muna si Hellion na nakatayo lang sa tabi ko. May kinuha akong isang hanger na may kulay purple na blouse. Ang ganda ng pagkaka purple niya. Gusto ko yung kulay pero hindi ko bet ang style. Kakainis! Ibinalik ko na lamang ang damit at naghanap pa ako ng ibang design. May nahagip naman ang gilid ng mata ko na nakatayo sa gilid. Nilingon ko ang lalaki at kinindatan ba naman ako. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya. Napansin ko naman na may kasama siyang babae na maganda. Katulad ko ay namimili din siya ng damit. Girlfriend yata niya pero may pakindat kindat pang nalalaman sa akin. Kadiri talaga ang mga lalaking may jowa na nga, nakuha pang lumandi. Kaya ayaw kong mag boyfriend eh. Sakit lamang sa ulo. “What's wrong?” Bigla ba namang humarang ang matangkad kong pamangkin sa tinitignan ko kaya hindi ko nairapan ang lalaking kumindat sa akin. “Why are you looking at that guy?” Tanong niya sa akin kaya napakurap kurap pa ako ng ilang beses. Magkasalubong kasi ang kilay ni Hellion. Yung mata niya ay para bang galit. “Ahm.. kinindatan kasi ako ng lalaking yun. Iirapan ko sana kaso humarang ka naman.” Pagsasabi ko ng totoo. Mabilis naman na lumingon si Hellion sa gawi ng lalaki kaya agad napayuko ang lalaking kumindat sa akin dahil lang sa nilingon ni Hellion. Hindi ko alam kung anong ginawa ng pamangkin ko. Pero parang hindi komportable ang lalaki at nagmamadaling lumapit pa sa girlfriend niyang busy namimili ng damit. “Halika na, Hellion. Wala akong nagustuhang design dito.” Sabi ko sa pamangkin ko. Lumingon siya sa akin muli at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa ng pamangkin ko. “B-Bakit mo hawak ang kamay ko?” Naguguluhan ko pang tanong. “Bakit? Hindi ba pwedeng magka holding hands ang mag tita?” Pabalik niyang tanong sa akin. “Ahm.. pwede naman. Tita mo naman ako eh,” sagot ko dahil napaisip din ako. Siguro dahil sa mas malaki na siya kaysa sa akin kaya ako nailang kanina. Hinayaan ko na lamang ang pamangkin ko na hawak ang kamay ko. Pinipisil pa niya ito minsan. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko na para bang takot na takot mawala ako sa tabi niya. Biglang kumalam ang tiyan ko. Narinig pa nga yata ni Hellion. “Hindi ka pa kumakain, tita?” Tanong niya sa akin. Umiling ako. “Late na akong nagising kanina. Naparami kami ng inom ng mommy mo kaya nalate ako ng gising.” Pagsasabi ko ng totoo. Bumuntong hininga naman siya at agad niya akong hinila sa kung saan. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Nagpatianod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang open area na restaurant. Kaagad kaming pumasok. Naghanap pa ng table ang pamangkin ko. Nang makahanap siya ay agad kaming lumapit sa bakanteng table. Pinaghila pa niya ako ng upuan. Napaka gentleman talaga ng pamangkin ko. Umupo ako at nagpasalamat sa kanya. Tumingin pa ako sa paligid dahil medyo maraming kumakain. Hinila naman ni Hellion ang upuan na nasa tabi ko saka siya umupo. Akala ko pa naman ay uupo siya sa katapat na upuan. Mukhang mas gusto niyang katabi ako. “Madalas ka ba dito?” Tanong ko sa pamangkin ko. “No, tita Alora.” Sagot naman niya at kinuha ang menu na nasa table. Pinagmasdan ko lang ang kamay niya dahil lalaking lakaki. Maugat pero maputi ang pamangkin ko. “Ikaw ng bahalang mag order, Hellion. Basta gusto ko ng coke.” Bilin ko sa kanya. Kinuha ko na lamang ang cellphone ko na nasa sling bag ko. Kailangan ko lang i-text si ate Ching na nandito kami ni Hellion sa mall para naman alam niya. Ilang sandali pa ay tinawag na ni Hellion ang waiter at agad na umorder. Nang makaorder siya ay umalis na ang waiter sa harapan namin. Nag scroll na muna ako sa social media account ko habang hinihintay na dumating ang inorder niya. Ngunit napansin ko na nakatitig siya sa akin kaya mabilis ko siyang nilingon. “Bakit nakatitig ka na naman sa akin?” Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya. “Sino ka text mo?” Tanong niya pabalik. “Ahh.. mommy mo. Sinabi ko lang na nasa mall tayo.” Nakangiti kong sabi. Biglang may kinuha si Hellion mula sa bulsa ng pantalon niya. Cellphone pala niya. Inabot niya sa akin yun kaya nagtaka naman ako. “A-Anong gagawin ko sa phone mo?” Tanong ko pa sa binata. “Pwede bang i-save mo ang phone number mo sa phone ko, tita?” Tanong niya kaya tumango ako. “Sige,” pagpayag ko at agad na kinuha ang phone niya. “Balita ko wala kang social media. Hindi pala kita makakamusta kapag bumalik na ako sa Paris. Dapat may social media ka. Lahat naman yata ay meron no’n. Pero kung maisipan mo mang gumawa i-searcho lang ang name ko ha!” Sabi ko pa at pinakita sa kanya ang social media account ko. Hindi na nakasagot ang pamangkin ko ng biglang dumating ang inorder niyang pagkain. Agad akong natakam sa mga pagkain. Meron din akong coke kaya yun agad ang kinuha ko. Binuksan ko ang can ng coke pero hindi ko magawa dahil wala akong masyadong kuko. Nakita yata ni Hellion na nahihirapan akong buksan ang coke ko kaya inagaw niya ito mula sa akin at agad na binuksan. “Thank you, Hellion.” Pagpapasalamat ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at nilagyan pa niya ng pagkain ang plato ko. Naalala ko na naman tuloy ang ginawa niya nong dinner. “Ang swerte ng magiging girlfriend mo, pamangkin. Panalong panalo siya sayo.” Sabi ko pa at ini-imagine na magkaroon ng girlfriend ang pamangkin ko. Ang ganda kasi ng pagpapalaki nila ate Ching at ni kuya Paul kay Hellion. Napaka green flag kaya sigurado akong napakaswerte ng magiging girlfriend niya. Nagsimula na akong kumain. Ang sarap ng pagkain. Naiinis pa ako sa buhok ko kaya si Hellion ay hinawi ang buhok ko upang hindi humarang. Panay pa ang sulyap ni Hellion sa akin. Minsan ay sinusubuan din niya ako kapag may gusto siyang ipatikim sa akin. Siguro ang mga iniisip ng iba ay mag jowa kami ni Hellion. Ang hindi nila alam ay tita pala ako at pamangkin ko siya. Panay ba naman ang subo ni Hellion sa akin. Ako naman ay nagpapasubo din. Hayaan ko na kung anong iisipin ng iba. Alam naman namin ni Hellion kung anong relasyon namin dalawa. A/N: Sa mga bagong nagbabasa dito kay tita Alora at Hellion.. palambing po, pa add po sa library upang mag notif bawat update. Para malaman niyo po kung may update na o wala pa. Salamat po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD